• Leah's Real Life Stories

LJ's Story: CHAPTER THREE

Updated: May 12


‘Yung bahay nila Dean, bungalow at sakto lamang siya sa laki. ‘Yung neighborhood din nila, talagang dikit dikit ang mga bahay at alam kong magkakakilala silang lahat doon because nung pagbaba ko pa lang ng sasakyan, they seem to have idea kung sino ako.


Lahat talaga ng mga tingin nila nasa akin at okay pa sana kung subtle ‘yung mga kilos nila pero Leah, rinig na rinig ko pa na ako ang pinagchi-chismisan nila.


Ang nasa isip isip ko talaga nun, humanda siya pagkatapos ang araw na ’yon at nasa office kami dahil lintik lang ang walang ganti.


Sanay akong ma-judge, pero ‘yung isang buong barangay? ‘Yung pag-uusapan ka talaga na parang ikaw ang mundo nila nung mga puntong ‘yon and they had to stop whatever they are doing just to scrutinize you?


Muli, dahil kay Dean ay nagawa ko ang isang bagay na bihira kong gawin, ang magtimpi. Oo, Leah. Impatient akong tao at talagang bibihira lang din akong magtimpi. Pero dahil nga sa meron akong dapat suyuin, kinailangan kong pigilan maging ‘yung pagtaas ng kilay ko.


‘Yung mga kapitbahay ni Dean ay talagang sinundan pa ako, alam mo ‘yung parang may parade at ako ‘yung leader? Dapat sana nagdala ako ng whistle at baton, para masaya. Kung alam ko lang sana Leah.


Sa totoo lang, gustong gusto ko ng makawala sa mga kapitbahay ni Dean at alam mo ang bruha? Hindi ako kaagad pinagbuksan nang makita niya ako sa bintana. Babawiin ko na pala ‘yung sinabi kong mabait siya dahil that moment, napakasama ng ugali.


‘Yung mama ni Dean ang nagbukas ng pinto. Naka duster siya nun at alam kong kasalukuyan siyang naglalaba. Mabait at malambing ‘yung nanay ni Dean and I am sure na hindi siya rito nagmana.


Dama kong nahihiya noon ang nanay niya lalong lalo pa nang makita niya kung paano ko pagmasdan ang bahay nila. Hindi ‘yun kalakihan pero I can say na maayos.


‘Yung papa niya wala noon dahil nasa palayan daw nila at ang naabutan ko roon ay bukod sa nanay niya, ‘yung kapatid niyang lalaki na nakatop less at saka naglalaro sa cellphone niya, hula ko ay kuya ito ni Dean, tapos ‘yung dalawa pang teenagers na lalaki at isang batang babae, mga kapatid din ito ni Dean.


Pinagtimpla ako ng kape ng nanay niya at saglit akong iniwan upang kausapin ang magaling niyang anak na naroon sa kwarto niya at nagpapa-chicks, eh mas maganda naman ako sa kanya.


At nung hindi pa rin lumabas ang bruha even after siyang kausapin at puntahan, pilitin ng nanay niya, ako na mismo ang nagboluntaryong pasukin siya sa kwarto niya. Gawa lamang sa plywood ‘yung door niya at ‘yun nga una kong sinabi, nagdoor door pa siya kung isang sipa lang naman mabubuksan din ‘yung kwarto niyang mas malaki pa ‘yung CR ko.


Of course Leah, nandun na ako kaya naman pinagmasdan ko ng maigi ang kwarto niya at kung ano ano ang pinakealaman ko. Hindi ko alam kung bakit parang ang homey ng bahay nila at nagawa ko pang mahiga sa maliit na higaan ni Dean at ni hindi nga kaya ‘yung 5’11’’ na height ko.


Pilit akong pinapaalis ni Dean noon pero instead na umalis ako, mas lalo pa akong nag-stay.


Buong araw kong kinulit at sinundan si Dean na talaga ngang nagtatampo sa akin. Kung saan saan ako dinala ng bruha at alam kong sinadya niya ‘yung paglabas labas para maarawan ako. And she succeeded sa kung anong balak niya nun kung bakit kinailangan niya pa talagang maglakad lakad kahit tirik na tirik ‘yung araw habang sinusundan ko siya … dahil nung hapon na nga ay talagang hulas na hulas ‘yung ganda ko at ‘yung false eyelashes ko talagang patanggal na dahil sa matinding pawis.


Nakaupo na ako sa kung anong upuan ang nahagip ko sa labas ng bahay nila habang si Dean ay nakapamewang na tinanong kung ano ba ng kailangan ko.


And Leah, gusto ko siyang alugin nun. Anong klaseng tanong ‘yon, of course I need her back. I want her back. And ang bakla Leah, dahil na rin sa pagod ay nasabi ko ang mga katagang ito sa kanya.


‘Yung tulad ko sasabihin na I need her back and that I want her back. These words, talagang enough na para itakwil na ako ng pederasyon dahil ang lakas maka that’s my tomboy girl.


And take note Leah, hindi siya agad sumagot pagkatapos kong bitawan itong mga katagang ito and it would have been my chance to take back the stupidity I just uttered pero hindi ko ginawa, bagkus ay nakipagtitigan lang ako sa kanya and waited for her response, instead.


Siguro dapat magpa-albularyo na ako dahil sa isang araw, napakaraming rules ng pederasyon na akong nilabag pero bakit ganun? I was so eager to have her back at hindi ko kaya ‘yung thought na galit at nagtatampo siya sa akin.


Hindi ko alam Leah, siguro nga ginayuma na ako ng bruha.


Leah, pagkatapos nga nung araw na ‘yon ay halos araw araw na nga ako sa bahay nila Dean dahil talagang hinahatid ko siya. Bukod sa madalas kaming mag-over time ay napaka-kuripot ng bruha at mas gugustuhin talagang maglakad pauwi dahil nasasayangan siya sa baryang pang-jeep.


Alam mo ‘yung iri-risk niya talaga ‘yung buhay niya para lamang sa barya? I wasn’t aware na ganito ‘yung ginagawa niya Leah, ‘yung magje-jeep siya in the morning tapos pagka uwian na ay maglalakad siya.


Kung hindi lang talaga ako nataon na lumabas noon pauwi na siya ay hindi ko pa malalaman. Ako kasi Leah, late na kung late ako umuuwi dahil marami nga akong kailangang tapusin. That night, may kinuha lang ako sa sasakyan ko at sakto nga na pauwi na si Dean.


Tinawag ko siya para lamang asarin na siguro maglalakad siya dahil nga sa nagkukuripot na naman. At nung hindi inirapan niya lang ako at nagtuloy tuloy na naglakad ay doon ko napagtanto na totoo pala ‘yung biro kong maglalakad siya.


At nung gabi ngang ‘yon, kahit andaming nakapila na kailangang tapusin ay hinatid ko si Dean sa bahay nila. All throughout the drive ay tinalakan ko lang siya nang tinalakan.


Hindi ko alam Leah but just the thought na she’s risking and endangering her life just triggered a protective side of me and I didn’t know where it is coming from Leah.


Lagi lagi kaming magkasama Leah ni Dean. Oo, majority of our time ay magkasama kami. Very much present pa rin ‘yung nakakalokang okrayan namin at sagutan. Sa pagdaan ng araw, ewan ko pero nasanay ako Leah na lagi siyang nariyan.


‘Yung talagang kahit sa sub conscious ko, I think of her.Oo, ganun ‘yung nangyari at hindi ko rin alam kung bakit at hindi ko rin maintindihan kung ano ang nangyayari.


I just simply want to be always there for her and to be always be with her. Never kong naramdaman ‘yung ganito sa babae given that I have a lot of girl na friends at talagang clingy pa kami sa isa’t isa na kulang na lang ay maghalikan na kami. Pero of all the women around me, kay Dean ko lang naramdam ‘yung ganun.


Hindi ko alam, wala akong idea sa kung ano na nga ba ang nangyayari sa akin hangga’t sa ang boyfriend ko na mismo ang nakahalata at nakapagpaintindi sa akin kung ano ang nangyayari.


At first, I know Alex tried. He tried to get my attention and affection back. Pero sa tuwing naglalambing siya na lumabas naman daw kami at mag-date¸ I never made a time for him. Oo, noon pa man ay super busy ako pero I always allot time for Alex pero nung panahon na ‘yon ay ang lagi ko ng rason sa kanya, may mga kailangan pa akong tapusin sa trabaho.


And by trabaho means, may bruhang kuripot pa akong kailangang ihatid at i-make sure na buong makakauwi sa bahay nila.


Hindi nagtagal Leah at napuno na nga si Alex. He’s always been so patient pero dahil nga sa unti unti na akong nawawala sa kanya, siya na mismo ang nagparaya.


Isang gabi nun, inaya na naman niya ako to go out with him and just like usual, I declined kasi nga meron pa akong kailangang tapusin. Pero that night, Alex pleaded and it was only then na nakita ko how hurt he was. And instantly, guilt washed over me. Kaya naman ay pumayag ako na lumabas.


I tried to be present for him that night pero kahit anong subok kong i-lighten ‘yung mood, napakabigat hanggang sa tinanong na nga ni Alex ‘yung katanungan na matagal na niyang gustong sabihin sa akin kaya lang ay natatakot daw sa kung anong isasagot ko.


Tinanong niya ako kung mahal ko ba, kung mahal ko ba si Dean?


Natahimik ako at natameme sa sinabi niya. Hindi ko mawari kung bakit Leah pero ‘yung words na nag-register sa akin ay ‘yung ‘mahal…Dean’ at hindi nga ‘yung tanong. Nanlalaking mata kong tinignan si Alex and he seemed to read the unspoken answer through my eyes at mapait siyang napangiti at napatango.


My heart breaks while watching the man before me broke down into pieces. I could just simply say that it’s him that I love, that I only want to spend my life with him … kaya lang Leah, hindi ko magawa dahil noon alam ko na kung ano ang sinisigaw ng puso ko… and it was not him … rather, it’s her.


Alex and I parted ways after I don’t know, hours of crying and holding each other. After that night, tuluyan na ngang bumalik sa Cebu si Alex. Matagal na niyang binabalak na bumalik sa Cebu at doon na ituloy ‘yung restaurant niya para makasama niya ‘yung mga magulang niya na tumatanda na rin.


But because of me, hinold niya muna ‘yung plano niyang ito hanggang sa heto na nga, wala na siyang rason pa para mag-stay kaya naman ay bumalik na siya sa Cebu.


As for me? Dalawang araw din akong nawala to cool down and to refresh. Pagkadating ko nga ay ang gaan gaan ng pakiramdam ko na para bang may mabigat na nakapatong sa shoulder ko na biglang nawala? I felt relieved, I felt happy, alive, and renewed dahilan ng paghaba ng pasensiya ko at kahit anong i-asar ni Dean sa akin that time ay ni hindi ko magawang mapikon pikon bagkus ay gustong gusto ko pa.


Days and months passed by, oo damit pambabae pa rin ako, naka-heels, naka false eyes lashes pa rin, at makapal ang make-up but then, this didn’t stand my way in courting Dean and making her my girlfriend. Though, uulitin ko, hindi pa rin talaga siya galaw babae … galaw alien pa rin.


Sa tuwing tinatanong nga niya ako kung bakit ko raw siya nagustuhan eh bakla naman daw ako, ang sagot ko keri lang hindi ka naman mukhang babae eh.


Pero kahit ganun, naghirap din ako sa panliligaw like talagang nakipagtagayan pa ako sa tatay, kapatid, at mga kapitbahay nila. ‘Yung typical Filipino at hindi nila alam na sanay ako sa tagayan at ‘yun nga, lasing na silang lahat, kayang kaya pang mag-aya for round 2.


Pa chick ang bruha at lahat nga ginawa ko hanggang sa naging kami at walang nagbago, Leah. Tanggap niya ako at sa totoo lang ay share pa kami ng lipstick at minemake-upan ko pa siya.


Alam mo ‘yung napaka-swerte niya? May boyfriend na nga siya, may girlfriend pa.


63 views0 comments

Recent Posts

See All