• Leah's Real Life Stories

Michael's Story: CHAPTER TWO

Updated: Apr 29


We went to the same school nung high school kami, magkaiba nga lang kami ng section. Pero kahit ganon ay sabay kaming papasok ni Ella at saka uuwi. Kung sino ang unang matatapos ang klase ay siyang maghihintay.


We were inseparable na ‘yung mga kaklase niya at kaklase ko na rin ay talagang tinutukso kami. Gaya minsan, pina-bag ni Ella sa akin ‘yung isa niyang libro at nakalimutan niyang bawiin nung nakauwi na kami at pati nung kinaumagahan.


Kaya naman ay wala akong nagawa kundi dalhin ‘yung librong yon sa kanya dahil nga kailangan iyon sa Araling Panlipunan. Pareho kasi kami ng teacher at ‘yung teacher namin talagang pinapa-require na dalhin ang libro for you to follow the flow of discussion.


Kaya ayun pinuntahan ko siya sa room nila pero nung time na ‘yon, meron na pala si sir, at nang makita ako sa door na pasimpleng kinukuha ang attention ni Ella ay ngumiti ito at inacknowledge ang presence ko. Dun na nagsi-yieeeeeee ang mga kaklase niya kahit pa man wala akong sinasabi.


Mas lumakas ang kantiyaw nang tumayo na nga si Ella to retrieve her book from me. Typical high school na kahit nandiyan pa ang teacher ay hindi palalagpasin ang minutong mang-asar kapag nandiyan na nga ‘yung chance for you to do it.


Nang makuha ni Ella ‘yung libro niya ay mabilis na akong tumakbo dahil sa hiya. Oo ganon, we were shipped together but I’d say na never akong nag-complain o nag-object man lang.


Dahil nga sa closeness namin ni Ella ay nagtutulungan din kami. Please do not do this or whatever, dahil sa tuwing exams, for example kapag ako ang naunang nag-exam sa certain subject na pareho lamang kami ng teacher, I would give her a heads up which parts to review at ganon din siya sa akin.


Typical best buddies lang kumbaga.


Sa gabi naman, madalas ay pumupunta kami ni Ella sa rooftop namin, semento kasi ‘yon, flat. Hihiga kami at saka magi-star gazing. We would try to name each star and count them and after this silliness which I really loved, magkwe-kwentuhan kami ng kung ano ano including kung ano ang gusto namin maging in the future.


Siya gusto niyang maging nurse at ako naman gusto kong pumasok sa academy at sa serbisyo. Kaya one time ay biniro ko siya na sakto, kapag nasugatan ako sa giyera ay meron siyang gagamot sa akin.


Itong mga ganitong biro ay hindi gusto ni Ella kaya naman after kong mag-sorry ay seryoso pa rin ang mukha niya. Habang nakatingin pa rin sa kalangitan, tinanong ako kung bakit gusto kong pumasok sa serbisyo kahit pa man malaki ang chance na hindi na ako muli pang makakauwi ng buhay sa bahay.


Hindi ko rin alam, basta I have this urge kasi to serve and I was inspired by my father. Isang malaking privilege ang mapagsilbihan ang bayan and I was willing to sacrifice even my life.


Sa sinabi kong ito ay mahina niyang binigkas ang, paano naman ako Michael?


That conversation was ended hanging in the air kasi after niyang bigkasin ang mga katagang iyon ay nagpaalam na siyang umuwi sa kanila. As much as I wanted her to stay, hindi ko rin alam kung paano ko sasagutin ‘yung tanong niya.


‘Yung tanong niyang ‘yon ay hindi na naulit pa. We just went on with our lives and acted na hindi iyon nangyari.


Walang nagbago sa samahan namin pero magmula nun ay unti unti kong na-a-acknowledge kung ano nga ba itong nararamdaman ko towards Ella. Magmula nun ay naacknowledge ko ‘yung fact na lagi nga siyang laman ng isipan ko, na gusto ko lagi akong nandun for her.


Though, alam ko na gusto ko si Ella, medyo confused pa ako nun at nandun ‘yung kagustuhan na protektahan ‘yung friendship namin kaya naman ay sinubukan kong mag girlfriend.


There was this pretty girl na Irish ang pangalan at classmate ko siya. Sabi sabi na nun na crush niya raw ako and call me idiot, dahil I took that as a chance to have her as my girlfriend. Parang mabilis lang yata at sinagot na niya ako.


I wished I never did this, kasi when I told Ella about it, nilamon ako ng matinding pagsisisi nang makita ko ang reaction niya. Oo ngumiti siya pero ‘yung ngiti niya ni hindi umabot sa mga mata niya. And I knew, I knew I did the most stupid thing na kontrolado ko naman, na kaya ko namang hindi gawin… pero ayon, ginawa ko pa rin.


After knowing na meron na nga akong girlfriend ay ramdam kong umiwas si Ella. Kinakausap pa naman niya ako pero nagrarason na siya na kesa may ganito, ganyan at kailangan niyang maunang pumasok sa school at maunang umuwi ng bahay nila.


Gustong gusto ko siyang i-corner sa tuwing uwian kaya lang ay paulit ulit akong sinasampal ng realidad na meron na pala akong girlfriend na kailangang ihatid sa bahay nila.


Wala naman akong masabi kay Irish dahil mula rin ito sa mabuting pamilya. Mabait siya, mahinhin at soft spoken. Madami ang nagkakagusto sa kanya pero ako ang sinagot niya nung ligawan ko siya.


I honestly felt guilty dahil sa tuwing tinitignan ko ‘yung maamo niyang mukha, naaalala ko ‘yung maaliwalas at laging nakangiting mukha ni Ella. Hindi ko rin maiwasan na sa tuwing naririnig kong magkwento si Irish about sa mga frustrations niya sa loob ng klase, ang naiisip ko ay kung paano tawanan ni Ella ‘yung mga trip ng mga kaklase niya. Hindi ko rin mapigilan na sa tuwing nag-aayang kumain si Irish, doon talaga sa mga hangout place samantalang si Ella ay diyan lang sa turo turo, she loves street foods kasi.


Basta all in all Leah, they were different from each other. Wala akong masabi kay Irish, ideal ito para sa mga ibang lalaki pero para sa akin, kahit ano mang pilit kong magfocus sa kanya, I still cannot argue with my heart na ang stand, Irish is no Ella.


Leah, hindi ko ginusto ‘yung pag-iwas ni Ella sa akin. At sa halip sana na makalimutan ko kung ano man ‘yung nararamdaman ko towards my bestfriend ay mas lalo itong lumala nang magka-girlfriend ako. At ito nga ay nahalata ni Irish at nung mag 3 months na nga kami ay nakipag-break siya sa akin.


‘Yon sana ang first heartbreak ko, dahil si Irish ang first kong naging girlfriend. Pero sa halip na makaramdam ako ng lungkot para akong nabunutan ng tinik nang makipag-break na siya sa akin. Yes, I was just waiting for her to dump me.


Dahil nga noon ay hindi mo na kailangan pang magsalita dahil malalaman at malalaman ng buong klase hanggang sa pati sa ibang section makakarating ‘yung balita. That was why hindi ko na kinailangan pang sabihin kay Ella na wala na kami ni Irish.


Just two days after makipag break ni Irish sa akin ay talagang inabangan ko si Ella sa labas ng bahay nila, mga 7am yata nun ay nandun na ako at nakatayo. Hindi siya nagulat nang makita ako at nang mag-offer akong buhatin ‘yung mga libro niya ay gaya ng dati, binigay naman niya sa akin.


From that morning, we walked to school the way we used to do.


Siguro Leah you could say that Ella and I were good at proceeding to the next leaf of the book after an incident happened. Dahil after Irish, bumalik lang kami sa dati na para bang walang nangyari.


Though at some points, mga months siguro after nung break up namin ni Irish, ay pasimple akong inaasar ni Ella sa tuwing nakakasalubong namin siya. Ang ginagawa ko to shut her up ay aakbayan ko siya ng palakas, ‘yung tipong iipitin ko siya sa kilikili ko hanggang sa tatawa siya habang pilit kumakawala sa akin.


I wished we would have remained in high school at hindi na nagmove ang mga araw. Sana na-stuck na lang kami sa high school kung saan ay sabay kami papasok at uuwi, ilang hakbang lang ay makakapunta na ako sa bahay nila at aayain siyang mamasyal, o di naman kaya siya ‘yung pupunta sa bahay to check kung game akong maglakad lakad dahil sa bored siya.


Basta ‘yung nasa inyong dalawa ‘yung pagkakataon to spend time together. I just wished we would have just remained on those days na sana kung meron mang time machine ay ipapahinto ko na lang ‘yung oras.


Yes, Leah. We finished high school and months later, the inevitable came, and that is to finally start my journey in the service. This means, nandito na nga ‘yung kinatatakutan ni Ella, Leah. If only I could just take that fear away and assure her that I would always come home for her no matter what, kaya lang ay hindi ko ito hawak and it breaks my heart knowing that Ella would have to endure and live through this fear for a life time.


Yes Leah, nakapasa ako sa academy. Proud ang mga parents ko lalong lalo na si daddy kaya lang ay hindi panatag ang loob ni mommy at todo bilin ito sa akin. Maging si Via ay talagang pinag-promise pa ako to always take care of myself. That was the first time kasi na malalayo ako sa kanila.


Kung mahirap magpaalam sa pamilya ko, iba rin ‘yung level ng hirap at bigat ng pakiramdam nang kay Ella naman.


The night before my travel, nasa roof top kami ni Ella at gaya ng dati ay nakahiga lang kami habang nakatitig sa kalangitan na noon ay napakaraming stars.


Walang nagsalita sa amin kaagad because siguro gaya ko ay hindi rin alam ni Ella kung ano ‘yung sasabihin. It took us minutes to finally break the silence between us ang it was Ella who spoke the first words.


Ang sabi niya ay mag-iingat daw ako. Mahina ang boses niya nun kasinghina nung tinanong niya ako kung ‘paano naman daw siya’ after kong sabihin na gusto kong magserve sa bayan and that I am willing to sacrifice my life.


When I moved my head to look at her, she coincidentally did the same kaya naman we were already facing each other. I gave her a small smile at sinabing mag-iingat ako at pati rin siya. After kong sabihin ito ay bumalik ang tingin niya sa kalangitan and she said, in case na malungkot daw ako o matakot, tumingin lang daw ako sa kalangitan to remind myself na Ella would always be there for me.


And so in my rough and challenging journey in the academy, na ilang beses ko na ring naisipang mag-quit na lang, I just stared at the sky at night and knew that Ella was there, cheering and waiting for me to finally get home.


124 views0 comments

Recent Posts

See All