• Leah's Real Life Stories

Madison's Story: CHAPTER ONE


Dear Leah,


Ako po si Madison. Ako po ay sumulat upang siguro ay sagutin ‘yung napaka-famous na katanungan na, Mahal ko o mahal ako?


If you open this question, sigurado marami ang sasagot at pipiliin ‘yung mahal ko o ‘yung mahal ako. Ang sabi pa nga ng iba, kung babae ka, doon ka sa mahal ka kasi ang babae dapat inaalagaan, trinatrato ng maayos, at saka minamahal.


‘Yung mga iba ang sabi naman, doon ka sa mahal mo kasi eventually matututunan niya ring mahalin ka in the end.


Maganda itong topic sa debate o di naman kaya gawan ng script for balagtasan kasi hindi ka mauubusan panigurado ng sagot and that you could elicit various point of views on both sides kasi maraming makaka-relate na kung teacher ka at nakita mong inaantok ang mga estudyante mo, i-segway mo lang itong katanungang ito, tiyak magigising ang mga yan at magsisimulang humugot.


Lahat tayo may sariling pananaw at opinion in regards to this question pero ngayong linggo, ‘yung point of view ko naman ang papakinggan niyo.


Sa totoo lang kasi Leah, andali-daling sagutin siguro itong katanungang ito, andaling pumili ng panig pero when you are at the situation already, mahirap … mahirap mag-decide at mahirap pumili.


Are you going to break somebody’s heart just to go with the one you want to be with? Or are you going to break yours just to go with the one who is willing to love you and give you everything kahit pa man wala kang nararamdaman sa kanya?


Which one will you choose?


Ikaw ba Leah? Sino ang pipiliin mo, mahal ko o mahal ako?


Leah, ‘yung journey ng life ko so far, deretso lang, walang liko liko though it has certainly its ups and downs, of course.


Nasabi kong straight kasi I never tried na lumiko ni minsan just like what others do kasi sabi nila, hindi pwedeng plain at dere-deretso lang kung gusto mong may mai-kwento at tawanan kapag tumanda ka. In short para hindi naman boring ‘yung life mo at magka-kulay naman kahit konti.


Yes, it’s not that I agree but it’s the standard the society had already set na matatawag talaga na boring ang life mo kung hindi ka man lang nagloko kahit konti o kahit gumawa man lang ng mga silly things.


Ako I was and still am a serious person and since I was a kid, I preferred to stay at home rather than go for some adventures or do silly things na talagang makakapagpahagalpak sa’yo at ng ibang tao kapag kwinento mo.


I was not so keen at going at my classmates’ house and walking for kilometers under the heat of the sun just to hangout. O ‘yung mga simpleng kalokohan like kasama ka sa cleaners for the day pero tinakbuhan mo ‘yung teacher mo na nagsisisigaw na upang pabalikin ka lang, well I actually did the opposite because while everybody ran, I stayed and cleaned the classroom myself kahit pa man noon ay gustong gusto ko ng maiyak. I just couldn’t leave, you know? Hindi ko alam kung bakit.


Tapos ‘yung mag-escape sa klase, hindi ko rin ginawa o ‘yung sinubukang mag-inom, pumarty, o kahit ‘yung magboyfriend ng kung sino sino.


You might say my life is completely boring but perhaps, there is one thing that is not at ‘wag kayong mag-alala dahil iyon naman ang iku-kwento ko.


To be honest, I am not an easy kid. Ako siguro ‘yung isa sa mga categories ng bata na mahirap i-tolerate. Gaya ng sabi ko my personality is serious and I always act in accordance with the law or a certain standard, and I am not the one who breaks rules.


Hindi rin ako palangiti sa totoo lang, kung makakasalubong mo ako sa daan hindi mo ako gugustuhing kausapin gaya ng laging sinasabi ng mga estudyante, ‘yung kilay ko kasi laging nakakunot at magkasalubong kahit pa man walang naghahamon ng away o nambu-bwiset sa akin.


I am very impatient and when I was a kid, I tend to throw things kapag nagta-tantrum. It’s not a good example, I know.


You might think I do not have friends, nagkakamali kayo kasi I have. Si Kara, ang matalik kong kaibigan magmula pagkabata. Our moms are best of friends kaya ganun.


Si Kara, she’s my exact opposite at sa totoo lang she’s the one who balanced me and made me even just for a short moment feel like a human being. Siya kasi ‘yung palatawa, joker, clown, at maingay na kahit ilang metro ka ng layo sa kanya kakausapin ka pa rin.


She is talkative na maraming beses ding nababanggit ng teachers namin ang name niya kasi kapag may naisip lang yan na kahit ano ay talagang hindi na makakapaghintay at chichikahin ka na kahit pa man in the middle of the class.


Kara is my opposite, but we clicked at kung nasaan siya, nandun ako and vice versa. Yes, lagi kaming magkasama at kung minsan, twinning pa kami ng mga gamit, don’t ask me kung sino ang pasimuno dahil halata naman na ang baliw kong bestfriend.


Kahit nakakaloka si Kara, I would never want any best friend other than her.

Para hindi kayo ma-bored, ito na nga, in my elementary days and high school, hindi lang si Kara ang present kundi meron ding Apollo na sa totoo lang kung hindi rin nag-appear sa buhay ko ulit ay mapapabilang sa mga taong nakilala ko, naka-interact pero hanggang dun lang.


Si Apollo ka-barangay ko siya at malapit lang ang bahay nila sa school namin. Si Apollo siya ‘yung matalino lalong lalo na sa math pero tahimik and that he has his own circle of friends. Athlete rin siya at sa totoo lang ay para talaga siyang kabayo sa bilis niyang tumakbo.


Hindi ko alam Leah kung saan at paano siya nag-train basta isa siya sa mga pambato at pinakamabilis tumakbo sa school namin.


Naalala ko pa nga nun, kapag qualification for representative ng school for district meet, number na yan. ‘Yung itsura niya nung elementary kami ay ‘yung sleepers niya ilalagay niya sa magkabilang arms niya, hindi ko maintindihan kung mas nakakabilis ba ‘yung nakapaa ka kesa sa meron kang footwear, kasi ganun na ganun siya at with the go signal, mabilis na yang tatakbo – yung mga hakbang niya mahaba rin kasi nga matangkad talaga siya – in the end, siya ang panalo.


Sa totoo lang wala akong masyadong maalala tungkol kay Apollo when we were in elementary kasi we didn’t interact that much. I just know that we were classmates tapos tahimik siya pero matataas ang scores.


Diba nga Leah ang pinaka maaalala mo talaga ay ‘yung bukod sa naka-interact mo ay ‘yung makukulit at pinakapasaway sa klase. Oo, silang sila ang naaalala ko magpahanggang ngayon at matatawa na lang bigla kapag naiimagine ko ‘yung mga teachers namin.


But anyway, nung elementary kami, I just simply consider Apollo as my classmate but we didn’t actually interact that much that we would consider ourselves as more than just classmates.


Ako, honor student akong grumadweyt nung elementary at meron din akong medal dahil nga sa meron din naman akong sports. Si Kara meron din mga special awards at si Apollo naman ay nakatanggap ng awards dahil sa pagiging athleta.


Ganun lang, wala masyadong moments with Apollo and surprisingly, when we got to high school ay kaklase pa rin namin siya ni Kara.


Noon, wala pa ring pinagbago si Apollo at siya pa rin ‘yung kabilang sa mga masipag at tahimik sa klase pero magaling talaga siya sa math. And also Leah, I almost forgot to tell, si Apollo may sariling wit and humor, marunong siyang mag-joke, minsan matatawa ka, minsan naman hindi kasi waley.


Nung nasa high school na kami, sa acads din ako naka-focus maging sa sports at noon din, iba ang crush ko – wait, hindi ko sure kung crush kasi hindi naman sa pisikal niyang anyo ako na-attract sa kanya… basta we just shared a bond at kami kasi ang magkatabi sa harap and that magka-kompetensiya kami.


Alam mo ‘yung akala ng buong klase kami nung taong ‘yun kasi kahit recess ay sabay kami at pareho pa kami ng bibilhin. Ang usual naming kinakain ay popcorn with cheese at C2. Tapos noon, we share earphones tapos ang nagpe-play kadalasan sa background ay ‘yung kanta ni Roselle Nava na Bakit Nga Ba Mahal Kita.


Sure, we were M.U o ‘yung Mutual Understanding pero hindi rin nag-push through Leah kasi nga naging sila ng kaibigan ko, hindi si Kara, ibang kaibigan.


Puppy love, of course nasaktan ako. Umiyak iyak din ako at nag-emote emote Leah na sa tuwing naaalala ko ngayon ay magpapakawala ako ng malakas na tawa. Ang OA lang din kasi pero teen-ager, hindi pa mature at iba ang way ng pag-handle ng emotion.


Pero to be honest, nasaktan talaga ako and in my high school years, siya lang din ang lalaking nagustuhan ko. Kung tatanungin siguro ako kung sino ang first love ko, siya ang isasagot ko because honestly, it took me years to finally let go of the idea of him kasi noon ang ideal guy ko talaga kasi is someone na gaya niya, matalino.


Hindi maintindihan ng mga tao kung bakit siya, though hindi rin sila nag-iisa Leah kasi maging ako ay hindi ko rin alam kung bakit. Sa totoo lang ayaw ng mga kaklase ko sa kanya kasi nga mahangin siya at mayabang, hindi sa na-overlook ko itong traits niyang mga to pero kasi kapag ako ang kausap niya hindi ko siya hinahayaang magyabang at hindi ako nagpapatalo sa kanya.


‘Yung sakit na naramdaman ko noon, sinusulatan ko ng poem na ngayon ay ayaw na ayaw kong basahin dahil hindi ko rin alam kung saan nanggaling ang mga katagang sinulat ko noon … basta in short, napaka-corny.


Anyway, to cut the story short kasi hindi naman tungkol sa kanya ang istoryang ito, basta nung naging sila ng kaibigan ko, mas pinag-igihan ko na lang ang pag-aaral at while my friends including Kara were already having their boyfriends, I remained single.


Though, I remember, there was that person who admitted in front of the class who his crush is … and that person was me.


Sa classroom namin Leah, mahilig kasi kaming maglaro ng spin the bottle. It’s not my thing dahil ang corny sa totoo lang pero hindi ko rin naman maikakaila na masaya. Noon kasi talagang lalabas ‘yung mga sikretong pinaka tinatago tago ng isa’t isa lalong lalo pa’t karamihan puro truth, hindi ko alam kung karamihan tamad o duwag o sadyang gusto lang din talaga kasi magbigay ng mahirap na dare ang mga kaklase namin para lang mag-truth ang lahat.


Hindi ko maalala nun kung ano ‘yung tanong sa akin kasi ang tumatak talaga sa akin nun ay nung tumapat nga ang bote sa isang kaklase namin na bibihira lang talagang magpakita sa spotlight, except of course kapag sports na ang usapan.


So ‘yun nga natapat sa kanya ‘yung bottle and the question was, sino ang crush niya.


Kitang kita ‘yung hiya niya nun while the rest of the class was eagerly waiting for his answer because this person rarely opens up at diba nga sa klase kasi meron ‘yung mga major group na talagang kilala ng lahat sa klase kasi nga kapag nag-essay o ano ang mga yan talagang isasalaysay lahat.


We waited for his answer, I knew he was chastising himself for choosing truth over dare. I knew that because one of our classmates had to repeat the question for him until he answered.


His answer Leah made the entire class squealed while their teasing eyes went on me. Yes, kasi his answer was my last name and he even pointed at me before he immediately took his seat in embarrassment.


Leah, by the way, this he … is no other than Apollo.


3 views0 comments

Recent Posts

See All