• Leah's Real Life Stories

LJ's Story: CHAPTER FIVE

Updated: May 12


‘Yung supposed to be 3-4 days ko lang sana sa Cebu ay na-extend ng dalawa pang araw. And by na-extend, it meant, the gift I prepared for Dean as well as the vacation we were supposed to have were left hanging in the air. Oo Leah, I missed our 2nd year anniversary.


My gay friends were convincing me to fly back home the day I broke them the news about Alex and I spending the night together. Suportado ako ng mga bakla sa ginagawa ko sa buhay but not this because they knew it was a huge mistake and I was ruining the thing I prayed so hard to have.


Alam nilang mali at alam na alam din nila na eventually, I will end up regretting and resenting my actions. But I was too overwhelmed to care Leah.


And so kahit anong pilit nila na nauwi pa sa bangayan ay hindi nila ako na-convince na umuwi. You know, they have a point at tama sila. I should have listened and went home with them bagkus ay my mind was overpowered by my emotions.


I stayed with Alex and for 2 days, bumalik kami sa dati kung saan wala pang Dean sa buhay ko. Sa totoo lang I was too distracted at nawala nga ang isipan ko sa realidad and I just lived with the moment na si Alex ang kasama ko kung saan hindi ako ang nagpro-proteka sa relasyon bagkus ay ako ‘yung inaalagan, prinoprotektahan … basta ‘yung babaeng babae.


I didn’t think of the what ifs, I just simply enjoyed the moment which I know has severe consequences waiting for me.


When I got back home, I became so distant from Dean. Sa work ako nag-focus and siguro nanggagalaiti na kayo sa akin lalong lalo na kapag sinabi kong I kept in touch with Alex.


Dean has been trying to weigh things and understand me, I could feel that kahit pa man nababalot na rin siya ng mga questions noon. I actually didn’t greet her when I came back dahil sa trabaho ako mabilis nag-focus.


Pero ‘yun nga Leah, lahat din ng pagtitiis ay meron at merong hangganan dahil si Dean hindi na natiis pa ang ginagawa kong pambabalewala sa kanya at siya na mismo ang nagkompronta sa akin.


She asked me what happened, kung meron ba siyang ginawa na hindi ko nagustuhan o ano. Sa una nakakairita, ayoko ng ganitong mga drama but this reaction led her to where things started at ‘yung pagkairita ko nga ay napalitan na ng takot ng magtanong siya kung ano ang nangyari sa Cebu.


Hindi ako agad nakasagot hanggang sa siya muli ang sumagot sa katanungan niya. She asked a lot of questions not until she stopped on saying Alex’ name. Siguro dahil sa reaction ko ay doon na siya napatango at napakagat labi, I knew that was her attempt at keeping her tears at bay kahit pa man noon ay nagtutubig na ‘yung mata niya.


She was hurt and angry. Sa totoo lang I never saw her in this state and it broke my heart na ako ang dahilan. I know it took her everything to ask her next question … yes Leah, her next question was asking me kung mahal ko ba siya.


Of course Leah, mahal ko siya … but then she revised the question and ask me kung mahal ko ba si Alex and with this, I wasn’t able to answer her.


Muli siyang napatango and threw her hands in the air as if saying she’s done … and yes, she was done dahil doon din mismo, pinutol na niya kung ano man ‘yung meron kami. The next morning she came back with swollen eyes to submit her resignation letter.


A part of me was screaming not to let her go. But then, like a statue, I just sat there and watch her go.


After that incident nga Leah, Alex and I got back together and I never heard about Dean. Hindi ko rin alam kung ano nga ba ‘yung nasa isip ko nun and I was not even sure I was still functioning well.


Si Alex, siya pa rin talaga ‘yung Alex na nakilala ko and he didn’t pressure me. Instead, he encouraged me to process my emotions and feelings while he has my back. He’s always been so supportive and wants nothing than my sanity and my happiness.


Hindi niya ako iniwan and he stayed right beside me. Yes, naging kami but then, dumaan ang ilang buwan na naging isang taon pa, hindi dumating ‘yung point na mawala na nga sa puso’t isipan ko ‘yung natatanging babaeng minahal ko … minahal ko ng mas higit pa kanino.


Alex knows I was confused and that I tried, I tried pero araw- araw habang sinusubukan kong ‘wag siyang isipin and just let her go kasi in the first place ako naman ang dahilan kung bakit kami naghiwalay … but then, the more I try to let her go, the more na naipapaalala sa akin that it’s her, it’s always been her.


Nakakagigil? I know. I wished I understand kung bakit at some point, people stray sa isang relationship and the time na ma-realize nila kung sino talaga ang gusto nilang makasama, it would be too late.


Just like my case, it’s too late … but was it?


Leah, si Alex for the second time ay pinalaya na naman ako, only this time, we knew na whatever between us will never get to work. Everything was settled, no what ifs because we already knew what we truly desire … what I truly want.


‘Yung talagang closure, nakuha ko and perhaps, that was the reason I was seeking. May be there was just that remaining what if inside me, what if kung kami pa ni Alex, kaya ganon ako kabilis bumigay. But in general, there are no words and reasons that could justify my actions.


Basically, it’s cheating and cheating is cheating. We have to face this fact and accept it, instead of looking for some explanation that will justify what you’ve done.


After my official break up with Alex, I took a break for a week at gumala ako ng ako lang. Honestly, sobrang nakaka-refresh and when I came back, I just felt so renewed. Of course, maganda pa rin, the only difference is that alam ko na kung ano ‘yung gusto ko and I was determined to get her back.


I was not even sure kung meron pa akong puwang sa puso niya, well, hindi na dapat ito tinatanong kasi panigurado ayaw na akong makita o ni maamoy ng bruha. Sino ba naman kasi ang hindi, di ba? After kang gaguhin.


But Leah, I am sure there is still even just a small amount that belongs to me in her heart and that’s all what I needed. Hopia na kung hopia, pero I got to try.


I tried dialing her number and for the first time, kahit kuripot sa load ang bruha, may pinambili na siya ng simcard. Yes, wala ng sumasagot sa dati niyang simcard and I am sure it’s because of me kaya rin siya nagpalit.


Gustong gusto ko na siyang puntahan sa kanila kaya lang kung gusto kong mabuhay ‘wag mapadali ang buhay ko, I have to find other means first. Kaya ‘yun nga ang ginawa ko, I used connections and all hanggang sa natuntun ko na nagta-trabaho na pala siya sa isang government agency.


I was so excited when I was already in my car, waiting for her to go out from the building. I also heard from little birds na lagi siyang nago-overtime kaya naman ilang oras din akong naghintay, magta-tatlong oras dahil 8pm na nang lumabas na nga ang bruha sa building.


Walang pinag-iba, ganun na ganun pa rin ang itsura only this time mas alam na niyang mag-ayos at magdala ng sarili. Hindi ko alam kung finally ay natuto na rin siya na magpakababae kahit konti.


Lumingon lingon ako muna sa paligid to check kung may sundo siya o kung may taxi ba, pero wala. Panigurado maglalakad na naman ang bruha and I had to close my eyes for a moment when the thought na she’s been doing this, risking herself again, when I was already gone.


Bumaba nga ako sa sasakyan and when our eyes met, napahinto siya sa paglalakad. I was expecting her to scream at me or kahit magalit man lang pero nanatili lang siyang nakatayo ilang metro mula sa akin with her eyes blank.


Leah, mas mamarapatin ko pa ‘yung pagmumurahin niya ako at pagsisigawan o ano at least alam ko kung ano ‘yung tumatakbo sa isipan niya, hindi ‘yung ganito… ni hindi ko siya mabasa.


Hindi ko alam kung hinintay niya lang akong magsalita o ano dahil nung wala ni isang salita ang lumabas sa bibig ko at hindi ako gumalaw mula sa kinatatayuan ko, muli ay naglakad siya.


Hindi ko alam Leah kung bakit tila ako napipi at ni hindi ako makapagsalita at naestatwa. I have been practicing my lines, kung ano ang sasabihin ko sa kanya pero nang makaharap ko na siya ay muling bumalik sa akin ‘yung katotohanan na sinaktan ko siya at niloko.


Guilt was all over me but then when she started walking away from me, doon ko na siya hinabol. Tuloy tuloy lang siya sa paglalakad hanggang sa hinawakan ko ang right arm niya, doon na siya tumigil. Pero hindi siya humarap sa akin, she just made a move para bitawan ko ‘yung arm niya and the thought that she could no longer bear my touch just hurt me so much.


I need to say a word because if I don’t, she will continue walking at baka hindi ko na siya mahabol and so dahil na rin sa taranta at sa mga pinaghalo halong emosyon ay ang unang lumabas sa akin ay ‘yung gasgas na ‘mag-usap naman tayo please’.


Siguro napakasakit sa tenga ‘yung sinabi ko kaya mabilis siyang humarap sa akin and this time, her face showed an expression of disbelief at saka tinanong kung ano pa ba ‘yung pag-uusapan namin.


And there was only 4 words that could summarize my answer, ito ay ‘yung ‘mahal pa rin kita’.


At dahil sa sinabi ko, dito na lumabas ‘yung hinihintay kong galit dahil ang sumunod na nangyari, pinagsisigawan na niya ako kasabay ng pagtulo ng kanyang mga luha. Seeing her this broken, hurts more than the thought. Alam kong labis ko siyang nasaktan pero mas malayong mas masakit pala sa pakiramdam ‘yung harap harap mong nakita kung ano ‘yung bunga ng ginawa mo.


We were both crying at nakayuko na ako nun habang pinapakinggan mula mismo sa kanya kung ano ang naging epekto nung ginawa ko. But what hurts the most was when she questioned my love for her.


After her outburst, naglakad na siya palayo sa akin… alam kong ayaw niya akong sundan siya and the least thing I could do for her is to give her space kaya naman hindi ako nagpresenta na ihatid man lang siya dahil nga sa delikado na, bagkus ay palihim ko siyang sinundan hanggang sa masiguro na nakauwi na siya.


Watching her walk with her shoulders shaking is a sure sign that she is crying, it is a nightmare at gustong gusto ko ng magising sa bangungot na ito dahil ni minsan, hindi ko naimagine na masasaktan ko ng labis ang taong gusto ko lamang gawin nung una ay mahalin.


Hindi ako pumasok sa bahay nila and I was few blocks away pero nagulat na lang ako nang may kumatok sa bintana ng sasakyan ko at nang lingunin ko nga ay nanlaki ang mga mata kong makita ang nakangiting nanay ni Dean.


Nag-usap kami, she was so gentle and she didn’t judge me bagkus ay pinakinggan niya ako. Ang sabi niya oo, masama raw ang loob niya sa nangyari but she knows, even before I explained, na ako lang daw din ang makakaalis sa sakit na dinadala ng anak niya.


Hindi rin ako makapaniwala Leah na ganun kasuportado ang nanay niya nung kami ni Dean because according to her, it was when Dean was with me na nakita niyang ganon kasaya ang anak niya.


Kaya naman after talking with her mom, muli ay nabuild ‘yung hope and enthusiasm sa loob ko. Oo Leah, muli kong niligawan si Dean pero this time mas mahirap dahil bukod sa kanya ay kinailangan ko ring kunin muli ang tiwala ng pamilya niya … and oh, pati mga kapitbahay niya.


Kung ano ano ang mga pinagawa sa akin ng pamilya niya, ‘yung level kumbaga ng pagpapahirap nung pamilya ng babae sa lalaki noon… ganun na ganun ang pinagawa sa akin. Oo, nag-igib ako, nagsibak, sumama sa tatay niya sa farm nila and all. Tapos idagdag pa natin ang mga chismosa nilang kapitbahay at ang pandededma at pagsusungit ni Dean.


Sobrang tagal ko ring nakuha ‘yung tiwala ng pamilya niya but then, who am I to complain? In the first place, I deserved it.


But eventually, everything was paid off dahil Dean came around nang ma-realize niyang seryoso nga ako at natuto sa ginawa ko. Kaya ganun Leah, nagpakasal kami at ngayon ay share sa lipstick at makeup.


Siguro para sa iba ang hirap i-imagine, pero try niyo masaya. At least tipid pa diba?


If there is one thing I want to leave before I end this letter, love knows no gender and so kami ni Dean mahal namin ang isa’t isa and that’s what matters in our marriage kahit pa hanggang ngayon, napakaraming kumu-question sa relasyon namin.


Anyway, thank you very much ng bongga Leah sa pagbabasa ng akin liham at siguro magtatago muna ako sa bruha kong asawa ng isang araw dahil hihilahin niya panigurado ang pilik mata ko kapag narinig niya ito.


Muli, ito po si LJ.


3 views0 comments

Recent Posts

See All