• Leah's Real Life Stories

Jericho’s Story: CHAPTER TWO


Hindi nagbago si papa and when I was already 14, umabot na nga sa kasukdulan ang kalupitan ng aking ama.


Gaya nga ng sabi ko, hindi siya nagbago … teka, nagbago pero sobrang lumalala. ‘Yung hindi na tao ‘yung nakita ko sa mukha niya nung isang gabing hindi na nga nakatiis pa si mama sa kanya.


Maulan na gabi ‘yon, bumabagyo at nakataas sang signal number 2 sa amin kaya naman talagang malakas na rin ang buhos ng ulan at may kasama pang hangin. Dahil nga sa sitwasyon, hindi na ako nagtaka kung bakit hindi nakalabas si papa at nagpunta sa mga babae niya.


Babaero siya at paiba iba pa, meron pa ‘yung kalahati ng edad niya at papasa na talagang anak niya pero pinapatulan niya pa rin. Noon hindi ko maintindihan kung ano nga ba ang nakikita nila sa kanya, matanda na siya at may asawa at pamilya Leah, pero ang lagi kong naririnig noon kay tito Den ay may pera daw kasi kaya ganon.


Though I still couldn’t grasp the idea na willing kang manira ng pamilya just because of money? Hindi sa wala na silang sisirain pa sa pamilya namin kasi right from the beginning ay hindi rin naman maayos ‘yung pagsasama ng mga magulang ko dahil nga sa ugali ni papa.


Pero it could have prevented Leah ‘yung madalas nilang away at ‘yung madalas na pananakit ni papa kay mama sa tuwing naiirita na ito. I mean, they are husband and wife after all, they vowed to be devoted to only each other, plus that’s the essence of marriage, isn’t it?


So bakit pa kayo nagpakasal in the first place kung hindi naman kayo aakto na parang kasal. Ito ang lagi kong tanong nun Leah, bakit pa kasi pinakasalan ni papa si mama kung tratratuhin naman niyang parang hindi ito nage-exist man lang sa buhay niya.


Dahil nga sa bumabagyo noon, nag-stay si papa buong araw sa bahay and to tell you, mas gugustuhin ko pang wala siya. It’s not because of his bossy attitude but because of how the way he disrespects my mother.


Dahil nga sa lumalaki na ako noon, nahihirapan na rin akong kontrolin ‘yung sarili ko at suwayin na lang ‘yung kabilin bilinan ni mama na kahit anong mangyari, hindi raw maganda na lumalaban ang anak sa kanyang mga magulang at kahit pa man pagbalik baliktarin ang mundo, tatay ko pa rin daw siya.


Mahal na mahal ko si mama kaya naman kahit ilang beses ng naka-clench ‘yung kamao ko sa tuwing naririnig at nakikita ko kung paano niya tratuhin ang aking ina ay pinipilit kong magtimpi.


Nung gabi ngang iyon ay nasa kwarto na ako and I was tossing and turning in my bed at hindi talaga ako makatulog. Hindi ko rin maintindihan kung bakit parang ang bigat ng pakiramdam ko , ‘yung tipo bang there was a cloud of sorrow surrounding you pero I cannot think of any reason that would make me feel that way.


Hanggang sa nagsimula akong makarinig ng whimpers sa kabilang kwarto. Mahina tapos biglang lalakas, tapos hihina na naman at lalakas ng konti. ‘Yung parang pilit mong pinipigilan pero lumalabas pa rin sa bibig mo dahil sa matinding sakit.


I thought it was going to be just like that kasi ganun naman lagi kaya lang bigla itong nasundan ng malakas na sigaw ni papa kasabay nga ng nakabibinging tili naman ni mama.


Galit na galit si papa noon, ‘yung talagang kung ano ano na ang tinatawag niya sa nanay ko kesa malandi raw ito o kung sino sino ang kasamang lalaki. Habang sinasabi niya ito, naririnig ko na ang mahinang pagpalag ni mama and the sounds coming from her, no matter how she tried to conceal them, they were screaming in ing of torment.


And the next thing, isang malakas na sigaw ang lumabas kay papa pero ‘yung sumunod na sound ay mas malakas, mas nakabibingi pero at the same time, parang hinatak ‘yung kaluluwa ko pahiwalay sa katawan ko sa bilis ng takbo ko patungo sa silid na pinanggalingan nun.


Hindi ko alam kung hindi lang naka-lock ‘yung door o sadyang malakas ‘yung pagsipa ko kaya iyon nabuksan agad… and Leah, kung ano ‘yung takot ko when I heard my mom screamed at the top of her lungs, it triples the moment I saw the image that had her do that.


Her scream was so strange to me I almost didn’t recognize it. It just vibrates with terror, torment, agony, and just extreme pain. I never heard her scream with that horrifying tone.


But Leah, what drained me the most was what happened after that sound my mom released. I was not thinking or more like I was but the thoughts I was trying to register cannot just enter my mind. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko o kung ano ‘yung unang gagawin ko.


I was frozen for seconds not until I was brought back to reality whennot until my foot had to step backwards to carry my weight after my father rushed outside at nabangga niya pa ako. That’s the time I ran outside the house and I was met by the heavy rain.


Doon ako nagsisigaw ng tulong hanggang sa nagsilabasan na nga ‘yung mga kapitbahay namin at doon na nga naisugod si mama sa hospital and Leah, I swear, I was not even sure if she was still breathing when they carried her out of the house. And it scared the heck out of me.


The rain was pouring heavily from the outside kaya naman ay basang basa na ako nang nasa hospital na kami. Kasama ko ‘yung ilan sa mga kapitbahay namin na nagtakbo nga kay mama sa hospital.


Ang gamit namin nun ay ‘yung sasakyan ng asawa ni Aling Lolita na siyang kaibigan ni mama. ‘Yung mga ibang kasama namin ay ‘yung mga kalalakihan na bumuhat sa kanya patungo sa sasakyan.


Talagang hindi nila ako iniwan Leah, and I didn’t know what would I do kung wala sila.


Dahil nga sa hindi kami pinapasok sa emergency room ay nag-stay kami sa waiting area at hindi rin nagtagal, meron na ang anak ni Aling Lolita na may dalang mga damit including mine kaya naman ay nakapagpalit na kami.


The wait was agonizingly long at kahit anong pagpapakalma ni Aling Lolita at ni tito Den na noon ay kaagad nalaman ang nangyari dahil sa kaibigan ni mama, hindi pa rin maalis alis sa isipan ko ‘yung pagsigaw ni mama at ‘yung nakita ko.


Because Leah, when I opened the door of their room, si papa na kaagad ang nakita ko. He was topless tapos ay nandidilim at nanlilisik ‘yung mata niya and Leah, sa mga minutong ‘yon hindi siya tao sa paningin ko. At nang madako nga ang mata ko sa kamay niya, hawak hawak niya ang basag na botelya ng wine.


At nang sundan ko ‘yung nakakalat na bubog, doon ako halos mawalan ng malay because lying motionless on the floor Leah was my mother wearing nothing and blood was dripping from her head.


I couldn’t shake the image as well as her scream out of my mind na pati magpahanggang ngayon ay naririnig ko pa Leah at naaalala.


Pilit akong inaaya ni Aling Lolita at ni tito Den na umuwi muna at matulog o kahit na lang doon sa sasakyan nila Aling Lolita pero paulit ulit akong tumanggi kasi natatakot ako.


Hindi ko magawang ipikit ‘yung mga mata ko dahil sa dalawang rason. Una, natatakot ako dahil mas lalo kong naaalala at naririnig ‘yung nangyari at pangalawa natatakot ako pag dilat nga ng mga mata ko, hindi ko na muli pang masisilayan si mama.


Matagal siya sa loob at habang dumadaan ang mga oras ay mas lalong lumalaki ‘yung takot ko kasi Leah, I just can’t. I just can’t lose her. Sila lang ni tito Den ang meron ako kaya hindi pwedeng mawala siya.


Hindi ko kakayanin… uulitin ko Leah, hindi ko kakayanin. Just the thought of living my day without her – ‘yung pagluluto niya ng breakfast, ‘yung pagsuklay niya sa buhok ko using her fingers, ‘yung malambing niyang boses at gestures, ‘yung pagsama niya sa akin sa kwarto hanggang sa makatulog ako … basta ‘yung siya, hindi ko kaya kung isang araw magigising ako at wala na nga siya.


I tried to distract myself hanggang sa kasabay ng paghina ng buhos ng ulan sa labas ay ang pag-approach naman ng doctor sa amin. We felt relieved at first but when she already started talking ay tuluyan ko ng nakalimutan na ama ko nga si papa.


The doctor asked me what happened and I told her about the silent whimpers at ‘yung napakalakas na sigaw niya maging ‘yung basag na bote na hawak hawak ni papa.


Nakatingin noon ang doctor sa akin, her features were soft na nagawa pa nga niyang haplusin ‘yung ulo ko. Maybe that’s a gesture of comfort but no matter what everyone does, no one can ever ease ‘yung matinding galit at pagkasuklam na nararamdaman ko sa aking ama.


Kinaumagahan, we went to the police para magpa-blotter. Si tito Den lang sana pero ako na mismo ang nagpresinta na sumama. Sa totoo lang hindi sigurado noon si tito pero nang makita nga niya ang determinasyon ko ay sinama nga niya ako at iniwan na muna namin saglit ang walang malay na si mama kay Aling Lolita.


I was interviewed by the investigator at noon, hindi ko na gusto ‘yung paulit ulit na sinasalaysay ko kung ano ‘yung narinig at nakita ko kasi I was already starting to realize na I could have prevented it.


‘Yung mga naririnig ko noon at maging ‘yung harap harapan na pagdi-disrespect ni papa kay mama, I should have stood my ground or kahit nagseek man lang ng intervention ng iba.


Why only now? Why only now that she was already lying in a hospital bed at critical na ang kalagayan. Why only now that she’s already in between life and death?


‘Yun ‘yung pinakadumurog sa akin Leah. ‘Yung katotohanang napakaraming opportunities ang binigay sa akin para maisave ko ‘yung nanay ko pero wala man lang akong nagawa.


At the age of 14, I started blaming and torturing myself kahit pa man lagi laging sinasabi ng tao sa akin na si papa ang may gawa ng lahat at hindi ako… pero hindi Leah eh, I witnessed everything but I remained blind and chose to keep quiet and dido nothing.


After nga naming magpa-blotter ay bumalik na kami agad sa hospital para na rin makauwi at makapagpahinga si Aling Lolita. Noong una, hindi ko magawang lapitan si mama at tanging si tito Den lang ang nag-stay sa tabi niya habang ako ay nasa gilid lang at nakatitig sa kanya.


Siguro dahil na rin sa sobrang pagod ay ‘yung katawan ko na mismo ang bumigay and I passed out sa sofa. When I woke up ay madilim na dahil na rin sa makulimlim pa rin ang panahon noon.


Nang magising nga ako ay lumabas saglit si tito Den to buy us foods at nang maiwan nga akong mag-isa kay mama, doon ako nagkaroon ng lakas ng loob upang lapitan siya.


I sat at the chair na nasa tabi lang din ng bed niya and with trembling hands, I held her hand and it was cold dahilan upang mas higpitan ko pa ng konti ‘yung pagkakahawak ko in my attempt to warm it.


Sa totoo lang holding her cold hand finally made my tears and sob come out. Napayuko na ako nun sa bed ni mama at umiyak lang nang umiyak. Sa isip isip ko, ‘ma naman, ‘wag mo naman akong takutin. Gumising ka na, hindi ko kaya … ‘wag mo akong iwan’


I stayed like that for I didn’t know how long hanggang sa I was forced to raise my head and look at her when I felt her hand move… at nang mag-angat nga ako ng tingin I met a pair of warm eyes.


At parang bata ay napalakas ‘yung iyak ko. Leah, seeing her open my eyes made me feel like, everything’s gonna be alright after all.

3 views0 comments

Recent Posts

See All