• Leah's Real Life Stories

Martin's Story: FINAL CHAPTER



It took all my strength not to break down sa tuwing sinasamahan ko ang asawa ko sa appointment niya sa doctor.


Ayaw niyang magpasama pero this time, I stood my ground dahil ayaw kong ni isang minuto ay mawala siya sa aking paningin.


Kitang kita ko yung epekto ng medication sa asawa ko. Habang dumadaan ang mga araw, napapagod na siya. Halos hindi na rin siya makakain at talagang pumayat na siya. Her hair ay talagang pinagupit na niya into a boy cut. Alam kong medyo nahihiya siya nun sa itsura niya but honestly, kahit ano pa man ang maging buhok niya, ang ganda ganda niya pa rin.


I can see na napapagod na siya, pero kailangan niyang lumaban Leah. Call me selfish, but she has to fight. She is a fighter after all. Sa lahat ng mga pinagdaanan niya, kahit pa man mag-isa, nagawa niya pa ring lumaban sa buhay at napatunayan na kaya niya. Kaya kung nagawa niya nun, magagawa niya rin ngayon.


If only I could take her pain and her suffering away. Kung pwede lang na sana ako na lang ang mag-suffer while she’s going through her medication. If only I could shoulder everything para hindi na siya mahirapan.


I know she is trying, and I couldn’t be more grateful to her for waking up everyday with a determined look to defeat cancer. Kaya lang habang tumatagal ay unti unti na siyang napapagod at kitang kita na din ang panghihina ng kanyang katawan, and this had my already broken heart break into tiny pieces.


Kung pwede ko lang siyang itali Leah para masigurong hindi siya aalis, na hindi siya kukunin sa akin, gagawin ko. But as days pass by, and the harder I tried to keep her in my arms, the more she slips through like soft drifting sand in an hourglass, waiting for its time to be emptied. at habang natutulog siya sa bisig ko, hindi ko mapigilang maiyak dahil paano na Leah kung talagang hindi namin matatalo si cancer?


I was so scared dahilan upang may mga gabi na mapapalakas siguro yung iyak ko at magigising si Carla. Hindi siya magsasalita bagkus ay yayakapin ako ng mahigpit because is there anything else to say? Apart from the growing possibility that tomorrow, I will wake up into an empty bed.


I never met Carla’s parents and family pero isang araw, sinurpresa niya ako sa balitang makikilala ko na raw ang pamilya niya dahil uuwi kami sa kanila. I didn’t know how to react but I told her na as much as I want to meet her family, she doesn’t have to introduce us kung hindi pa siya ready to go back home and to face them. There’s no pressure.


Kaya lang matamis siyang ngumiti ay malambing na hinaplos ang aking pisngi, she said it is about time. She looked me in the eyes and said na kahit ano raw man ang kahihinatnan, kung itatakwil pa rin siya, it doesn’t matter kasi she has me.


I smiled back and squeezed her hand. She’s right, no matter what happens, I’m just right here, she has me from the very beginning of our relationship.

So we drove to their place. Medyo hindi mabilis ang patakbo ko nun dahil nga sa kalagayan ni Carla. Upon arrival, we stayed in a hotel while waiting for May 14, which is in 2 days. May 14 is a special day because it is the 25th wedding anniversary of my wife’s parents.


At dumating nga ang May 14, 2017. Yung venue ng celebration ay sa isang hotel. Nung araw na iyon, muli kong nasilayan ang normal na Carla, her hair was perfectly coiffed, yung make up niya on flick, she once again wore her high heels, and a very beautiful red dress that perfectly hugged her curves.


Honestly, seeing her, I couldn’t get my stupid smile off my face. I was mesmerized and staring at her that day made us both forget that my wife is already in between life and death.


Walang kaalam alam ang pamilya ni Carla sa kung anong surpresa ang naghihintay sa kanila sa araw na iyon.


No one knows me kaya ako na muna ang pumasok sa loob ng hall. Kinausap ko yung host na isingit sa program ang isang tao.


Sobrang saya ng lahat nun pero nung binanggit na nung host yung sinabi ko sakanya natigilan ang lahat lalo pa nung pumasok na si Carla at umakyat sa stage.


Huminto yung paligid, sobrang naging tahimik na para bang lahat sila ay nakakita ng multo. My wife flashed them a smile. A genuine one. I decided to take a video at ito yung mga sinabi ni Carla.


“Hi. Yes it’s me.” Nangingig niyang panimula. “Alam ko wala akong karapatan ngayon na tumayo sa harapan ninyong lahat. But I just want to greet sina mama at daddy ng happy anniversary.” Wala pa ring nagsasalita noon.


“Kung nagtataka kayo, ako si Carla. I’m here with my husband,” At ngumiti siya sa akin ng pagkatamis tamis and the next thing I knew, nasa akin na lahat ang atensyon ng mga tao roon and I just smiled lalong lalo na sa mga magulang niya.


“Don’t worry, siguro ito na rin yung huling pagkakataon na makikita niyo pa ako. So Please let me have the floor for just a few minutes. Gusto ko lang namang sabihin na walang araw na hindi ko kayo naisip.” Umiiyak na si Carla noon at kita ko rin ang pagtulo ng luha ng kanyang ina.


“I’ve been waiting for so many years na makita ko kayong lahat. Clearly andaming nangyari pero ako pa rin yung Carla na mahal na mahal kayo. Gustong gusto kong umuwi noon pero hindi ko magawa. Ngunit heto ako ngayon, nakatayo sa inyong harapan kahit alam kong matagal na akong nakick out sa pamilyang ‘to. I know it’s too much to ask, pero kahit isang araw lang. Isang araw lang sana ng buhay niyo ay ilaan niyo sa akin… when the time comes na hindi na ako huminga...please be there even just for my husband.”


Mabilis kong pinapahid nun ang mga luha ko na nag uunahang lumabas dahil hindi ko rin kinakaya ang mga sandaling iyon. Confusion was painted all over their faces.


“Please…for my husband because he’s a very good person.” At tumingin siya sa akin na kahit kinakain ng luha ay nagawa pa rin akong ngitian.


At nalaman nga ng pamilya niya ang kalagayan ni Carla dahilan upang bumaha ng luha sa event na yon. Nung gabi ring iyon ay sa bahay nila Carla kami tumuloy at dun kami sa dating kwarto ni Carla.


Ayon kay Carla, hindi raw nagalaw yung kwarto niya dahil kung ano yung iniwan niya noon, ganun na ganun pa rin yung itsura. Ito rin ang sinabi ng mama niya, wala raw sa mga kapatid ni Carla ang nagbalak mag-stay doon kaya naman ginawa nilang guest room.


Dahil nga first time akong ma-meet ng pamilya ni Carla, I was invited by his father, 2 male siblings, and his relatives to drink. 4x4 nun ang binili nila at sa totoo lang ay hindi ako masyadong umiinom.


They interrogated me, oo medyo nakakakaba pero wala naman akong dapat ikatakot dahil malinis naman ang intention ko kay Carla. I answered all their questions, at I am confident that they are satisfied dahil after, I was called ‘anak’ and ‘bayaw’ by her family and relatives.


Ang saya saya ko nun dahil sa tinanggap ako kaagad, ayun nga lang at may naghihintay na parusa sa akin kinabukasan… hang over because her family had me drink at dahil na rin sa hindi nga ako palainom ay mabilis akong tinamaan.


Walang tigil sa katatawa si Carla kinaumagahan. My head was throbbing and I could barely get out of bed. Todo asikaso naman sa akin ang asawa ko kaya lang ay hindi siya matigil katatawa dahil sa ginawa sa akin.


Yung mama naman niya on the other hand, inaasikaso rin ako habang tinatalakan ang asawa niya at ang mga anak niya na noon ay masakit din ang ulo dahil sa pare-pareho kaming na hang over.


Kahit ganun, I am very much happy knowing that my wife is reunited with her family and that she is happy. That’s what I only wanted, to see my wife in this state.


Nung umaga ding yon, Carla went outside with her mom. Sa kwento niya sa akin, namalengke raw sila at dumaan dun sa pansitan na lagi nilang kinakainan noon. Pagkatapos daw nila maiuwi yung mga binili nila, inaya siya ng mama niya na pumunta sa ilog na sa baba lang ng bahay nila.


Hindi naman ganon kainit ang panahon, sakto lang. Nang makababa na raw sila sa ilog, tumambay sila sa isang kubo roon na siyang tambayan din daw nila Carla noon pa man.


Carla’s mom asked for forgiveness. Umiiyak daw ito nun habang sinasabi kung gaano niya pinagsisihan yung ginawa niya sakanya lalong lalo na yung paggupit nito sa buhok niya. She wanted to convince her to come home nung naglayas daw siya, kaya lang, yun nga sa pagkakonserbatibo at pagiging sunod sunuran sa pananaw ng kanilang pamilya, pinakinggan niya ang mga relatives nila nang sabihin nilang ‘hayaan mo siya, babalik din yan.’


They obviously underestimated Carla’s ability to survive dahil confident daw silang babalik din ito dahil paano naman siya mabubuhay?


But days passed by, Carla never came back. Dito na raw natauhan ang pamilya niya lalong lalo na ang mama niya na labis na pinagsisihan ang ginawa. She was so tempted na sunduin na raw si Carla kaya lang mukhang she’s performing well naman sa college and so she decided na hayaan na muna ito.


Ito ‘yung araw na pinakahinihintay ng asawa ko and so from that day, halos hindi na siya mahiwalay sa mama niya at halos madaling araw na nung finally ay bumalik siya sa kwarto namin. Kitang kita ko ang kakaibang ngiti na nakapaskil sa mukha niyang nang tabihan niya ako. Napangiti na rin ako nun dahil talagang kitang kita na nag-uumapaw yung kaligayahan niya.


Seeing her this happy, I couldn’t ask for more.


I was already sleeping that night dahil akala ko sa mama niya matutulog si Carla ngunit nang mga alas dos na ay bumalik siya sa kwarto. Dahan dahan ang galaw niya nun pero naalimpungatan pa rin ako at don kitang kita ang matamis niyang ngiti.


She laid beside me and rested her head on my chest habang ang mga braso ko ay ipinulupot ko sakanya.


Hindi siya nagsalita and I thought nakatulog na siya kaagad. Kaya naman ipinikit ko muli ang aking mga mata upang bumalik din sana sa pagtulog nang bigla siyang magsalita at yung mga katagang lumabas sakanya ay tuluyang nakapagpawala sa antok ko at tuluyang pumiga sa mata ko.


Sinabi niyang mag-asawa raw ako ulit. I told her na I already did when I married her. Natawa siya at tandang tanda ko pa yung sumunod niyang linya, “If I won’t come home one day, promise me that you would still live your life.”


This line struck me. How am I supposed to live my life when she is my life in the first place? I didn’t like the sound of it and she’s asking too much.


Ayaw kong isipin na mawawala siya dahil hindi ko kakayanin Leah. Hindi ko alam kung paano ko mapipigilan yung sarili ko na yugyugin siya pag dumating yung araw na huminto sa pagtibok ng puso niya.


I want her to fight Leah. I need her to fight hard, even just for me. It sounds selfish, pero kailangan niyang lumaban dahil hindi ko talaga kakayanin.


How would I be able to cope when the only person I’d like to be with and the reason why I am looking forward to every morning will be gone? Is she even hearing herself? I repeat she is my life Leah.


That night was the night I sob so hard since the day I learned about Carla’s condition. I sat and leaned against the headboard of the bed. I tried so hard not to sob but they came out anyway. I covered my face with my hands, if I cannot control my tears at least I should hide my face.


I shouldn’t be crying in front of her. I should be her rock. But Leah, it’s too much. Yung dibdib ko parang naka-crumple.


Hindi rin nagtagal, I felt Carla’s arms wrapped around me at dito ako mas lalong napahagulgol. I buried my face on her neck and just like that, I cried so hard as my wife held me.


Leah, do you know that feeling na araw araw ay gigising ka with the reality na any moment maaari siyang mawala sa’yo? How could you even function?


But thankfully. My fear didn’t materialize, and my beloved wife had won the battle. The journey was quite long and painful but what matters is my Carla is still with me. Siya yung tumupad sa favor na inask namin sa isa’t isa…my favor is that we’ll continue with her medication at lalaban siya.

At ngayon, I am happy to announce that my wife is already cancer free. With the brand new life given to her, we’re using it as an opportunity to help cancer patients. Tumutulong kami pinansyal at lagi namin silang binibisita to give some pep talks.


Marami na ring beses na naimbitahan kami ng asawa ko to share yung journey namin in conquering and defeating cancer.


Sana patuloy lumaban dahil lahat ng ating mga dasal ay magkakatotoo pag sinamahan natin ng faith and hope.


Sobrang haba na ng liham ko Leah. I hope na may natutunan kayo sa kwento naming mag-asawa. More power to your program and to your station. Sa susunod, kung mapagbigyan muli, ikwewento ko ang journey naming mag asawa sa kagustuhan naming magkaroon din ng anak.. Hanggang dito na lang po,


Lubos na gumagalang,


Martin


41 views0 comments

Recent Posts

See All