• Leah's Real Life Stories

Martin's Story: CHAPTER TWO

Updated: Mar 24


We exchanged texts and calls. At dito na nga nagsimula na mayroon na akong naikwekwento sa mga kaibigan ko. Panay nga ang tukso sa akin sa tuwing iilaw yung phone ko dahil may text message. Hindi ko maiwasang mapangiti sa tuwing ang pangalan ni Carla ang nakikita ko sa screen.


We exchange messages, but it’s not the typical kumain ka na or ingat ka or good morning and whatsoever. Hindi ganon, hindi ‘yung teenagers na magtext mate, it’s not. Though, may mga good morning din pero ang majority na laman ng convo namin ay tungkol nga sa trabaho, nagba-banter kami sa kung anong effective na teaching strategies and all.


Hindi ko sure kung ‘yung lagi naming pagtetext ay naging komportable na siya sa akin, dahil the first thing you will get to know about her is that she’s an independent person, she doesn’t confide in person. But, yun nga, Leah, she became open na yung stress at frustrations niya, napapag-usapan din namin.


Hindi ko alam pero for me obvious kung talagang stressed na stressed na si Carla dahil mahahalata mo ito sa tono ng pagtext niya at sa tuwing ganon ay aayain ko siyang lumabas for a coffee or to eat or to just simply breathe. Kung hindi siya pwede, tatawag yan o di naman kaya ako at ayun mag-uusap kami hanggang sa makakalma siya.


Si Carla, stress all the time… so this means, that we go out often and talk everyday.


Alam mo ba Leah? Sa totoo lang yung kalalaki mong tao pero kinikilig ka. Nakakatawa pero ganun talaga kasi Leah pag tinamaan ka, hindi lang basta tinamaan kundi tinamaan ng sobra.


Hindi ko alam kung paano ligawan ang isang tulad niya, pero I would be damned kung pakakawalan ko pa siya. Kaya kahit nakakatakot at wala akong ideya kung paano iplease ang isang strong and independent woman na kagaya niya, sinubukan ko pa rin.


Hindi ko alam kung paano siya ligawan. Should I ask her? Of course ito naman yung dapat diba, Pero paano? Paano mo tatanungin ang isang tulad niya?


Totoo pala talaga na may mga babae na nakakatakot ligawan at isa na dito si Carla. Yun bang kahit indirect message ay kakabahan ka pa rin ng todo.Pero wala eh, sabi ko nga, tinamaan ako sakanya.


At dahil hindi ko masabisabi, dinaan ko na lang sa action. Hinahatid ko siya at sinusundo ko mula sa work, yayain lumabas, maglalakad lakad kami kung saan saan, magkwenwentuhan hanggang sa madaling araw either through phone or pupunta ako sakanya.


I mean, I know na yung mga ganyang gestures very normal and it should be the way how men treat women.


They deserve all the good things in the world. Beside, tayong mga lalaki ang nagtangkang pumasok sa tahimik nilang buhay, so we don’t have any right to treat them the way they don’t deserve.


Siguro sasabihin ng iba, wala ng ganitong mga lalaki o di kaya sa salita lang meron. Trust me, meron pa rin.


Old school po kasi ako, yung mga prinsipyo ng lolo ko towards women ay naadopt ko. People always think it’s boring and they say na wala ng ganyan ganyan ngayon, pero for me it does work. Laging sinasabi ng lolo ko sa akin, Respect the ladies and treat them well.

Yung greatest struggle ko ay yung hindi ko matanong tanong si Carla. Lagi kong kinokondisyon ang sarili ko to ask her pero sa tuwing kaharap ko na siya, napipipi ako hanggang sa ‘pag wala na siya sa aking paningin, inuuntog ko na lang yung sarili ko.


Ganun lang – I condition myself tapos pag kaharap ko na siya, hindi ko mabitaw bitawan ang mga katagang gustong gusto kong sabihin sakanya. Sa totoo lang, hindi naman si Carla ang unang babaeng niligawan ko, may mga dalawang nauna, at oo kinabahan din ako ng todo noon sakanila pero si Carla, triple yung kabog ng dibdib ko.


Hanggang sa dumating yung araw na ni minsan ay hindi ko naimagine na darating.


Nasa apartment ako ni Carla nun, alas otso na ng gabi pero andami pa rin naming kwento sa isa’t isa. Nung gabing yon pakiramdam ko, masasabi ko na. Maganda sanang timing iyon pero sa tuwing maga attempt akong tanungin na siya ay walang katagang lumalabas sa bibig ko.


We were sitting sa stairs ng front door niya, paborito kasi namin itong tambayan. We were both holding our coffee mugs and drinking cocoa na ako mismo ang gumawa. Carla learned to love the cocoa I make kaya everytime na nasa apartment niya ako I make sure that hot cocoa is always served for the both of us to enjoy.


‘Yun nga, yung gabing iyon walang pinagkaiba sa mga oras na inispend namin sa isa’t isa. The only new thing ay ang tatlong katagang binitawan niya.


We were discussing over a certain learning theory nang bigla siyang tumahimik at saka matamis na ngumiti sa akin. Sa tuwing ngumingiti siya ay mas lalo siyang gumaganda at saka hindi mo rin mapipigilan at mahahawa ka sa ngiti niya.


She was smiling at me and before I was able to ask why, bigla niyang binitawan ang mga katagang, “Oo na,Yes,”


Dito ay tuluyan akong natameme and it took me several seconds to digest her words. Because of my reaction she laughed hard at bago pa man ako makapagsalita ay niyakap na niya ako. And everything just felt right and felt so real.


Gasgas man o corny pakinggan para sa iba pero sa totoo lang ay kay Carla ko naramdaman ‘yung parang nag-flip ‘yung puso ko. And I instantly remembered my late grandfather na ganun na ganun ‘yung naramdaman niya nung sinagot na siya nung lola ko after 3 years of courtship.


Tandang tanda ko pa ang sabi niya na doon pa lang daw ay 100% sure na siya na si lola na nga talaga ang babaeng ihaharap niya sa altar. And it’s true dahil kung hindi sila nagkatuluyan wala akong nagsusulat ngayon dahil hindi naipanganak si daddy.


I felt the same. Habang magkayakap kami ay nagtatatalon yung puso ko habang yung isipan ko naman ay mabilis na nagtravel sa future kung saan Carla is with me in every step that I take for the rest of my life.


Magboyfriend-girlfriend pa naman pero ‘yung tuwa at saya ko ay parang pumayag na siyang magpakasal sa akin.


Yes Leah, in short, Carla just made me one of the happiest men alive at that time and honestly, I couldn’t ask for more dahil yung babaeng pinapangarap ko at yung babaeng napaka-impossibleng abutin, ay yakap yakap ko na at binigyan ako ng pagkakataon na maging parte ng buhay niya.


Isa lang ang ipinangako ko nun habang nakatitig sa kalangitan at yakap yakap si Carla, hinding hindi ko na siya pakakawalan pa.


Naging kami nga ni Carla. Sobrang saya ko noon Leah. Yung relasyon namin hindi perfect, gaya rin lang ng mga normal na relationships. Kasi diba kahit saan ka man magpunta, there will always be arguments, disagreements, and dramas in a relationship.


Alam ko kung ano ang pinasok ko kaya hindi ako nagrereklamo sa tuwing ako ang napagbubuntungan minsan ng girlfriend ko everytime she’s stressed. Besides, ganun din naman talaga ang mga babae, may mga toyo talaga.


Iba iba rin yung trip niya, may mga oras na maglalambing, may mga time naman na nagrarant. Pero ganun talaga Leah, I love her and bilang isang boyfriend niya, na nagpasyang ligawan siya in the first place, ay dapat ako ang unang umuunawa sakanya.


Thanks to my grandfather dahil lahat ng mga ito ay natutunan ko sakanya, ang pahalagaan, intindihan, at mahalin ang babaeng tayo rin naman mismo ang nagdesisyong pumasok sa buhay nila.


Ang kabilin bilinan ni lolo noon, ‘wag mong liligawan kung hindi mo naman panindigan. At saka sabi niya, love is greater than the ‘buts’ in a relationship, so all you just have to do is to hold on to that love that pushed you to be man enough to court and have that person as your future wife.


Carla is a strong independent woman at alam ko na noon na kahit kami na ay hindi pa rin siya nagdepend sa akin. I want her to confide in me pero my girlfriend is the most independent woman I had ever met in my life.


I knew that’s her, and I never intended to change her that’s why I never pushed her to talk and discuss things with me that will certainly hit a nerve in her.


Though, I was starting to wonder kung nasaan nga ba ang pamilya niya dahil never siyang nagkwento sa akin tungkol sakanila. And that everytime ako ang magkwe-kwento about sa family ko, may mga follow up questions siya like how does it feel to be like this and like that with your family.


Ang basic nung question at alam kong lahat tayo made-describe at masasagot yung mga tanong niya… iyon nga lang kung namumuhay kang wala ang pamilya mo sa tabi mo.


Habang tumatagal ay mas lalo akong nacu-curious kung ano nga bang meron. Sobrang strong niyang tignan pero damang dama ko ang isang napakabigat na emosyong nakaaligid sa kanyang pagkatao na para bang there is this huge pain hiding behind her strong and intimidating personality.


Isang araw, nakailang text na ako sakanya nun pero wala akong nareceive na reply mula sakanya. Hinayaan ko na lang muna dahil baka nga sobrang busy niya pero labis na akong nagtaka nung gabi na at wala pa rin siyang paramdam.


Alas nuebe na nun nang magdecide akong tawagan siya pero unattended Leah. Ang weird kasi kahit busy siya, she would always make time to send me a message.


I decided to call one of her friends at nang malaman kong hindi siya pumasok sa trabaho, dito na ako nag alala lalo na nung akala rin nung kabigan niya ay magkasama kami.


Binigyan niya ako ng spare key sa apartment niya at dun din sa araw na iyon ang kauna unahan kong paggamit sa susing iyon. Kumatok muna ako ng makailang beses sa at nang walang nagbukas ng pintuan, ginamit ko na yung spare key.


Pagkapasok ko ay si Lucy at Winter ang sumalubong sa akin, ang dalawang aso nya. The two looked relieved na parang they’ve been waiting for me.


Talon sila nang talon nun and they were making sounds na parang nagmamakaawa. They led me to Carlas’s room at doon ay natuklasan ko kung bakit ganun kaaligaga ang dalawang aso.


Si Carla, nakahiga lang sa kama niya and she was motionless.


44 views0 comments

Recent Posts

See All