• Leah's Real Life Stories

Jericho’s Story: CHAPTER THREE


The doctor was surprisingly shocked sa biglaang paggising ni mama. I was informed na pagkauntog at pagkapukpuk ng bote sa ulo ni mama ang dahilan kung bakit nasa critical siyang kalagayan.


Some parts of her body lalong lalo na sa thigh niya ay may mga paso ng cigarettes. I mean, hindi siya naninigarilyo, kaya paano siya magkakaganon? And then I remembered her whimpers which she always tried so hard to detain.


Grabe ang ginawa ni papa kay mama Leah. Hindi ko lubos maisip nun at pati hanggang ngayon kung paano nagagawa ng isang taong saktan ang kapwa niya, worst asawa niya pa. Hindi ba ang role ng asawa ay mahalin ka at alagaan? To be devoted to you and to protect you from any harm and danger.


Bakit ganun? Bakit ‘yung taong sana ay kauna-unahang prumoprotekta sa’yo ay siya namang mismong nagdala sa’yo in between a life and death situation? ‘Yung taong sana ay mine-make sure na ni lamok ay hindi ka madapuan, ay siya mismong gumawa ng paraan para mawalan ka ng dugo?


Leah, bakit ganun? Bakit ‘yung tao na sanang na nagmamahal sa’yo ay ni kaunting respeto ay hindi niya pa maibigay?


Can you answer me? Bakit ganun Leah? Bakit ‘yung taong gaya ni mama na walang kaalitan at tinatapakan at walang ibang ginawa kundi ang maging mabuting asawa, ina, at tao ay siya pa ‘yung nakaranas ng matinding kalupitan sa taong in the first place ay hindi niya naman deserve?


Andaming bakit at ni isa dito, wala man lang makasagot dahil bawat isa, alam kong pareho rin ang katanungan sa akin. It’s just so frustrating that in this world, there seem to be more questions than answers.


That day, after i-check ng doctor si mama ay sa totoo lang, walang paglagyan nun ang tuwa ko and for the first time after that agonizing night where I had to hear my mother’s excruciating scream and see her motionless on the floor with blood flowing from her head, nakahinga ako ng maluwag.


She is here, safe, and functioning like her usual self. Kaya nga nagtataka ang doctor nun kasi bakit parang ang sigla sigla niya, ‘yung parang natulog lang siya at inipon lahat ng lakas tapos paggising, hype na hype.


Si mama noon, ang aliwalas ng mukha niya. I mean, palangiti siya lalong lalo na kapag kaharap ako pero iba ‘yung aliwalas ng mukha niya that time, ‘yung talagang walang stress o kahit anong problema.


Noon I attributed it on the fact na wala si papa, hindi ko alam kung saan kasuluksulukan nagtago, walang mangi-stress sa kanya o magpapaalala na mayroon palang tao na kagaya ni papa ang nage-exist sa mundo. Hindi lang basta nage-exist kundi pinakasalan niya pa mismo kaya doble doble ‘yung damage.


Noong magising na nga si mama ay inaya niya akong muling umupo sa tabi niya, noon kasi bumalik ‘yung takot ko na lapitan siya. But with the reassuring smile ay sumunod nga ako. Nakaupo rin noon si mama at tumabi nga ako sa kanya sa bed niya.


Pagkaupo ko pa lang ay ang una niyang ginawa, he comb my hair with her fingers at gaya ng nakasanayan ay isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya. Walang nagsalita sa amin hanggang sa nag-move si mama para makahiga ng maayos. Noong una akala ko nasaktan ko siya o ano, pero nang ayain akong mahiga rin at umunan sa balikat niya, I obliged.


And just like that, it’s a mother and son quiet yet very relaxing moment after a raging storm.


Sa bisig ng aking ina ay parang bata akong nakatulog kaagad. Moments like this is the most peaceful slumber I get to have. ‘Yung talagang mare-recharge ka. Nang magising nga ako ay nasa alas dos na.


Along with tito Den na talagang natural na nakakatawa, we ate, we laughed, we shared stories, laughed again … we just simply enjoyed the moment na magkakasama kami. Leah, this is the family I just wish to have. ‘Yung kami lang tatlo – si mama, tito at ako. Walang papa na panggulo.


Nung gumabi na ay si tito Den na muna ang naunang natulog sa sofa since hindi pa naman ako inaantok dahil sa tulog ko few hours ago.


Si mama that time parang walang kapaguran, alam mo ‘yon? I was expecting her to be knocked down at saka matulog na dahil sa hinaba haba ba naman ng kwentuhan at tawanan namin. Pero kabaliktaran ang nangyari dahil parang andaming reserved energy niya.


Noon, nakaupo ako sa mono block beside her bed nang bigla niyang hawakan ang kamay ko and when I met her gaze, gaya ng dati ay binigyan niya ako ng matamis at malambing na ngiti. Dahil dito ay napangiti na rin ako.


Tahimik kami for a few seconds nang bigla siyang mag-sorry dahil kinailangan ko raw marinig at makita ‘yung nangyari. With this, I looked at her with disbelief dahil hanggang ngayon ay ‘yun pa rin ang pinaka-concern niya, ako pa rin.


Hindi ko maintindihan kung ano ang pinanggagalingan ni mama sa way of thinking niya. Nauntog na nga siya’t napukpuk ng bote ay ako pa rin ang nasa isip niya. Why could she think of herself even for just a second?


But then Leah, that’s just how a mother’s love works.


Leah, akala ko wala ng mas isasakit pa ‘yung sorry niya, nagkamali ako dahil ‘yung sumunod na laman ng ‘sorry’ niya ay tungkol kay papa. She was saying sorry for I have to grow up with a father like papa.


Dito nag-flashback lahat, lahat ng masasakit na salita, pagmumura, at pati ‘yung pananakit ni papa... and the screaming with mama already on the floor with blood. Everything was just too much that my fist clenched with rage, extreme disgust, and grief ... yes, grief. I grieved over the years my dad had taken from us.


I didn’t know I was crying not until I felt my mother’s hands on my cheeks, wiping my tears away. The gesture had me returning her loving gaze which instantly uncurled my cleanched fist.


Hindi ko maintindihan kung paano ako nagagawang pakalmahin ni mama ng ganun na lang kabilis. ‘Yung naramramdaman ko kay papa ay parang galit na galit na bagyo pero with mama’s calming deamenor, hihinto at kakalma. Siya lang ang nakakagawa nito sa akin.


When she spoke again, ang sumunod niyang hiniling sa akin ay ang hayaan ko na lang si papa, na ‘wag na raw akong mag-abalang mag-press ng kahit anong charges against him. I looked at her in disbelief with the initial thought na parang bakit kinakampihan niya pa yata ang walang hiya kong ama.


But then, as if instantly sensing my sentiment, ang sumunod niyang sinabi ay bata pa raw ako at ‘wag na ‘wag kong hahayaan si papa to get into me, na sayangin kabataan ko para lamang kay papa. She said my father is already old and that he already had a fair share of the world, na na-enjoy na raw nito ang buhay at kung ipagpapatuloy ko pa siyang kasuhan at ipagpapatuloy kong sayangin ang lakas ko in hating him, ako raw ang talo dahil if I kept doing these, malilipasan daw ako ng panahon at mami-miss ‘yung mga bagay na ginagawa ng isang bata.


I should explore, move forward, and enjoy life Leah. Well, dahil nga sa masunurin akong anak, sinunod ko na naman si mama, hindi na nga kami nag press ng charges against papa tapos I enjoyed life, though, it’s not the way my mom meant for me in the first place after the morning I woke up at hindi ko na siya mahanap pa kahit man halughugin ko pa ang buong mundo.

Yes Leah, sinabi kong biglang lumakas si mama na siyang kinagulat nga ng doctor because she was not completely expecting her to be dahil nga sa matinding tama sa kanyang ulo. And also, ‘yung features niyang after waking up ay ang aliwalas, parang walang dinadalang problema.


And I finally got to know the answer Leah, the next morning where I woke up with a swollen eyes dahil sa pag-iyak kagabi while I was talking with my mother.


I woke up with the sound of tito Den’s sobs. He was standing next to my mother who was peacefully sleeping na hindi mo talaga magagawang gisingin. I knew she never had a long and peaceful sleep since the day she married my father and stayed under the same roof with him.


Dahil nga sa bagong gising at naga-adjust pa lang ‘yung utak ko, hindi ko kaagad napansin na meron din pala ang doctor sa kabilang side. She was taking a note. Tumayo ako at doon lang ako napansin ni tito Den na kaagad lumapit sa akin upang yakapin ako.


Hindi ko maintindihan nun kung anong iniiyak niya and he had to tell me what’s going on in order for me to catch up.


And when he broke the news to me, mabilis akong kumalas sa sakanya at nakakunot noo akong napatingin sa kanya. Kagigising ko lang Leah at hindi ako makukuha sa biro at kung nagbibiro man siya, hindi iyon nakakatawa.


The doctor stepped in and when she opened her mouth, doon ko na Leah hiniling na sana ay biro lang lahat o di kaya naman tulog pa ako at nananaginip lang kasi hindi pwede at paano ito nangyari?


We were just talking last night but as I recall our conversation, doon ko napagtanto na puro pala mga habilin iyon.


Hindi ako kaagad naniwala kila tito Den at habang nagsasalita nga ang doctor ay nilapitan ko si mama and when I held her hand, doon na ako nanlamig dahil ang lamig lamig ng kamay niya, paano? I remembered perfectly how warm itit usually washave at ‘yung lamig kakaiba.


Dito na ako nataranta and when I checked her pulse, wala akong maramdaman Leah. All I could understand from the doctor’s ramblings was when she already said, “I am sorry.”


It was then I broke into painful sobs and screams at niyakap si mama habang pilit siyang niyuyugyog at ginigising.


‘Yung puso ko nun hindi ko alam kung nagpa-pump pa ng blood lalong lalo na nung hindi nga gumising si mama. I held her tight and even pulled her into a sitting position while sobbing, pleading her to wake up.


My actions accompanied by my pleas would have been enough to wake any individuals, but it didn’t work with my mom, it was because wala na siya Leah, she died in her sleep.


Alam mo ‘yung ang unfair, unfair lang? ‘Yung pakiramdam ko tinakasan niya ako. I thought she will always be there for me, na hindi niya ako iiwan. Bakit ngayon siya ang unang nag-broke sa mga promises namin sa isa’t isa at heto na nga at iniwan na akong nag-iisa.


They allowed me to cry and embrace my mother for couple of minutes hanggang sa kinailangan na nilang tanggalin lahat ng machines na nakakabit sa katawan niya at dinala na siya sa funeral parlor.


Hindi ko alam Leah kung papaano nangyari lahat. I thought she was fighting and that she was willing to overcome and recovered from what happened to her dahil sa biglaan niyang paglakas. Ni hindi man lang ako naabisuhan na, that was only a goodbye.


Na para bang kinukuha na siya ng Angel of death but then she asked him to allow her to at least say goodbye to me first.


Leah, walang makakaintindi sa sakit na nararamdaman ko unless just like me, you already experienced losing the only parent you have by your side. Iyak lang ako nang iyak nun while people kept coming to condole me.


I didn’t know how to process the pain, the grief, and the anger rippling through my veins that I even punched the wall in my room several times to at least divert the pain, but Leah no pain is greater than losing your mom.


And after my mom’s gone, everything changed and the boy she raised lost track of the path she would want him or any parents to follow.

5 views0 comments

Recent Posts

See All