• Leah's Real Life Stories

Rebecca's Story: CHAPTER ONE


Dear Leah,


Hanggang saan mo kayang kumapit sa isang usapan na kayo na ang magsasamang haharap sa altar at mangangakong mamahalin ang isa’t isa habang buhay at magkahawak kamay na sasambitin ang mga katagang, “til death do us part”?

Hanggang kailan mo kayang panghawakan ‘yung usapan na sa lahat ng mga babaeng makakasalamuha niya, sa’yo lang babanggitin yung katagang ‘mahal kita’; ‘yung sa’yo siya uuwi; ‘yung ikaw ‘yung tatabihan at yayakapin sa gabi at hahalikan first thing in the morning kahit hindi pa kayo nagto-tooth brush?


Hanggang kailan mo kayang kumapit doon sa usapang heto siya, heto ikaw, merong KAYO. Hanggang kailan? 5 years? 10 years? 20 years? Hanggang kailan?


Pero siguro Leah, itong katanungang ito ay kayang sagutin din ng isang katanungan. Ito ay ‘yung katanungang, may rason pa ba para kumapit? May rason pa bang panindigan kung ano man ‘yung usapan at pangako sa isa’t isa?


Siguro nagtatanong ka rin Leah, pero hayaan mong isalaysay ko na lang ang aking kwento at baka sakali ay matulungan mo rin akong sagutin ang mga katanungang ito.


Ako nga pala si Rebecca. Taga Tabuk City, Kalinga. Isa ako sa mga masugid na tagapakinig ng Station 1 Radio at lagi rin po akong nagbabasa sa GURU Press Cordillera.


At ito po ako ngayon at aking ibabahagi ang kwentong nagpakilig, nagpasaya, ngunit nagpa-iyak din sa akin. Kwentong kapapalooban ng dalawang taong kasal na lang ang hinihintay iyon nga lang, dumating ang ‘kaya lang’. ‘Yun bang, oo mahal kita, mahal na mahal kita… kaya lang


Leah, sisimulan ko ang aking kwento when I was in first year high school, mga 90s. I had a boyfriend, tawagin natin siyang Will, isang basketball player. Nung first year ako, I was studying at a school in Bulanao samantalang siya naman ay sa Dagupan nag-aaral.


Alam ko hindi ka pa naipapanganak noon Leah, pero ang style kasi noon, hindi gaya ngayon na any time pwede kayong magkita ng boyfriend o girlfriend mo, sa amin noon hindi ganon.


Magkikita lang kayo kung may mga liga- liga o kung may mga okasyon. Pero siguro we were a bit fortunate, kasi si Will, dahil nga sa may kaya, high school pa lang ay mayroon na siyang sasakyan. Pero kahit ganon, hindi pa rin ibig sabihin na you are free to do whatever you want. Noon Leah, pangit tignan kung ang babae nakikita diyan sa tabi tabi na tumatawa at may kasamang lalaki lalo na kapag belong ka sa kilalang pamilya at may inaalagaang pangalan.


Ayun nga, dahil sa may sasakyan si Will, from Dagupan ay pinupuntahan niya ako. Pero noon, kapag pinupuntahan ka ng lalaki, tingin- tingin lang sa gate tapos kaway kaway, kindat kindat. Hindi gaya ngayon na pagkakita mo pa lang sa boyfriend o girlfriend mo, pwede na kayong magyakapan o maghalikan o kaya you can go out and just be a couple.


Noon din ay love letters. Sulat sulat. Hindi gaya ngayon na isang click or pindot lang, magse-send na ‘yung message. Noon ay literal na may messenger, for example, kung may sulat ka for someone, ipapadala mo ito sa taong kakilala mo na pupunta doon sa lugar ng taong receiver ng sulat. Kung hindi naman ay talagang mapapagpasa-pasahan ‘yung sulat, kung sino ang taong magagawi dun sa place ng receiver ay siyang magdadala nung sulat.


Oo Leah, tao ang messenger namin nun, hindi ngayon na isang application. Sa mga kagaya niyong generation Z, siguro iisipin niyong, ang hirap naman pala nun… ang hirap magboyfriend o girlfriend. Well, maybe.


But if there is something I can guarantee you ay ito ‘yung pakiramdam na talagang mas nakakalig din noon, ‘yung tatanaw ka lang sa bintana tapos makikita mo siya, kakaway at tsaka magpapalitan ng matamis na ngiti na parang kayo lang ang tao sa mundo pero kapag may nakakita, mabilis na isasarado ‘yung kurtina.


And of course, the letters… liham na talagang pag-e-effortan. ‘Yun bang uulit ulitin yan hanggang sa wala or minimal na lang yung erasures at talagang gagandahan din yung pencraft.


Yes, Leah. Ganito kami kiligin noon, ‘yung kilig namin talagang pinag-e-effortan ng mga lalaki.


Kung nakakalabas kami ni Will, we go out with friends at tsaka pupunta kami sa ilalim ng Pasunglao at magpi-picnic. Magbabaon kami ng pagkain at tsaka guitar at doon magkakantahan kahit pa man ‘yung mga iba ay hindi natin maikakaila na wala sa tono. Ito naman diba ang mas nagpapa-enjoy sa jamming, ‘yung mga feeling singers nating mga kaibigan na kung birit ay birit talaga.


Apart from picnic, we do joggings in the morning. Susunduin ako sa Bulanao and that bababa kami sa Magsaysay. So from Magsaysay, magja-jog kami hanggang sa Dagupan.


Tandang tanda ko pa nun, during those days Leah wala masyadong sasakyan kaya naman kapag napagod ka, you can just simply lie down in the middle of the road. We did that during our time.


Basta ang enjoy lang, ‘yung kasama mo ‘yung mga barkada mo and your boyfriend tapos while jogging, maghaharutan at maghahabulan hanggang sa ‘yung mga tawa niyo aalingawngaw early in the morning na ‘yung mga insekto maririnig mo na lang na mag-iingay na parang naistorbo. Tapos ayon,kapag napagod ay hihiga sa gitna ng kalsada na para bang pagmamay-ari niyo ito.


It was just so simple, nothing grand, but I assure you Leah, it was absolutely full of fun.


For some months, I think 7 months siguro, Will always came to see me in Bulanao tapos pupunta kaming Dagupan for their practice. Kapag nanunuod ako ng practice nila, I just simply sat there or kung meron ‘yung mga girlfriend ng mga teammates niya ay makikipagkwentuhan ako. After their practice, we go sa isang kainan para magmeryenda at doon na naman kami magtatawanan at mag-aasaran. Just the typical high school barkada vibe.


Ganon lang we talk, we laugh, and we bond with our friends. I was basically enjoying their company hanggang sa I didn’t know what happened. Basta bigla na lang nag-stop.


All of a sudden, bihira na lang akong puntahan ni Will and ‘yung mga friends na lang niya ang magsusundo sa akin sa Bulanao tapos pupunta kaming Dagupan, sa practice nila Will. Bigla na lang nawala ‘yung … hindi ko alam, kasi Leah, mararamdaman mo naman doon pa lang sa treatment ng isang tao. Mararamdaman mo kung special ka sa kanya. And that time, I didn’t feel the same treatment and attention he used to give me and I didn’t know why.


Have you watched movies, Leah, in the 80s? Kung saan they depict a scene wherein when the girlfriend arrives, nandiyan na ‘yung kislap ng mata at abot tengang ngiti kasabay ng pang-aasar o kantiyaw ng mga group of friends ninyo. Ganun kasi dati, kaya lang biglang hindi na, nag-iba na ‘yung aura at hindi ko alam kung bakit.


I can’t help but to ask myself what happened? Not until, I discovered the reason why. Yes, it’s the typical reason na meron na siyang iba, na nakahanap na siya ng iba. In short, he was cheating on me.


Ako kasi, I have this personality na kung ayaw mo sa akin, ayaw ko rin sa’yo. ‘Yung bang kapag nakita ko, kapag sinabi na sa akin na ayaw mo na, ayaw mo na ganun.


As for the girl, na-discover ko nung one time, sinundo ako ng friend niya na friend ko na rin from school. He told me na punta raw kami diyan sa Appas kasi may liga, so sumama naman ako. At doon nga Leah, doon ko nakita na teka, bakit may babae ng nakasakay sa front ng sasakyan niya.


I didn’t do something like mag-iskandalo o ano. I just settled sa plain view, I didn’t make a scene or confront them. Basta nakita ko lang.


And after that incident, he never came na. Hindi na niya ako muli pang pinuntahan. Wala na ‘yung pagbisita na kaway kaway, silip silip, at wala na rin ‘yung mga sulat galing sa kanya.


Ganun lang Leah, basta na lang nawala at natigil kung ano man ‘yung meron kami.


I know I said na kung ayaw mo na sa akin, ayaw mo na. Ganun ka-simple. However, I needed to know where to stand. I needed to know first and confirm it to myself so I can cut whatever we have. And so what I did, I went to their school but not to see him.


Sa school nila, hindi basta basta mae-excuse ‘yung estudyante. You have to go first and appear first before the administration and personally excuse the student. Hindi ko alam kung bakit din ang lakas ng loob ko at ginawa ko nga, I appeared before their principal to excuse the girl, the one whom I saw sitting inside my boyfriend’s car.


Siya ‘yung gusto kong kausapin not the guy because I am sure, my boyfriend will more likely lie.


I talked to the girl and she said, yes, niligawan ako at magboyfriend-girlfriend kami. So I was like, okay, fine. Sa’yo na, I will not intervene and I will not come in to your way. Pero Leah, nainsulto lang kasi ako nun nang bigla siyang tumawa tapos she spitted on the ground at saka tinapakan iyon with a twist.


But anyway, since I have mastered the I don’t care attitude or ‘yung kung ayaw na niya, end of story. Wala ng drama drama, wala na ‘yung magmamakaawa ka, o ‘yung sinasabing ipaglaban mo lalo na at ikaw naman ang original.


Hindi ako ganun Leah, once you have decided, then tigil na at stop na. But perhaps, siguro iisipin ng iba na hindi ko minahal si Will kaya ganun lang kadali sa akin ang nag-let go.


I had feelings for him Leah, pero siguro nga kasi infatuation lang at nasa high school pa lang kami. Tapos idagdag pa ang attitude ko. But anyway, nang mabakante ang puso ko at mawala si Will, ito na, I met a guy who swept me off my feet.


Dahil I am back to being single, wala na ‘yung sumusundo sa akin to go and watch their practices. So typically, sa Bulanao na lang ako nun. I was okay with the set-up, hindi naman ako nahirapan to adjust, maybe it was because of the kind of mindset and personality I have.


After Will, meron pa akong naging boyfriend kumbaga merong stop over. Oo na, medyo mahaba haba rin ang hair natin nung mga panahong ‘yon.


This guy was my school mate and that he was this guy na athletic talaga ang pangangatawan, brusko kumbaga at tsaka gwapo. Naging kami nga pero hindi rin nagtagal kasi nga masyado siyang maraming chicks, kaliwa’t kanan.


Yes it’s high school but who would ever want to share their boyfriend with someone or with several girls? Sino naman ang may gusto ng ganon?


Kaya nung nalaman kong masyado siyang maraming kinakausap at ine-entertain na mga babae at who knows kung ilan sa mga ito ang girlfriend niya, we ended the relationship.


The breakup was not that heavy at mas mabilis akong naka-cope kaysa sa break-up namin ni Will. Siguro nga dahil na rin sa high school at bata, hindi masyadong ganoon ka intense ‘yung feeling at hindi pa solid ‘yung understanding about love and relationship.


Hanggang sa dumating ‘yung taong never ko na- imagine na darating at magpapaintindi sa akin kung ano nga ba ang love and at the same time…pain.

106 views0 comments

Recent Posts

See All