• Leah's Real Life Stories

Madison's Story: CHAPTER TWO

Updated: May 19


After Apollo admitted that he has a crush on me, though I didn’t understand why and how, walang nagbago – ay meron pala, kasi hindi na ‘yung puppy love ko ang inaasar na lang sa akin kundi si Apollo na rin.


There were many projects na magkasama kami ni Apollo at kitang kita ko namang game na game siyang mag-participate.


Pero ang pinaka-bond namin nun ay ‘yung paglalaro nga ng scrabble. ‘Yung teacher namin kasi nun siguro dahil sa busy ay pinaglalaro na lang kami ng scrabble kapag super occupied siya, alam naman natin gaano ka-hectic din ang schedule ng mga teachers kasi hindi lang din naman basta pagtuturo ‘yung inaatupag nila.


Sa paglalaro ng scrabble, doon ko nga na-discover Leah na marunong mag-joke ang Apollo kasi iba rin ‘yung mga banat niya nun. Dun ko rin na-discover na he could be talkative as well when he wants to.


Pero ang hindi ko makalimutan Leah ay ‘yung madaya siya. Ako competitive pero in a playful way ay talagang magsisigaw ako dahil nga madaya siya.


Though kahit ganun, kung pagpipiliin ako kung sino ang mas prefer ko na makalaro, pipiliin ko siya. Walang malice o ano, I just simply enjoyed his company.


Pero if I were to be honest Leah, ang high school journey ko ay mas maraming eksena ‘yung puppy love ko. Oo, hindi naging kami pero sabi ko nga, corny pakinggan, pero noon siya lang ang lalaking nagustuhan ko.


And we didn’t have any talk or whatsoever, we just went to our separate ways after receiving our medals on our graduation day. I don’t even remember us congratulating each other.


So I went to college where I spread my wings even wider because I was braver then to take opportunities and to step into the spotlight even outside the university. I was making a name kasi ako rin ang naging pambato sa mga extra-curricular activities apart from sa academics.


Pero noon Leah, kung tinatanong ako about my love life or something, my mind would still go to the person who was my greatest competitor in high school. Noon kasi kahit never na kaming nagkita after graduation ng high school ay napapanaginipan ko pa rin siya at hindi ko alam kung bakit.


I didn’t have any idea about his whereabouts kasi we went to different universities Leah, so talagang there’s no way na magkikita ulit kami.


Though, talagang napakalaki ng mundo sa aming dalawa nun kasi nga never ko pa siyang nakita, never kaming nag-cross ng path. Can you just imagine ‘yung nakikita siya lagi ni Kara pero ako never. Tapos meron pang moment na I went to a certain place, dapat sana kahapon ako pupunta pero hindi natuloy ‘yung lakad at kinailangang ipagpabukas. Tapos malalaman ko na lang na ‘yung date which I supposed to be there ay nandoon siya.


Napakalaki ng mundo sa amin at noon ay nagtatanong na talaga ako kung meron ba akong unfinished business sa kanya at ganun nga na lagi lagi rin siyang nagpapakita hanggang sa panaginip.


My friends were telling me to let go of that other half of my puppy love pero ewan ko ba kung siya pa lang kasi that time ‘yung lalaking nakita kong ideal kaya ni isa ay walang naka-outlive sa kanya sa sistema ko.


Wala kaming communication noon pero I remember one time when I was in second year college na all of a sudden, this puppy love I was referring to suddenly sent ‘hello’ through messenger. I was browsing my phone kaya mabilis kong nakita ‘yung message. I replied na ‘oh nabuhay ka,’ tapos kamustahan and then the conversation ended immediately when he said he’s going to school.


Ganun lang at never kaming nagkita. Ang weird lang din Leah kasi ‘yun nga palagi ko pa rin siyang napapanaginipan. Sa totoo lang, nakaka-hurt ng pride kasi kapag naga-appear ‘yung mga Facebook posts niya sa timeline ko, he seems fine – oo na, there was a moment I visited his profile at doon ko nakita na he’s doing well sa school niya.


Ako, I was doing great, too pero ‘yun nga, nakaka-hurt lang din talaga ng pride na after all bakit hindi pa rin siya maalis alis sa sistema ko. It’s not that he is the most handsome guy I had ever seen, in fact, maraming mas gwapo sa kanya.


All throughout my college life, I focused on my acads and various leadership and extra-curricular activities. May mga nag-dare rin na magpakita ng motive Leah, meron ‘yung mga nag-attempt manligaw, pero ni isa sa kanila wala akong pinayagang manligaw. Hindi ko alam kung dahil ba sa masyadong akong occupied o sadyang wala lang din talaga akong nagustuhan sa kanila.


Sa totoo lang Leah, people perceive me as mahirap ligawan at mataas ang standards;, mMaybe they are right, but for me, just like other ladies who chose to remain single, I was only waiting for the right guy.


Kahit sinasabi nilang mataas ang standards ko, I cannot give you a list because I don’t even know what exactly these standards people are saying. Siguro nasabi lang nila ‘yon kasi walang pumapasa sa akin.


They thought I am an ice queen, well maybe, but Leah I am just like any other girls who is only waiting for that certain spark and connection with someone and I never felt this to the men who tried to court me.


But if you’re going to ask me Leah what I find attractive in men, ito, masasagot ko ito. Kung iba, sa looks sila naa-attract o di naman kaya sa figure o just simply sa mata … ako hindi because I usually find a man attractive if he could discuss ideas with me. Yes, I want someone whom I can debate with or just simply whom I could talk about anything with.


I like a man who can share and discuss ideas and concepts with me. I’m into intellectual banter at nakaka-gwapo rin sa akin ‘yung talino.


Though sa mga nag-attempt manligaw sa akin Leah, merong isa na siyang pinaka-consistent kasi kahit pa man nagtapos na kami nun ng college ay gusto niya pa ring i-push ‘yung panliligaw sa akin. Siya si Troy and we met in 3rd year college.


Magka-iba kami ng course, though we belong to the same department. Shifter kasi siya at tsaka transferee pero kahit ganun, naging kilala siya kaagad kasi nga ang galing niyang sumayaw at pati na rin umacting.


Leah, ako kasi I live inside my bubble and kung sino ‘yung mga kilala ko ay sila lang ‘yung lagi kong kasama and kaya rin siguro sinasabi nila na mukha akong masungit. ay hindi ako Nnaka-poker face lang kasi ako sa tuwing mag-isa akong naglalakad sa hallway papunta sa classroom namin kung saan naghihintay na naman ang malalakas na tawa ng mga kaklase kong pinakamaingay.


Natural lang naman ito kung tutuusin Leah kasi alangan namang pansinin mo na lang bigla bigla ‘yung mga nakakasalubong mo. Eh di nagmukha kang timang kung ganon.


Dahil nga sa ganito, kahit pa man lagi kong nakikita si Troy ay para rin siyang hindi nagi-exist not until sumali na nga siya sa performing arts club namin kung saan we were finally introduced to each other.


Si Troy maraming nagkaka-crush sa kanya lalong lalo na sa mga loweryounger year levelss, kapag sumasayaw talaga siya napapatili ‘yung mga babae na talagang kinikilig. I didn’t understand where the fascination is coming from at first not until I watched him perform.


Ang ganda rin kasi talaga ng moves niya, ang swabe just like Vhong Navarro na ang effortless kapag sumasayaw, that’s why the girls always scream at the top of their lungs.


Sa totoo lang lagi lagi kong nakikita si Troy, lagi ko siyang nakakasalubong sa hallway pero dahil nga sa we don’t know each other, we just simply pass by each other not until the day he officially joined our performing arts club wherein meron na nga kami nung upcoming project which will be an income generating project sa club.


Yearly, merong ganun at ‘yun ‘yung pinaka-culminating activity ng club before the academic year ends. That project was a play and we had chosen Beauty and the Beast.


Before the rehearsal officially started, ‘yung club adviser namin ay lumapit sa akin and introduced Troy kasi kahit official member na siya ng club nun ay hindi pa rin kami nag-uusap, perhaps that was the reason why our adviser took matters into her own hands at siya na ang nagpakilala sa amin sa isa’t isa.


Maganda ang ngiti nun ni Troy at tsaka pabirong sinabi ‘yung pangalan niya and offered his right hand, he copied a gesture a man does when he introduced himself to get to know a woman whom he wants to date.


Dahil nga sa seryoso akong tao, hindi ako tumawa and I just formally accepted his hand and shook it tapos ay sinabi ang “nice meeting you.”


Siguro sinasabi niyo na ngayon na no doubt kung bakit takot din ang mga lalaki sa akin dahil na rin sa kakaibang trip ko. Siguro you have a point there, but this is me and if they want to court me, they have to live with that fact … and Troy Leah, he did.


Sa play namin, I didn’t accept any role already kasi madugo ang pag-direct, besides I was the leading character sa play namin sa previous year kaya pinabigay ko na rin sa iba and just focused on being a director.


Si Troy naman, he took a minor role kahit pa man he was offered to be the prince kasi nga he was as well tasked to be the choreographer at kailangan niya talagang aralin lahat ng moves at ituro sa casts.


I know it was not an easy task kasi nga sa club namin, talagang naghalo-halo, may singer, may dancer, actor, and others. So for example, if you’re a dancer, it doesn’t’s not necessarillyy mean that you should be intocan singing or you can acting as well. This is why, sa mga casts, there are these dancers who are not into acting at meron din ‘yung mga actors and singers who do not dance that often.


Kaya naman ‘yung task namin ni Troy kasama nung adviser namin na siyang naging voice coach ay mahirap-hirap din. But then, at the end of the day, it was fun and fulfilling.


It took us really a month to rehearse and to prepare. For the first three weeks ay during free time, weekends, at tsaka after classes kami nagpa-practice kaya naman ay gabi na talaga kung umuuwi kami. At dahil nga dito, I got to know Troy and he’s really funny at palaging may baong jokes.


Masaya siya kasama but then I had to take a step back when he suddenly confessed he developed feelings for me.


Noon Leah, instant akong nakaramdam ng pagkailang kay Troy and I was partly turned off kasi pakiramdam ko pinagloloko lang yata ako nito. Troy confessed through text kaya that time I also questioned his sincerity as well as maturity lalong lalo na’t, he acts as if nothing just happened nang magkita kami the next day.


I mean, iba ‘yung sinasabi niya sa text pero in person, parang wala lang. So paano ka rin maniniwala nun?


Though, kahit ano mang reason ang sabihin ko dito, ang bottom-line lang is if you don’t feel the same way, you will take a step back instantly. Kaya ganun, nailang ako sa kanya.


We pushed through with the play and it was a success Leah kaya lahat talaga ng puyat, pagod, stress, at pagsisisigaw ay worth it lalong lalo na’t even after the play ay maririnig mo pa rin ‘yung mga students na binabalik balikan ‘yung nangyari sa kanilang memory kapag nagchi-chikahan sila. Ganun din ‘yung faculty Leah who is all praised sa cast and crew for pulling off the play.


Once the play was done, even now and then nagte-text pa rin si Troy at ako most of the time ay talagang binabara siya, part din kasi ng personality ko Leah ‘yung direct to the point at tsaka pranka. Kung ano ‘yung thoughts ko ay sinasabi ko lahat that it would have been enough already for him to backed out and to look for another woman … well Leah, eventually, he did and I was okay with it, happy even that at least, he will finally find the romantic relationship I couldn’t give to him.


1 view0 comments

Recent Posts

See All