• Leah's Real Life Stories

Narie’s Story: CHAPTER TWO

Updated: Mar 26


Leah, after another semester, nahinto ako sa pag-aaral due to financial problem. I was still so broken that’s why I went to my sister in Pangasinan dahil ang sakit sakit pa rin nung nangyari Leah.


Akala ko wala nang mas isasakit pa. I was still in the process of moving on but another unforeseen nightmare came.


Nung nasa Pangasinan ako, nameet ko si Juls. Mabilis ang naging pangyayari, nothing special, nothing significant; everything just happened only for the sake of having a ‘thing’ called boyfriend. Juls and I texted each other, tapos nagmeet kami, then we ate the forbidden fruit.


After a month, everything felt odd. Regular ang menstruation ko pero that time first time kong madelay. Kaya natakot ako. Natakot akong sabihin sa ate ko and the only exit point that came into my mind was to go back to Baguio, the place who gave me so much pain pero yun ang naging takbuhan ko.


I told my sister na uuwi ako sa bahay namin sa Baguio pero sa bahay ng bestfriend ko ako tumuloy. I stayed there for a month at sa duration ng buwan na iyon, naconfirm kong I was already expecting a baby. Tinawagan namin si Juls at sinundo niya ako sa Baguio at inuwi sa kanila, sa Quezon Province.


Nung una ayaw ng parents niya, hindi nila matanggap na may inuwi ang kanilang anak pero wala na silang magawa dahil andun na. Buntis na ako at magiging tatay na ang kanilang anak.


Sa una, aside from Juls’ mother, wala namang problema dahil pinapakita naman niyang tinanggap niya ang responsibilidad. Nag-apply siya bilang factory worker para sa nalalapit kong panganganak.


Walang ideya ang pamilya ko sa kung ano ang nangyari sa akin at sa kung nasaan ako. Para akong tuta na bigla nalang naglaho dahil kinuha ng iba. Takot na takot ako noon and Juls’ and my baby were the only ones na kinapitan ko Leah dahil alam kong the moment Juls’ and I slept with each other, 90% ang posibilidad na hindi na ako matatanggap ng pamilya ko. Yan ang inisip ko Leah pero gayun pa man, nagawa ko pa ring tawagan ang isang kuya ko dahil I knew, my family still deserves to know what happened to me at kung nasaang lupalop ng mundo ako naroroon.


At first they got hurt pero masyado akong nag-isip at hinusgaan ang kanilang pag-iisip dahil mali ako Leah nung inisip kong hindi nila ako matatanggap. They still had my back and they supported me financially, mentally and emotionally.


Leah, hindi talaga yung pagbubuntis at an early age ang nagtorment sa akin kundi ang nanay ni Juls at pati rin siya mismo……..pati rin si Juls na siyang may malaking parte kung bakit kami napunta sa sitwasyon naming yon.


Iba ang pakikitungo sa akin ng nanay ni Juls, sobra niyang pinapakita at pinaparamdam sa akin na ayaw niya ako. Sobra siyang masakit magsalita. Alam mo yon Leah? Yung alam ko naman ang pinasok ko, alam ko namang napaaga ang pagbababa ko ng underwear kaya hindi ko na kailangan ng patuloy na reminders sa nagawa ko dahil ang sakit sakit na.


Maaga akong nabuntis, oo, pero it didn’t make me less of a person. Tao pa rin naman ako and I was still so capable of hurting lalong lalo na’t sobra akong basag at vulnerable nung mga panahong iyon.


Pero Leah kahit ganoon masasabi ko pa ring mas makatao ang pinaggagagawa sa akin ng nanay ni Juls dahil ang totoong hayop ay ang anak niya.


Lumabas ang tunay na kulay ng lalaking nakabuntis sa akin. Totoo ngang makikilala mo ng lubusan ang isang tao ‘pag nakasama mo sa iisang bubong dahil I found out na lasenggo siya, mahilig sa sugal, yung mga sweldo niya dadaan muna sa kanyang nanay then sa kanyang bisyo na sugal, then barya na lang yung nakakarating sa akin.


Para akong invisible sa paningin niya dahil pagtutuunan lang niya ako ng pansin sa tuwing gusto niya ng sex pero madalas ko siyang hindi pinagbibigyan dahil buntis na ako, bagay na hindi niya maintindihan.


Ganoon ba talaga Leah? Sa bawat lindol may aftershock? Niyanig ni Juls ang buhay ko pero hindi ko lubos naisip na hindi lang pala doon nagtatapos ang pagsira niya sa akin.

It’s because everything got even worse Leah nung kabuwanan ko na. Ilang araw na lang lalabas na ang batang dumating man ng biglaan, minahal ko pa rin ng sobra kahit wala pa akong ideya kung makakalabas ba ng healthy sa akin dahil sa lahat ng mga pinagdaanan ko sa tatay niya.



22 views0 comments

Recent Posts

See All