• Leah's Real Life Stories

Shiela's Story: CHAPTER TWO

Updated: Mar 26


Leah, bumalik nga ang magulang ko dito pero my father made himself clear na wala na akong maaasahan sakanila.


Hindi ko na alam kung ano na ang mangyayari sa akin noong mga puntong iyon Leah pero laking pasasalamat ko dahil hindi ako iniwan ng mga kaibigan ko, they were all so patient with me and they were so quick to offer their shoulder whenever I feel like crying.


Luckily, meron pa akong natirang allowance kaya nakabalik pa ako sa school. Though, I was still so heartbroken pinilit kong harapin ang mundo Leah. Hindi naging madali dahil ako ang naging usap-usapan sa campus. I was dubbed as the most desperate girl of the year.


Sa sobrang sakit ng nararamdaman ko, I started writing some poems and short stories. I did it out of pain dahil hindi naman ako pinanganak talaga na writer at hindi talaga ako mahilig magsulat. I wrote my heart out hanggang sa naging hobby ko na siya.


Leah, I was so hopeless noon that’s why I started preparing myself na mag-work na lang dahil paubos na rin ang allowance ko. I was so ready to drop when I was suddenly called by the Campus Paper Adviser. She had praised and asked me if I’m interested to join the Publication. I was clueless at first as to how she’d managed to have copies sa mga sinulat ko, iyon pala binigay ng isa sa mga kaibigan ko.


Ayaw ko sanang tanggapin Leah pero I badly wanted to graduate that’s why I accepted the offer dahil 100 percent yong scholarship at may allowance pa.


Yung ‘desperate girl’ na tawag sa akin naglaho at napalitan ng late bloomer. Naging kilala na ako sa school as a poet and story writer at ‘pag may mga drama at plays, ako yung pinagsusulat nila ng script.


Pinakinabangan ko yung pain na naramdaman ko Leah at iyon ang naging reason kung bakit ako nakagraduate. But well, my parents didn’t attend my graduation day, itinakwil na talaga nila ako. Napakasakit Leah dahil they were supposed to be there, standing beside me while I receive my awards and telling the whole world through their smiles how proud they are to their daughter, pero wala. Kung nahirapan ako sa break-up namin ni Eric, mas nahirapan ako sa ‘break-up’ namin ng parents ko.


I still continued with my life Leah. Mabilis akong nakahanap ng trabaho sa call center. Kahit nagtratrabaho ako, hindi nawala ang pagiging walwal ko. Maybe, it’s just a part of who I am. Trabaho and hang out with friends and trabaho na naman and hang out again. Ganyan po ang naging cycle ng buhay ko.


I never believed in love again and after Eric, I didn’t take guys seriously. Honestly, I was the one who’s been hurting their feelings. Guys will be always be guys, yan ang mindset ko Leah not until I met Christian.


I was in a bar with my friends one night and my eyes caught a guy who’s in corporate attire, sitting and drinking alone. Tinawanan ko siya dahil mas mukha siyang papasok pa lang sa opisina sa itsura niya. Tinukso ako ng mga kaibigan ko na lapitan ko na raw, yes he’s handsome pero hindi ako interesado.


Hindi ako tinigilan ng mga kaibigan ko, hindi kasi sila makalapit dahil kasama nila ang mga boyfriends nila that time. So, being the only single, hindi ko raw dapat pinapakawalan ang mga ganoong lalaki. Dahil na rin sa narindi ako Leah at alam ko namang gustong gusto na nila akong makahanap ng ibang makausap upang makapag-focus sila sa boyfriend nila, nilapitan ko si Mr. Formal.


Without asking his permission, I sat beside him. Napalingon siya sa akin and I let out a chuckle nang makita ko ang nakakunot niyang noo. I didn’t want to be rude kaya pinakilala ko ang sarili ko, though I mentioned right at the beginning na hindi ako interesado sakanya. He wasn’t offended, tinawanan pa nga niya ako actually. At doon nagsimula ang conversation namin.


He’s a Certified Public Accountant and he was taking Law at that time, nasa 4th year na siya. He seemed like the guy who doesn’t go in a bar, so I asked him why. I don’t know kung naging komportable siya kaagad sa kadaldalan ko o dahil na rin sa alak sa sistema niya, ewan pero he joked na pare-pareho raw kaming mga babae. Papaasahin sila tapos iiwan. I fired back na pare-pareho rin silang mga lalaki, mga paasa tapos mang-iiwan.


We spent the night arguing kung sino talaga ang mas paasa at mas nang-iiwan, babae ba o lalaki. He’s taking law that’s why he’s pretty much good in argumentation but I also had a debate class and not to mention, I represented our school in a debate competition when I was in fourth year college kaya hindi rin ako nagpatalo.


We kept in touch with each other after that night. After work and his class, we see each other, kakainin sa labas, maglalakad lakad sa kung saan saan, and of course magdedebate kung sino ang mga paasa.


I don’t know but being with Christian almost every day made me forget about liquor. Lumalabas pa rin ako kasama ng mga kaibigan ko pero hindi na ako ganoon umiinom. I don’t know how, it just happened.


Ang friendship namin nag grow Leah, he let me see his broken and vulnerable side. Sa akin siya umiiyak dahil minahal niya ng todong todo si Via, her ex-girlfriend. They’ve been together for six years but Via dumped him dahil sumama ito sa ibang lalaki dahil daw napagod itong makihati sa career at studies ni Christian. I became his shoulder to lean on during those time na maaalala niya si Via.


49 views0 comments

Recent Posts

See All