• Leah's Real Life Stories

Jane's Story: CHAPTER ONE


Dear Leah,


Good afternoon to you and to all the listeners of your program. I am Jane and I am from NCR. I just happened to listen to your program sa pinsan kong avid listener and I decided to share my story dahil nga sa na-inspire ako sa mga kwentong nafe-feature po sa programa ninyo.


I decided to share mine in hope that my story would be a voice for those people na pinagdadaanan din ang mga bagay na pinagdaanan ko.


Leah, can I ask you a question? Why does the society have to set standards for you to follow ‘pag grumadweyt ka with flying colors? Bakit kailangan kang diktahan sa mga bagay bagay? At bakit lahat ng mga mata na nakamanman sayo ay hinihintay kang magfail?


Yes, the world is insane. It’s frustrating and ……… depressing. It’s really hard to breathe, yung pakiramdam na parang hinihigop yung kaluluwa mo.


Yung automatic kang ikinulong ng lipunan sa standards na automatic din nilang ginawa para sa iyo and people will keep making a big fuss once na hindi mo iyon na-meet. Lahat ng mga mata ay nasa iyo at kahit saang anggulo ka tumingin ay maririnig mo ang mga mapanghusgang bunganga na hindi ka titigilan hanggang sa tuluyan kang bumagsak.


It sucks! Why can’t we just focus in our own lives? Why can’t we just be happy for others? Or why is it so hard to care about the important issues of the society but it is so natural to react if someone in the community is spreading his or her wings or simply soaring high? Maraming napakaimportanteng issues sa lipunan na dapat pakialaman but instead people waste their precious time on making someone’s life horrible.


Why?! I don’t understand. Nakakabaliw Leah and at the same time nakakapanghina.


Bata pa lang ako Leah, academically inclined na ako. Libro ang naging pinakabest friends ko dahil ito ang laging kasa-kasama ko 24/7. I always love reading and my parents really spoiled me through books at talagang ito ang pasalubong nila sa akin sa tuwing naga-out of town sila because of a business or work related trip.


My love for books started siguro when I was little kasi my parents would always read me bed time stories o di kaya they will teach me to read especially my dad na kung saan ay uupo ako sa lap niya at saka niya ako tuturuang magbasa.


Kaya ayon na, nagsimula na akong mainlove sa pagbabasa hanggang sa naging hobby ko na siya. Kahit saan kami magpunta, I always bring with me my book kasi nga as a kid, I was always easily bored. So whenever we have a trip, my mom would always make sure na meron kaming dalang libro.


Whenever I read Leah, talagang nagda-dive ako sa mundo ng binabasa ako. I remember one time, when I was 10 years old at kalalabas lang nung Harry Potter and the Goblet of Fire, ‘yung 4th book. I was so into the story and I was reading the book sa sala. Nakaupo ako sa floor while my back was resting against the couch.


Sa sobrang focused ko, nagulat na lang ako nang narinig ko na ang sumisigaw na si daddy and it was only then na naamoy ko ‘yung nasusunog na pa lang rice na niluluto ko. My dad was standing before me with his hands on his hips. Nakataas na nun ang isang kilay niya at alam na alam ko ng nasa dulo na ng dila niya ‘yung sermon niya kaya lang nang madako ang paningin niya sa librong hawak ko ay nag-soften ‘yung mukha niya at saka siya umupo na rin sa tabi ko.


Hindi ako pinagalitan ni daddy that time, pero pinagsabihan niya pa rin ako. Did I say that my dad is a bookworm too? Isa siyang literature teacher kaya naman ay talagang ine-encourage niya ang reading.


I knew he was mad because napabayaan ko nga ‘yung sinaing pero I knew too that he couldn’t bring himself to be mad for too long because the reason kung bakit ganon ay dahil sa pagbabasa.


You might be thinking I do not have a life. Maybe. But if you’re a bookworm, you will relate to me when I say that reading is actually lifer. It provides you different angle of life and it will bring you to someone’s deepest thoughts and wildest imaginations.


And so just like that, I allowed myself to get swayed into a wide sea of words and get swayed into somebody’s world, wherever it will take me, I am willing to follow.


Leah, you might be thinking I am that typical nerd who locks herself inside the house and absolutely no social life and no friends.


Yes I maybe a nerd but I do have my friends too, apat kami at puro kami babae sa grupo – si Gretchen, Julia, Camille, at ako. Si Gretchen, siya ‘yung pinakaconservative sa amin dahil na rin sa lumaki siya sa pamilyang active sa church. Si Julia naman ay siya ‘yung talagang wala lang, baliw lang at tatawa tawa. Si Camille naman, siya ang pinaka-wild sa grupo, siya ‘yung pinaka adventurous at daring manamit pati rin sa pananalita dahil kung mura, mura talaga.


Despite our different personalities ay talagang nag-click naman kami and at some point, I had successfully made them read a book especially si Camille na hindi sineseryoso ang pag-aaral.


Natatawa ako nun. We were in college tapos nag bet kami nila Julia at Gretchen. Sabi kasi nila never na nilang makikita si Camille na magbabasa ng libro, ako naman I was confident na one day, they will see her with a book.


Hindi sila naniwala kaya nag-bet kami. Kung makikita nilang magbasa ng libro si Camille, 5 thousand pesos at kapag hindi, I will give them, each, P5,000.


You know what I did Leah? Oo tama naman kasi sina Gretchen at Julia dahil nga sa wala talagang patience si Camille when it comes to reading, ayaw na ayaw niya. However, I was able to make her read a book one time.


Si Camille kasi siya ‘yung mahilig sa mga movies na romance at medyo SPG. Oo ganun siya. Kaya naman I was able to trick her to read nang bigyan ko siya ng librong romance and before she agreed, I told her na the book was full of SPG scenes.


Ganun lang, sa landi ng kaibigan ko ay binasa nga niya ‘yung libro only to find out na isa lang pala siyang libro about anatomy. But well, at least diba, hindi rin naman masyadong nagkakalayo.


Naalala ko, tawa lang ako ng tawa nang puntahan pa ako ng Camille sa buhay upang murahin dahil nga sa ginawa ko. Halos hindi na ako makahinga sa tawa nun and yes, I won, meron akong P5,000.


Yes Leah, despite my personality, I have these amazing girls and I would never trade them to anything.


So there’s that, we already settled that I still have a life kahit man belong ako sa grupo ng mga taong tinatawag ng lipunang ‘achievers’.


Leah, mula pre-school nasa honor list na ako. My parents always take pride everytime na may achievements akong iniuuwi sa bahay. Lagi kong naririnig na maraming magulang ang naiinggit sakanila, ang lagi nilang linya, buti pa yung anak niyo ganito ganyan samantalang yung anak namin ni hindi magawang magbasa ng 30 minutes.


People always come to me asking, how to get high grades or paano ba maging ikaw? Paano ba maging isang tulad ko? Hindi ko alam. Siguro, I just have nothing to do in my life and studying was just my everything. It’s my life.


Being a girl na laging nasa top ng klase, yung pagiging competitive very natural na sa akin and it was the reason why I had only managed to have four real friends in the world. Ang hirap kasi magtiwala Leah especially with the constant backstabbing and all during high school.


Sa totoo lang, ayaw ko kasing magpatalo dahil if I did, I would be disappointing my parents. Ayokong maging from an achiever girl, to a girl who is just nobody in the society.


Yes, takot akong maging failure. I can’t imagine my parents’ displeased look so I really had tried so hard to be always on top and my hard work had paid off Leah dahil I graduated as Magna Cum Laude sa kursong Dentistry.


My parents were so proud especially when I was delivering my speech. Yung feeling na, sa lahat ng studyante ikaw yung nabigyan ng privilege to speak in front of all the graduates, parents, and faculty and staff. Sa halos isang libong graduates, isa ka sa sampu na may latin honors. Bonus pa na ikaw ang nakakuha ng highest general weighted average.


I couldn’t ask for more Leah but I can’t say that I am already contented with my life because it was only the beginning. I need to gear up for a bigger quest pero just when I thought I could overcome anything without losing my balance dumating yung isang bagay na never ko pang naramdaman sa buong buhay ko.


Love…..Yes Leah, love. I never had a boyfriend so I was so unguarded nang dumating na siya sa buhay ko.


Gaya nga ng sabi ko, never akong nagka-boyfriend. Sa totoo lang ay mabilis akong maturn off sa mga lalaki. Hindi ko alam kung ano ‘yung gusto o hinahanap ko sa isang lalaki. Basta lahat ng nag-attempt manligaw ay binabasted ko.


My mom always reminds me not to be harsh on guys, well hindi naman ako harsh. Sa totoo lang ay I feel bad whenever I have to tell them that I am not interested. Siguro nga masungit din talaga ako at talagang straightforward kaya it doesn’t take long for a guy to walk away from me.


Pero sa totoo lang ay gusto ko rin namang may maging persistent sa kanila kaya lang si Enzo, ang lalaking kapitbahay namin na walang ibang ginawa kundi ang asarin lang ako nang asarin mag mula nung elementary, ang persistent among them.


Don’t be misled Leah, hindi ako niligawan ni Enzo, sadyang nariyan lang siya upang asarin ako. ‘Yung pagiging persistent niya ay hindi para makapasok sa buhay ko kundi sirain lamang ang araw ko.


So basically Enzo is off the list. Pero always siyang nariyan para kantiyawan ako. Noong bata kami, oo, naaasar ako sa kanya pero nung lumaki na kami ay nagawa ko ng asarin din siya pabalik.


Mabait naman siya kaya lang ay hindi niya pinag-igihan ang pag-aaral kaya naman ay nahinto siya ng dalawang taon kaya naman kahit magkasing edad kami ay nauna akong grumadweyt sa kanya.


Enzo aside, ‘yun nga I met a guy. A guy who finally made me want to belong to someone. A guy who made me allow a stranger to enter my life. Yes, a guy, who made me fall in love.


I’m not a party animal at mas lalong hindi ako pumupunta sa bar. Aside from hindi ko talaga gusto, I have an image to protect. Kahit sabihin man natin na nasa modernong panahon na tayo, hinding hindi mawawala yung huhusgaan ka na kaagad ng mga tao base sa iyong pananalita, pananamit, at kilos.


We’re living in a very judgmental society at ang pinaka-iniiwasan kong marinig sa buong buhay ko ay ang, matalino nga PERO. Kahit alam kong hindi dapat pinapansin ang mga sinasabi ng mga tao, nagpaalipin ako sa kanilang standards. I know I’m a descent girl and I don’t have to prove myself to others pero as I said earlier, ayokong makarinig ng matalino nga siya pero.


Pero one night, isa na akong dentista nun and that night nga ay I had to break the rules. Camille, who was being oh so dramatic that time ay nag ayang mag bar. Sa aming apat, siya yung pinakawild and party goer. Maraming nagtataka kung paano raw namin siya naging kaibigan. Well, kahit ganoon si Camille ay mabuti siyang tao and unfortunately nao-overlook ito ng mga tao dahil ang kinokonsider nila kaagad ay ang kanyang pananamit at pananalita.


Si Camille kasi gustong gusto niya ng maiikling damit at mga damit that shows more skin. Palamura rin siya and yes, papalit palit ng boyfriend. Itong katangian niyang ito ang dahilan kung bakit kami lang din ang kaibigan niya.


Ewan ko kung paano niya nagagawang ‘wag pansinin ang mga sinasabi ng ibang tao. She is just simply living her life and she doesn’t certainly give a damn about others. I wish I could just be like her pero hindi pwede.


Noong nag-aya nga si Camille kaagad kong sinabi na hindi na ako makakapunta pero at the end of the day, she had managed to charm me kaya napapayag niya ako. The same case Gretchen and Julia na wala ring nagawa.


Pagpasok pa lang namin sa bar may mga nakakilala na sa akin na mga schoolmates din namin at kapitbahay. Alam kong noon pinag-uusapan na nila kung bakit si Magna cum laude naroon.


Nailang ako Leah. Mas lalong pinamukha sa akin na hindi ko deserve magwalwal dahil may reputasyon akong binabantayan. Sa mga sandaling iyon, gustong gusto ko nang umuwi pero mabilis akong drinamahan ni Camille dahilan upang magstay ako. Yes, one of my friends is a drama queen. That is why I didn’t have a choice, but to stay and it is where I met this guy, who later managed to enter my life.


Sa aming apat, si Camille lang talaga yung uminom. We just spent the night talking and watching our other friends get wasted. Pass midnight nang magdecide na kaming tatlo na iuwi na si Camille whether she likes it or not.


She was protesting kahit na she was too drunk to even remember where she was. Kahit tatlo na kami noon na umaakay sa kanya, parang limang Camille din ang akay- akay namin palabas ng bar.


To make things even worst, our dear friend vomitted just when she decided to say Hi to a certain girl. The girl freaked out of course, pero bago pa man kami tuluyang mapaaway ay mayroon nang pumagitna sa amin and there’s this… guy……..Okay, hot guy who volunteered to carry Camille.


Nang maipasok na si Camille sa sasakyan, Gretchen and Julia thanked the guy first bago nila sinamahan ang lasengga naming kaibigan. Kahit medyo madilim noon ay very clear pa rin sa vision ko kung gaano katipuno at kagwapo ang lalaking tumulong sa amin.


He introduced himself at siya si Harry, Leah. He extended his right hand after saying his name and I didn’t know but I gladly accepted his hand and said my name in return. Hindi ko alam kung thankful lang ako that he helped us or sadyang hindi ka lang talaga makaka-hindi sa singkit niyang mata, sa malalaki niyang biceps na mapapa-wonder ka kung ilang abs ang nakatago sa v-neck na t-shirt niya. His hair was tousled that night, probably with women running their fingers through it, but I didn’t much care about that idea basta ang gwapo niya.


Alam niyo ‘yung bad boy na aura? Ganun na ganun, he even had his ear pierced at may tattoo rin siya sa bandang leeg niya. Ganito ‘yung mga lalaking ayaw na ayaw ko sa totoo lang, ‘yung bad boy at saka may tattoo… but I guess with the way he helped us, maybe he doesn’t deserve to be judged in the first place.


With this man before me being attractive and charming, I gave my number when he asked for it.


And for the first time, nalaman kong hindi naman pala ganoon kasama kung makipagkilala ka sa isang lalaki.

76 views0 comments

Recent Posts

See All