• Leah's Real Life Stories

Rebecca's Story: CHAPTER THREE


‘Yung communication namin ni Bry nagpatuloy, of course with all the letters and paghatid sundo sa akin sa bahay at sa school. In between this hatid sundo ay may mga nanliligaw pa rin sa akin kaya lang ay ‘yung puso ko na that time ay unti unti na ngang nahuhulog sa iisang tao lamang.


Bry was so persistent at talagang manggagaling pa yan sa Dagupan, magdadrive papuntang Bulanao para lang sunduin ako sa bahay at ihatid sa school na sa Bulanao rin. Just imagine, tatahakin niya ang more than 7 kilometers just to come pick me up to drop me to school na ilang metro lang naman ang layo sa bahay.


A for effort talaga Leah na maririnig mo pa lang ‘yung busina ng sasakyan niya, mapapakagat ka ng labi to keep your stupid smile tapos bago lumabas ay titingin ka pa ng isang beses sa salamin to make sure na maayos ‘yung pulbos sa mukha mo tapos bahagya pang itu-tuck mo’yung strand ng hair mo sa tenga mo.


With one final and satisfied look sa mirror, lalabas ka na ng bahay na para bang normal lang, na hindi ka nagkumahog papunta sa mirror to check your face. ‘Yung parang, pa bebe effect yata ang tawag niyo ngayon Leah, ganun may konting pa-hard to get or ayaw mo masiyadong i-massage ‘yung ego nung guy.


Of course, there are also the love letters, hindi ‘yan mawawala. Kaya ayon na Leah, with Bry being just Bry along with his sobrang mga efforts, hindi rin nagtagal at ‘yung siya at ako, naging kami.


When we were officially together, hindi nagbago ang treatment ni Bry sa akin siguro nakadagdag na rin ‘yung age gap namin kasi while I was in high school, nasa college na siya. Of course when you are dating a high school student, given minsan ‘yung mga nakakalokang tampo o more like tantrums.


Pero ‘yung akin naman minimal lang, siguro because sa experiences ko na rin sa relationship and that growing up kasi, I had to act matured and independent kasi malayo ang mga magulang ko at nagta-trabaho, so I really have to be matured enough to look after myself.


Pero in fairness sa kanya kasi ang haba haba ng pasensiya niya at nagagawa niya talagang i-endure ‘yung mga trip ko and he really made sure Leah not to over step any boundaries. Kailangan lahat ng gagawin namin, he has to get my full permission, he is indeed so tender and loving.


That’s why our first kiss happened when we were at his car. That time he picked me up sa school, we dropped by to eat somewhere tapos ay deretso na sa bahay. Before I got down from his car, I didn’t know but I felt this sudden rush of emotion and when I look at this man, I felt this strong admiration like, what? Is this man even for real?


Hindi ko alam kung gaano ko siya katagal tinitigan hanggang sa ‘yung kamay ko na parang may sariling buhay, dumapo sa pisngi niya and he leaned to it to kiss my palm.


All I could think was, gosh I just love this man and the next thing, I put my other hand on his other cheek and pulled his face towards mine and I captured his lips.


Literal na nanigas ‘yung buong katawan niya sa gulat at hindi siya kaagad nakagalaw. Magkalapat lang nun ang mga labi namin with our eyes closed while the world seemed to stop na para bang ‘yung oras tumigil para lamang sa aming dalawa…and that’s the magic of what people refer to as, tamis ng unang halik.


‘Yung first kiss namin nasundan pa ng marami. Honestly, I just simply love kissing him. He’s not the first guy I kissed but he’s the only guy I enjoyed kissing. You know just the softness of his lips and the way he tenderly kisses mine is just utterly overwhelming. He treats me as if I was made of glass and that I needed to be handled with precautions and care kaya ganun siya kaingat.


I know he loves me, I felt it with every minute we get to spend together. He never made me feel that he didn’t, even for just a second Leah.


That strong connection and love that we have, eventually led us to being one. Hindi niya ako pinipilit o ano, it’s just how we felt.


Kaya naman noon ay sa bahay na nila ako natutulog but inspite of this, he still encourages me to finish my studies and that he always has my back no matter what. After everything, wala namang nagbago bagkus ay mas lalong naging strong ‘yung relationship namin.


Sa totoo lang when I was already sleeping sa bahay nila, literal na naging alarm clock ko si Bry. Hindi naman sa late ako nagigising, well sort of, pero siya kasi OA din minsan at talagang 5:30 gigisingin na niya ako. Maaga talaga siyang gumigising and kapag ayoko pang bumangon, bubuhatin pa ako papuntang kusina.


Ewan ko kung anong trip niya. Siguro dahil nga sa siya ang nagpre-prepare ng breakfast namin, maybe he just wanted to have someone to talk with while cooking. Ang sabi ng mama ni Bry, hindi raw siya talaga nagluluto, nung meron lang ako saka siya nagkaroon ng reason to do it.


So ganun ang morning routine namin, he would wake me up so early and then we will procees sa kitchen. Ayaw niya akong tulungan siya, sa totoo lang ay magtimpla lang ng kape namin ang ginagwa ko. I would just sit and watch him cook at saka kami magkwe-kwentuhan.


After eating, I will go and take a bath tapos ay ihahatid na niya ako sa school. Bry is a person who doesn’t like being late kaya naman ay talagang minemake sure niya na hindi ako nalelate especially at manggagaling pa kaming Dagupan.


Ganun ‘yung naging morning routine namin, napakasimple pero I wouldn’t take it any other way because I just simply love every second of it.


Gaya nga ng sabi ko, talagang pinupush ako ni Bry na mag-aral ng mabuti. Kung tutuusin, parang we do not have enough time din talaga for each other, siguro ‘yung pagtulog lang namin ng magkayakap ang pinakamahabang oras na we’re intimate.


Siyempre pareho kaming estudyante at kahit pa we were like already living together, ay hindi pa rin namin kinalimutan ang pag-aaral.


Since Bry is ahead of me, tinutulungan niya ako sa paggawa talaga ng assignments ko lalong lalo na sa Math. Hindi naman sa bobo ako sa Math, sadyang ayaw na ayaw ko lang talaga lalo na nung madismaya ako sa isa kong teacher. Ayaw ko ‘yung subject but I was exerting effort tapos at the end of the grading period, ang baba nung grade na binigay sa akin samantalang ‘yung nangongopya sa akin ay mas mataas pa ‘yung grade niya. Kaya after nun, ayaw na ayaw ko na.


Pero si Bry, he’s so keen at helping me na talagang tatalakan ako niyan kapag hindi ako nagpepay attention o kung nagya-yawn ako. Kulang na lang ay talagang babatukan ako pero of course, hindi niya ginawa.


So like a kid, talagang binabantayan niya ako while he is also doing his requirements. Ang tulong ko naman sa kanya ay ‘yung kung meron silang requirements na kailangang ng decorations, pagtutulungan namin. Besides, I love decorating and I have plenty of art materials.


Can you imagine Leah na at a young age, we were acting as if we’re a married couple. Given our age, hanggang ima-imagine lang kami at pinag-uusapan at night kung paano namin navi-visualize ‘yung future namin together.


Hanggang sa hindi na kami ang nag-decide… kundi ang pamilya na namin mismo.


One morning, Sabado ‘yun, Bry allowed me to sleep longer kasi nga napuyat talaga ako sa exams. Siya as usual ay maagang gumising.


I was enjoying my sleep when Bry suddenly came back to our room upang gisingin ako. Ayoko sanang bumangon at nag-sorry pa siya pero kailangan daw kasi may bisita. Hindi nag-sink sa akin kung sino ‘yung possibleng bisita na sinasabi niya kahit pa man kitang kita ko na medyo ninenerbyos siya.


‘Yung mata ko halos nakapikit pa at para akong akong ewan na nagpapatianod na lang kay Bry na noon ay hawak hawak ‘yung kamay ko.


Hindi pa man kami nakakababa at nasa stair case pa lang kami ay para akong binuhusan ng malamig na tubig at nagising ng tuluyan ang natutulog kong diwa. I immediately looked at Bry, silently berating him for not giving me a heads up nung nandon pa kami sa kwarto.


Medyo magulo pa ang buhok ko nun at talagang bagong gising ‘yung itsura ko. Pero hindi ko rin naman siya masisisi because I was too sleepy to even notice his uneasiness. Noon ay naramdaman ko na rin ng tuluyan ‘yung nanlalamig niya, kung hindi lang din ako ninenerbyos nung panahong ‘yon ay talagang tatawanan ko siya.


All I could think that time was, this is it, there is no turning back, so with one final look at Bry and a squeeze on his hand, I took the lead towards my family.


Oo, Leah. ‘Yung mga bisita ay ‘yung pamilya ko. All of a sudden umuwi ang mga magulang ko na noon ay kasama na ‘yung grandparents ko at mga tito at tita. They were all sitting at the living area and talking with Bry’s parents na noon ay nagpahanda ng kape sa mga kapatid ni Bry.


Alam na alam ko nun na kung kinakabahan ako ay mas doble ‘yung kaba ni Bry, damang dama ko ‘yun sa nanlalamig niyang kamay na siyang hawak hawak ko. He was so nervous I feared he will lose consciousness or worst he will forget how to breathe.


Nung makababa na kami ay pinaupo kaming dalawa and I had to place my hand on Bry’s knees dahil talagang nangangatog. Gustong gusto kong tumawa nun but I had to hold back that laugh.


Seryoso ang mukha ng mga magulang ko and I knew they were displeased na nandoon ako sa bahay ng isang lalaki. Maybe pwede nating sabihin na nakabawa ng kaunti sa galit at disappointment nila ‘yung fact na hindi naman basta basta lamang na lalaki ‘yung boyfriend ko.


However, hindi pa rin mae-erase ‘yung fact na umuuwi ako sa bahay ng lalaki na hindi pa kami kasal. It’s not ideal and hindi dapat. Kaya lang nandiyan na at kitang kita naman nila how we held hands ni Bry in front of them na para bang kung ano man ‘yung mangyari doon ay we will still and always have each other.


Maybe they took the hint na kung balak man nila kaming paghiwalayin kaya nila ako pinuntahan ay wala ring mangyayari.


So my family and his talked, and the next thing we were engaged and that we will get married soon.


‘Yung ‘tulag’ sa Ilocano, ‘yun ‘yung nangyari. The oldies and elders talked and sealed the agreement na kami na nga ni Bry. Instant engagement kumbaga. ‘Yung usapan is Bry and I will get married once I graduated from high school. We were okay with it.


Kung tatanungin niyo kami, halos walang paglagyan ‘yung saya namin that time. We’re officially together and that we are going to get married. All I thought things were not going to get any better that time. Ang nasa isip ko ay ‘yung fantasy na I will be wearing a long, lace white gown and that I will walk down the aisle with Bry standing near the altar, patiently waiting for me with tears in his eyes.


Alam mo ‘yung para kang nasa cloud 9 at talagang you’re envisioning your future with him, how many kids will you be having, how you will have to deal with your childen once they reach their teenage years… basta ganun, ‘yung nasa isip mo ay ‘yung future niyong dalawa.


However, both parties had to pop that bubble I created in my mind dahil they have a condition pala. Ito ‘yung kailangan na muna naming maghiwalay, either one of us should have to go to other place until the wedding.


Napataas kami pareho ng kilay ni Bry dahil ang pointless nung point nila. Kung ang pag-aaral namin ang concern nila, they should take a look at my grades dahil tumaas iyon when I was with Bry. Ano pa ba ang gusto nila? Gustong gusto kong umapela nun, however, we didn’t get to say anything since they have already made their decision final.


And so, with a heavy heart I had to head to Pampanga. So just like that, it has already been sealed that we’re going to marry each other but we had to go our separate years just until we finally get married.


104 views0 comments

Recent Posts

See All