• Leah's Real Life Stories

Rebecca's Story: CHAPTER TWO


Sa totoo lang Leah medyo mahaba haba rin ang buhok natin nung bata bata pa tayo. Marami rin ang mga nanliligaw sa akin. Hindi lang mula sa school namin ang nanliligaw bagkus ay pati rin mga taga ibang schools.


And among them, an outsider had managed to sneak a space right into my heart. I was into school – bahay, school – bahay mode noon nang mapansin ko itong isang lalaki na laging nakatayo sa labas ng gate na parang laging may hinihintay.


Sa school kasi namin, dalawa ang gate, ‘yung main tapos meron din sa may gilid at ‘yung lalaki, sa may gilid na gate siya lagi.


I was wondering na noon kung sino kaya ang girlfriend niya na lagi niyang pinupuntahan at hinihintay. I was intrigued or whatever, kaya naman out of curiosity ay sa may gilid na gate na ako dumadaan.


Hanggang sa isang araw, nang dumaan nga ako sa dun ay nandoon ‘yung lalaki and this time, he was with his brother, kuya Edward, and his friend.


Dederetso na sana ako nang lakad nang magpakilala sa akin ang kaibigan niya at dito na, nung hapon ding iyon hindi ako umuwi ng bahay na mag-isa.


Nung hapong ‘yun Leah, hindi nga ako naglakad pauwi ng bahay na mag-isa dahil ‘yung lalaking lagi kong nakikita sa gate ng school namin na Bry pala ang pangalan ay sinabayan ako sa paglalakad hanggang sa bahay. Kasama namin ang kuya Edward niya at yung isa niyang kaibigan.


Si Bry, sa pananamit pa lang alam mo na na may kaya and he surely knows how to dress himself. Gwapo siya and he’s one among the most sought bachelors noon.


Dahil sa hindi ko personality ang nagpapapasok sa bahay, hindi ako nag aayang papasukin ang mga kakilala ko, lalo na pag lalaki ito. Noon kasi, hindi maganda na makikita kang may kasamang mga lalaki o worst kapag pinapasok mo pa sa bahay niyo. Kapag ganun babansagan kang malandi, pokpok, mabubuntis ng maaga, hindi makakapagtapos, basta kung ano anong bansag na que-questionin ‘yung moralidad mo bilang isang babae.


Typical ito na pagdadaanan mo Leah when you’re close to guys. And maybe, ito rin ang kwento kwento behind my back but I didn’t care dahil hindi rin naman kasi ako naaapektuhan ng mga ganon.


‘Yung paghatid sa akin Leah, hindi yon nagtapos doon dahil the next thing, I was invited by this guy I always see at the gate to watch their game kasi gaya rin ng ex ko ay isa rin siyang basketball player. Liga ‘yon at championship game.


Pero Leah, I wasn’t just invited to seat and watch their game kasi they asked me to be their muse, but I declined because it’s not my forte to just ramp and just be the typical muse, kaya nag-hindi ako.


The lady they then chose to be their muse was coincidentally the same name as mine, tapos maganda talaga siya at maputi. This girl was rumored to be Bry’s girlfriend.

I attended the championship game and I was at the bleachers kasi nga hindi naman ako ang muse. But did I mention na ang kaharap na team pala nila Bry ay ‘yung team pala ni Will, ang ex-boyfriend ko.


Sa tagal na ng panahon ay hindi ko na maalala kung sino nga ba ang nanalo sa game, basta nag-attend ako nag-cheer sa team nila Bry kasi siya naman ang nag-invite sa akin.


Pero you know what, siguro makaka-relate ka Leah kung nagka-crush ka na ng basketball player at tsaka naimbitahan ka to watch their game kasi talagang at the top of your lungs, mapapasigaw ka at mapapalakpak sa tuwing nakaka-score ‘yung team nila or more like sa tuwing nakakashoot siya ng bola.


Alam mo ‘yung feeling na sobrang nakakaproud, na pati talaga ‘yung puso mo ay magtatatalon kasabay ng mga paa mo na kulang na lang ay ipagsigawan mong “Tan**** crush ko ‘yan!”


Alam mo ‘yun, ‘yung viewer ka lang pero sobra kang into the game na talagang mapapatigil ka sa tuwing ‘yung bola lumilipad patungo sa ring at pagkatapos ay mapapatalon ka na lang mula sa upuan mo kapag nai-shoot nga ‘yung bola.


Napaka-simple pero talaga nga namang nakakakilig Leah lalo na kapag after niyang mai-shoot ‘yung bola ay pasimpleng titingin sa direction mo at saka ngingiti? Sige nga, sino ang hindi mapapangiti na among the women cheering and fangirling over him, sa’yo siya titingin to check kung nakita mo ‘yung ginawa niya and once he’s sure that you witnessed everything, ngingiti na parang timang?


After the game, lumabas kami ng mga friends ko at ako kasi hindi pa ako umiinom nun, so basically sumama lang ako sa kanila to just simply sit there while I think how good Bry was. Timang na kung timang but I just couldn’t help but to smile Leah. That time I didn’t have to worry about my friends catching my stupid smile kasi abala nga sila sa kwentuhan.


Sa totoo lang, sa lahat ng mga basketball game na pinanood ko, ito ‘yung game na hindi maalis alis sa isipan ko. I am not sure if it is even appropriate to use the game dahil sa totoo lang ay isang tao lang naman ang naiisip ko sa game na ‘yon.


It was a strange feeling… but I say I couldn’t get myself to care kasi nga I was busy replaying the event and the person, how he shot the ball and how he smiled at me whenever he had chances.


And Leah, as if my mind had summoned him, nagulat na lang ako nang merong grupo ang dumating sa kung nasaan kami ng mga kaibigan ko. It was the group of Bry.


Sa tingin ko hindi nila ako nakita dahil nga sa dumeretso lamang sila sa table nila which is malayo sa amin.


‘Yung presensiya niya hindi rin naman nakatulong dahil apart from naglalaro nga siya sa isipan ko ay gustong gusto ko siyang puntahan but what only held me was the fact na ano naman ang sasabihin ko?


Masyado na akong mukhang timang na ngumingiti mag-isa at ayoko ng ipahiya pa lalo ang sarili ko by going to him and then what? Maiistatwa dahil hindi mo alam kung ano ang sasabihin mo dahil ang totoo gusto mo lang naman talagang masilayan ‘yung gwapo niyang mukha?


Pasimpleng tingin lang ako that night kaya lang ay may insidenteng nangyari doon sa kinaroonan namin. Nagulat na lang ako dahil biglang nagkakagulo na at nagkakapisikalan, dalawang grupo ‘yung mga ‘yun so talagang gulo talaga.


Dahil dito nagtakbuhan ‘yung mga tao at ako, bilang first time ko makawitness ng ganon,hindi ko alam kung ano ang gagawin ko hanggang sa meron na lang humawak sa kamay ko at hinila ako sa back door.


I didn’t have any idea sa kung sino ang humila sa akin apart from literal na nagkakagulo ang mga tao ‘yung adrelanin rush nangingibabaw and all I want was to get out from there kaya nagpatianod na lang ako sa taong humila sa akin hanggang sa nasa loob na kami ng isang sasakyan. It was only then that I finally got to breathe.


After akong makahinga, it was then I finally turn to the person na humila sa akin na noon ay nasa driver’s seat na.


Pinagpapawisan siya nun kaya naman nilakasan niya ‘yung aircon and asked me if it was okay. Bukod sa prinoproseso ko pa ‘yung mga nangyari ay hindi ako makapaniwala sa taong kaharap ko kaya naman tila ako napipi at hindi makapagsalita.


Si Bry, yes it’s Bry, ang lalaking laman lamang ng isip ko pero noon ay kaharap ko na.


Pero Leah, hindi pa man ako nakakabawi ay tuluyan akong naestatwa nung ilapit niya bigla ang mukha niya sa akin, I didn’t know but I automatically held my breath as the world suddenly stops as I wait what’s going to happen next.


Halos hindi ako huminga nun Leah at inabangan kung ano ang susunod na mangyayari hanggang sa ilang pulgada na lang ang pagitan ng mukha niya sa akin. Dahil dito ay napapikit ako at sa sumunod na nangyari ay talagang namula ako.


Habang ang mga mata ko ay nakapikit, naramdaman ko ang isang kamay ni Bry na inicircle ang beywang ko and he was so close na nararamdaman ko na ‘yung paghinga niya… my eyes were still closed, waiting for his next move … hanggang sa bigla akong napamulat ng marinig ko ang sound ng paglock ng seatbelt ko.


Literal na namula ako nun Leah at talagang gusto ko ng magpakain sa lupa dahil sa kapal ng isipan ko to even think that he would kiss me.


He saw how I reacted kaya naman ay natawa siya. Hindi ko napigilan Leah at nasampal ko ‘yung arm niya na talagang maskulado. His laughter grew louder dahilan upang matawa na rin ako, para kaming baliw nun na nagdu-duet sa pagtawa.


To be honest, I never thought that Bry would be the guy who knows how to laugh. Very formal kasi siya manamit at pati na rin kung magsalita. Kaya nagulat ako nang marinig ko ang halakhak niya.


Being with him or more like laughing with him that night helped me calm down ‘yung isip ko ay tila nakalimutan ‘yung kaguluhan na nangyari kani-kanina lang at ang prinoproseso ay kung paano magmove ‘yung adams apple niya habang tumatawa at pati na rin ‘yung pagcurve ng mga mata niya at labi niya.


I was basically having the moment of my life wherein my brain was savoring the moment given to capture his handsome face.


Pero Leah, hindi lang dito nagtapos dahil sa gabi ngang iyon,ay hindi ako umuwi ng bahay.


Dahil nga sa hating gabi na, nagpresenta si Bry na dun muna kami sa bahay nila matulog. Again, hindi ko rin alam kung bakit ako napa-oo.


We slept in his room, yes Leah we simply slept nothing more. ‘Yung bed niya may kalakihan kaya naman ay halos hindi rin magkadikit ang mga katawan namin kahit pa man tabi kami sa bed niya.


Mabait ang pamilya ni Bry. May kaya sila pero mabait lalong lalo na ‘yung mama niya who immediately came to ask me the next morning if I’m hungry. Nahihiya ako nun, ayokong lumabas sa kwarto ni Bry kaya ‘yung mama niya mismo ang pumunta sa kwarto to see me.


Sobra ako nahihiya kaya naman ay sinabi kong okay lang at hindi ako nagugutom,mukhang naintindihan naman niya at lumabas siya at iniwan ako.Pero nung bumalik siya Leah, may dala dala na siyang pagkain.


Doon ko talaga sobrang naappreciate ‘yung mama niya and Bry told me that they knew what happened last night.


Kaya after kong kumain ay hinatid na ako ni Bry… at doon nga umuwi ako ng bahay na parang nakalutang sa cloud nine dahil noon din ay nakumpirma ko na Bry is single and definitely, available.

103 views0 comments

Recent Posts

See All