• Leah's Real Life Stories

Michael's Story: CHAPTER ONE

Updated: Apr 29


Dear Leah,


Have you ever experienced loving a person whom you used to be with and that all you wanted to do was to keep that person happy no matter what? ‘Yung pakiramdam na ibibigay mo lahat just to keep that beautiful smile on her face? ‘Yung gagawin mo lahat para lang marinig ‘yung infectious niyang tawa na talagang patatawanin ang lahat.


I do not know if you ever experienced growing up with a person who is not related to you by blood and that you witnessed how her eyes water in fear, how she trembles as she tries so hard to keep her sobs at bay, and how her nose reddens as tears flow like streams on her face.


It sounds like the movies, I know, pero I experienced it, I was there when she was surrounded with endless fear. I witnessed all her cries, both the heard and unheard.


It was why at a very young age, I made a commitment sa sarili ko na kapag lumaki na ako at kaya ko na siyang ipagtanggol, hinding hindi ko hahayaan pang muli siyang malungkot, umiyak, at matakot kasi sobra sobra ‘yung pinagdaanan niya.


And I tried Leah… I tried to hold on to that commitment that I will always choose her happiness and I did, I did even it broke my heart that her happiness is with another man and not with me.


Okay na sana kaya lang temporary lang pala kung ano ‘yung dumating na nakapagpasaya sa kanya because I failed to keep that from happening and so it nearly killed me when once again I saw what I dreaded to see in her… the pain but that time, it was because of me and not somebody else.


By the way tawagin niyo na lang po akong Michael, Leah and I know that right now, you are already confused so please allow me to narrate my story.


Just like the others I was fortunate to grow up with both my dad and mom beside me. Dalawa lang din kaming magkapatid at ako ang panganay, 3 years ang age gap namin ni Via. Our dad was in service while our mom is a housewife kaya growing up, madalang lang namin makasama si dad.


I could say na kaming magkapatid ay fortunate because we also grow up na provided lahat ng mga kailangan namin and that hindi namin kailangan kumbaga to work to help our parents sustain our living.


Itong sitwasyon kong ito ay taliwas sa sitwasyon ng kapitbahay at kababata namin ni Via na si Ella. Mag-isa lang din siyang anak kaya lang talaga ay kailangan niyang tulungan ‘yung mama niya, si Tita Ellen lalong lalo na kada hapon kapag magtitinda na sila ng barbeque. She also has his dad kaya lang ay wala nga itong trabaho at lagi laging umiinom at nanggugulo.


Ilang beses ding sinabihan ni dad ‘yung papa ni Ella, yes hindi ito nanggugulo sa tuwing meron si dad pero kapag alam niyang wala ito which is madalas ay maririnig na lang namin ‘yung mga sigaw niya kasabay ng mga iyak – iyak ni Ella at ni tita Ellen.


She didn’t have the security na sana ay sa mismong bahay nila niya nakukuha at talagang kailangang magdoble kayod ‘yung mama niya para may makain sila at para rin sa pag-aaral ni Ella.


We became best of friends dahil sa tuwing nagwawala ‘yung papa niya ay sa amin siya tatakbo o di naman kaya kapag alam na ni tita Ellen na lasing na naman ang papa niya ay makikisuyo ito kay mommy na dun muna sa bahay si Ella.


So basically, we grew up together and by growing up together, the inevitable came, oo Leah, I fell in love with Ella.


Ella and I were the same age, nauna lang ako ng anim na buwan. Tandang tanda ko nun, I think we were 8 nung bagong lipat pa sila. Talagang aloof siya sa mga tao at given nga na ang payat payat niya nun, she was bullied by the kids sa amin.


And since meron akong kapatid na babae at iyon din ang turo ng mga parents ko ay pinagtanggol ko siya sa mga bullies. Siguro given na mas matangkad ako at uniformed personnel ang tatay ko ay nagsitakbuhan ‘yung mga nambubully sa kanya.


Nakayuko si Ella that time at talagang ‘yung buhok niya nagkalat sa mukha niya, kung naaalala ko nga ngayon ay natatawa ako.


Anyway, nakita ni Via ‘yung nangyari at inaya nga si Ella nun na maglaro ng Barbie sa bahay namin. Sa una ay nahihiya pa siya pero my sister was able to charm her at napapayag siya. They played or more like we played kasi nga in the end, hindi naman pala Barbie ‘yung gusto nilang laruin kundi bahay bahayan.


Meron kasi kaming tree house sa likod ng bahay namin at ‘tong kapatid ko mahilig din kasi magtawag ng kalaro kaya naman parang naging playground din ‘yung compound namin. I think we were 6 that time at naglaro nga kami at ang nakakatawa, siyempre kapag bahay bahayin may role playing din yan eh, at ako nga ang napiling tatay… at si Ella naman ang nanay.


Kaya nga Leah nung lumabas ‘yung kantang Dati ni Sam Conception at Tippy Dos Santos ay ilang hagalpak din ng tawa ang pinagsaluhan namin ni Ella while reminiscing the good old days.


Masayahin si Ella ngunit kung ano ang isinaya niya ay siya namang iyak niya sa tuwing gabi na at lasing na naman ang papa niya at nagwawala.


Close na noon sina tita Ellen at si mommy at narinig ko pa minsan na tinanong siya ni mommy kung bakit daw tinitiis niya ang asawa niya at tandang tanda ko ang sagot niya, napakasimple, mahirap daw ang lumaki ng walang ama dahil siya mismo ay naranasan niya ‘yung hirap at sakit at ayaw niya raw maranasan ni Ella iyon.


Hindi ko maintindihan ‘yung pinaghuhugutan ng mama ni Ella hanggang sa narinig ko mismo sa kababata ko kung gaano niya pa rin kamahal ang papa niya at umaasa siyang magbabago rin ito balang araw.


She’s optimistic pero iba rin ang level ng iyak niya sa tuwing ayan na nga at nagwawala at nagsisisigaw ang tatay niya at nasa bahay na siya yakap yakap ni mommy at Via. ‘Yung talagang nanginginig siya sa takot at pinipigilang mapalakas ang iyak niya dahil hula ko ay nahihiya rin siya.


Mommy would just comb her hair using her fingers to calm her down. Kapag nakakalma na siya ay ita-tuck ni mommy and buhok niya sa magkabilang tenga niya at saka pupunasan ang mga natutuyo na niyang luha with her fingers.


After niyang umiyak ay talagang nagre-red ‘yung ilong niya, idagdag mo pa ‘yung talagang kailangan mo bigyan ng tubig dahil sisinukin talaga siya. Sa dalas nitong mangyari ay doon unti unting naitatanim sa sistema ko ‘yung commitment na apart sa kapatid kong si Via, ay hindi ko rin pababayaan si Ella, na proprotektahan ko rin siya sa abot ng aking makakaya.


Sa ginagawang pagwawala ng papa ni Ella ay talagang hindi rin nagugustuhan ng mga kapitbahay namin ‘yung nangyayari pero ‘yun nga dahil na rin sa awa nila kay tita Ellen ay talagang hindi na lang sila nangialam.


Hanggang sa isang araw sumobra na at nataon pa na nakaleave si daddy at nasa bahay. That time kasi ay parang napuno na rin ‘yung mama ni Ella at hindi gaya ng nakasanayan na tatahimik lang ito, nung mga puntong iyon ay hindi.


She talked back at talagang nagsisigawan silang dalawa. Hindi rin gaya ng dati ay walang Ellang dumating sa bahay kaya naman talagang nag-aalala na kami lalong lalo na si mommy na noon ay patanaw tanaw na rin sa bintana.


Daddy chose to break his silence at talagang pinasok na nga ang bahay nila Ella nang ‘yung papa na lang ni Ella ang sumisigaw at tinig ng nagmamakaawang bata na umiiyak ang naririnig, tinig ni Ella.


Mabilis na pinasok ni daddy ‘yung bahay nila at kami nila mommy ay hindi rin napigilan na sumunod. Pagkabukas nga nung pintuan ay sakal sakal na nga ng papa ni Ella si tita Ellen habang si Ella naman ay pinipilit itulak ang papa niya habang nagmamakaawa.


Pilit ding inaalis ni tita Ellen ang kamay ng asawa niya pero masyadong malakas ito.


I cannot imagine what would have happened kung wala si daddy doon and I don’t even want to think Ella going through a higher level of pain and that’s the pain of losing her mom. Dahil ang totoo, kung nahuli lang si daddy ay tuluyan na ngang hindi nakahinga pa si tita Ellen sa higpit ng pagkakasakal ng asawa nito sa kanya.


Nang mailayo na nga ni daddy ‘yung papa ni Ella, mabilis na pinuntahan ni mommy si tita Ellen na noon ay hinahabol na ang hininga. Hindi rin nagtagal at nagsidatingan na nga ang mga pulis at kinuha ang papa ni Ella.


Alam kong gulong gulo siya noon, dahil parehong nangyari ‘yung dalawang kinatatakutan niya, iyon nga ang masaktan na ng papa niya ang mama niya at ‘yung papa niya dadamputin na ng pulis.


Seeing her that confused, broken, and helpless, I pulled her into a tight hug bagay na noon ko lang din ginawa sa kanya.


She was crying non-stop at hindi ko rin alam kung ano na nga ang gagawin, alam mo ‘yung nakakafrustrate lang na ang helpless mo at kahit pa man gustong gusto mong tumulong ay wala ka namang magawa.


Ella was trembling into my arms and that we had to slowly sit down on the floor dahil hindi na nga kinaya ng tuhod niya to carry her weight. Iyak lang siya ng iyak at sa bawat hagulgol na lumalabas sa kanya ay siya naman pagkirot ng puso ko.


Hindi ko pa maintindihan nun kung bakit ko nararamdaman ‘yung ganon, we were young and all I know was I just simply cared for this person. Siguro growing up din with two women ay talagang ayokong may umiiyak at nasasaktan na babae dahil I was groomed by my dad to be like that kasi nga palagi rin siyang wala.


Tita Ellen refused to be brought to the hospital at nang nag-settle na lang sa tubig na binigay sa kanya ni Via.


Leah, hindi rin nagtagal ‘yung papa ni Ella sa kulungan dahil walang nagfile ng kaso dahil na rin ayaw ni tita Ellen. However, lahat ng pagtitiis ay meron talagang hangganan dahil pagkatapos nung insidenteng iyon ay nagdecide na si tita Ellen at alam kong itong desisyon niya ay mas lalong nakapagpalungkot kay Ella.


I never thought I’d see the day na maninindigan na nga si tita Ellen at iyon nga ang kondisyon niya sa asawa niya, hindi siya magkakaso ngunit kailangan na niyang umalis sa bahay nila.


Kahit ganon ang papa niya, I know that Ella was not ready to live her life without her father kaya lang ay wala na rin naman siyang magagawa dahil nagdesisyon na nga si Tita Ellen.


From there Ella has to adjust and I made sure Leah that on this new phase, hindi ko siya iiwan.


Kahit wala na nga ang papa ni Ella na nagwawala gabi gabi ay palagi pa rin siya sa bahay. Noon ay medyo nabawasan na rin ang stress ni tita Ellen ngunit hindi rin maikakaila na kailangan nga niyang mag adjust dahil da-dalawa na lang sila ni Ella sa bahay nila.


Nagba-barbeque pa rin noon sina tita Ellen at dahil nga sa tumutulong si Ella ay instant na rin akong helper nila dahil nga sa lagi lagi kaming magkasama ni Ella. Tandang tanda ko pa na tawa lang ng tawa nun si Ella dahil talagang laging natutusok ‘yung daliri ko kapag tinutulungan siyang ilagay sa stick ‘yung marinated na karne.


Parang ang dali dali kasi kung titignan, medyo challenging pala kapag ikaw na ang gagawa. Kaya ayun, laging natutusok ‘yung mga daliri ko.


Basta tawa lang ng tawa noon si Ella kasi bukod sa paglagay sa stick ay talagang lagi din akong luhaan dahil nga sa usok kapag mag-iihaw ka na.


Alam mo ‘yung hindi mo magawang mapikon? Bagkus ay matatawa ka na rin sa bawat hagalpak niya na mukhang tuwang tuwa pa na nahihirapan ka. Well, wala eh, ganon talaga.


Mabilis maubos ‘yung barbeque kaya naman may mga moment pa na before 7 ay talagang wala na. Sa mga ganitong panahon, nagagawa namin ni Ella na lumabas at maglakad lakad. Wala lang, ‘yung simpleng magpapahangin lang kami.


Napaka-simple Leah, but I will not trade it for anything dahil sa mga minutong magkasama kami ay panatag ‘yung puso ko dahil alam kong heto lang siya, nasa tabi ko, safe at tumatawa. Hindi ko ipagpapalit sa kahit ano ‘yung mga pagkakataong ibinigay sa akin para masilayan ang matamis niyang ngiti at marinig ang nakakatawa niyang tawa... at idagdag pa na sa likod ng mga ngiti at tawang ito, ay ikaw.


120 views0 comments

Recent Posts

See All