• Leah's Real Life Stories

Rebecca's Story: CHAPTER FOUR


Ayaw bitawin ni Bry ‘yung kamay ko the morning I was already preparing to leave Tabuk. Since tapos naman na akong mag-empake ay nakaupo kami sa bed na magkahawak kamay. Tinatawanan ko siya nun at inaasar na ang drama niya at hindi niya bagay.


Pero sa likod ng mga pang-aasar ko sa kanya ay ‘yung lungkot na hindi kami pwedeng magsama hangga’t sa araw ng aming kasal, which is at least dalawang taon pa. If I were to be honest, I was also bothered doon sa interval or sa time na hindi kami magkasama, because we know na marami ang pwedeng mangyari dun sa mahigit 2 years.


I can’t help but worry, na… what if? What if meron siyang makilala habang wala ako? What if biglang magbago ‘yung isip niya? Basta napakaraming what ifs.


But then when I looked at his handsome face and his sincere eyes, I knew, we’re going to be okay and that we only have to trust each other.


I tried not to let him see me cry, but I failed. Dahil the next thing ay yakap- yakap na niya ako while my face was buried into his neck. Ayoko sanang umiyak o mag-drama, as if sa ibang bansa ako pupunta.


He comforted me and promised that he would always come see me. I held on to that, na kahit anong mangyari ay pupuntahan at pupuntahan pa rin niya ako. I trusted him Leah, of course, kung hindi ako magtitiwala sa kanya walang mangyayari sa amin.


I guess, we just have to be strong and in no time, we will already be allowed to be together. Two years, just two years and we will be husband and wife.


Kung mahirap ang long distance ngayon Leah, mas mahirap nun dahil letters pa. Wala pa ‘yung one click away, sent na ‘yung gusto mong sabihin. So talagang nagtiis kami.


Alam mo Leah para akong bata nun na binigyan ng candy sa tuwing may letters si Bry na ipapadala niya sa kuya niya na nasa Manila. His brother would always travel to come see me and check on me.


Sa tuwing dumadating siya ay dala-dala niya ‘yung letters na pinapadala ni Bry together with flowers. His kuya Edward is so kind at wala rin naman akong masabi dahil talagang nage-effort siyang magdrive para lamang puntahan ako. His kuya became a big brother to me as well, at talagang sa tuwing pinupuntahan niya ako ay magfo-food hunt kami at kung saan- saan kami talaga nakakarating.


But of course, si Bry tinupad niya ‘yung promise niya na pupuntahan ako. Once or twice a month ay babiyahe talaga yan upang puntahan ako sa Pampanga. Sa tuwing nakakarating siya ay hindi niya ako hihintayin sa apartment ko, bagkus ay pupuntahan na ako sa school and would wait for my dismissal.


Alam mo ba Leah ‘yung feeling na ang haba- haba ng hair mo and that the girls sa school niyo ay maiinggit because of this well-dressed man carrying bouquet of flowers tapos ay hihintayin ako sa labas ng gate.


Especially that I am still in high school at usually kapag ganitong age, pasyal- pasyal lang or kain kain diyan at hindi ‘yung ganito ka-romantic na level.


I say na talagang I was so lucky at walang paglagyan ‘yung ngiti sa aking mukha sa tuwing matatanaw ko na si Bry habang pa-exit ako ng gate. I couldn’t be happier kasi nga Bry really fulfilled his promise.


Sa tuwing bumibisita si Bry ay talagang sinusulit namin. Magda-drive kami talaga kung saan saan upang mamasyal, and we would always go to Manila as well to see Kuya Edward. Hindi ako pinabayaan ng mapapangasawa ko and he really made a huge effort kahit pa man madami yang requirements, talagang mage-effort siya to come see me and to make this long distance relationship work.


Sa totoo lang Leah, mayroon pa ring mga nanliligaw sa akin doon sa school namin pero hindi ko sila ine-entertain. Kaya lang meron din naman talagang mga makukulit at kahit ayokong ihatid nila ako pauwi sa apartment ko ay talagang bubuntot sila.


And one of these guys who wanted to court me ay natiyempuhan minsan ni Bry. That time kasi, apart from hindi ko alam na darating pala ang boyfriend ko ay nag-insist ‘yung isang schoolmate ko na ihatid ako kasi nga medyo mag gagabi na rin nun dahil nga may tinapos kami sa school.


As much as ayoko sana ay wala rin naman akong choice dahil ‘yung mga magagaling na mga kaklase namin ay talagang in-arrange nila na sa motor niya ako sasakay. I tried na makipagpalit pero ayaw nila.


Kaya ayun, I had no choice but to ride on his motorcycle and let him drop me off sa apartment kesa naman sa mapahamak ako sa daan. Nang makarating na kami sa bahay, nagpasalamat ako sakanya but before I could finally unlock the gate which surprisingly not locked that time, he attempted to ask me out again until the nth time but I said no at saka na ako pumasok kaya lang ay halos matumba ako nang biglang mauntog ‘yung ulo ko sa chest ng isang tao and when I looked up, I met Bry’s pair of eyes and I knew, I knew na nakita niya ‘yung ibang lalaki na naghatid sa akin.

Gustong- gusto kong matawa nun sa itsura niya Leah dahil kitang kita na nagseselos siya. Honestly, I could have made him suffer dahil nga sa malinis naman ‘yung konsensiya ko at wala akong ginagawa.


But he’s too cute at miss na miss ko na rin siya kaya naman ay before pa siya magtanong, sinabi ko sa kanya na the guy wants to court me but ilang beses ko na siyang ni-reject. I also told him the reason why he dropped me off.


He was immediately convinced kasi hindi naman talaga ‘yon ang kauna-unahang may ganon, aware siya na may mga gustong manligaw pa rin sa akin. After my explanation ay nawala ‘yung kunot ng noo niya at gumuhit ang isang matamis na ngiti sa labi niya.


And the next thing, we were already hugging each other. We stayed like that for quite sometime at dinama ang presensiya ng isa’t isa through a tight hug. I was just simply happy to see and feel him.


Nasa fourth year na ako nun Leah at ilang buwan na lang, we wouldn’t have to be apart kasi pwede na kaming ikasal. Just the thought of walking down the aisle and be married with Bry is just so overwhelming Leah na talagang mafe-feel ko ‘yung mga butterflies sa aking stomach.


Konti na lang… konting tiis na lang. Kaya lang Leah, ito na, kung kailan malapit na kaming pwedeng magsama dumating ‘yung Kaya Lang sa story namin. And it was way worse than I thought because the next thing, I had to take a step back even my heart was screaming that I love him so much and that I should not do what I have done.


‘Yun na ‘yung huling bisita niya sa akin Leah at for three months, wala ni anino ni Bry ang dumating at tanging si Kuya Edward lamang ang regular na bumibisita sa akin. Lagi kong tinatanong si Kuya Edward and I know that there is something he is not telling me.


Pero alam ko rin na he’s not the right person to answer my questions kasi nga kung kaya niya naman at kung pwede lang na siya ang sumagot, ginawa na niya. I love kuya Edward, he’s been a good big brother to me kaya naman I spared him from my endless questions kung ano na nga ba ang nangyari kay Bry.


So, ganun nga ang nangyari, for three months I remained in the dark at araw- araw kong iniisip kung ano nga bang nangyari sa boyfriend ko, kung nagkasakit ba siya, nadisgrasiya, o kung humihinga pa ba. I so badly wanted to go home to Tabuk to at least make sure that he is fine and still breathing but kuya Edward assured me na buo pa naman si Bry and that he is okay.


I should have been relieved na at least okay naman pala siya, kaya lang mas naging malala ‘yung mga scenarios na binubuo ng isipan ko, isama mo pa ‘yung kakaibang pakiramdam na parang ang bigat bigat ng loob ko kahit pa man wala akong idea kung ano na nga ba ang nangyari sa kanya at kung nasaang lumalop ng mundo siya. Hindi ko naman siya pagbabawalan Leah kung saan niya gusto pumunta, ang akin lang naman sana magpaalam siya hindi ‘yung para akong tanga na naghihintay sa kanya to come see me.


As much as I wanted to be strong, since it is my personality na as much as possible, hindi ako iiyak dahil lamang sa lalaki. Pero iba kay Bry and it scared me so much dahil paano nga Leah kung heto ako, I had grown accustomed sa presensiya niya sa buhay ko, tapos bigla bigla na lang siya maglalaho.


If that will be the case, I am not sure Leah how I am going to deal with it because for years, I held on to the knowledge that he loves me enough to fulfill the agreement na magpapakasal kami after my high school graduation, which will happen after a month.


And after three long painful months, kuya Edward came to Pampanga to fetch me. Hindi gaya ng dati na mamamasyal lang kami bagkus ay dadalhin niya ako sa taong ni wala akong balita ng tatlong buwan.


Noon ay dumagdag din sa napakarami kong tanong ‘yung bakit kailangang si Kuya Edward pa ang sumundo sa akin, bakit hindi si Bry?


Sa loob ng isang oras mahigit na biyahe ay hindi ako makapagsalita taliwas sa nakasanayan ni Kuya Edward na talagang ako ang magca-carry ng weight of the conversation sa tuwing nagro-road trip kami. But that time, hindi ko magawang magsalita dahil kung ano ano na ang naglalaro sa isipan ko at natakot ako Leah, natakot ako sa kung ano nga ba ang nahihintay sa akin. I knew it’s not going to be good, I felt it.


Hindi nga katulad ng nakasanayan ay tahimik kami ni kuya all throughout the ride. Tanging ‘yung music lamang ang naririnig na ingay and on my part, idagdag mo ‘yung mabalis na kabog ng puso ko. Sa window lang ako nakatingin dahil hindi ko kayang tumingin kay kuya Edward dahil I knew any moment I was going to break down.


So when we arrived in Manila, there… I saw Bry and he looks completely different. He was on his casual clothes at wala na ‘yung malinis niyang itsura dahil mukha siyang nagstay sa bundok kung saan wala siyang access sa barber shop at pati na rin sa razor dahil ‘yung buhok niya Leah talagang humaba pati na rin ‘yung balbas niya.


That was the first time I saw him like that at nang magtama ang aming mga paningin, I knew, just like me, he was not okay. I was supposed to run to him and hugged him so tight and never let him go but I just couldn’t bring myself to. Parang ‘yung mga paa ko napakabigat at ni isang hakbang papunta sa kanya, ay hindi ko magawa.


It was Kuya Edward who guided me to go inside their house. Hindi ako umiimik nun nang sa living room nga ako dinala ni kuya. Bry was there, sitting on the couch and I was supposed to sit beside him but I opted for the opposite couch.


Once settled, Kuya Edward left the both of us to talk at nang maiwan nga kami ay napakabigat nung katahimikan na bumalot sa pagitan namin. Alam kong hindi ko na magugustuhan ‘yung kung ano man ang sasabihin niya dahil right before me was a rare sight of Bry, actually that was the first time I saw him that broken.


‘Yung mata niya talaga ay nagtutubig na at kitang kita ko kung paano niya kinakagat ‘yung lower lip niya in an attempt to control his sobs na nangbabadyang lumabas. Pero his first words didn’t help his case dahil kasabay ng pagbitaw niya ng mga katagang ‘Im Sorry’ ay ‘yung malakas niyang iyak.


Sorry lang siya ng sorry at hindi ko na rin namalayan na umiiyak na rin pala ako. Gustong gusto ko siyang i-comfort Leah, gusting- gusto ko siyang yakapin and tell him that whatever he’s going through we are going to get pass through it together, na hindi ko siya iiwan. But I just couldn’t Leah. I couldn’t bring myself to do it let alone to utter words that will at least make him feel better.


Pero ‘yung mga sumunod niyang sinabi ay talagang dumurog sa akin ng tuluyan. Pakiramdam ko ‘yung puso ko na unti unting naka-crumple nung 3 months na naglaho si Bry ay tuluyan na ngang nagpira-piraso at natadtad ng pinong pino.


Isang buwan na lang Leah, isang buwan na lang Tan**** naman! We waited for almost 3 years to finally be together and get married pero bakit ganito ang nangyari Leah?

89 views0 comments

Recent Posts

See All