• Leah's Real Life Stories

Elizabeth's Story: CHAPTER ONE


Dear Leah,


Ako nga pala si Elizabeth. Isa na akong senior citizen ngayon and you just made me travel back on the time I had met my husband.


You know Leah, I was just supposed to sit down and listen to you guys while you talk when you visited the house but turns out I was the one who caught up in the moment and the next thing it was already us talking that of course leads to this letter.


Anyway Leah, love really moves in mysterious ways. We have different take on what love is and how love begins kasi hindi naman tayo pare-pareho ng pinagdaanan.


Some started na gusto na nila ang isa’t isa. Ito ‘yung pinaka-common and ideal kasi sino ba naman kasi di ba ang magnanais makipagrelasyon at magpakasal sa taong ni hindi mo mahal.


Some also started on the other way around kasi wala silang nararamdaman doon sa tao, it just happened na they were left with no choice but to be with that person. With this kind of setup, some ends up miserable but some… they learn to love the person.


Kung tatanungin mo ako kung ano ‘yung kwento ko sa dalawa, itong panghuli. Yes, I married a person whom I do not love kasi in the first place, I just barely know him at isang beses lang naman kami nagkita.


At ‘yung unang meeting pa namin is hindi maganda. Yet the next thing, I’m marrying this stranger whom I despised so much. Pero siya, he claimed that it was love at first sight.


Noon Leah, alam ko narinig mo na ito, talagang sobrang istrikto ng mga magulang namin noon. ‘Yung tipong kulang na lang ikulong ka sa bahay para mabantayan ka and to ensure na walang lalaking makakalapit sa’yo.


Oo, noon kasi talaga hindi pwede ‘yung nakikita ka diyan na nakikipagngitian at tawanan sa mga lalaki. ‘Yun bang kahit gustong gusto mo na rin talaga ‘yung lalaki o ‘yung kaklase mo pero you have to hold back.


Hindi gaya ngayon na kung kursunada niyo ang isa’t isa, you can be together already. Tapos andali ng communication ngayon, isang pindot lang nasabi mo na kung ano ‘yung gusto mo.


In my time, talagang dapat school – bahay ka lang which is okay on my part. Hindi naman ako nagrebelde o ano dahil lamang dito. Siguro part na rin ng personality ko na hindi rin masyadong lumalabas.


Ako Leah, wala akong alam sa mga gawaing bahay talaga and I was so naive, ‘yung sobrang inosente. Later in my story you will get to know how innocent I was.


So ganun lang, I was just a girl who is so innocent at ni walang kaalam alam sa mga bagay bagay na kapag nagjo-joke sila ng green, I would be left out in the corner...just wondering.


In my younger years, kahit istrikto ang mga magulang ko, I still have my friends naman pero karamihan sa kanila mga babae talaga. ‘Yung mga lalaki sila minsan ‘yung hindi talaga welcome sa bahay.


Oo strikto ‘yung mga magulang ko, pero they still allowed me to at least have some life at hinayaan akong bisitahin ng mga kaibigan kong babae. Lumalabas labas din kami nun kaya lang may curfew.


Pero bakit nga ba tila mas nakakatakot ang mga magulang noon? If I were to answer this, it is because napaka-strikto ng mga magulang namin noon at hindi talaga sila mage-hesitate na paluin ka.


‘Yung hindi lang basta palo dahil usually sinturon yan. Tapos idagdag pa natin ‘yung mga iba’t ibang punishments like ‘yung papaluhurin ka sa monggo ng ilang oras o di kaya ‘yung luluhod ka with your arms stretched at kung minsan pa lalagyan ng libro.


Kung tatanungin ako ng mga kabataan ngayon, bakit mo kasi ginawa? Bakit ka kasi lumuhod sa munggo? Bakit mo kasi hinayaan?


Noon there’s no room for resistance o ano, kung may kasalanan ka o kung sumuway ka sa magulang mo, expected na makakatikim ka talaga. Dahil dito takot kami sa mga magulang namin na kahit tingin pa lang nila sa tuwing may mali ka ay kikilabutan ka na.


Hindi gaya ngayon, na kung pwede lang ‘wag mo ng paluin ‘yung anak mo. Anyway, iba iba naman ang henerasyon at itong sinasabi ko lang naman ay ‘yung kapanahunan namin.


This is why Leah, don’t ask me kung bakit ganun kami katakot sa mga magulang namin dahil kung disiplina, disiplina talaga.


Meron ‘yung mga moments na allowed kami lumabas ng gabi, ito ‘yung kung may fiesta o kung may kasalan at ibang okasyon. Kaya lang, lagi kang may bantay.


Kaya nun kung may fiesta o any occasion gaya ng kasal, marami ka talagang makikitang mga kabataan dahil ‘yun ‘yung moment nila para lumabas.


Pero sa lahat ng mga okasyon, siguro ang hindi ko malilimutan ay ‘yung kung merong kasalan dahil you are obliged to dress nicely, magpaganda, at tsaka makipagsayawan sa mga lalaki dahil nga as a lady, ito ang tulong mo sa mga ikakasal.


Hindi ko alam Leah, kung naabutan mo ito o na-experience. Pero ganito kasi ‘yun, sa tuwing may mga kasal ‘yung mga kadalagahan mag-aayos ang mga yan, magsusuot ng magandang damit, at kailangang magpaganda.


Kung hindi ka sanay na gaya ko ay talagang nakakahiya, I mean can you just imagine dancing with a stranger? Pero wala kang magagawa lalong lalo na kung relative o neighbor mo ‘yung ikakasal dahil ‘yung mga magulang mo na mismo ang maghahatid mismo sa’yo sa venue.


Tapos sa disperas ng kasal, may program. So kayong mga dalaga, uupo kayo sa isang gilid tapos ‘yung mga kalalakihan na magre-request ng mga songs with bayad, lalapit at mamimili ng babaeng gusto nilang isayaw.


‘Yung sayaw, hindi lang basta sayaw kasi medyo intimate siya. ‘Yung ilalagay ng lalaki ‘yung magkabilang kamay niya sa bewang mo na minsan din talaga nakakakiliti lalong lalo na nung first time kong makipagsayaw.


Tapos ikaw naman na babae, ilalagay mo ‘yung kamay mo sa balikat niya o kung ka-close mo ‘yung tao, you can put them around his neck.


So, close talaga ‘yung mga bodies niyo, tapos ay sasabay na kayo sa rhythm ng music.


Leah, masaya naman ‘yung ganitong experience kaya lang kasi hindi ikaw ‘yung pipili sa taong magsasayaw sa’yo at hindi ka rin pwedeng humindi kahit gustong gusto mo ng tumakbo na lang at saka umuwi na.


Dahil dito, may mga instances na ‘yung kasayaw mo amoy alak na. Oo, tapos ang lakas lakas pa nung amoy tapos ilalapit pa ‘yung bunganga nila sa tenga mo to ask your name kasi nga malakas ‘yung tugtog at para magkarinigan kayo. So talagang amoy na amoy mo ‘yung alak.


Meron din ‘yung mga hindi nga nakainom pero ang presko naman na you really have to fake your smile kahit na gustong gusto mo na siyang itulak.


Pero of course, meron din ‘yung mga gwapo na, sobrang maginoo pa. Sila usually ‘yung mga hinihiling ng mga kadalagahan na magsasayaw sa kanila.


So dito mo talaga makikita Leah ‘yung mga iba’t ibang klase ng lalaki. Though kahit na meron diyang mahangin, amoy alak o ano, masaya…masaya ‘yung experience dahil most of the times, you end up with new sets of friends.


Well time is really evolving and change is constant. Usually ‘yung mga kasalan na kasi ngayon sa hotel na at parang medyo nawawala na rin ‘yung mga pasayaw sa gabi bago ang kasal.


Masaya Leah kasi nandiyan ‘yung mga nagpapalakihan ng mga pera kasi kapag may nagre-request ng tugtog, ina-announce din nung host ‘yung pangalan ng grupo at kung ilan ang binigay nila.


Usually ‘yung mga dayo o bisita nung mga ikakasal ang hindi nagpapatalo at talagang magbibigay ng huge amount.


If only you get to experience this Leah kasi sobrang saya, sobrang enjoy kasi hindi ka lang basta manunuod eh, you will also take part in the celebration.


Hindi gaya ng mga kaibigan ko na may mga nakikilala at in the end, palihim na silang magkasintahan. Ako kasi, though marami ‘yung mga nag-express ng interest, ewan ko ba pero wala pa kasi sa isip ko ‘yung mga ganong bagay.


Ako kasi nun sobrang inosente at wala pa sa sistema ko ‘yung mga boyfriend boyfriend, siguro crush, oo. Kasi nagwa-gwapuhan din naman ako sa mga ibang kaklase ko pero ‘yun hanggang ganun lang … hanggang crush, crush lang.


Basta ganun lang Leah, napakasimple lang ng buhay ko. Bahay – school, bahay – school ganun. The same routine kumbaga.


Siguro nga dahil na rin sa sobrang inosente ko nun, I didn’t mind hanggang sa nung 17 na nga ako at kinailangan ko ng magtungo sa Tuguegarao para mag-aral ng college kasi noon Leah, wala pang kolehiyo sa Kalinga.


Kaya ayun, doon ako sa Tuguegarao nag-enroll at saka nangupahan. Noon, iisa lang din talaga ang goal ko and that is to finish my studies. Hindi ako nalihis ng landas o tinake advantage ‘yung pagkakataon na malayo ako sa mga magulang ko para gumawa ng mga kababalaghan. Hindi bagkus ay pinag-igihan ko nga ang pag-aaral.


Hanggang sa, meron isang pangyayari na never kong inexpect na mangyayari. I was so scared at that time. And that incident had led me to the arms of my husband whom I had to beat during our first meeting.


Oo, hindi ganun ka-ganda ang first meeting namin ni Castro, ang lalaking napangasawa ko. At least that’s on my part of the story.


I hated him so much that time because all I thought he was there to ruin my life.

7 views0 comments

Recent Posts

See All