• Leah's Real Life Stories

Vanessa's Story: LAST CHAPTER

Updated: Mar 26


Luke was too busy with Ericka na pati ang itext ako ay hindi na niya nagagawa. Gusto ko sanang magtampo…sige hindi lang gusto dahil totoong nakaramdam talaga ako ng tampo sa kanya noon. Pero I repeart Leah, kung meron mang dapat mag-adjust sa amin ni Ericka ay ako dapat iyon.

Besides I already have a boyfriend. Pero hindi gaya ni Luke ay mas pinagtuunan ko ng pansin ang pag-aaral. Ewan ko pero mas gusto kong ibuhos ang attention ko sa pag-aaral at maging si Ryan na boyfriend ko ay hindi ako nacontrol.


Alam ko na nun na kahit hindi sabihin sa akin ni Ryan ay hindi niya gusto yung parang namamalimos siya sa oras ko. I know naman Leah, pero hindi ko alam kung bakit ayaw igive up nung sistema ko yung pag-aaral at mas gusto ko itong gawin kaysa ang lumabas kasama si Ryan.


Kaya lang dumating yung araw na natauhan ako, hindi lang basta natauhan kundi nauntog ng pagkalas lakas at hindi ko na kaya pang i-process kung ano ba talaga … kung ano ba talaga ang nangyayari sa akin.


Kasi lang Leah, niloko ako ni Ryan. Isang taon na kami noon at bigla ko nalang siyang nahuli na may kahalikang iba. I know it sounds silly but that was my first heart break at sobrang akong nasaktan.


Gabi gabi akong umiiyak mag isa dahil wala akong ibang maiyakan. I was so tempted to call my parents to tell them that their daughter was in so much pain. But why would I want to make them worry especially that we’re far away from each other?


At anong sasabihin ko? Na nagsayang ako ng isang taon sa isang gago? Na nagpaloko ako? Na gusto ko ng mamatay?


ALam ko na noon na pagtatawanan lang ako ni Ryan kasama ang mga barkada niya dahil isa lang pala ako sa mga collections niya. How could I be so stupid not to know na niloloko lang pala ako ng lalaking akala ko ay mahal ako at maiintindihan na estudyante kami at kailangan naming mag-aral para makatapos?


Hindi ako pinalaki ng mga magulang ko upang maging tanga that’s why I tortured myself for being one. Hindi ko na alam kung paano ako papasok noon.


I was so lost….so alone. And I wished, there’s someone I can lean on dahil ang sakit sakit Leah. Sobra.


One night, habang umiiyak na naman ay biglang may sunod sunod at malalakas na katok sa aking pintuan. At nang buksan ko ay tuluyan akong nanghina sa bumungad sa akin.


Ang maiinit na bisig ni Luke. I didn’t know that was what I was waiting, his strong arms, enveloping me.


Yung sakit na nadama ko sa ginawa ni Ryan biglang napawi nang dumating ang bestfriend ko. While crying in his arms with my face buried on his chest, I started to wonder Leah.


Was I really crying over the fact that my boyfriend cheated on me? Or I was already in pain even before Ryan came?


Naging kami ni Ryan for a year pero hindi rin kami ganun kadalas magsama at ganun ako nasaktan nang mawala na siya at muling mabakante yung space na iniwan ni Luke.


Yung panloloko nga ba ni Ryan ang iniiyak ko o yung sakit na hindi na process bago pa man siya dumating. Gulong gulo ako Leah pero one thing is for sure, I was so glad that Luke, my best friend was holding me in his arms while I let myself to be broken.


Hindi ako iniwan ni Luke. Literally, nagstay siya sa apartment ko at niyakap lang ako ng napakahigpit … at hindi ko mapigilang maalala nung pinagtanggol niya ako at prinotektahan sa mga bully kong kaklase nung high school.


I thought I totally lost my best friend Leah pero narito pa pala siya kahit man marami ang nagbago sa kanya magmula noong nakilala niya ang girlfriend niya. Oo kahit sobrang nakakaasar si Luke ay masasabi ko pa ring napakaswerte ng girlfriend nito sa kanya.


Luke stayed with me that night. Pinagluto niya ako at talagang pinilit niya akong kumain. Wala akong ganang kumain noon pero sinubuan ako ng damuho Leah.


I was so thankful na sinamahan at dinamayan ako ng tao na siyang natatanging allowed bukod sa parents ko na mawitness yung kahinaan at pagkabroken ko.


Kaya lang Leah, bigla na namang naglaho si Luke. Ang sabi niya marami raw kasi siyang dapat tapusin sa school. Naintindihan ko yon and I didn’t bother him. Kaya lang naichika sa akin ni Mike, isa sa mga kaklase niya yung rason kung bakit bigla na namang hindi nagparamdam si Luke sa akin.


At yun nga, yung mga typical nga scenario sa movie, dahil ang totoo pa lang rason ay nagseselos daw si Ericka sa akin at palihim na lang kung magmessage sa akin si Luke. Ang sabi pa ni Mike ay yung mga pagkakataon daw na tinetext niya ako at kinukumusta, hindi raw talaga siya yung nagpadala ng message sa akin kundi si….Luke. Hinihiram lang daw ng best friend ko ang cellphone ni Mike para hindi matrace ni Ericka.


Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko nun Leah. Bakit naman siya magseselos? In the first place siya yung girlfriend. Siya yung pinage-effort an, at siya yung sinasabihan ng I Love You. Ano pa bang gusto niya Leah? Eh, halos na nga ibaon ni Luke yung totoo niyang pagkatao sa limot para lang mapatunayan na mahal na mahal niya si Ericka.


Nauna akong grumadweyt ng college Leah dahil apat na taon lamang yung kurso ko samantalang si Luke ay limang taon.


Because of the issue with Ericka, ako na mismo ang lumayo. Mabigat sa kalooban pero hindi ko gustong mas mahirapan si Luke kung ang tanging hangad niya lang ay mahalin si Ericka at ibigay ang lahat dito.


Si ‘Mike’ ay nangangamusta pa rin, alam kong si Luke iyon pero maging yung mga text ni Mike kuno ay hindi ko na nirereplyan. Mabigat sa kalooban ko Leah, sobrang bigat dahil araw araw ay namimiss ko yung bestfriend ko pero hindi naman kasi pwedeng ipagpilitan ko pa dahil iba na yung sitwasyon namin noon, hindi na lang siya at ako bagkus ay meron ng Ericka….si Ericka na mahal na mahal niya.


Ganun talaga Leah, it sounds corny and overrated but gagawin ko ang lahat for Luke. He is my bestfriend at ginawa niya lahat para sa akin just to make my life easier and I couldn’t take him more for that.


Kaya kahit masakit at sobrang bigat ng kalooban, nagtapos ako ng pag-aaral na parang walang Luke ang buhay ko.


After graduation ay doon na nga kami tuluyang naghiwalay ng landas dahil napunta ako sa Cebu para magwork.


Lumipas ang anim na taon at dumating yung kasagutan sa tanong ko na ano nga ba ang iniiyakan ko noon.


Nasa apartment ako noon at busy ako sa laptop ko kahit maghahating gabi na nang makareceive ako ng tawag. Unknown number kaya hinayaan ko munang mag5 missed calls bago ko tuluyang sagutin.


Mainit na ang ulo ko noon dahil may tinatapos ako at istorbo, I was just about to tell the other line kung may idea ba siya kung anong oras na nang biglang akong matigilan……the voice, kahit ilang taon kong hindi narinig, isa lamang ang nagmamay ari nun. Si Luke.


He was so happy na nakalimutan munang kamustahin ako bago magjump sa motibo niya kung bakit all of a sudden ay tinawagan ako.


I was so happy hearing his voice, but it was also his message thatstruck me with a bolt of thunder.


Ikakasal na siya Leah. Ikakasal na sila ni Erica. I can’t believe it but my bestfriend is going to marry the love of his life.


When Luke hung up, I suddenly broke into painful sobs. His ‘ikakasal na ako’ gave me the answer I was seeking for the past years.


Hindi nga si Ryan ang nagpaiyak sa akin. He did actually help me to divert my attention for a year. He was there with me and because of his presence, nakalimutan kong malungkot ako.


Ryan has all the rights to cheat on me dahil hindi naman talaga siya ang nilalaman ng puso ko. I was in a relationship with him ngunit yung puso ko matagal ng iba ang nagmamay ari.


All this time Leah, I’m in love with Luke. And this made my heart completely shattered. Mahal ko ang bestfriend ko na hindi ko man lang narealize at ito ang sobrang lumukot sa puso ko.


Mahal ko siya Leah pero kung kailan huli na saka naman nagsink in sa akin.


Hindi ko kinaya yung sakit kaya nagfile na muna ako ng leave upang umuwi sa bahay. Pagka uwi ko ay isang mahigpit na yakap ang iginawad sa akin ng aking ina na matagal ng alam na inlove ako sa anak ng matalik niyang kaibigan.


Hindi ko maexplain yung sakit Leah. Yung taong mahal ko, ikakasal na sa iba.


Pero siguro, tama yung sinasabi nila na siguro tama na yung isa sa amin masaya.


It is so cliché, napakagasgas ng kwento namin dahil lagi nating napapanuod, o napapakinggan, o nababasa yung mga best friend stories… pero Leah you wouldn’t know and understand the pain unless it happens to you.


I hate cliché but look what happens to me. Ang hirap, yung ilang taon kayo magkasama na halos hindi na mapaghiwalay tapos biglang isang araw na lang, hindi niyo na pwedeng gawin yung mga bagay na ginagawa niyo together.


Ngayon, nakabalik na ako dito sa Cebu Leah at next month na ang kasal ni Luke at Erica. I’m still on the process of letting go but I will not miss my bestfriend’s happiest moment.


Kahit masakit na imbis na ako ang bride ng lalaking mahal ko, ako ang magiging made of honor ng babaeng pakakasalan niya.


But I’m happy for them Leah. I’m happy with the fact that he is happy even I am, the best friend, is left here, crying her heart out. She has no one to blame but herself because she didn’t take the courage to tell him…to tell him that he’s the only person who occupies her heart.


Sobrang sakit Leah pero ganun talaga eh. I know the moment he will say his I do, I will already lose him. Wala ng asaran, wala ng sabay umuwi at pumasok, wala na ring ang laging magkasama sa gala. Kasi once they get out from the church on their wedding day, si Erica na ang magiging kasama niya sa lahat ng mga bagay.


But as I’ve said, it’s okay. I’m okay for as long as he’s happy… I will be okay.


Hanggang dito na lang po.

Vanessa


51 views0 comments

Recent Posts

See All