• Leah's Real Life Stories

LJ's Story: CHAPTER ONE

Updated: May 12


Dear Leah,


I will go straight to the point, part ako ng LGBTQ community. Oo, isa akong bakla. Ipinanganak na bakla at mamamatay na bakla. Yes girl, I am proud.


Hindi naman maikakaila Leah na sa sexual preference namin ay bibihira o mahirap makatagpo ng taong magmamahal sa amin ng pang matagalan, kumbaga pang habang buhay. But ako, siguro sa ganda na rin ng tita mo, nakatagpo naman and bonus … pareho sa lalaki at sa babae.


‘Wag ka munang maloka Leah, wait ‘till you hear the entire story.


Ako I wear makeup at ‘yung pilik mata at lips stick ko mapapansin mo na kaagad kahit ilang metro ka ng layo sa akin, I also wear high heels – oo ‘yung killer heels, tapos ‘yung way ko ng pananamit ay talagang pambabae.


Oo alam kong maganda ako girl. Pero ewan ko ba kung talagang magaling lang kayong mga babae mang gayuma kasi sa kapal ng lipstick at pilik mata ko idagdag mo pa ang mataas kong heels, nagawa akong itali ng bruha kong asawa. Hindi ko alam kung ano nga ba ng ipinainom sa akin o ipinakain at heto na nga at kasal na ako’t lahat.


Tawagin niyo na lang akong LJ, initials ito ng mga pangalan ko at oo, J is for junior. At ‘yung isa kong close friend na taga Kalinga at nandito ngayon sa amin, laging nakikinig ng Leah’s Real Life Stories kaya sabi ko, what if magsulat din ako. I won’t disclose na kung taga saan ako at baka babatukan pa ako ng misis ko at hihilahin ang extensions ko kapag narinig niyang sumulat ako sa’yo … though I know na mapapakinggan niya rin ito.


Pero seryoso Leah, masaya ako, masayang masaya. Pero bago ko nakamit ang kasiyahang ito, ilang luha rin ang iniluha ko.


Meron akong clothing line at talagang mahilig ako sa pagdesign design ganon. And also, I happened to build this small business out of my own hardwork. Sa totoo lang, wala naman akong mamanain na yaman not that my parents have nothing, bagkus ay dahil nga sa pagiging bakla ko I was kicked out by my father when I was still a teenager.


Oo very traditional ang tatay ko at talagang brusko kasi siya at respetado sa barangay namin. Napakalaking kahihiyan ‘yung nagkaroon siya ng baklang anak.


Noon, hindi ako agad nakapag-out at kinailangan kong itago o kontrolin ‘yung pilantik ng daliri ko at kinailangan ko talagang ituwid ‘yung lakad ko kahit pa man gustong gustong sumabay nung bewang ko sa tuwing naglalakad ako.


As a kid, namulat akong dapat kung lalaki ka, lalaki ka lang dapat. Hndi ka dapat nakikipaglaro outside sa mga babae o ‘di naman kaya dapat hindi ka rin nagpapayong kasi nga nakakabawas daw ng pagkalalaki. Thinking about this now, it’s just absurd. At least ngayon mas open na ang lipunan tungkol sa amin.


Oo pinigilan ko talaga Leah pero at one point, nahuli pa rin ako. I was 15 na that time at oo, madalas kong isuot ‘yung palda ng nanay ko at kapatid ko na babae. Rampa rampa lang sa salamin ganyan, ito lang naman kasi ang kasiyahan ko nun after akong pagbuhatin ng kung ano ano ng tatay ko.


Nahuli niya ako Leah isang hapon. I was dressed in one of my mother’s skirt, dahil mahaba ‘yon, ginawa kong tube na bisitida. ‘Yung talagang itinaas ko siya in order to cover my chest, kumbaga para akong naka-gown na rin.


Rumarampa ako nun, hanggang sa marinig ko na lang ang nakabibinging sigaw ng tatay ko kasabay ng malalakas na palo.


Puro pasa ang inabot ko nun Leah at after that incident, para na akong may ketong na pinandirihan ng aking ama. ‘Yung nanay at kapatid ko wala talagang magawa kasi nga pati sila takot din sa tatay ko.


Wala akong magawa nun, kundi ang umiyak lang nang umiyak habang ginagamot ng nanay ko ‘yung mga pasa ko. I thought mga palo lang ang aabutin ko sa aking ama, hindi pa pala. Kasi hindi pa man gumagaling ang mga sugat ko ay kung ano ano ang pinagawa sa akin ng tatay ko in attempts to straighten me.


Akala niya siguro ang kabaklaan parang ubo lamang, na may gamot at tsaka lilipas din. At ‘yun nga Leah, hindi ko kinaya. Hindi ko kinaya ‘yung paglublob sa drum, ‘yung pagsama sama sa kanya sa mga event kung saan maraming mga brusko, ‘yung pagpapabuhat ng kung ano ano … basta napakarami na kulang na lang ipa-ritual na niya ako.


Hindi ko kinaya kaya naman at age of 16, katatapos ko lang ng highschool, naglayas ako. Nagmakaawa pa nun ang nanay ko sa akin na ‘wag daw akong umalis na nasa stage pa lang daw ng disappointment at galit ang tatay ko, hintayin ko lang daw na kumalma siya.


Hindi ako nakinig, humingi ako ng tawad sa kanya at pagkatapos ay umalis ako ng probinsiya at lumuwas sa isang siyudad. Nagpalaboy laboy din ako hanggang sa madaan nga ako sa isang parlor at ‘yung mga bakla roon, instant silang naawa sa akin at pinakain ako.


Upon knowing the situation, the owner of the parlor na mamu ang tawag ko, inemploy ako doon at tsaka binihisan. Doon din mismo Leah, na-realize kong maling mali ang notion ng tatay ko sa mga bakla kasi hindi lang sila basta bakla lang. Of all people nung naglayas ako, sino ang kumopkup sa akin? Sino ang hindi ako pinabayaan?


They are human beings too and that they have a heart. May puso sila sa kapwa at kung ano ‘yung kaya nilang ibigay, ibibigay talaga nila para lamang makatulong because they are aware how cruel and how hard it is to live in this society.


At ‘yun nga nagtrabaho ako sa parlor ni mamu at ‘yung pinaka-sweldo ko ay ‘yung tuition at baon ko papunta sa school. Sa una, nagwawalis walis lang ako sa parlor at tsaka doon matutulog para magbantay pero hindi rin nagtagal at tinuruan din ako kung paano mag-gupit.


So kada hapon, after ng klase at during the weekends, isa ako sa mga naggugupit gupit doon. Hindi lamang pag gupit ng buhok ang natutunan ko kundi ang pagdesign at pagtahi rin ng mga damit.


I was really happy and enjoying my life Leah because I was already living my dreams. Oo, engineering ang kurso ko nun kasi ‘yun lang ang available course related sa drawing na malapit dun at hindi rin kaya ni mamu sa big universities. Choosy pa ba ako Leah? Ito na nga at merong nagpapaaral sa akin, bakit pa ako mamimili di ba?


At okay lang din kasi ang goal ko talaga is makatapos, regardless of the course, basta makatapos at maging isang designer at magpatayo ng clothing line.


At ‘yun nga Leah, all the hardships had paid off kasi I was able to finish my 5-year course on time. Tuwang tuwa si mamu noon at ‘yung mga bakla talaga ang full force na umattend sa graduation ko … Though, naroon din ang nanay at kapatid kong babae na noon ay dalaga na rin.


Wala akong sama ng loob sa nanay at kapatid ko, ako pa nga ang nag-imbita sa kanila na dumalo sa graduation ko. As for my tatay? Siguro merong konte.


Basta nung naka-graduate ako pakiramdam ko kayang kaya ko ng i-conquer ang mundo na kahit ano pa man diyan ang dumating makakaya kong lagpasan. I was so eager to prove na kaming mga bakla, ay hindi lamang basta bakla lang kundi meron at meron din kaming ibubuga at meron din kaming maiaambag.


After graduating Leah, nag-review ako. Oo nagta-trabaho pa rin ako nun kay mamu at sinasabay ko ang pagre-review. Talagang sa eagerness kong may mapatunayan at makapasa ay ‘yun nga pinag igihan ko at talagang hanggang madaling araw akong nagbabasa.


‘Yun naman kasi ang key Leah, ang magbasa ng magbasa. Ang style ko pa nun, talagang kung ano anong mga papel nun ang nakadikit sa dingding ko para hindi ko makalimutan ‘yung nire-review ko. May mga moment pa na in the middle of my sleep, magigising ako only to recall ‘yung binasa ko.


Alam mo ‘yung half asleep lang kumbaga, at kahit sa pagtulog ay nagre-review ‘yung utak mo. Ganun ako makadesididong makapasa Leah.


At ‘yun nga, when the results came, isa ako sa mga bagong engineer at talagang halos lumindol na noon sa parlor nang malaman namin ‘yung resulta na nakapasa ako. Oo, literal na nagtititili kami ng mga bakla roon at saka nagtatatalon. ‘Yung talagang hype na hype kami at maging ang mga customer ay naki-sali na rin sa tuwa at pumapalakpak na lang habang tumatawa.


Nag-apply ako sa gobyerno as job order, masaya ako Leah na i-apply kung ano ‘yung pinag-aralan ko kaya lang ay hinahanap hanap ng mga kamay, utak, at puso ko ‘yung pag-design, paggupit, at pagtahi ng mga damit.


And so I resigned and from a scratch, I started building my own small company.


Suportado ako ni mamu at ng mga baklang kasama namin sa parlor. Actually, ‘yung pinagtayuan ko ng pwesto ay few blocks away lang naman sa parlor ni mamu. 100% din ang supporta ng aking ina at kapatid na siyang pinag-aaral ko nun.


‘Yung tatay ko naman, hindi pa kami nag-uusap. Alam kong mabigat ang loob ng nanay ko na ganun nga nangyari sa aming mag-ama dahil sa totoo lang close na close kami nun. ‘Yun bang talagang proud na proud siya sa akin dahil nga sa honor student ako at masunuring bata. ‘Yung sa tuwing nag-iinuman sila ng mga kumpare niya ay lagi niya akong pinagmamalaki.


If I were to be honest, I missed those moments with my dad. ‘Yung kakandungin niya pa ako habang nagku-kwento sa mga kainuman niya. Mahal na mahal ko ang tatay ko Leah, at dama ko rin namang ganun siya, perhaps that was the reason kung bakit siya ganun ka-disappointed sa akin.


Noon, hinihintay ko lang naman na ang tatay ko na lumapit. Oo, napatawad ko na siya dahil wala na akong time para magtanim pa ng sama ng loob, kaya lang ang nais ko lang namang mangyari ay ‘yung marealize ng tatay ko na mali siya tungkol sa notion niya sa mga bakla.


So I just waited for him to come around and while waiting, I worked really hard just to build my own company. ‘Yung binuhos ko lahat ng lakas at oras ko sa trabaho, may mga time pa na talagang 2-3 days ay gising ako, salamat na lang sa kape na lagi akong dinadamayan.


Oo, nung mga panahong abala pa ako sa pagtayo ng empire kung tawagin ko noon, hindi na muna ako naglaan ng time para sa mga lalaki not until after 4 years at na-meet ko na nga si Alex, ang lalaking hindi ako pinerahan bagkus ay minahal lamang.

Oo may mga fling fling din ako lalong lalo na sa bar at inuman pero hanggang dun lang ‘yon. Hindi ako nag-seek ng relationship o ano kasi nga abala ako sa pagtayo ng maliit na kompanya ko.


But then, kahit siguro anong busy mo kung dumating na siya, you will gladly make time for that person at ie-entertain mo siya at isisingit sa napaka-hectic mong schedule.


Si Alex dumating ng biglaan at sa parlor ni mamu ko siya unang na-meet. Noon kasi sumaglit lang ako sa parlor ni mamu dahil may ibinigay ako sa kanya nang nasaktohan kong napakaraming customer na naghihintay. Marami talagang pumupunta sa parlor ni mamu, bukod sa hindi ganun kamahal ay maganda ang mga nagseserbisyo este maganda ang serbisyo, kaya ayun may mga time na talagang pila.


Dahil nga sa mukhang kailangang kailangan ng man power, nagboluntaryo na akong mag gupit at saktong ‘yung customer na napunta sa akin ay ang matangkad, Moreno, at gwapong si Alex.


Nagpagupit siya that time at dahil nga sa maraming tao, hindi na ako nakipag-flirt kahit pa ang gwapo gwapo niya talaga. Alam kong manghihinayang ako pagkatapos pero I just chose to finish the job and help the parlor.


Pero Leah, hindi man kami nabigyan ng pagkakataon to get to know each other, noong pumunta siya sa parlor ni mamu, muli kaming nagkita sa bar at siya mismo ang nakaalala sa akin.


Ako hindi naman ako ‘yung tipong mahaba ang buhok, bihis babae ako, oo, pero ‘yung buhok ko hindi. Pero this didn’t hinder kung ano man ang nangyari that time. Yes Leah, hindi ko na ide-detalye pa, basta we talked, we danced, we drank and all. Basta we just simply lived through the moment.


113 views0 comments

Recent Posts

See All