• Leah's Real Life Stories

Narie’s Story: CHAPTER ONE

Updated: Mar 26


Dear Leah,


Totoo pala yung lagi nating sinasabi na kung kayo, kayo talaga. No matter what happens; kahit mahiwalay man kayo sa isa’t isa ng pagkatagal tagal at kahit marami mang dumating na pangyayari while you were apart, if you’re meant for each other, pagtatagpuin pa rin kayo at pagtatagpuin.


Itago niyo na lang po ako sa pangalang Narie at nais ko pong ibahagi ang parte ng buhay ko kung saan ako ay nasaktan, ako ay nadapa, umiyak, tumawa, at saka muling lumigaya.

So let me start my story sa taong 2010. First year college ako sa University of the Cordilleras. I enrolled Bachelor of Science in Criminal Justice Education. Oo Leah, dalaga na ako nun pero isa akong boyish dahil sa aking pananamit at lalong lalo na sa buhok kong wala ni isang babaeng papangaraping magpagupit ng ganoon, iyon lamang kung kailangang kailangan. I used to have a long hair but one of my brothers Leah bluffed me na you will not going to be accepted at UC as a Criminology student kung hindi ka boy cut. I was so young and naïve kaya naniwala ako at nagpauto sa kuya kong ayaw lang pala sa mahaba kong buhok dahil hindi ko raw alam ayusin.


He was borrowing a book that time, so I assisted him. I’ve never had a boyfriend and that very moment, I had a crush on him. He’s one of those guys na swak na swak sa napakasikat na description ng ibang lalaki; tall, dark and handsome.

Hindi ko alam ang kurso niya Leah until we were in the same room sa Math subject ko. Wala akong kakilala noon but there was a gentleman who was from here in Kalinga na siyang una kong naging kaibigan. He’s Harris.


Harris got my number at binigay ko naman. We started texting each other and talking non-stop sa classroom not until he asked kung pwede ba raw siya manligaw. Right at that moment, I felt sorry for him dahil hindi siya ang gusto ko at ayokong magbigay ng false hope kaya sinabi ko sakanya Leah.


But you know what’s surprising? After I told him kung sino ang gusto ko, he confessed as something, bagay na never kong naanticipate or nasense man lang. The person I was texting with wasn’t really Harris…..it was Sam.


Those two men were friends and Sam just asked Harris to get my number. At doon ko na kauna-unahang naramdaman ang sinasabi nilang pagbilis ng tibok ng puso.

Sam was my first boyfriend, first kiss, first hug, and first love. We were both happy not until his ex-girlfriend entered the picture. She texted me to stay away from my boyfriend because ... she’s pregnant.


I talked to Sam pero he denied na buntis yung babae. Pero Leah, bata ako noon at marami akong bagay na hindi alam at isa na doon ang paghandle sa isang romantic relationship. Hindi ko mafigure out yung dapat gawin kaya iniwasan ko si Sam to the point na tuwing klase, nagpapalate ako para doon ako sa likod umupo. And it became a routine for a month.


Oo, ako yung umiwas but I expected Sam to know and do better but he didn’t dahil isang araw nalaman ko nalang na nagbalikan na sila ng ex niya. He never explained to me, he never texted me kahit tuldok man lang wala, nasagap ko lamang ang balita sa mga chismosang nagkalat Leah dahil hindi na siya nagparamdam.

I was left hanging in the air. Mas lalong hindi ko alam ang kung ano ba ang dapat dahil ang nasa isip ko noong mga panahong iyon, hindi siya nageffort at hinayaan akong lumayo dahil ang totoo, yung ex niya ang mahal niya. Ginawa niyang rason yung paglayo ko upang mabalikan yung babaeng minsan ay naging kanya ngunit nawala.


I was so stupid to believe na mahal niya ako and I was too blind to notice that I was just his rebound. Ginawa niya akong reason para magselos si ex niya at balikan siya.

First love, first heartbreak. Pero kahit pa man naliligo sa dugo ang puso ko, nagpatuloy pa rin ako. It was second trimester, hindi na nagenroll si Sam at nagtransfer sa other school. Half of me was happy na at least kung hindi ko na siya makikita araw araw, mas mabilis ko siyang makakalimutan pero the other half of me ay sinasabing duwag siya dahil ganun na lang yun? Aalis na lang siya nang hindi man lang ako hinaharap upang sana ay mag-explain ... man lang.

Mas lalo akong galit na galit sakanya Leah dahil doon pero one day, dumating yung araw na hindi ko man aminin, pinakahinihintay ko. We crossed paths again. He came back to UC to release his credentials. I was on duty sa library and magkatabi lang yung library at registrar.


He came to me Leah at doon kami nag-usap. Humingi siya ng tawad at sinabing may feelings daw siya sa akin pero napressure siya sa ex niya dahil sa lintek na fake news na yan na buntis daw siya. Sa totoo lang Leah, hindi si Uson ang Queen of Fake News, kundi ang ex ni Sam.

He gave me the explanation I was badly waiting but after that Leah, hindi na kami muli pang nagkita at nag-usap. Naglaho na lang siya na para bang nag-migrate sa ibang bansa at wala ng balak pang bumalik.



50 views0 comments

Recent Posts

See All