• Leah's Real Life Stories

Vanessa's Story: CHAPTER TWO

Updated: Mar 26


Leah, nakarating sa parents ko ang nangyari sa akin. Gaya ni Luke ay galit na galit din ang mga ito but they didn’t have much time to process their anger because they have to bring me to the hospital.


Hindi naman ganun kalala ang nangyari sa arm ko, they just made me wear an arm cast, nothing serious. It’s just that kinailangan kong magstay muna sa bahay to rest.


Naiwan nga ako sa bahay mag-isa at maaga ring umalis nun ang parents ko. Magkaiba sila ng trabaho but they went to the same direction that day. Isa lang ang tumakbo sa isipan kong pupuntahan nila, sa school.


At hindi nga ako nagkamali,Leah, dahil pag uwi nila ay dala-dala nila ang balita na na-suspend daw ang sampung kaklase ko na nanakit sa akin.


Tutulog na sana ako nang bigla ulet sumagi sa aking isipan ang mga pangyayari at kasunod nun, ang aking pagkatakot… at the same time ang mga yakap ni Luke, mga mahihigpit na yakap, at mainit na pakiramdam ng kanyang katawan against mine… napayakap na lamang ako sa aking unan at hindi ko na namalayan, dinalaw na pala ako ng antok at tuluyan na akong nakatulog.


Kinabukasan, papasok na ako sa school nang bumungad sa akin si Luke na nakatayo sa labas ng gate namin at mukhang may hinihintay. Tatanungin ko pa sana siya kung sino ang hinihintay niya nang magreklamo siya kung bakit raw ang tagal ko.


Yes, ako yung hinintay niya and we walked together papunta sa school. Ewan pero after I saw his concern and after the tight embrace we shared, biglang nagsubside yung bagyo na humahagupit sa sistema ko everytime nakikita at naririnig ko siya.


For the first time, we survived a minute without throwing balls of fire to each other.


Hinatid ako ni Luke hanggang sa classroom namin. Alam ko noon na head over heels ang mga kaklase kong babae sakanya noon kaya nung pumasok siya sa room ay sobrang kinilig ang mga malalanding kaklase ko.


Pinaupo ako ni Luke sa upuan ko and suddenly, he made a show by running his hand through my hair tapos sinabing, “see you later.”


I didn’t know what’s with that stupid gesture kaya hindi ako kaagad nakasagot. Pero I came to realize it nang wala ng naninigaw sa akin at wala na ring nagtangkang saktan pa ako. Sa halip ay bigla silang naging mabait sa akin.


Mula noon, madalas na akong napapangiti dahil for that very first time na hinatid ako sa klase, nasabi ko sa sarili ko na meron din pa lang silbi ang damuho kong kapitbahay.


And true to his words, nung uwian na ay andyan na siyang nakaabang sa akin. At iyon, sabay kaming umuwi.

Iyon na siguro ang unang beses na magkasama kami na hindi nagbangayan. Tahimik lang kaming naglalakad nun hanggang sa bigla siyang mag-open up sa classroom nila.


Ang kwento niya nakaka-stress daw magstay sa isa sa mga highest section dahil nga sa sobrang competent nung mga kaklase siya na gagawin ang lahat maging top lang. Sabi niya may mga moment pa na mangongopya ang mga ito at alam ko nun na hate na hate ni Luke ang mga cheaters.


Well, ang sabi ko naman, mas tolerable siguro yung mga cheaters makatop lang kaysa naman sa Jurassic park na classroom at mga bully na kaklase.


Sa sinabi kong iyon ay biglang napahinto sa paglalakad si Luke at ganun din ako. Muli ay nasilayan ko ang pagkaseryoso ng mukha niya, I don’t know if it has something to do with what I said. Pero, Leah, eishh talaga, bakit ang cute na nyang tignan sa seryoso nyang mukha..? bakit…?


So ayun nga, nakatitig siya sa akin nun at saka niya ako pinag-promise na tawagan siya kapag mangyayari ulit yung nangyari sa akin. I was about to say na no need, dahil hindi na iyon mauulit pa, pero he insisted. I don’t like depending on someone Leah, lalong lalo na kung si Luke ito.

Pero nang makita ko ang sinseridad atconviction sa kanyang mga mata, kusa na lamang tumango ang aking ulo, and right there, gumuhit ang isang ngiti sa kanyang labi. Sigurado ako dahil hindi ako kumurap nung mga segundong iyon.


Honestly Leah, Luke has a beautiful smile. Meron syang cute pair of dimples sa corners ng kanyang mouth. Bihira lang siya ngumiti, pero kapag ginawa niya, madadala ka at mapapangiti na rin.


Right there and then, sabay na kaming pumasok sa school at sabay na din umuwi, dahil nga magkapitbahay lang kami, Leaha.And that sudden change of scenario is somewhat unbelievable dahil Luke and I were basically born to kill each other. Pero yun nga,dahil sa mga concerns and cares nya, mga gestures and looks of appreciation toward me, at mga pagbitiw nya ng kanyang mga promises, at… paghaplos ng aking buhok, little did we know, we became best of friends na pala.


Sa kasasama ko sakanya, kahit man gusto kong itanggiay na nahawaan niya ako sa pagiging studious niya. Si Luke kasi majority of his time ay nakalaan sa pagrereview at dahil nga sa lagi na kaming magkasama nun at lagi na rin siya sa bahay at ako sa bahay nila, na-adopt ko yung study habit niya.


Kitang kita ang ebidensiyaLeah dahil nung magsecond year ako, napromote ako ng section. Half of me was so happy to get out from that kasumpa sumpang section like one of our subject teachers used to say. Yung half, imbyerna dahil the promotion left me with no choice but to be stucked with Luke, bagay na malamang pasimple niyang iasar sa akin.


I hated it so much that I have to live with the idea na I will be spending my entire high school years with his pang- aasar. And, I hated him the more for making me love every moment of it. Ano ba yan Leah, nagugustuhan ko na ang mga pang aasar nya, ang weird talaga.

From being enemies, we became best of friends. Siyempre hindi pa rin nawawala yung mga away, pero this time it’s kinda playful na at hindi na gaya nung dati na kulang na lang ay magsuntukan na kami.


Kung nung elementary, laging nangungunsumi ang guro namin sa amin, nung high school laging natutuwa. Kasi hindi na lang bangayan ang nagagawa namin noon kundi ang magpataasan na ng mga scores.


Dun ko narealize Leah na hindi lang pala basta talino lang ang kailangan, kailangan din ng discipline and hard work when it comes to attaining high scores.


They say grades are just numbers and it doesn’t tell who you are. Actually, it does. As I’ve said attaining high grades ay hindi lang puro talino, let’s sayyou have a high IQ pero lagi kang nage-escape tapos hindi nakikinig sa teacher, sa tingin mo makakakuha ka ng high grades? No, right?


Getting high grades is more on self discipline and hardwork. Kailangan mong pag-igihan ang pag-aaral at kailangan mong magbasa nang magbasa. I guarantee you, kapag ito ginawa mo paniguradong line of 9 lahat ng grades mo.


So grades are not just numbers, it represents character. It tells how hard working, disciplined, and dedicated a student is. Dahil hindi ka makakakuha ng mataas na grado kung natulog ka lang at nagwalwal.


Kaya it’s all about hardwork at ganun nga ang naging impluwensiya sa akin ni Luke and so we spent our time together studying and nothing stopped us in attaining our dreams and goals…together.


Lagi kong gustong talunin si Luke nung mga bata kami bagay na na-carry ko sa high school. I always love the feeling of grinning at him while wiggling my eyebrows just to tease him and I love it even more kapag nakikita kong nagsa succeed ako sa pang aasar sa kanya.


Nung napromote nga ako ng section at magkaklase na kami ni Luke, doon ko nakita na totoo nga pala ang sinasabi ni Luke na para lang makakuha ng mataas na grado ay magchi-cheat na ‘yung iba.


Gaya ni Luke, that’s a big no to me, too. Kung honor student ka you have to deserve it, kailangan mong paghirapan. But we couldn’t do anything, besides I didn’t care much about them dahil ang goal ko lang naman noon ay talunin si Luke.


Ewan ko kung nakatulong ba yung presensiya ko dahil hindi na rin masiyadong ini-stress ni Luke ang sarili niya dahil na rin sa siguro magkapareho kami ng gusto, ‘yun ay ang magpataasan ng score.


Given na yung IQ niya, matalino na talaga siya noon pa at saka mahilig pa magbasa, pero of course hindi ako nagpatalo sakanya. Kung siya binasa niya lang once yung reviewer nakuha na niya, ako kailangan kong mag doble kayod because I always love winning Leah but nothing makes me even happier when I see from Luke’s face that I won.

We graduated high school na pareho kaming with honors. Wala akong pakialam nun kung may honor man ako o wala, ang gusto ko lang talaga ay makipagkompitensiya sa best friend ko.


After nung graduation ceremony namin noon, hinarang ko si Luke and while grinning at him, iwinagayway ko sa kanyang mukha yung mga medals and certificate ko.


Akala ko maaasar na naman siya kasi yun naman talaga yung rason ko kung bakit ko yun ginawa. Pero imbis na bigyan niya ako ng isang pangmalakasang pag ikot ng mata, ang ibinigay niya sa akin ay isang tawa.


Yung kamay niya biglang naglanding sa buhok ko na noon ay ginisingan ko talaga ng maaga upang makulot ni mama. I knew what he’s about to do, pero bago ko pa man matanggal ang kamay niya sa ulo ko ay nagulo na niya ang buhok ko.


Binigyan ko siya ng napakasamang tingin at handa na akong gumanti noon pero nang muli kong masilayan ang kanyang mukha, bigla akong natigilan.


He’s smiling at me. Hindi yung ngiting pang asar na lagi niyang ibinibigay sa akin, kundi isang ngiting walang tinatagong goal na asarin ako. It was just a smile and so I smiled back.


Nung graduation namin, pareho kaming may handa kaya kanya kanya kaming asikaso sa mga bisita namin nun. Pero nung mag-aalas quatro na, medyo kaunti na yung mga tao, yung mga dumadating na lang ay yung mga hindi nakarating nung lunch at karamihan sakanila ay mga katrabaho ng mga magulang ko.


Dahil nauna ng dumating yung mga bisita ko ay nagawa kong sumama kay Luke nang imbitahan niya akong magroad trip dahil nga pinahiram ng daddy niya yung sasakyan nito sa kanya bagay na madalang lang nito gawin.


So sumama nga ako kay Luke, nagbaon kami ng ilang mga pagkain mula sa mga handa namin. Nasa passenger’s seat ako nun at for some reasons, ako ang pinapili ng best friend ko ng kantang ipapatugtug.


Ang napili ko nun yung mga kanta ng Eraserheads na talaga namang pangroad trip. Pareho kami nung kumakanta at sumasabay sa awitin ng bandang napili ko.


We didn’t know exactly where to go, basta nagdrive lang nang nagdrive si Luke, nakaabot pa nga kami yata sa Quezon Isabela nun. Namalayan lang namin nang tumawag na ang daddy ni Luke dahil kailangan na raw niya ang saksakyan.


Tatawa tawa kami ni Luke nun nang tanungin nga ni tito kung nasaan kami pero ang sagot lang niya ay diyan lang at pabalik na kami. Ang saya lang kasi nun Leah at sobra kong na-enjoy ang road trip na iyon and I wished na sana yong puntong iyon ay hindi na matapos.

32 views0 comments

Recent Posts

See All