• Leah's Real Life Stories

Vanessa's Story: CHAPTER 1

Updated: Mar 26


Dear Leah,


Good afternoon to you and to the listeners of Station 1 Radio. I’m Vanessa and I’m a manager sa isang bank dito sa Cebu. I started drafting this story nung una kong marinig ang inyong programa. Lagi kasi akong nagbabasa sa Guru Press Cordillera to keep myself updated sa mga kaganapan diyan sa Kalinga, at dito ko po nadiscover and Station 1 at ang Leah’s Real Life Stories.


Dahil sa mga nababasa kong pinopost niyo sa page ng Station 1, mas na-inspire po akong magsulat, so here I am, sharing my story.


Leah, I know you already heard ‘yung sinasabi nila na kapag ang lalaki at babae ay matalik na magkaibigan, kung hindi man both, isa sakanila ang mafa-fall.


At yun nga Leah, hindi ko namalayan, na sa mga simpleng ngitian, biruan, kulitan, mga kindat at pagtatagpo ng mga paningin sabay tawanan, na minsan, kung hindi madalas, may kasunod pang mga pagtapik sa balikat o pag pinch ng aking nose sabay akbay at sasabihin, andito lang ako lagi sayo, hanggat kelangan mo ko..


Dahil sa mga simpleng gestures nyang yun, na paulit ulit.. yun nga Leah, paunti unti.. paunti unti na paulit ulit hanggang umabot sa punto na hinahanap hanap ko na ang kanyang presensiya,yun na-mimiss ko na siyang lagi na may halong kirot at lungkot dahil siya lang talaga ang gusto kong kasama sa lahat ng oras.. yun kulang ang araw kung hindi ko siya makita.. at yun nga, ganun pala yun leah, tuluyan nang nahulog ang loob ko sa kanya, and in that moment of longingness, laging sambit ng labi ko, mahal ko na siya.. mahal ko na siya.. leah, pasensya, pero syeteeeee, mapapamura ka talaga, mahal ko na talaga siya.


Pero kasabay nun,naglalaban ang puso ko at isipan kung magtatapat ba ako o hindi? Kung magtatapat ako, I fear that the friendship we built for years will be shuttered completely, and God knows where to pick myself if he’d be gone from me..


Kung hindi naman, hindi niya malalaman.. but, I wouldjust be sitting in a corner, wallowing in pain, watching him being held by another,nasasamahan siya, iintindihin siya, na titiisin ang mga pagkukulang nya at the same time, yun i-enjoyin na kasama siya habang buhay.. bagay na gusto ko.. Leah, yung.. sana ako yun.. sana ako na lang.. ako na lang, please.


Pero yun nga, life is so unfair. It always has its ways of messing up with you. It will give you presents but the moment you unwrapped them? There are tons of pain sparkling inside, waiting to attack you until all the life inside you will be sucked out.


I guess, that’s how life works. It’s a battle that you have to win. You have to keep fighting no matter what because if you don’t, these challenges will eat you up until you can barely breathe. I repeat, that’s how life works.


Leah, in my story, there’s this one person who is always present in every event that happened in my life. Siya si Luke, my best friend. Yes, sa bawat kabanata ng buhay ko ay meron at meron siyang eksena.


Nakakainis, pero wala rin akong magagawa kasi best friend ko ang nakakainis na damuhong ito. Ika nga nila, we’re childhood frenemies.


Kaya nung mga bata kami, sobra akong naiinis sakanya at ganoon din siya sa akin kaya naman we always end up, shouting and yelling at each other.


Lagi kaming nag aaway noon at yung teachers namin ay naubusan na ng strategy kung paano nila kami ihahandle na dalawa. Hindi alam ng mga teachers namin kung ano ang mas less distractive sa klase, yung magkalayo kami o magkatabi.


Kung magkalayo kami, let’s say yung isa nasa harap at yung isa naman nasa likod, hindi effective ang strategy ni teacher dahil kahit ilang upuan man ang pagitan, alam na alam ko pa rin na siya yung magpapalipad ng eroplanong gawa sa papel para lang asarin ako. Kaya ayun, sigawan na naman o di kaya kapag nakatalikod yung teacher at inasar ako, mabilis akong tatayo hanggang sa maghahabulan na kami.


Kung magkatabi naman kami, ganun pa rin ang scenario pero at least kung pagtatabihin kami sa gilid, hindi maaapektuhan yung buong klase unless mag-iingay siya kapag kinukurot ko siya o nasusuntok sa mga paandar niya para asarin lang ako.


Well, kahit ganun, hindi naman siya gumaganti physically, ang ginagawa niya lang ay aasarin lang ako nang aasarin.


Pero one time during our recess, naglaro kami ng patintero, at dahil sa kagustuhan kong makalagpas sa linya binilisan ko ang takbo pero mas mabilis si Luke at naharang nya ako. Dahil sa puwersa ng pagtakbo ko nabangga ko siya.. at pareho kaming natumba.. at yun nga leah, nakadagan na pala ako sa kanya.. naalimpungatan na lang ako nang marinig ko ang tawanan at sigawan ng aming mga kaklase at dali dali akong tumayo, dumeretso sa classroom atsa sobrang inis ko sa kanya nun, yun notebook ko sa English na meron mukha ni Kimpee De Leon. Anyway, sa notebook na yun,dun ko pinagsusulat ang mga katagang I HATE YOU LUKE FOREVER gang mapudpod ang lapis at maubos ang papel.


Kaso..nakita yun ng aking seatmate na si Olivia na dali daling umupo sa tabi ko dahil magisimula na nun ang next class namin sa Math. Pagkakitang pagkakita ang mga sinulat ko, bigla niyang sinigaw sa buong klase ang kanyang nabasa, kaya lahat sila, sabay sabay nagsabi ng nakakabinging sigaw na THE MORE YOU HATE, THE MORE YOU LOVE!! THE MORE YOU HATE, THE MORE YOU LOVE!! THE MORE YOU HATE, THE MORE YOU LOVE!!


Wala na akong nagawa nun kundi magmukmuk nun sa aking upuan.. pero, habang kinikwento ko to sayo, Leah, biglang nanumbalik ang alaala ng nakaraan at dinig na dinig ko pa din ang mga katagang yun sa maliit naming silid aralan..kasabay nun ang panunumbalik ang aking pagkainis sa kanya. oo leah, naalala ko lang e, bigla na akong nainis, inis na inis… dahil sa lahat nang ginawa nyang kalokohan sa akin at pang aasar sa mga panahong yun, kapag naaalala ko, hindi ko maiwasanmainis..pero napapangiti ako.. nakakainis noh? Leah,napapangisi na lang ako sa aking mga reactions, kahit hanggang ngayon. Ikaw leah? Na- experience mo na rin ba ang ganito? Sa mga listeners at readers, alam ko, meron din sa inyo, same tayo ng experience. Nakakainis di ba?


Magkapit bahay lang kami ni Luke at magkaibigan ang mga magulang namin kaya palagi rin kaming magkasama outside the school.


Lagi akong nagrereklamo noon kay mama sa tuwing sinasama niya ako sa lakad nila ni tita Rosita, ang nanay ni Luke. Isa lang kasi ang ibig sabihin nito, mapipilitan na naman akong sayangin ang oras kay Luke.


Gustong gusto ko siyang sapakin noon Leah dahil naiinis talaga ako sa pagmumukha niya. Laging kumukulo yung dugo ko everytime he was around.I really hated him so much, lalo na yun sa patintero incident?? Eish.. nakakainis talaga.


I don’t know what it is on him, siguro nakakondisyon kami talaga na mag-asaran lang at mag-away. I don’t exactly remember kung kailan kami nagsimulang maging aso’t pusa kasi sa mga pictures sa bahay mukhang magkalaro naman kami nung mga 1-3 years old kami.


But I think it was when we were 5 or 6 tapos pumunta kami sa isang farm nun tapos accidentally nahulog ko yung isa kong slipper sa fishpond. Kumuha ako nun nang kahoy at saka pinilit ko pinilit sungkitin yung slipper. Naka luhod ako nun at saka ako yung kaliwang kamay ko nakahawak sa kakatanim lang na seedling.


Malapit ko ng makuha ‘yung sleeper ko nun nang bigla ako ginulat ni Luke mula sa likuran kaya naman nahulog ako sa fishpond. Hanggang leeg ko nun ‘yung tubig, buti na lang at sa gilid lang ako ng fishpond. Ewan ko kung bakit ako hindi umiyak noon, bagkus ay mabilis akong umakyat at saka ko nasuntok si Luke na noon ay gulat din at puno ng pag-aalala.


Mabilis na lumapit sa amin sina mama nang marinig nilang sumigaw si Luke, papagalitan sana ako nun ni mama pero nang makita nilang basang basa ako at napagtanto nila ang cause kung bakit ko nagawa iyon.


Magmula noon, ganun na, para na kaming aso at pusa.


Yung pagkairita namin sa isa’t isa naguumapaw and no one dared to intervene everytime na nagsasagutan kami kasi one time, habang nagbabangayan kami ni Luke sa klase, may pumagitna….. at iyon, sakanya nabaling ang puot namin sa isa’t isa.


We were arguing over something kasi nun, I think pinagpipilitan niyang si Sara raw ang maging muse sa klase. Si Sara kasi maganda at pinakakikay sa klase. I don’t care pero nainis lang ako nung kina-campaign niya iyon sa klase so ayun, sinabi kong bakit niya ba kasi pinagpipilitan kung gusto ng klase na si Sara ang maging muse, boboto sila. Pero Luke being bossy, nangatwiran pa na ganito kasi ganyan, so ayun na naman… ‘yung supposed to be simpleng class election lang, nauwi na naman sa mainit na diskusyon.


Nasa labas nun ang teacher namin at hinayaan kaming i-take over ang class election, hinayaan si Luke to be specific dahil siya ang na-elect na class president. Well, lagi naman.


At dahil dun kaya kami nag argue ng nag argue atwalang gustong magpatalo nun, may isa kaming ka-klase na nagtangkang patigilin kami, si Olivia, pero sa halip na tumigil ay sakanya nabaling ang mainit na temperament namin ni Luke sa isa’t isa.


We hated each other at ewan ko kung bakit pa kami laging pinagsasama. Tatlo naman ang sections noon pero ewan ko ba kung bakit kami pinagsasama sa iisang section. Kaya lagi kaming inaasar ng aming kaklase. Alam mo leah, minsan dahil hindi kami maawat ng aming mga kaklase nun, nilalagyan kami ng dahon ng ipil- ipil sa aming buhok para lang kami tumigil at sabay sila kanta ng “Inalis inalis ikakasal sa lunes!” “Inalis inalis ikakasal sa lunes!” ..And our classmates kept teasing us that we were soulmates..

Yes, it’s so weird and so ewwwww. Soulmates? Us? Are you kidding me? I don’t think so.


Pero Leah, dumating yung araw na nakapagpabago sa lahat. First year high school kami noon and I was so thankful na sa mababang section ako napunta dahil this only means na mawawala na ang anino ni Luke. Si Luke kasi mas seryoso sa pag-aaral kaya sa mas mataas siyang section napunta. But don’t get me wrong ha, this didnt mean that I was less of an achiever.


Happy go lucky lang kasi ako dahil sa totoo lang tinatamad lang din talaga akong magreview at everytime na mababa ang nakukuha ko ay nagagawa ko pa ring humagalpak ng tawa dahil sa nakuha kong score. I don’t know, guess I’m mentally damaged like Luke used to call me. Lokong Luke nayan.. nakakainis.


But hey, even I’m loud and crazy, I had outsmarted him a couple of times. Hindi lang ako kagaya nya na super achiever, too keen into details, masyadong seryoso sa learning at tipid magsalita.


But going back, I thought high school would be a lot more fun and stress free dahil finally Luke and I won’t be in the same class any more.. and I thought I would be the same as I was, back in our elementary years, but I was totally wrong. Biglang nawala yung tapang ko, yun pagkabibo ko sa harap ng tao at sa loob ng classroom dahil noon, laging nandyan si Luke.Pero nun hindi na magkasama sa klase, dito ko narealize pero ayokong maniwala at todong nasa denial stage ako nun Leah, dahil sigurado, I am definitely sure na pag nalaman to ni Luke, he will use this to his advantage para lalo akong asarin. Ito yung katotohanangsakanya pala nanggagaling ang aking confidence, ang aking pagiging outspoken, ang aking katapangan.


I realized, I can do whatever I want when he’s around dahil panatag akong walang gagalaw sa akin kasi takot silang lahat kay Luke. Ako lang naman talaga yung malakas ang loob na kalabanin siya eh.


Nung araw na yon, first day of classes sa high school, doon ko unang naramdaman ang pangungulila na kailangan ko siya, Leah. Naramdaman mon a rin ang ganito? Yun parang isang batang meron siyang separation anxiety sa mga taong lagi nyang nakakasama.. para akong isang sanggol nun, na kulang na lang ay humagulgol at mag- iiyak, Leah…


Dahil nasa lower section ako ay dito nagsamasama ang mga wild na estudyante. Akala ko ako na ang pinakamalala pero ako ang naging pinakamabait sa section na iyon.


Unang araw pa lang ng klase ay kunsumisyon na agad ang hatid ng section namin sa adviser at mga subject teachers.


Parang Jurassic park na concert na market yung classroom namin. Maingay, sobra. Batuhan kung batuhan. Sigawan dito, sigawan doon. Tapos landi here, landi there……Basta sobrang gulo Leah na sasabog talaga yung ulo mo.


I’m a very impatient and short-tempered person,Leah, kaya hindi ko kinaya yung situation at unang araw pa lang, may mga kaaway na ako.


Wala akong pakialam dahil dun palang ay nagkaroon ako ng abilidad na i-asses ang tama at mali……Sa case na to mga mali sila. Sobra!


Parang mga wild animals na nakatakas sa zoo and they made the classroom environment so suffocating sa unang araw pa lang.


Maybe some would say that yung mga ganitong moment ang nagpapasaya sa high school. Siguro, para sakanila, pero para sa akin. It’s a big no!


Sa classroom na iyon una akong nasabihan ng pabida, sipsip, maarte, at akala mo kung sino. I tried enduring everything hanggang sa naging sobra na sila.


Not until my knight in shining armor came to my rescue.


Hindi ako nagpatalo sa mga kaklase ko. I showed them that I won’t get affected with their stupidity, ignorance, and lack of better judgment.


Ako yung paborito ng mga teachers noon at lagi akong ginagawang example which made my classmates even more irritated. Sutil kasi ako, the more silang nagigigil sa akin, the more ko silang iinisin. And judging by their grunts and eye rolls, I knew then that I was winning the game.


Not until one afternoon, I was walking alone at biglang may humarang sa akin. Mga ibang kaklase ko. Mga babae at bakla. There were ten of them at ako mag-isa lang.


Dalawa sakanila ang lumapit sa akin, at yun pagiging matapang na personality ko, kay Luke ko lang pala halos naipamalas.. Wala akong nagawa pero kelanagn kong lumaban hanngang yung dalawa nga ay hinawakan ako sa magkabilang braso. Sumunod na nangyari ay yung 8, pinagsisigawan ako … at sa tuwing gagalaw ako ay hihilain naman nung dalawang nakahawak sa akin yung arms ko.


They called me names and all pero me, being me, I talked back pero dun na nagkapisikalan. Yung tatlong babae ang nanabunot sa akin pero yung mga bakla, sila ang sumampal sa akin.


For the first time, doon na ako tuluyang nakaramdam ng takot. I was alone and there were 10 of them. Tapos dalawa sakanila ay hawak hawak pa ako. Paano ako lalaban?


And that was my nightmare in high school, akala ko sa TV lang nangyayari yung ganitong pambu-bully. Pati rin pala sa realidad, Leah.


Pinagtulungan nila ako hanggang sa tumigil sila nang may mga tao nang mapapadaan, mabilis nila akong iniwan nun. I remember being so exhausted and being in so much pain na akala ko hindi na ako makakaabot sa bahay pero salamat dahil nakaabot pa rin ako.


Nung araw nga na iyon, umuwi ako with bruises and a broken arm dahil isa sa mga humawak sa akin ay pinilipit patalikod yung kamay ko. Sobra sakit lalong lalo na yung arm ko. Lingid sa aking kaalaman, habang ako ay naglalakad pauwi ng bahay,may nakapansin sa aking broken arm at bruisesna isang binata na noon ay nakatambay sa labas ng bahay nila.


Papasok na sana ako sa gate namin nang bigla niya akong tinawag. I stopped at saka lumapit siya sa akin, alam ko na noon na aasarin niya ako. But when I turned to face him, his temperament and facial expression drastically changed.


Kitang kita ko kung paano kumunot ang noo niya, that’s a sure sign na galit na ito. For all the years I spent bickering and arguing with him, I knew very well when he’s already angry.


Tinanong niya kaagad sa akin kung sino ang may gawa nito sa akin, his voice was firm and murderous na maging ako ay nakaramdam ng takot. Never ko siyang narinig sa ganung tono ng pananalita, that was the first time at partly na-shocked ako at partly na-cute-an sa change of tone ng kanyang voice at facial expression, Leah. Bakit ganun? Bakit ganun ang naramdaman ko.. napatangin na lang ako at natulala..


Hindi ako makakibo, na-freeze ako.. mixed emotions, hindi ko alam kung ano uunahin ko, yun mga katanungan sa isip ko, yun mga tanong nya, yun mga nararamdaman ko, yun mga sakit, yun pambubully sa akin… untilfinally, I was able to express my need to be comforted and the tears freely broke into deep sobs.


The next thing I knew, I was already wrapped in his arms. Ewan ko kung bakit ako umiiyak, hindi naman ako iyakin. Pero that day, I was so vulnerable and it’s very ironic na sa mortal kong kaaway pa ako unang umiyak..

46 views0 comments

Recent Posts

See All