• Leah's Real Life Stories

Elizabeth's Story: CHAPTER THREE


Yes Leah, my worry at 17 was getting pregnant because of a tendency that I might have swallowed someone’s saliva. I thought that’s another way of creating a baby. I know, ganun ako ka-naïve at ka-inosente that they have to tell me na hindi ganon.


Some were so tempted to tell me the process to end ‘yung mga questions ko kung paano nga ba. However, they chose to preserve my innocent mind.


So after that incident, lumipat nga ako ng boarding house and all I thought okay na… kaya lang Leah, ewan ko kung lapitin ba ako ng ganitong incidente dahil ‘yung anak naman mismo ng landlord namin ang sumunod na nag-attempt na pasukin ako sa kwarto ko.


Dahil nga dito ay nagdecide na nga ang mga magulang ko na pauwiin na muna ako at pahintuin na muna sa pag-araal.


Nakakaiyak isipin na mahihinto ako pero hindi ko rin kaya ‘yung I will live in fear dahil meron itong mga lalaking ito who cannot keep their pants. Also, my parents didn’t want to risk my well-being lalong lalo na’t pangalawa na ‘yon.


Kaya naman kahit masakit sa kalooban ko na mahihinto na muna ako ay kinailangan ko itong tanggapin.


At dahil nga wala akong ibang gagawin, naging taong bahay lang ako at sa totoo lang nakakabagot at nakakainggit dahil my friends were able to continue their studies.


I thought I was going to be this way forever, not until one day… my life changes when suddenly, Castro showed up in our door.


Dahil ayun nga, hindi na ako nag-aaral, naging taong bahay lang ako. Not until isang araw nagising ako sa information na meron daw naghahanap sa akin. I thought it was a friend kaya naman hindi na ako nag-abala pang magbihis o ni magsuklay.


Ganun naman kapag kaibigan mo ‘yung bisita mo, kahit anong itsura at amoy mo, you won’t bother to fix and doll up yourself. Kasi wala ka naman ng dapat itago sa kanila lalong lalo na kung alam niyo na maging ang amoy ng hininga ng isa’t isa.


So that’s the reason why I didn’t bother to at least look presentable.


But when I was already descending the stairs, I swore right then I will never leave my room without at least combing my hair kasi there were many people sa sala. I literally stopped kahit nasa gitna na ako ng stairs and my plan was to really climb the stairs again. However, just when I was about to do it, it was way too late kasi nakita na nila ako at tinawag na nga nila mama at papa ‘yung pangalan ko.


Ang tanging nagawa ko na lang noon ay suklayin ‘yung buhok ko gamit ang mga daliri ko habang nahihiya at nakayuko akong lumapit sa mga magulang ko.


Sabi ko nga mahiyain talaga ako at hindi sanay na ako bigla ‘yung center of attraction especially kung napakarami pang tao.


My parents asked me to sit beside them kaya mas lalo na namang nanlamig ‘yung mga kamay ko kasi bakit ako bigla kasali sa kung anumang pag-uusapan nila? Hindi ba dapat nasa kusina ako to help my siblings serve whatever na ise-serve para sa mga bisita.


Nanatiling nakayuko ‘yung ulo ko and I was fidgeting my fingers hanggang sa may nakita ako sa peripheral vision ko at alam kong nakatingin lang siya sa akin at nang mag-angat nga ako ng tingin ay balingan ang taong ‘yon ay tuluyang nanigas ‘yung buong katawan ko.


I knew I was with strangers pero nung mag-angat nga ako ng tingin doon ko tuluyang nakumpirma na ni hindi ko nga kikilala ‘yung mga dumating…. maliban sa isang tao.


At ‘yun nga nang makita ko siya mabilis na kumulo ‘yung dugo ko lalong lalo na nung nginitian pa niya ako.


It was Castro… ang lalaking pumasok sa kwarto ko nun at pumatong sa akin at saka ako pinaghahalikan. I could never forget him.


Noon hindi ko lubos maisip kung paano at bakit pa siya nagkaroon ng mukha na harapin ako after what he did. And to think that he could still flash a smile to me.


At tsaka, paano niya ako nahanap? Paano niya nalaman ang address at bahay namin? At sino itong mga kasama niya at karamihan pa mga matatanda? Ang dami daming tanong ang tumatakbo sa isipan ko nun at gustong gusto ko silang i-voice out.


Pero siyempre kapag bata ka at kaharap mo ay mga matanda, it’s impolite to say anything. Dapat tahimik ka lang at magsasalita lamang kung ikaw na ‘yung kausap at kailangan ‘yung input or ‘yung sagot mo sa mga certain na bagay.


So I kept quiet but my fists nun were clenched and my knuckles turned white dahil sa pagpipigil.


Hanggang sa Leah, bigla na lang nagsidating ‘yung mga tito at ibang relatives namin noon sa bahay and I didn’t know and understand why and what’s going on.


Wala akong idea sa kung ano ang nangyayari nun Leah at kung anong ginagawa ng damuhong si Castro sa bahay namin mismo. Hindi ko rin alam kung sino ‘yung mga kasama niya at kung bakit din sila nasa bahay.


Ang daming questions na tumatakbo sa isipan ko which demanded for answers hanggang sa unti unti nga nga silang nasasagot at itong mga kasagutan ay hindi ko nga nagustuhan that I thought it would have been better if they just remained unanswered.


I didn’t like the answers to my endless questions dahil they meant me and Castro…together.


Dahil in the first place, that was the reason why Castro worked so hard in tracking me and my address kasi pinanindigan niya talaga Leah ‘yung sinabi niya noong una niya akong nakita na pakakasalan niya raw ako.


Yes Leah, iyan ang rason kung bakit kasama niya ‘yung mga angkan niya na lumuwas pa talaga para lang hingiin ang kamay ko sa mga magulang ko.


I didn’t know where he got this idea of wanting to marry me when we barely know each other and also, I was only 17 that time and 1st year college habang siya nagta-trabaho na as engineer.


At ang isa pang hindi ko lubos maintindihan is ‘yung confidence niya at ‘yung very certain siya sa kung ano ang gusto niya at talagang gagawin niya lahat makuha lang ito. And unfortunately Leah, hindi ko rin maintindihan, pero ang gusto niya ay ako.


Nung sinabi ni Castro ‘yung rason kung bakit nga siya nasa bahay ay nagulat ang mga magulang at relatives ko lalong lalo pa’t hindi siya nagpaligoy ligoy and asked my hand in marriage.


Ang instant reaction ng angkan ko nun is menor de edad ako and before they could launch anything, maybe lecture or whatsoever, Castro disarmed them all when he claimed that he is my boyfriend.


Halos lumuwa na ang mga mata ko nun Leah nang marinig ko ito mula sa kanya. Literal na ibang level ‘yung pagka delusional niya kasi minsan lang naman kami nag-meet at hindi pa maganda ‘yung nangyari nung first meeting namin that I never wanted to see him again.


Si Castro Leah, siya ‘yung kapag nagsalita very convincing. Hindi ko alam if it is a talent o sadyang, alam na alam niya kasi kung ano ‘yung gusto niya at kapag sinabi niya, gagawin niya. This is why kahit magkaiba kami ng probinsiya at ni hindi pa yata siya napapadpad sa amin, nagawa niya parin niyang i-trace ‘yung tirahan ko.


And take note, hindi na siya nagpaligoy ligoy pa dahil dinala niya mismo ang angkan niya na para bang siguradong sigurado siyang papayag ang mga magulang ko sa gusto niyang mangyari.


But again Leah, as if he could predict and foresee the future, dahil the next thing, he was able to get what he wanted right from the beginning.


After the presentation…I say it’s presentation because Castro had to state in details who he is kasi nga that was the first time my family and relatives met him.


Kung noong una I was confident na hindi papayag ang mga magulang ko kasi nga in the first place hindi naman nila kilala si Castro pero habang kinukwentuhan niya sila kung ano ‘yung roots niya and achievements, unti unti na akong nahuhulog mula sa upuan ko because they seem to be captivated at nadadala sila kay Castro.


If only I could scream ‘NO!’ Leah at the top of my lungs para marinig nilang lahat but I just couldn’t lalong lalo pa at unti unti silang naco-convince ni Castro.


Gusto kong lumaban, gusto kong sabihin na ayoko na sinungaling siya kasi ni hindi ko nga siya kilala at idagdag pa ang ginawa niya sa akin.


But then when everybody turned towards me to ask kung anong masasabi ko, my jaw locked at literal na hindi ako makapagsalita at ‘yung kamay ko lang ang gumagalaw, at pinapalo ‘yung hita ng kapatid ko sa tabi ko to get her to talk for me.


I was helpless though inside, my system was screaming ‘NO!’


But Leah, they didn’t think na ayoko rather, they interpreted my silence as a yes.


Hindi ako makapagsalita talaga nun kasi nga my jaw locked and they thought I wanted to marry him that’s why I was not saying anything.


Tapos Leah, tama ‘yung hinala ko na nagustuhan nga nila si Castro dahil pumayag sila Leah… oo, pumayag sila at ibinigay nga ang kamay ko kay Castro na ni hindi ko man lang kilala. Ang sabi nila, mas okay daw na kay Castro na ako kasi nga stable na siya at engineer at baka mapunta pa ako sa kung sino sino diyan.


Iba ang ngiti ni Castro nun nang tignan niya ako and I was dying to wipe that smug smile off his face.


Hindi ako makapaniwala Leah, I was in a state of shock na bakit ganon? Bakit parang napakabilis naman yata nilang naniwala at nagtiwala kay Castro. Kung tutuusin nga parang kelan lang nakaready na ‘yung itak ng tatay ko para tagain siya after what he did to me.


Magkahalong galit at disbelief ‘yung naramdaman ko nun lalong lalo pa at ‘yung kasal namin mabilis na pinagplanuhan at pinaghandaan.


Gustong gusto ko nun Leah na maglayas, gustong gusto kong lumayo pero no matter how much I wanted to get away from him, I don’t have the means. I was so young and I don’t have any money… no connections and all, kaya saan ako pupunta?


At ‘yun nga Leah, no matter how I despised him, siya ang nagwagi dahil in the end, he was able to marry me and call me his wife.


4 views0 comments

Recent Posts

See All