• Leah's Real Life Stories

LJ's Story: CHAPTER FOUR

Updated: May 12


‘Yung relationship namin hindi ‘yung typical na babae at lalaki, well technically ganon pero with a twist ‘yung sa amin kasi naka make up at heels ‘yung supposed to be ay sana manly figure sa relasyon namin.


But well, uulitin ko, hindi rin naman araw araw galaw babae ‘yung jowa ko kaya keri lang din.


Kung never kong na-envision ‘yung sarili kong magkakajowa ng babae, mas hindi ko na-imagine na mas magiging masaya ako sa piling nila. Kung meron mang nakapagsabi sa akin noon regarding this, baka siguro nasampal ko ng bongga o kaya nasabunutan.


Noon kasi just the thought of being with a woman – hugging her, kissing her and all – ay halos tumayo na ang lahat ng buhok ko sa katawan, oo lahat dahil sa sobrang pandidiri.


But then here I am, nagayuma kaya naman tinamaan ng todo. Oo, lagi ko talagang sinasabi sa kanya na ginayuma niya ako at napaka-effective nung tama nung ginamit niya. Sa tuwing binabanggit ko ito sa kanya ay dadapo sa akin ang napakabigat niyang kamay, oo mapanakit ang bruha. Amasona talaga!


Pero masaya kami Leah, magulo pero masaya, sobrang saya. Though siguro there’s no way I would ever consider this kung sinabi sa akin ng mas maaga na ganito ang mangyayari, perhaps I would still appreciate kung naforseen ko man lang.


All my life akala ko sa lalaki Leah pero heto nga, sa babae pala sasaya si bakla and I wouldn’t have it any other way.

Work is work pa rin sa amin Leah but having her around made me calmer at naririnig ko talagang pinasasalamatan siya ng mga ibang empleyado ko kasi nga bibihira na lang lumabas ‘yung mga sungay ko na gaya nga ng laging sinasabi ni Dean. As if siya wala.


‘Yung relasyon namin, hindi namin dineny or inamin sa mga empleyado ko. What you see is what you get kumbaga ngunit sa mga bakla, they know. And since nabanggit natin sila, hindi ko na sana sasabihin kung paano ‘yung first kiss namin ni Dean, pero alam kong nakikinig sila.

Suportado ako ng mga kaibigan ko kaya lang kung usapang affection na ay talagang mago-over react ang mga yan at aarte pang masusuka dahil sa pandidiri. Sometimes kapag gusto ko silang mas asarin, I encourage them to try and in response lahat sila magwa-walk out.


So ‘yun nga Leah, ‘yung first kiss namin nangyari mga siguro 2 months after naging kami. Sana kung alam kong hindi naman pala ganun kasama sana ginawa ko ng mas maaga. Charot lang Leah!


Siguro kaya medyo natagalan ng konti ‘yung first kiss namin because pareho kaming nag undergo ng adjustment kasi bago sa amin ‘yung ganong relasyon.


We were in my car that night dahil nga sa kinontrata na niya talaga akong driver niya. Boyfriend slash driver ang peg ko. Hindi ko alam kung bakit biglang nag-iba ‘yung atmosphere sa pagitan namin that night. Yes, just like sa mga teleserye at mga KDrama, there was that certain energy na parang siyang magnet where we moved towards each other hanggang sa ilang pulgada na lang ang layo ng mga labi namin.


And in one more move, magkalapat na nga ang mga labi namin with our eyes closed. Nobody dared to move na para bang talagang huminto ‘yung paligid.


We were okay, we were happy… beyond happy pa nga. Kaya lang gaya ng mga normal na relasyon mayroong pagsubok na dumating and to be honest, it was on my part. Ako ang dahilan at walang kasalanan si Dean.


Gaya nga ng sabi ko masaya kami and I thought it was going to last. But then, a business trip suddenly changed everything. Hindi ko siya plinano Leah at ni minsan hindi sumagi sa isipan kong mangyayari ito not until nangyari nga.


I go on business trips almost all the time pero umuuwi akong buo, umuuwi akong si Dean pa rin ang laman ng puso at isipan ko. Siguradong sigurado akong siya Leah.


Pero a certain trip left me confused and distant… Oo, kung siguradong sigurado ako sa girlfriend ko nung umalis ako, bumalik akong hindi because all of a sudden, para bang naglie low ‘yung spark and I didn’t like it. This left me devastated and eventually bumalik ‘yung pagmamaldita ko sa office at pati si Dean ay nasusungitan ko na.


Bumalik muli sa pagiging mainitin ang ulo ko, only this time, nasa akin talaga ‘yung problema. Ilang araw akong nagkaganito hanggang sa hindi na nga nakatiis pa si Dean at kinompronta ako and my answer both left us breaking pero ‘yung sakit doble doble sa kanya.


By the way Leah, ‘yung place na pinuntahan ko pala ay sa Cebu… sa lugar kung nasaan si Alex, ang ex-boyfriend ko.


Biglaan lang ‘yung trip ko na ‘yon and it was urgent. Sa totoo lang nung mga panahon na ‘yon, I was preparing for our 2nd year anniversary which is already in 5 days. My plan was to take Dean for a vacation but then ito na ang at gusto akong makausap ng personal ng isang kliyente sa Cebu.


I left our place with a promise na babalik din ako agad for our anniversary. Hindi naman ako nira-rush ng bruha o prine-pressure, sa totoo lang ang sinabi niya ay I could take my time pwede naman daw maki pag-celebrate na lang sa kung anong date. Inasar ko siya nun na hindi niya bagay maging mabait at ayon nga, kulang na lang bumiyahe ako na bali ang mga bones ko sa bigat ng kamay niya.


Hindi ko alam Leah kung bakit parang napakabigat ng pakiramdam ko nung mga time na ‘yon at bago ako lumipad patungong Cebu ay hindi ako mahiwalay sa bruha kong girlfriend. It feels like a certain feeling is telling me to just stay instead and don’t go.


Sinabi ko ‘yon sa kanya at gaya ng nakasanayan, dinaan na naman niya sa biro at talagang hinawakan niya pa ang magkabilang balikat ko at nakatitig akong tinanong kung naghuhuling habilin ka na ba bakla?


At dahil dito ay bahagya ko siyang nasabunutan for ruining the moment. Pero sa totoo lang nagpapasalamat ako kasi ganito ang personality niya, there’s no space for drama. Tumatawa tawa siya nun sa ginawa ko at dahil nga napaka-infectious din ng tawa niya ay natawa na rin ako.


Napatitig ako sa kanya at pinagmasdan kung paano halos mawala na ‘yung mga mata niya kapag tumatawa kasabay ng bahagyang paglabas ng dila niya to touch her upper teeth. This woman is just so perfect, lahat ng lalaki o bakla ay swerte to have her.


Oo swerte pero ako? You can call me an asshole, gago, stupid, tanga – kayo na ang bahala dahil sinayang ko lahat … sinayang ko siya.


That day before I left, Dean tried to distract me sa mga agam agam ko. Nang paalis na nga ako ay niyakap niya ako ng mahigpit at matamis na hinalikan, telling me that everything’s going to be alright.


Yes Leah, for the first 2 days, everything was indeed alright. Nagtrabaho lang ako while I kept in touch with my girlfriend, basta sa tuwing free time ko I would call her para lang kulitin siya. Noon ay kahit naka business trip nga ako ay pinag-iisipan ko rin kung ano nga ba ang ireregalo ko sa bruha while I am sure, she was really considering on giving me a horrendous picture frame ‘yun ang lagi niyang biro at napaka-effective niyang mang asar dahil minsan napapaniwala niya ako.


On our 3rd day, tapos na kung ano ‘yung dapat kong ayusin ang I was supposed to fly back home pero ang mga baklang kasama ko ay nag-request na ipabukas na lang daw namin kasi nga drain na drain na raw sila. Ayoko sana pero drinamahan lang nila ako and Dean was okay with it.


Kinuha ko nga itong pagkakataon na ito para gumala ng kaunti baka mahanap pa ako ng ibibigay sa girlfriend ko. Halos 4 hours yata kami sa labas at magna-nine pm na nung mag-aya akong bumalik na sa hotel pero ang mga bakla, nag-aya namang mag-bar na lang muna.


I should have turned it down, ‘yun ang sinisigaw ng sistema ko, turn it down and just go back to your hotel room. That was my instinct was telling me and just like the usual kapag naguguluhan ako, tatawagan ko si Dean.


I told her na gustong mag-bar ng mga bakla and she told me it’s okay if I join, I deserve naman daw to at least loosen up after hectic and exhausting days sa Cebu. She encouraged me to have fun, ‘yung fun of course na walang sabit, ‘yung inom inom lang, sayaw sayaw ganun.


‘Yun nga ang ginawa ko Leah, however, hindi lang basta ang mga ‘yon kasi the next morning, I knew I would be losing her but worst, I didn’t feel any remorse about it.


With Dean’s approval nga ay sumama ako sa mga bakla sa bar. Hindi kami nahirapang maghanap kasi I am surrounded by party animal individuals kaya malakas ang mga pang-amoy.


Pagkapasok namin, agad kaming nag-order ng mga maiinom and to tell you, alak lang pala ang magpapakalma sa akin at magpapahinto sa kung ano man ang gumugulo sa akin na hindi ko maintindihan.


After 5 glasses, we were already hitting the dance floor like there’s no tomorrow. We were really partying so hard not until I accidentally bumped into someone. Nasa likod ko siya kaya naman mabilis akong napaharap sa kanya and when I looked at his face, my jaw instantly dropped.


It was Alex, the last person I would appreciate to see. Okay ‘yung break-up namin Leah, we talked and went to our separate ways. But then, hindi ko alam kung bakit ganun? Bakit parang na-miss ko siya Leah? Bakit gusto kong yakapin niya ako at ikulong sa mainit niyang bisig? Hindi ko gusto, trust me, hindi ko gusto ‘yung pakiramdam pero standing before him? I just want to be held by him.


Feeling that longing, I should have immediately excused myself and left. But instead, siguro dahil na rin sa alcohol sa sistema ko ay pumayag ako nang mag-aya siyang uminom. Nakangiti siya nun at ang gaan gaan ng aura niya.


I left my friends and Alex and I went sa bar counter kung saan ay nag-order kami ng drinks at saka nagkamustahan. Then one thing led to the other.


Habang napaparami kami ng inom, nawawala na rin ‘yung natitirang control sa katawan ko. Malakas na rin ang tawa namin nun at kahit walang nakakatawa, ay humahagalpak kami ng tawa and ‘yung isang metrong pagitan namin, naging isang upuan na lang. Yes, we were too close… too close to embrace.


My phone has been ringing and I was into the moment kaya naman ay tinurn off ko na lang. Honestly, that was the sign or the wake up call I badly needed that night pero I chose to decline it.


Hindi ko masasabi kung dahil nga lang ba ‘yon sa tama ng alak o there was really that longing feeling inside me – longing to be held, kissed, and touched by Alex. My ex has always been so good to me and despite my orientation ay hindi niya ako kinahiya bagkus ay minahal niya ako ng todo todo.


And we were caught up with the moment Leah and the next thing, we were all over each other and the remaining distance we had was closed by a long, passionate embrace. Apart from the liquor, his kissed left my head spinning but in ecstacy. We didn’t end things sa bar, sa halip ay nagtungo kami sa apartment niya kung saan nangyari ang mga nangyari.


When I woke up the next morning, I had to adjust my head dahil nga sa naparami ang inom ko last night. It took minutes for my eyes to adjust sa lighting and once it did, doon ako biglang napaharap sa taong nakayakap mula sa aking likuran … bar, party, drinking, dancing … and Alex.


Nanlaki ang mga mata kong tinignan si Alex na noon ay nakapulupot ang mga braso sa akin and Leah, I should have gathered my clothes, say it was a drunken mistake and leave. I was consumed by guilt but then the overwhelming feeling of getting to spend a time with him again was stronger … and so Leah, I stayed there in his room and in his arms.


7 views0 comments

Recent Posts

See All