• Leah's Real Life Stories

Martin's Story: CHAPTER THREE


Sa nadatnan ko ay kaagad akong tumakbo palapit kay Carla. Sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko nung mga minutong yon habang niyuyugyog ko ang girlfriend ko at tinatawag ang pangalan niya.


And suddenly, she lets out a deep groan at doon ay napanatag ako lalo pa nang buksan niya ang mga mata niya. Pero hindi rin yun nagtagal dahil sobrang init niya na pwede ng magprito sa kanyang noo.


Akmang bubuhatin ko na sana siya noon para itakbo sa hospital nang pigilan niya ako. Her voice was so weak pero very firm yung pagkakasabi niyang ayaw niyang pumunta sa hospital.


Did I say that my girlfriend is also the most stubborn woman I had ever met? Sobrang tigas ng ulo niya. Sa lagay niyang iyon, she’s still so ready to pick a fight pag dinala ko siya sa ospital.


Sobrang disagree ako sa kagustuhan niya pero alam kong hindi ako mananalo sakanya. Kaya ang ginawa ko na lang ay pinagluto ko na lang siya ng soup dahil alam kong bukod sa hindi siya marunong magluto, hindi siya makakapag order sa lagay niyang yon at pagkatapos ay pinainom ko ng gamot.


Kung hindi pa siya gagaling, kahit magwala siya ay dadalhin ko pa rin siya sa hospital. She’s a very independent person and even with things like this ay gusto niya mag-isa pa rin siya.


Hindi ko siya iniwan sa gabing yon. I was about to settle sa sofa sa kwarto niya nang sabihin niyang tabihan ko siya. Sumunod ako at nang makahiga na ako sa tabi niya, automatiko niyang ginawang unan ang dibdib ko. I enveloped her around my arms at doon ako sa wakas napanatag. I’ve been worrying but she’s here, safe, alive, and in my arms.


Habang natutulog ang babaeng mahal ko sa bisig ko, hindi ko magawang pumikit. Andaming tumatakbo nun sa isip ko at napacheck lamang ako ng orasan nang biglang gumalaw si Carla.


Pasado ala una na nun ng madaling araw nang magising siya. Ngumiti siya sa akin ngunit ang una niyang sinabi, hindi ko raw kinailangan magstay. Napatawa na lang ako nun dahil bukod sa ang tigas din talaga ng ulo ng girlfriend ko ay taliwas sa pagkakagrip niya sa t-shirt ko yung lumabas sa bibig niya.


She swatted me playfully at nang magtama ang aming mga mata, siguro nabasa na niya ang mga katanungang nakapaskil noon sa mukha ko. She burrowed impossibly closer to me at matapos ang isang buntong hininga, nagkwento na siya.


Unang bigkas palang niya ay medyo hoarse na ang boses niya, hindi ko alam kung dahil lang ba iyon sa iniinda niyang sakit o may dahilan pang higit na mas mabigat.


At doon nga sa oras na iyon, nalaman ko yung nakaraan ni Carla. ‘Yung bagay na prinoprotektahan niya at paniguradong hindi niya basta basta pinagsasabi sa mga tao, sinabi niya sa akin. Hindi ko alam pero sobra akong nasaktan para sa kanya, she’s an amazing person at hindi niya deserve lahat ng mga pinagdaanan niya.

Si Carla namulat sa napakakonserbatibong pamilya. Napakakonserbatibo na napunta na sa pagiging mapanghusga. Bawal kang magshorts o sando, bawal kang magpagabi o malate man lang ng uwi…basta by 5:30 nasa bahay na, bawal kang makipag friends sa mga lalaki, basta napakaraming bawal na kulang na lang ay pati ang huminga sa veranda ng bahay ay ipagbabawal.


Sa angkan nila, si Carla yung pinakaunang sumuway. Sabi niya nun, sobrang init so bakit siya magjojogging pants o ano sa bahay? Tapos nag aaral siya, given na yung mga projects na magrerequire ng extra time sa school. And she didn’t go to all-girl school kaya hindi maiiwasan na makakameet siya ng mga lalaking kaibigan. Besides, mas gusto niya talaga ang mga lalaki at baklang kaibigan nun dahil hindi sila mga chismosa.


Wala lang kay Carla yung way niya ng pananamit, pananalita, at pakikipagdeal sa mga kaibigang lalaki. Normal lang iyon sakanya. Pero sa mata ng mga relatives niya, sobrang nakakahiya na siya.


Sinabihan na rin siya ng mga magulang niya dahil pinapahiya niya raw ang pamilya nila. Opo, ganun kababaw ang isip nila.


Hindi sumunod yung girlfriend ko at iyon umabot sa puntong yung buhok niya ginupit ng mama niya para lang mahiya na siyang lumabas kasama ang mga kaibigang lalaki.


Sabi niya mga around 6pm nun at tsaka madilim na. Ginabi kasi sila sa school dahil nga sa kailangan nilang mag-practice for their play and since madilim na, nag-boluntaryo yung mga 4 na kaibigan nilang lalaki na ihatid sila ni Becka, ang kaibigan niyang babae.


She was the first one daw na naihatid, sa gate pa lang daw ay kitang kita na niya ang nag-aapoy na tingin ng mama niya nang makita ang mga kasama niyang lalaki.


At iyon na nga, nang makaalis na ang mga kaibigan ni Carla at nang makapasok na siya sa loob ng bahay ay mabilis siyang hinila sa kwarto ng mama niya, masakit daw yung pagka-grab ng mama niya sa forearm niya pero kahit ganun, hindi iyon pinansin ng mama niya.


Sinubukan man niyang pumalag nung hawak na ng mama niya ‘yung gunting ay wala rin siyang nagawa at umiiyak na lang habang galit na pinaggugunting ng mama niya ‘yung buhok niya.


She was so helpess at ‘yung mama niya, basta na lang siya iniwan na umiiyak. The strategy was effective, dahil pagkatapos nun ay in- isolate na niya ‘yung sarili niya and she shut everyone out, including her own family.


Staying inside the house and locking herself inside her room didn’t change anything Leah. Hindi ko lubos maisip na ang simpleng bagay, sobrang big deal dahil hindi tinigilan si Carla ng relatives niya at ng family niya.


They thought she was actually pregnant kaya ganun ang ginawa ng mama niya sakanya at kaya siya nagkukulong.


She was called with several names like pokpok, laspag, hindi makakapagtapos, at mabubuntis talaga ng maaga. She tried to endure these cruelty until it became too much and the only thing she could save herself is to walk away.


And so at the age of 17, naglayas si Carla. It was harder but she thought, ‘yung pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho is far lighter than being around with her family and relatives.


Given her skills, she was hired as an encoder and a student assistant.


Honestly she said, a part of her still wished that her family will convince her to go back home but they didn’t, kahit pa man nagkakasalubong sila. It broke her but she used her pain as a leverage to strive harder and Leah, she succeeded because she was able to finish college.


Nobody attended her graduation, even text messages, she received none. Kaya dun na, dun na siya tuluyang pumunta sa ibang lugar. Nakahanap siya ng magandang trabaho, dineretso ang masters, at doctorate.


Akala ko hindi ko na magagawang higit na mahalin pa ang girlfriend ko, nagkamali ako dahil sa puntong iyon, after letting me see her sore part, mas lalo ko siyang minahal.


Ibinaon nun ni Carla ang mukha niya sa dibdib ko habang pilit nilalabanan ang mga hikbing hindi na kaya pang pigilan. It’s been years pero ganun pa rin kasakit at damang dama ko iyon sa bawat taas baba ng balikat niya at sa bawat singhot niya habang pilit pinipigilan ang malalalim at masasakit na hikbi.


Damang dama ko na nun na basa na ang t-shirt ko ng luha niya. Naluha na rin ako nun dahil ganun pala kabroken yung babaeng mahal ko.


Hindi ko alam kung paano ko siya pakakalmahin nun dahil yung iyak niya, iyak na hindi nailabas ng napakatagal. Iyak na itinago niya sa buong mundo using her feisty aura. At Iyak…iyak na naipon. Kaya ganun na lang katindi nung napakawalan na.


She cried all night and I didn’t do anything aside from holding her into my arms.


Leah, mas lumalim yung koneksyon namin ng girlfriend ko magmula nung gabing nag-open up siya sa akin. Mas lalo ko siyang naintindihan.


Dumating yung araw na graduation na niya. I was the one who accompanied her and I was so grateful that she allowed me to experience that momentous day with her.


All throughout her graduation ceremony ay hindi niya binitawan yung kamay ko. Hapon yung graduation kaya deretso dinner na kami after.


Hinatid ko siya sa apartment niya at pagkapasok namin sa loob ay nagpakawala siya ng isang ngiti…..isang ngiting dumurog din sa akin.


Yung ngiting iyon ay punong puno ng pait at sakit.


Bumagsak yung balikat ni Carla kasabay ng pagtubig ng kanyang mga mata. This rare sight never failed to hurt me every time it decides to show up.


My strongest and feistiest lady once again broke down into painful sobs. Mabilis ko siyang ikinulong sa aking mga bisig habang umaalingawngaw sa buong apartment ang kanyang mga hikbi.


Iyon na yung pangatlong diploma niya na wala ang kanyang pamilya. Dapat sana nagce-celebrate kami pero nung mga oras na iyon, pinagsaluhan namin ang mapait na katotohanang hindi na naman nawitness ng pamilya niya ang isa sa mga achievements niya.


Kung pwede ko lang sana akuin yung sakit, matagal ko ng ginawa Leah. Palakas nang palakas ang mga hikbi niya noon at ang tangi ko lang nagawa ay ang yakapin siya ng sobrang higpit.


After four years, nag-propose na ako kay Carla. Botong boto ang buong angkan ko sakanya kaya todo tulong sila nung sinabi kong gusto ko ng pakasalan ang girlfriend ko.


Sobrang close ni Carla sa pamilya ko lalong lalo na kay mama. And it always made me question kung bakit natitiis ng pamilya ng girlfriend ko ang taong tulad niya?


Mas gusto na nga siya ng mama ko kesa sakin. I remember my mother saying kung hindi ko raw pakakasalan si Carla, siya na raw ang gagawa. Ganun nila kagusto ang girlfriend ko.


At nang napa oo ko na si Carla, kaagad inayos yung kasal namin. Natatawa nalang kaming dalawa nun dahil ganun ka excited ang angkan ko. Pero sa gitna ng mga tawang yon, ay ang mapait na realidad that she would be walking down the aisle without her parents and family.


I suggested na puntahan nalang namin yung pamilya niya pero sinabi niyang ayaw niyang masira ang isang napakagandang araw ng buhay niya.


At dumating nga yung araw ng kasal namin. Grabe ganun pala yung feeling, hindi mo maexplain kung ano nga ba yung nararamdaman mo habang hinihintay yung sarili mong bride sa loob ng simbahan. Excitement, kaba, tuwa, matinding panginginig at kung ano pa.


Pinapakalma ako nun ng mga groomsmen at alam kong in few years time, gagamitin nila itong pang asar sa akin.


Yung luhang pilit kong pinipigilan ay tuluyang kumawala the moment the door opened at nakita ko na ang napakaganda kong bride.


Kung may hihigit pa sa katagang perfect, yun yung description ng babaeng mahal ko nung mga araw na yon. Akala ko wala na siyang mas igaganda pa, pero nung araw na yon…..nasilayan ko at ng lahat ng dumalo sa kasal namin ang pinakamagandang bride.


And she walks down the aisle…alone. Kahit natatakpan ng veil nun ang kanyang magandang mukha ay kitang kita ko kung paano tumulo yung mga luha niya.


Kung maaari ko lang sanang tawidin yung distansiya namin at yakapin siya, alam kong sobrang sakit sa part niya na walang naghatid sakanya papunta sa akin. And that day is one of those many days na nagpakita sa akin how strong she is.


Yes Leah, she may have walked down the aisle alone, but the moment she was standing in front of me, I made sure that she will never have to do things, alone.

I never felt so happy and contended with my life Leah not until the day I watch Carla in tears, the most beautiful bride walked down the aisle, flashing her sweetest smile kahit pa man nun ay tuloy tuloy ang agos ng luha niya.


While waiting for her, I had to bit my lower lip to keep my sobs. You’ll never get to understand those crying grooms on TV or on the internet until you are standing with your shaking knees, waiting for your queen as she walks down the red carpet being this extra beautiful … discrediting my claim that she couldn’t get any more beautiful dahil in my eyes, siya na ang pinakamaganda. I never thought na meron pa siyang mas igaganda.


Bagay na bagay sakanya ‘yung puting wedding gown niya. Hindi ko alam kung paano siya i-describe pero basta ang ganda ganda, alam na alam niya talagang pumili. She had the greatest taste and my guest will agree to me dahil most of the women were asking kung sino ang gumawa ng wedding gown niya.


Anyway Leah, I had to remind myself to breathe dahil habang papalit siya nang papalapit sa akin, mas lalong lumalamig yung kamay ko kasabay ng mas pagbilis ng kabog ng puso kong nagsisisigaw na eto na ‘yon, konti na lang, mapapasaakin na ng tuluyan ang babaeng noon lang ay pinapangarap ko.


And the long wait is over.


Walang paglagyan ang saya naming lahat nung araw na iyon, hindi maubos ubos ‘yung luha namin lalo na nang sabihin na ng pari ang mga katagang, “I now pronounce you, husband and wife.” . I can’t believe I just married the love of my life. Wala na akong hihilingin pa Leah dahil yung babaeng pinakamamahal ko, ay sa wakas dala dala na ang apilyedo ko.


No more good byes this time, only good nights. No need to text each other good morning because finally, we get to say it to each other in person the moment we first open our eyes in the morning. And finally Leah, there’s no coming home to an empty house this time, because I get to come home to or come home with the person I can now call my wife.


37 views0 comments

Recent Posts

See All