• Leah's Real Life Stories

Jericho's Story: CHAPTER ONE


Dear Leah,


Since everybody seems to be captivated by your station and people kept sharing their stories with you, heto po ako ngayon at nais ko rin pong dumagdag sa mga kwentong binabasa niyo sa ere.


Call me Jericho, isa po akong IT instructor ngayon at nais ko po sanang ‘wag na lang sabihin kung taga saan ako dahil paniguradong makikilala itong liham ko.


Leah, paano mo haharapin ang umaga kung saan magigising ka na wala na ‘yung taong katangi tanging nakakatiis sa’yo? ‘Yung taong who did nothing other than to love you and take care of you kahit pa man in the first place ay hindi ka niya deserve? ‘Yung taong hindi ka iniwan through your worst bagkus ay talagang niyakap ka pa kahit pa man siya mismo ay labis labis na nasasaktan? It’s like hugging a cactus – I was the cactus and she had always been willing to hold me tight.


Paano Leah? Can you answer me kasi hanggang ngayon ay hindi ko pa sigurado kung kailan ko matatanggap na sa wakas ay natauhan na siya and finally walked away, bagay na noong una pa sana niya ginawa.


She’s the only person I have dito sa mundong napakalupit but I was an asshole and didn’t realize it until it was already too late.


Leah, hindi ako lumaki sa isang pamilya kung saan masaya lang, ‘yung tipong hindi perpekto pero masaya. Pero kahit man lang yun something na tahimik na pamilya, wala ako. I was one among the very unfortunate children in the world who was born from an irresponsible father and a submissive mother.


Hindi ko alam kung ano ‘yung mas worst Leah, ‘yung napaka iresponsable ng aking ama o ‘yung tahimik lang at nagtitiis na aking ina.


Nagiisa lang akong anak, and if there is something I am still thankful about it is this fact that at least wala ng bata pa na kailangang mag-suffer, tama na ‘yung ako lang sa pamilya namin. Buo kaming pamilya pero kung magrereklamo ang mga produkto ng broken family sa harapan ko, baka masabi kong mas okay ‘yung ganun kesa sa homicidal sila every morning, na at times, you couldn’t get to sleep fearing na baka wala na ‘yung mama mo sa kabilang door.


My father Leah was the provider of the family, meron siyang magandang trabaho at maganda rin ang sahuran. My mother, on the other hand, was a housewife. Fully dependent kami kay papa kaya naman siya talaga ‘yung pinaka-boss sa bahay.


Gaya nga ng sabi ko kumikita siya ng malaki Leah, but then hindi lahat napupunta sa amin kaya madalas ding mangutang si mama sa kapatid niyang si tito Den, isang bakla at walang pamilya. Mabait si tito at maganda ang takbo ng negosyo niya kaya naman ay one call away lang siya sa tuwing may kailangan kami. Kaya lang ay bago niya bibigyan si mama, tatalakan muna niya at kulang na lang ay iuntog na niya si mama upang matauhan at tsaka itigil na ang pagpapakamartir.


Sa totoo lang, agree ako kay tito Den kasi nga martir talaga si mama.


My father is cold and distant. He bosses around the house na para bang hindi niya kami pamilya ni mama. For example kapag nandiyan na siya sa gabi, dapat naka ready na ‘yung sleepers niya maging ang pampaligo niya at pagkain.


‘Yung pagkain dapat talaga sineserve pa sa kanya kahit pa man kayang kaya niya namang abutin na lang kasi nasa harapan naman niya. Habang lumalaki ako at nakikita ito, hindi ko maiwasang makaramdan ng inis kaya lang ay dapat hindi ka magpakita ng anumang negative na emosyon sa harapan niya.


Mapili rin sa pagkain si papa na para bang ang laki laki ng perang binibigay niya kay mama pambili. Alam mo ‘yung ayaw niya ‘yung sardinas na hinalo sa gulay o kahit pa man ibang canned goods. Gusto niya ‘yung meat, ‘yung fish ganon.


Si papa hindi rin maganda ang tabas ng dila at talagang masakit siyang magsalita. Konting pagkakamali lang ay umiinit na talaga ‘yung ulo niya. Minsan nasunog lang ng konti ‘yung itlog dahil nga sa pinagsasabay ni mama ‘yung pagprepare ng baon naming dalawa ni papa at ang pagluluto ng breakfast.


Pagkakita niya pa lang doon sa itlog, ‘yung dalawang kamay niya mabilis na naglanding sa table na sa lakas ng impact ay talagang nahulog pa ‘yung spoon and fork niya tapos nagkalat na ‘yung food sa table. Galit na galit siya nun na kulang na lang talaga ay ibalibag niya iyong table.


Si mama gulat na gulat at gaya ng dati ay paulit ulit lang siyang nagso-sorry habang ako tinutulungan siyang linisan ‘yung kalat kahit pa man nag-insist siya na siya na lang gagawa.


Noon ay unti unti na akong nagtatanim ng galit kay papa at kung iisipin niyong ito na ang malalang ginawa niya, hindi kasi sa totoo lang hindi siya tao, he’s an evil.


Si papa hindi lang abusive sa pananalita kundi pati na rin sa pisikal. Kung meron siyang hindi gusto talagang dadapo rin ang kamay niya kay mama gaya na lang nung nakalimutan ni mama na bumili ng shampoo at naghimutok na naman si papa.


Nasa dining table ako nun at gumagawa ng assignment habang si mama ay naghuhugas ng pinagkainan namin nang bigla na lang hinila ni papa ang buhok ni mama. That was the first physical abuse I witnessed and I was 9 that time.


Mabilis akong umawat at when I attempted na itulak si papa, si mama, kahit hinihila siya ni papa palabas ng kusina through her hair ay nagawa pa akong ngitian at sinabihan na babalik siya and that she’s fine na para bang walang force ‘yung pagkakahawak ng hayop kong ama sa buhok niya.


I was helpless, you know. And thinking about that part, I should have stood my ground right from the beginning. I am sure that was not the first time, hindi yun ang first time na ginawa niya because at night, I hear these silent sobs from the other room na noong mas bata pa ako would always scare me because of the thought that there was a monster.


Well, there was a monster really but it was not the one making the sound, rather the one inflicted it.


I should have done something, maybe I could have prevented the worst experience a child will ever have to live through for the rest of his life.


Si papa Leah, late na talaga umuuwi at habang lumalaki ako, meron na ring mga gabi na hindi siya umuuwi. There are times na makikita ko si mama na nakaupo lang sa may door waiting for him to arrive. Sasamahan ko siya minsan pero kapag sobrang late na ay patutulugin na ako ni mama kahit pa sana ayoko ay talagang sasamahan ako patungo sa kwarto ko at doon niya ako kukumutan at saka uupo sa tabi ko with her back against the head board.


I was persistent not to sleep sana pero with the way her fingers run through my hair ay talagang makakatulog ka na. Honestly, one of my favorite moments with my mother ay ‘yung tulad ng ganito na kapag hindi ako makatulog or ayaw kong matulog, sasamahan niya ako at malambing na hahaplusin ‘yung ulo ko.


There are times na she would tell me stories at talagang ipapaulit ko ‘yung part na hindi ko na narinig dahil nga sa nakakatulog lang din ako kaagad minsan. My mom’s voice is so soft and it’s really beautiful.


Going back, naging madalas na ganun nga si mama. Hihintayin si papa and she would stay up all night at siguro dahil na rin sa kahit papaano kailangan ng katawan niya ng tulog ay sa sofa na lang siya sa living room matutulog.


Oo, pwede namang huwag na lang niyang antayin at matulog na lang sa bed nila pero iba rin kasi si papa, na kapag wala si mama na sasalubong sa kanya ay kung ano ano na ang lalabas sa bunganga niya. Tama Leah, ganun kalupit ang aking ama.


Late siya umuuwi Leah dahil meron siyang inuuwiang iba.


Si mama discreet ang mga galaw niya. Kapag kaharap niya ako, she would always show a face na parang walang nangyayari and kahit ganon nga ang ginagawa ni papa, hindi naapektuhan ‘yung pagiging ina niya sa akin.


She is still the most loving and caring mother at hindi niya ako pinabayaan. Kahit ganon na nadudurog siya at nasasaktan, ngingiti pa rin yan sa akin para hindi na ako mag-worry. Pero kahit anong gawin niya Leah, I just can’t help myself not to worry.


Nung natuklasan nga ni mama na nambababae si papa, mas lalong umiinit ang ulo nito and there was one night, late umuwi si papa and just like the usual ay hinintay siya ni mama habang ako ay nasa kwarto ko na at natutulog.


My mom tucked me to bed and I was already in the middle of sleep nang bigla akong magising dahil sa mahinang salita ni mama, I knew she was only trying to keep her voice down in order not to wake me.


Ang ginawa ko nun lumapit ako sa door at nag-eaves drop. Rinig na rinig ko ‘yung pagkakasabi ni mama na pumunta ka na naman sa kanya. Soft spoken ang aking ina pero ‘yung mahina niyang boses noong panahong iyon ay para hindi ako magising.


Hindi ako nakuntento sa pag-eavesdrop Leah bakus ay dahan dahan kong binuksan ‘yung door at doon ko muling nakita ang paghila ni papa sa buhok ni mama na pilit nagpupumiglas. Noon ko lang nakita na lumalaban si mama pero given ‘yung lakas ng aking ama, ay nakaladkad pa rin siya nito patungo sa kwarto nila.


And the next thing, there were muffled sobs.

The next morning, surprisingly wala si papa and si mama lang ang tao sa bahay, naabutan ko siya sa kusina na hinihintay ako. Nang makita niyang gising na ako ay malambing niya akong binati ng good morning at saka inayang umupo na sa hapag kainan para makakain na ako.


‘Yung itsura ni mama that time ay gaya na naman ng dati na parang walang nangyari kagabi, although kitang kita ko ‘yung marks sa magkabilang wrists niya. Wala ‘yun kahapon, so I was certain na gawa ‘yon ni papa kagabi lang.


Gustong gusto ko siyang tanungin kung anong nangyari sa mga kamay niya at gustong gusto ko ring sabihin kung ano ‘yung nakita ko kagabi but I didn’t want to break her even more because she was really trying really hard to act normal for me.


That morning, after kong maghanda ay hinatid na ako ni mama sa school.


Dumaan ang araw at buwan, ganon na ganon pa rin si papa at palala nang palala na meron ng point na alam na ni mama na aware ako sa mga nangyayari, sinabihan niya ako na whatever I heard, I should stay in my room.


And so I did. Mahal ko si mama kaya sumunod ako pero thinking about it when I was already matured enough, I should have broken my silence and right from the beginning, sinabi ko na kay mama na tama na, na umalis na lang kami gaya ng paulit ulit na sinasabi ni tito Den.


Dahil baka sakali Leah, baka sakali na-save ko pa ang aking ina sa sumunod na nangyari na habang buhay kong dadalhin dahil in the first place, wala man lang akong nagawa.

5 views0 comments

Recent Posts

See All