• Leah's Real Life Stories

Martin's Story: CHAPTER ONE

Updated: Mar 24


Dear Leah,


Ano nga ba ang gagawin mo kung paggising mo, nabibilang na lang yung oras ng taong mahal mo sa mundo? Yun bang wala kang kaalam alam na unti unti na pala siyang nawawala sa’yo?


Kung alam ko lang sana Leah. Kung alam ko lang sana…sana hindi nadudurog yung puso ko ngayon habang sinusulat itong kwentong ‘to dahil yung ala ala ay napakasalimuot.


Just like everybody else, I was fortunate to call a person I love so dearly mine. ‘Yun lang naman ang pinakagusto natin diba Leah? Ang mapa sa atin yung taong tinitibok ng puso natin. Kahit man gaano yan kahirap, kahit napaka-impossible minsan, pero kung mahal mo yung tao gagawin mo ang lahat mapa-sa’yo lang siya.


Of course, hindi naman lahat ng nagmamahal pare-parehas. May mga sadyang hindi lang talaga itinadhana, kahit pa man yung ginawa mo na ang lahat mapa sa’yo lang siya ngunit wala eh, hindi talaga pwede.


This is the reason why I call myself fortunate, a lucky bastard dahil even though she is too far out of my reach, nagawa ko pa ring isuot ang singsing ko sa daliri niya.


Masaya na sana Leah, pero labis labis na sinubok ang relasyon at pagmamahalan namin na nagawa ko pang questionin Siya, ang May Likha, kung bakit pa niya ibinigay yung ‘kung anong meron kami’ kung babawiin Niya lang din naman.


Ako nga pala si Martin. Nagsusulat po ako ngayon dahil nais ko pong ibahagi ang aking kwento na kahit alam kong sobrang sakit, umaasa akong kapupulutan ito ng aral at inspirasyon.


Alam kong may kanya kanya tayong dinidibdib, may kanya kanyang pinagdadaanang sakit and I hope that even we have different stories, I hope that my pain could inspire you to keep going even if it hurts so much.

Ako lamang po ay isang ordinaryong tao at lumaki po ako na may ordinaryong buhay. Yun bang sa tuwing tinatanong ako noon ng mga kaklase ko lalong lalo na sa college about my experiences in life, lagi kong sagot: aral, basketball, at video games. Ito lang naman kasi ang naging buhay ko at nung nagkatrabaho ako ay, yung work lang ang naidagdag sa daily routine ko.


Isa po akong IT graduate at nagtuturo po ako sa university. At the age of 25, nagdecide ako na magenroll ng masters. And after 25 years of existence, nagsimulang maiakda yung kwentong worth it pag ibinahagi sa iba.


Sa totoo lang talaga ay napaka-boring ng buhay ko lalo na sa paningin ng iba. Kasi daw walang ka-thrill thrill. ‘Yun bang yung plot ng kwento ko, dire-diretso lang, hindi man lang nagcu-curve ‘yung linya… static kumbaga.


Well ganun siguro talaga. Hindi tayo pare-parehas. However, dire-diretsong linya na sinasabi nila, nagsimulang tumaas at bumaba, ika nga nagsimula na ang thrill ng kwento ko.


Late bloomer kumbaga dahil it was when I was 25 that my life gets interesting. Opo, tama. Yung totoong buhay ko nagsimula nang magdecide akong bumalik sa eskwela kasi kailangan ko ng masters for promotion.


Two months palang ako noon na nagte-take ng masters ng makita ko yung babaeng magbibigay ng kulay sa aking buhay. Oo aral lang talagang ang pakay ko, pero nag-iba nang una ko siyang masilayan… napakaganda niya Leah, ‘yung alam na alam niya kung pano dalhin ang sarili. Yung pananamit niya very professional and fashionable, ‘yung buhok niya rin na hanggang sa balikat niya ay napakaayos rin, at yung make-up niya ay hindi katulad ng iba na makapal, simple lang kaya masasabi kong yung ganda niya talaga ay napakanatural.


I know women like her intimidate men, sa totoo lang ay ganoon ang naramdaman ko, I was intimidated by her … but then, it didn’t stop me from getting to know her.


Si Carla. Unang tingin ko pa lang sa kanya, ewan ko ba pero.. nabighani na ako kaagad sa ganda niya. Sabi ko nga, siya yung babaeng marunong magdala ng sarili. And the way she dress up, how she does her hair, how she wears her makeup, even the movement of her tender body as she passed by the corridor, and that look, yes, that look in her eyes.. my goodness, Leah, this, this woman, this is the kind of woman you shouldn’t mess up with. I mean, look at that, just by being as she is that very moment, she has already made my legs tremble, my heart stopped, my jaw dropped as if she took all the confidence in me when she passed by. The very word “WOW” could not even escape from my wide open mouth.. it was too funny and humiliating to imagine how I reacted that day..

Ang ganda niya talaga, Leah, pero sobrang intimidating. Isa siya sa mga babaeng nakakatakot iapproach, yun iisipin mo pa lang na lapitan e nginig na ang mga tuhod, pero kahit ganoon, hindi ko alam pero bigla akong naalimpungatan at sabay takip ng kunti ang aking mouth as if I was yawning at kusa ko siyang nginitian nung makasalubong ko siya nung araw na iyon.


I was walking sa campus patungo sa klase ko. Sa totoo lang ay napaaga ako that time kasi maaga akong nagising kahit pa man puyat na puyat. I was holding a coffee on my right hand at hindi ganun kabilis ang lakad ko kasi nga maaga pa naman. Naka-ear phones din ako that time at saktong ang tugtog nun ay Sa Isang Sulyap Mo nang may isang magandang dalagang naglalakad na mukhang galing doon sa direction na pupuntahan ko.


She was wearing a knee-level, short-sleeved blue dress which hugs her curve. I can tell na while she’s wearing her high heels, mas matangkad pa rin ako sa height kong 5’ 11’’. Mukhang nagmamadali siya nun dahil mabilis at malaki yung mga hakbang niya. Judging by her steps ay mukhang sanay na sanay na siyang ilakad yung heels niya na tantiya ko ay nasa 3-4 inches.


Hindi ko alam pero nginitian ko siya nang tuluyan habang papalapit kami at magkakasalubong sa daan. Hindi ko alam kung dahil sa nagmamadali lang siya kayat isang tango lang ang iginawad niya sa akin.


Nang makalagpas na kami sa isa’t isa, amoy na amoy ko pa rin yung napakabango niyang perfume na talagang mapapalingon ka ulit sakanya. Kaya lang nang mapalingon ako ay tuluyan na siyang naglaho dahil may curve at liliko ka kung sa gate ng school ka pupunta.

Leah, call it absurd pero buong araw kong naisip kung sino ang babaeng iyon. I just felt this tingling feeling na noon ko lang unang naramdaman.



Lagi kong nakakasalubong ‘yung babae iyon. Hindi ko pa alam ang pangalan niya nun pero hindi na rin naman ako nag attempt na magpakilala sa kanya, tanging ngiti lamang ang ginagawa ko sa tuwing nakakasalubong ko siya.


Nalaman ko na nun na sa opposite building pala siya at hindi gaya nung una, nakakasalubong ko siya sa tuwing uwian na. And Sobra talaga akong nagagandahan sa kanya that I always look forward every weekend to see her kahit pa man hanggang pasulyap sulyap lang. Sa totoo lang ay walang wala ako sa kanya, by just merely looking at her ay masasabi mong ang bagay sa kanya ay yung mga lalaking talagang gaya niya na empowered, like rich businessmen, CEO ganon. Hindi isang IT instructor at ordinaryong lalaki gaya ko.


So yun nga, nginingitian ko lang siya sa tuwing nagkakasalubong kami … hanggang dun lang. Hindi ako nagsasalita or nag-aattempt to say hello.


Probably right now, sinasabi niyo no wonder kung bakit ang boring ng life ko. Well, ganun talaga eh especially that she is a well accomplished woman. She deserves more and better, and in my case, I am not this ‘more’ and ‘better’.


That’s the reality, I am way out of her league. So I just settled by just simply smiling at her sa tuwing nakakasalubong ko siya. Isang ngiti lang, and that’s all.


Pero Leah, dumating yung araw na nakapagpabago sa lahat. Hapon na nun at malapit nang magdilim, malakas ang buhos ng ulan. Mabuti na lang at may dala akong payong.


Palabas na ako nun ng campus nang makita ko si Carla na nakatayo lang sa gate. Wala kasing payong. So I approached her and I offered na ihatid siya. Ewan ko kung ano ang sumapi sa akin at medyo malakas ang loob ko nun. Maybe siguro dahil na rin sa teachings ng mga magulang ko na nothing is wrong in helping people especially if you have something to offer. Never ever hesitate to help.


Kaya ayun, I approached her. Sa una, tinignan niya ako at akala ko na nun na babalewalain lang ako pero … hindi, tandang tanda ko pa yung sinabi niya, “oh you’re the guy, hi.”


I was expecting her voice to be so intimidating that it will really scare you off, siguro ganun, pero that time her voice came out soft and sweet.


And another thing na nakapagpabigla sa akin ay yung katotohanang namukhaan niya pala ako. Akala ko hindi siya marunong ngumiti pero, dun din sa puntong iyon, nasilayan ko ang isang matamis na ngiti.


At iyon, sabay nga kaming lumabas. I asked her kung saan ang bahay nila pero kung nagulat ako sa ginawa niyang pag ngiti sa akin, mas nagulat ako sa nalaman kong nasa iisang subdivision lang yung mga tinutuluyan naming apartment.

Natawa na lang kami pareho sa nalaman namin. Habang malakas ang buhos ng ulan, umuwi kami ng magkasukob sa payong ko.


Basang basa na noon ang mga sapatos namin at nakarating kami sa tapat ng apartment niya nang nakapaa nalang. Hanggang ngayon nage echo pa sa akin yung mga tawa namin habang naglalakad na hawak hawak na lang yung mga sapatos namin.


Yung tawa niya Leah ang sarap pakinggan parang isang musika na . Alam kong rare niya lang gawin iyon base sa serious deamenor niya kapag nakakasalubong ko siya.


Nung nagpaalam ako, tinawanan niya ako at ewan ko kung bakit. Hindi na lang ako nagtanong dahil gumaganda siya lalo pag nakangiti at tumatawa.


Hindi niya ako hinayaang umuwi kaagad dahil pinatuloy niya ako sa apartment niya. Two floors iyon kaya akala ko may kasama siya.


Gaya ng pagdadala niya sa kanyang sarili ay, ang elegante rin ng loob ng apartment.


Dumeretso kami sa kusina at doon ay pinagtimpla niya ako ng kape at nag offer ng bread.


Habang nagkakape ay hindi ko naiwasang magtanong kung may kasama ba siya sa apartment niya dahil kinutuban na ako nun na wala. At tama nga ako dahil yung dalawang aso niya lang daw na nasa taas.


I was so tempted to ask why pero I was in no place to do so. Kaya nagkwentuhan na lang kami tungkol sa mga ibang bagay, and little did we know, we were starting to get to know each other.


Si Carla, kasalukuyang kumukuha ng kanyang doctorate at nagtuturo rin siya sa isang university. Same age lang kami at nauna lang ako ng tatlong buwan sakanya.


Though hindi man niya sabihin sobrang halata na very independent siyang tao. I was dying to ask kung nasaan ang pamilya niya dahil sa totoo lang isa akong family oriented na tao at tungkol sa family ang una kong tinatanong sa mga taong nakikilala ko pero sakanya, ang bigat nung dating na matatakot kang bitawan yung katagang pamilya.


We talked more about academics lalong lalo na’t pareho kaming teacher. May mga bagay na agree kami sa isa’t isa pero may mga bagay ding hndi lalong lalo when it comes to students. Magkaiba kami kasi ng teaching style pero kahit ganun ay ang sarap niyang kausap.


Madilim na nun nang magpasya na akong umuwi. Nasa door na kami nun at magpapaalam na ako nang muli siyang natawa. Doon ay napatanong na ako kung bakit.. though nahawa na rin ako sa tawa niya.


“You don’t know how to flirt, do you?” Sa minutong iyon, namula ako Leah.

It’s not very manly at alam ko yun yung rason kung bakit tuluyang napalakas ang mga halakhak niya.


She has the most beautiful and contagious laugh but I was so stunned at that moment and couldn’t react.. lalong lalo na nung siya na mismo ang nagsave ng number niya sa phone ko. Natameme ako, Leah, promise. Para akong kinukuryente sa mga oras na yun, na hindi mailabas ang nararamdaman sa sobrang kagalakan.

43 views0 comments

Recent Posts

See All