• Leah's Real Life Stories

Shiela's Story: CHAPTER THREE

Updated: Mar 26


Leah, nag-click talaga kami at nagtuloy tuloy ang friendship namin kahit noong maging CPA Lawyer na siya. I was so happy for him at lagi ko siyang binibiro na kung hindi dahil sakin, hindi siya magiging lawyer. Tinutulungan ko kasi siyang mag-review noon; to refresh his mind, tatanungin ko siya ng questions basing from his books and reviewers.


We became best of friends pero isang gabi, nagbago lahat. It was my birthday, hindi na talaga ako nagce-celebrate ng birthday ko ever since itinakwil ako ng mga magulang ko. My friends would always ask me out and insist to celebrate pero I would always prefer to lock myself inside my room. Ayoko talaga, bakit ko pa icecelebrate ang birthday ko kung yung taong nagluwal sa akin, kinalimutan na may iniluwal siya sa araw na iyon?


So Leah, that night, katatapos ko lang magduty at diretso uwi na ako sa apartment namin. Nasa labas palang ako, alam ko ng lumabas ang mga kaibigan koo dahil antahimik, usually ‘pag meron sila, few blocks away ka palang, maririnig mo na ang mga bunganga at halakhak nila. Binuksan ko yung door pero isang hakbang ko palang, napatigil na ako nang marinig ko ang kantang ‘Happy Birthday’ na ilang taon ko ring hindi narinig.


Yes, I wasn’t longer fond of celebrating my birthday and I always warn my friends not to throw any surprises and parties because I would really kill them but that night, napahagulgol ako. Totoo pala talagang kamahal mahal pa ako, na may natitira pa palang tao dito sa mundo na kaya akong pahalagahan kahit hindi man kami magkakadugo.


My friends approached me and gave their tightest hug. Afterwards, they gave way to the man behind the surprise celebration. He was wearing his sincerest smile while he’s holding a bouquet of red roses. Walang tigil ang luha ko noon at mas lalo pa silang nag-unahan sa pagtulo nang nasa mainit na bisig na ako ni Christian.


Hindi natapos ang gabing iyon sa surprise birthday celebration dahil noong malapit nang mag-midnight, Christian dragged me outside. I had no idea kung anong sasabihin niya dahil noon ko palang siya nakitang ganoon kaseryoso ‘pag ako ang kaharap niya. He took my hands in his and stared deeply into my eyes. I suddenly felt nervous but I waited for him to speak kahit pa noon ay gustong gusto kong kumawala sa mga titig niya dahil hindi ko alam kung paano nga ba magreact.


He continued staring at me in silence, I’m so sure it was only minutes pero pakiramdam ko napakatagal. Iyon na siguro ang pinakamatagal na minuto ng buhay ko. I knew, I was waiting for something and when that something finally came out, I was attacked by many different emotions; fear, terror, confusion, and something…..something I never want to mention at that moment.


Leah, Christian had put me into a situation where it’s up to me decide whether we’re going to put our friendship to a higher level of relationship. Yes. He told me those three simple yet powerful words; ‘I love you’.


Natakot ako. Natakot akong masaktan muli, natakot ako na baka kagaya lang siya ni Eric, natakot ako na baka ‘pag may nakita siyang iba iiwanan niya ako, natakot ako na baka hindi ko kayang makipagsabayan sa mundo niya, natakot ako na baka hindi rin ako ang babaeng para sakanya………at natakot ako….natakot ako Leah, dahil mahal ko rin siya.


Akala ko ubos na ang mga luha ko noong gabing iyon pero hindi Leah dahil lumabas na naman sila. Sila ang nagsilbing boses ko dahil para akong napipi at hindi makapagsalita. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. But one thing is for sure, my tears symbolized joy and that was the reason why I decided not to let him go dahil iyon na ang mas kinatakutan ko sa gabing iyon……ang mawala siya sa akin.


Nagtagal lamang kami bilang magboyfriend girlfriend ng tatlong taon Leah …… dahil pinakasalan niya ako. I insisted a civil wedding Leah dahil I fear na walang maghahatid sa akin sa altar. I wasn’t still in good terms with my parents at ayoko nang dagdagan pa ang hinaing ko sakanila, so instead of being rejected once again ‘pag umuwi ako and ask them to escort me down the aisle, I decided na mag-civil nalang kami. Since we were already at the right age, we only needed witnesses and they were our friends and his family.


Napakasaya ko noon Leah. Yung pagmamahal na hindi ko na narerecieve mula sa pamilya ko, pinunan ni Christian. We’re both busy with our own career pero we still make up with each other. Mahal na mahal ko siya Leah, sobra and I could tell that he feels the same.


Pero dumating ang isang napakabigat na pagsubok sa buhay namin, almost five years after our wedding. Not that I’m the jealous type of a woman, I trust him, pero he scared me so much Leah when his ex-girlfriend, the one he cried to me years ago, showed up.


We were having our dinner at a certain restaurant one evening after long hours of work, when a beautiful, gorgeous, and sexy woman approached our table. Nasaksihan ko kung gaano kagulat si Christian, halos hindi na siya makapagsalita. Kinamusta siya ni Via pero tipid lang ang naging sagot ni Christian. Ipagwawalang bahala ko na sana ang biglang pag-iiba ng mood niya pero kinabahan ako nang hindi na siya umimik kahit pa noong makauwi na kami sa bahay.


I tried to ignore everything because I trust him. Pero isang araw, nag-hello sa akin ang sobrang kinatatakutan ko. Christian and I suddenly barely seeing each other, masyado na siyang late kung umuwi at sobrang aga naman kung pumasok sa trabaho. I thought he was working on a case na sobrang needy that’s why he needed more time to stay in his office kaya I didn’t make a fuss about it.


One night, napagdesisyunan kong dalhan siya ng dinner sa office. Wala ng tao noon dahil maga-alas nuebe na ng gabi. I tried calling him pero hindi niya sinasagot ang phone niya kaya naman dumeretso na ako sakanya. Ilang hakbang na lang bago ako tuluyang makapasok sa kanyang office nang biglang nanlamig ang buong katawan ko. I was suddenly frozen as if I was struck by a lightning. There, few steps away from me, sat my husband in his chair with a woman whose lips were on his. Christian and Via….. they’re kissing.


Nanghina ako ng lubusan noon Leah, halos hindi ko magawang humakbang na para bang mamamatay na ako the moment I move. I thought he’s different but he’s not. Guys will be always be guys nga talaga.


I gave myself a chance to love again but this freaking love only brought me back to my painful situation way back college. I was facing the same scenario but one thing’s for sure, I will never be again that woman who goes insane over a man who only sees her as someone who could be easily dump any minute he wants. I wiped my tears and went home Leah.


Nagstay ako ng ilang oras sa bathroom Leah, the tub’s hot water made me relax and think what to do next. Halos ayaw ko na lumabas noon pero I need to be strong.


42 views0 comments

Recent Posts

See All