• Leah's Real Life Stories

Narie's Story: CHAPTER THREE

Updated: Mar 26


Leah, as I’ve mentioned, everything got worse when I was already in my 9 months of pregnancy. Dati ng kumukuha si Juls sa wallet ko ng pera para pang sugal pero one night, hindi ako nakapagtimpi at sinita siya. Pero ang naging reaction niya ang kailan man ay hindi ko naisip na magagawa niya, sinuntok ako Leah at kamuntikan niya pang ihampas sa akin yung stroller na ako ang bumili para sa baby namin.


Okay pa siguro yung ako lang, yung ako lang at walang bata sa sinapupunan ko. I knew he wasn’t a good partner, tanggap ko ‘yon pero ‘yong hindi rin siya mabuting ama ang lubos na nagpakirot sa aking puso.


Hindi yung pasa na binigay niya sa akin ang mas lalong nagpapira-piraso sa puso kong matagal ng wasak kundi yung katotohanan na wala siyang pakealam sa bata sa sinapupunan ko.


Umalis siya nung gabing iyon at iniwan akong umiiyak at pinapagalitan ng kanyang ina na konsintidor. Dapat hindi ko raw binubungangaan si Juls pag lasing at gusto ng pera. It was a victim blaming game Leah pero I refused to play her game bagkus ay hindi ako sumagot at nanahimik na lang.


January 8, nasa labor room na ako and I was with his mother and cousin. Juls was nowhere to be found, I badly needed him beside me and it was the least thing he could do to the woman who was about to give birth to his own child. Pero wala siya.


You know Leah, mas pipiliin kong mag-isa na lang sa labor room kesa yung may kasama nga, pero yung mama niya naman. Hindi yung sakit ng paglabor ang naramdaman ko at that time kundi ang mga salita na naman ng nanay ni Juls, “ayusin mo dahil ginusto mo yan.”


I was in the middle of enduring a great pain and shutting her mouth up would have been the least thing she could do for her coming grandchild pero wala siyang piniling lugar at panahon. Right then and there, naglabas ako ng sama ng loob and it was the first time I did it in front of her. Hindi ako nagsalita bagkus ay pinagsusuntok ko yung kamang hinihigaan ko. Hindi ako umiyak dahil matinding galit ang namayani sa akin.


With my sudden outburst, nakaramdam yung nanay ni Juls at lumabas ng kwartong kinaroroonan ko.


Buong akala ko wala ng magandang mangyayari sa akin pero 8:00 in the evening of the same day, lumabas na ang batang dinala ko sa sinapupunan ng siyam na buwan. It was baby girl Leah. Despite of everything, there’s still a very beautiful creature na binigay sa akin. I was teary eyed dahil sa naguumapaw na kaligayahan.


That very moment, I swore na hinding hindi ko hahayaan na lumaki ang anak kong nakikita na ganoon ang ginagawa sa akin, tinatapak tapakan na parang basura at parang pinaka walang kwentang tao sa buong mundo.


Though, naisilang na ang baby ko na pinangalanan kong Angel. Nagtuloy tuloy ang pananakit sa akin ni Juls Leah. Lagi pa rin siyang naglalasing, minsan hindi na pumapasok sa trabaho, at pag walang pera laging mainit ang ulo.


One day Leah, I had finally reached my limit. Inambahan ako ng itak ni Juls habang karga karga ko si Angel na umiiyak na ng malakas at wala akong magawa kundi ang tanging yakapin siya.


We were both in danger and it triggered that over-protective side ng isang ina dahil kahit karga karga ko noon ang anak ko, nagawa ko pa ring damputin ang walis tambo at hinataw siya ng pagkalakas lakas. Nilabas ko lahat lahat ng galit ko sakanya and I only had that strong energy na gantihan siya dahil sa batang nasa bisig ko. She’s a gift, the greatest and most precious one I had ever received in my life and how dare him to put her at risk?!


Usually, no one dares to enter the scene dahil takot sila kay Juls pero that time, nangialam na ang kuya ni Juls at inawat siya. Gaya ng nakasanayan, umalis na naman siya at iniwan kami. Kung dati, I would have loved if he chooses to stay to reassure me that everything would still be fine despite of the turmoil we’re in pero that time, I wished na sana ‘wag na wag na siyang bumalik pa sa bahay namin, sana ‘wag na ‘wag na siyang bumalik sa buhay ko at sa buhay ng anak niya.


Kung dati Leah kami lang ng side ni Juls ang nakakaalam sa mga nangyayari, I finally had the strength to call my family. Yung takot ko na baka mage-end lamang sa ‘victim blaming’ ang lahat, ipinagsawalang bahala ko na dahil hindi na lang ako ang nasa picture dahil meron ng batang apektado at hindi deserve ang ganoong pangyayari.


I called my kuya in Baguio and I told him everything. He was the one who informed everyone in my family and they all said na umalis na ako roon.


My other brother was having his training in Laguna and since he’s the nearest to me, he’s the one who sent me money.


Nung hapon nung araw na ‘yon, habang nage-empake ako, Juls was crying and begging for us to stay. Na magbabago na raw siya at hindi na raw siya uulit. But I already had given him many chances, bakit ngayon pa? He was way too late, wala na, wala na akong chance na maibibigay pa sa kanya dahil ubos na ubos na rin ako. I’m tired of holding on to that kind of relationship and the only strength that was left in me ay para na sa anak ko.


Hindi lang si Juls ang nagmakaawa sa akin bagkus ay ang nanay niya rin na biglang naging mabait nung malaman na ng lahat ang nangyayari. Malumanay na siyang magsalita at sinabi sa akin na ayusin daw naming ni Juls. His relatives though, encourage me to go and see kung magbabago si Juls kung wala na kami.

62 views0 comments

Recent Posts

See All