• Leah's Real Life Stories

Elizabeth's Story: CHAPTER TWO


Ang hirap din nung adjustment noon Leah nung una akong nahiwalay sa mga magulang ko. I was always homesick na I had to keep fighting the strong urge na umuwi na lang.


Namimiss ko lagi ‘yung mga magulang at kapatid ko. I miss being able to eat real food kasi nun hindi talaga ako marunong magluto. I miss my friends and of course, I miss the comfort of my bed and our house.


‘Yung alam mong 100% safe ka, na kahit anong gawin mo, you’re inside the walls of your house and under the protection of your parents.


Noon iyak lang din ako nang iyak lalong lalo na nung unang mga araw ko sa bording house at hindi pa ako makatulog. Alam mo ‘yung kailangan mong kagatin ‘yung ibabang labi mo para hindi umalingawngaw ‘yung mga hikbi mo kasi nakakahiya sa mga board mates mo dahil lahat na sila tulog.


So under the dark room, far away from home, I just silently cried as I thought of our home.


Noon kasi Leah, ang layo layo ng Tuguegarao at Kalinga kasi nga noon wala pa ‘yung bonton bridge at kailangan mo pang magbangka tapos ay rough road talaga kaya sobrang tagal ng biyahe.


Kaya no matter how much I wanted to go home, ang hirap. Kaya naman kinailangan kong magtiis at sanayin ‘yung sarili ko Leah … kaya lang, an incident had me going home with tears in my eyes and fear in my system.


Isang araw kasi Leah, biglang may isang lalaking dumating sa boarding. That was the first time I saw him.


Ang pangalan niya ay Castro. Isa siyang bachelor at engineer.


Ako sa totoo lang aloof ako sa mga lalaki and at age 17, I have never been kissed nor hugged nor touched. Oo noon sobrang conservative at bawal ang mga ganitong galawan unless kasal kayo.


Though, in every rule there are exemptions kasi nga meron ‘yung mga palihim din noon kasi nga kapag nalaman ng mga magulang nila, lagot sila at may tendency na pahihintuin sila ng pag-aaral para mag-asawa na lang.


So at age 17, hindi pa ako nakikiss o ano at wala akong kainte-interes makipagkilala sa mga lalaki hanggang sa there’s this guy na relative nung landlord namin ang bumisita sa boarding house.


Oo, may itsura siya pero ‘yung age namin medyo magkalayo kasi ako menor de edad pa lang, siya nagta-trabaho na as an engineer.


And that time I thought he was sick or something kasi pagkakita niya pa lang sa akin noon, sinabi niyang he will make me his wife. Natawa nun ‘yung landlord namin kasi menor de edad pa ako pero hindi siya natinag and with determination, he said, even if you break my neck now, I’m gonna make her my wife.

Buong araw siyang nagpapansin sa akin Leah dahilan upang magkulong ako sa kwarto ko. Ang ginawa pa niya noon is nagpabili at nagpaluto ng mga pagkain para magsalo-salo kami and that’s his way to make me emerge from my room.


Ilang beses din akong tinawag ng mga kasama ko sa boarding at maging ang landlord namin pero I kept declining and told them I am not hungry at sila na lang ang kumain.


Iba ang kutob ko nun Leah sa totoo lang, hindi ako mapakali. Nawiwirduhan ako kasi that was the first time I felt a certain emotion na ang lakas lakas. I felt so anxious, ‘yung kabog ng dibdib ko ang bilis at ang lakas, and I felt like crying.


Kung grabe ‘yung pagka-homesick ko at gustong gusto ko ng umuwi, that moment doble ‘yung kagustuhan kong umuwi dahil pakiramdam ko parang may mangyayari.


So what I did, I locked my door pero ang problema lang kasi nun Leah, ‘yung divider ng kwarto, hindi umabot sa ceiling meaning may space sa taas na kung saan pwedeng akyatin lang ng ibang tao para makapasok sa kwarto mo.


I never bothered thinking about it hanggang sa ‘yun nga, nung gabing ‘yon na hindi ako mapakali.


Pero kahit ganun, I tried to convince myself na matulog na… and fortunately, I was able to sleep the axiety hanggang sa bigla ko na lang naramdaman na parang may nag-angat sa kulambo ko and when I opened my eyes, meron ng mabigat na nakapatong sa akin.


Sobrang lakas na ng kabog ng dibdib ko nun na parang sound na ng tambol ang naririnig ko. I was frozen in shock and when I was able to bring myself to reality, doon ko na nakita ang mukha ng taong noon ay nakapatong na sa akin.


Si Castro.


Takot na takot ako nun and he was so strong, hindi ako makawala sa kanya hanggang sa ‘yung kamay niya, it started to roam around my body. Noon ay nagsisigaw na ako at umiiyak habang sinusubukan siyang itulak.


He didn’t stop, instead naramdaman ko na lang ‘yung mainit niyang hininga nang dumapo na nga ang mga labi niya sa labi ko.


I was trying so hard na kumawala sa kanya pero ang lakas lakas niya… hanggang sa marinig ko ‘yung mga tawa ng mga ka-boardmates ko maging ‘yung landlord namin.


Dito ako mas lalong natakot kasi it only means no one’s coming to help me.


I was screaming, cursing them for conniving against me. Iyak lang ako nang iyak nun while I tried so hard to struggle and extricate myself from him.


Halos mapaos na ako kasisigaw kahit pa man walang tulong na dumating kasi nagtatawanan lang sila sa labas ng silid ko. Noon hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko Leah.


I have never been so scared in my life and I have never despised anyone not until that night.


Hindi ako palasigaw, hindi ako palamura pero nung oras na ‘yon lahat na ng mura ay nasabi ko as I keep on struggling to push him off me. Kung saan saang parte na ng katawan niya ang kinalmot ko at nasampal.


Hanggang sa si Castro na mismo ang huminto. Noon because of adrenaline rush, tinulak ko siya ng pagkalakas lakas kahit pa man hindi na siya nakapatong pa sa akin. Galit na galit ako at pinagmumura siya bago siya tuluyang umalis sa kwarto ko.


Nang wala na nga siya doon ako napasalampak sa floor with my knees up at saka umiyak lang nang umiyak.


Hindi na rin ako nakatulog nun at magdamag lang akong umiyak hanggang sa hindi ko na nga kinaya at kahit madaling araw pa ay nag-empake na ako ng gamit ko at umuwi na nga ng Tabuk.


Mahaba ang biyahe nun at tulala lang ako dahil sa totoo lang wala na akong mailuha, siguro naubos na sa ilang oras kong pag-iyak.


On the way home, the incident just kept on flashing on my mind na para na akong masisiraan ng ulo any moment kasi napaka walang hiya niya, Leah… napaka walang hiya nilang lahat.


When I got home, gulat na gulat sina mama at papa nang makita ako kasi I was supposed to be at school at hindi pa namin break.


Pero pagka kita ko sa kanya, ‘yung luhang akala ko ay wala na muli na namang bumalik. Mas lalo silang nagulat nang bigla akong umiyak. Nung una dahil sa matinding pag-iyak ay hindi ko masabi sabi kung ano ‘yung nangyari.


Pero nung makakalma ako ng konti ay sinalaysay ko ‘yung ginawang pagpasok sa akin sa kwarto at ‘yung mga tawanan ng mga tao sa boarding house.


Noon din Leah, nung puntong ‘yon biglang pumunta si papa sa labas at kinuha ‘yung itak niya at literal na hinasa.


‘Yung galit na galit siya at talagang makakapatay na. My mother tried to calm him down pero hindi niya rin napigilan kasi maging siya mismo ay nagaapoy sa galit.


My parents were really ready to go into war dahil nung puntong ‘yon din ay bumalik kami sa Tuguegarao upang hanapin si Castro kaya lang nung makarating na kami doon ay wala na siya.


Doon nag-away away sila at doon ko rin unang nakita na ganun kagalit ‘yung mga magulang ko at talagang hindi sila aatras dahil sa ginawa sa akin.



World war III nun ang itsura Leah kasi talagang pinagsalitaan ng kung ano ano ng mga magulang ko ang landlord namin dahil bakit daw nila ako pinabayaan at sila pa mismo ang naghatid sa akin sa kapahamakan.


Noon kasi Leah ang nangyari pala is pinakiusapan silang lahat ni Castro na ‘wag mangingialam at ang katwiran ng landlord namin ay mabait daw si Castro at kilala niya ito.


Sinabi niyang gusto niya raw ako pero this just made things worst dahil tuluyan na ngang nawalan ng tiwala ang mga magulang ko sa landlord namin dahil hinakot namin lahat ng gamit ko at saka ako nilipat sa ibang boarding house.


Kaya lang Leah, kahit pa man nasa ibang boarding house na ako ay ang hirap kalimutan nung nangyari and my mind would still go back to that night. Oo, it’s because of the fact na napakasama nung ginawa sa akin pero there is also something that kept me from forgetting that night.


Diba Leah nasabi ko kung gaano ako ka-inosente at hindi ako aware sa mga bagay bagay na ako ‘yung pinakahuling makakagets sa green na jokes? Kasi Leah, ‘yung worry ko talaga nun ay paano kung buntis ako… kasi what I thought before, you can get impregnated by simply getting a taste of someone else’s saliva.


Oo, that’s my worry… though Castro didn’t go any further apart from only kissing me.


5 views0 comments

Recent Posts

See All