• Leah's Real Life Stories

Narie's Story: FINAL CHAPTER

Updated: Mar 26


Leah, kinabukasan, umuwi na kaming Baguio bagay na noon ko pa sana ginawa pero I never had the courage to do so not until may bata ng involve. We stayed there for a week and while we were there, I received a call from my elder sister in Pangasinan saying na naroon daw si Juls at tinatanong kami at gustong raw kaming sunduin pero they ignored him at iniwan sa labas ng bahay.


After a week, I decided to come home here in Tabuk for good. Juls was still texting and calling me. He’s convincing me to go back to his freaking arms. Pero wala na. Wala na talaga Leah. I don’t need someone like him at kontentong kontento na ako sa baby ko.


We stayed here for one a half year before I decided to go back to school. I enrolled at Kalinga State University which was still Kainga Apayao State College that time. Pinagsabay ko ang pagiging ina at pagiging student. Dinadala ko si Angel sa school, may mga moment pa kahit natutulog sa arms ko si Angel, nagagawa ko pa ring tumayo at magrecite sa klase. It’s definitely hard pero pasan ko naman yung lakas ko.


Si Angel, naging anak ng lahat sa college namin Leah kaya hindi rin ako nahirapan sa klase dahil everyone was there to babysit her. May instructor pa ngang ginawan na siya ng class card dahil nga sa everyday ko siyang dinadala sa school.


It was second sem Leah nang magparamdam ang taong kung sana hindi ako iniwan, hindi ko makikilala si Juls. Pero I don’t have any right na pagsisihan lahat dahil kahit ganoon man kasalimuot ang naging kapalaran ko sa kamay ni Juls, nagkaroon naman ako ng isang Angel.


Nagparamdam si Sam bagay na hindi ko na inasahan pang mangyayari. He chatted me asking kung may anak na raw ako. I told him na meron at nasa Kalinga ako. Doon ko rin nalaman na nasa Kalinga na rin siya. And that’s when we reunited Leah.


Kung surprising na ang muli naming pagtatagpo ni Sam Leah, mas nakakabigla ang kanyang sinabi. He came back……. he came back for me pero huli na dahil wala na akong Baguio. That confession made me weak for many different reasons……… lungkot dahil what if mas inagahan niyang bumalik, panghihinayang dahil hindi ko siya nahintay, ngunit masaya……masaya Leah dahil pinahalagaahan nga talaga niya ako. And right at that point, nabuhay ang damdaming ang buong akala ko ay naibaon ko na sa limot. Indeed, first love never dies Leah.


We decided to start as friends…Again. Siya yung naging adviser ko sa kung ano ang dapat kung gawin sa relationships. He became my best friend. And he became a shoulder to lean on.


Yung love ko sakanya, sobrang nag-grow dahilan upang hindi ko na kayang maging bestfriend niya lang and so did he. Nagkabalikan kami Leah after a year. I was so happy, I could tell that he was the beautiful rainbow that came after the storm which ransacked my life.


Sakanya ko naexperience lahat ng hindi ko naexperience sa isang relationship Leah. The flowers, dates, pero ang pinakamatindi ay yung tinuring niyang parang tunay na anak si Angel. Everything was worth it Leah, yung tagal na nahiwalay kami sa isa’t isa ay napalitan ng naguumapaw na kaligayahan.


Iyon nga lang Leah, ended somewhere in February 2017. It wasn’t as painful as our first break-up dahil we remained friends. We decided to go back to being friends dahil ang gusto ng pamilya ko, magfocus na muna ako sa pag-aaral.


Sam respected it but I didn’t Leah. May pagkapasaway kasi ako at yung pagkapasaway na iyon lumabas nang makilala ko si JR. Naging kami at alam iyon ni Sam. Hindi niya ako iniwan at bumalik siya sa pagiging adviser ko. Ayaw niya akong muling madapa, so he had my back.


But then, JR was applying abroad that time and nung November nagflight na siya. We were LDR at nakayanan naming tumagal ng 1 year. Our relationship ended dahil nalaman kong may babae pala sa ibang bansa si JR.


Wala akong natanggap na explanation, walang pag-uusap na naganap, it just ended Leah. Ang tanging alam ko lang ay magkasama sila dahil nagsend sa akin si girl ng picture nilang dalawa.


But here comes again my knight in shining armor Leah. Sam came rescuing me again from drowning in pain. Doon na ako napatanong, was I designed to get hurt first in order for me to be able to go back to my spot in Sam’s heart? Or sadyang si Sam lang talaga ang lalaking para sa akin dahil para kaming magnet na paghiwalayin man, there is this force na magre-reunite sa amin.


And so we ended the little game we’ve been playing and we finally and seriously got back together. Siya na talaga Leah, though in the first place siya lang naman talaga. Screw those events and circumstances dahil hindi na kami muli pang maghihiwalay.


Just when we were both finally conditioned ourselves na wala ng muli pang makakapaghiwalay sa amin, the most awful date in my entire life came.


It was October 4 Leah, that day I read a post on Facebook saying “Good things will happen today.” I was energized by the post and it made me so optimistic.


That day Sam wants to see me pero may lakad sila ng mama niya kaya sa text na lang kami magkausap. Nung gabi na, he told me he wants to take me out to dinner. As much as I want to say yes, hindi talaga ako makalabas kaya nagtetext na lang kami.


After 8pm, wala na siyang reply. I kept on texting him kung nakauwi na ba siya pero wala siyang reply. Hanggang sa nakatulog na ako kahihintay Leah.


I woke up at 5am and checked kung may text na ba si Sam pero wala Leah. I decided then to open my FB instead na kulitin siya dahil baka tulog pa. Pagkaopen ko sa Newsfeed ko Leah, a certain post caught my attention. It was a post from Sam’s cousin, “Apay ngay bro nagsapa la unay?”


I asked him kung sino ang namatay and his answer left me stupefied. Parang huminto sa pagdaloy ang dugo sa katawan ko at parang sa Segundo ring iyon ay huminto sa pagtibok ang puso ko. His answer was Sam……..Sam Leah.


Naaksidente siya kaya hindi na siya nakapagreply sa akin. I was so in denial, impossible. Buhay na buhay lang siya few hours ago, he was asking me to go to dinner, at magkatext lang kami. Paanong wala na siya? If it’s some kind of a joke, they should tell me dahil kahit hindi nakakatawa, tatawa ako dahil joke.


Pero hindi Leah, wala na talaga si Sam. Wala na ang first love and true love ko Leah. His cousin wasn’t lying because when I went to their house, there, he was lying peacefully on a casket.


Kung nawasak ang puso ko sa paghihiwalay namin nung una, ngayon parang namatay na. Why does it have to be this way? It could have been better kung maghihiwalay kami dahil hindi na niya ako mahal. Mas kaya ko pang dalhin at tanggapin iyon Leah dahil kahit masakit man, there would still come a day where we would run to each other.


Tuluyan na kaming naghiwalay Leah. Wala ng chance na makita ko pa siya muli dahil wala na siya sa mundong ating ginagalawan. Kahit halughugin ko pa ang buong mundo, hindi hindi ko na siya muling makikita, makakausap, mayayakap, mahahagkan, at masasabihan ng ‘I love you.’


Mahal na mahal ko siya Leah and nothing hurts more than losing him permanently.

Ang hirap pa ring isipin na wala na siya pero alam kong ayaw niya akong malungkot kaya for him, I am still smiling and tryng to live my life.

Hanggang dito na lang Leah at salamat po sa pagbabasa sa aking liham.


Narie


33 views0 comments

Recent Posts

See All