• Leah's Real Life Stories

Chloe's Story: CHAPTER TWO

Updated: Apr 5


Nag-enroll nga ako Leah. Sobra akong nahihiya noong una dahil yung mga kaklase ko ay mga dalaga at binata. Tandang tanda ko pa nung unang araw ng klase, halos gusto ko ng i-withdraw yung enrollment ko.


Sobra akong nanliit sa sarili ko nang makita ko ang mga kaklase ko, pero hindi rin iyon nagtagal dahil ang babait nila. Akala ko pa nga ija-judge nila ako nang sabihin kong I’m a single mom when we were asked to tell something about our self in front of the class. But they didn’t, actually kulang na nga lang ay magpaputok na sila ng confetti dahil daw bilib sila sa mga taong kagaya ko.


Noon ay napapaisip na talaga ako kung totoong may mga anghel na ipinadala para sa akin to at least ligten up my already dark path?


Sa first day nga naming iyon, halos nameet na namin lahat ng magiging instructors and professors namin maliban lamang sa isa. We already knew her name because it was written in our assessment form pero ewan namin kung paano nalaman ng mga higher years na magiging teacher namin siya because they approached us with a terrifying information.


Base sa mga kwento nila ay sobra na kaming natakot. Sobrang strict daw nung teacher na yon at bibihira lang daw yung mga estudyante na nakakasurvive sakanya. She’s the very reason why our course has few graduates every commencement exercise.


Sa mga kwento pa lang nila, para na akong nanghina. And I wished I could say na OA magkwento yung mga higher years pero nung na meet na namin on the third day yung sinasabi nilang professor, mas malala pa pala ito kumpara sa mga descriptions nila sa kanya.


People call her ma’am Fina. Si ma’am Fina, nasa middle age na at isa na siyang professor VI noon. Yung aura niya talaga nakakatakot lalong lalo na’t naka poker face lang siya na parang ikamamatay niya kapag ngumiti siya kahit konte.


Yung boses niya rin very powerful na hindi mo talaga magagawang mag side glancing pag siya na yung nagsasalita.


Kaya Leah napatanong ako, tama ba itong pinasok ko?


Sobra akong nanginginig noon na gusto ko na talagang magpakain sa lupa. Ang cold kasi ng demeanor niya Leah na kahit magjacket ka ng napakakapal, tatagos at tatagos pa rin sa’yo yung coldness.


Walang makapagsalita sa amin noon Leah especially when she asked us to write our names sa isang yellow pad. Ang instructions; last name, given name, and middle name.


Nang maipasa na namin sakanya yung paper, bigla niya iyong itinapon. Nagulat kami at doon na kami nagsimulang matakot, “simple instructions, you cannot follow!” Malamig niyang sabi.


Sinabi pa niyang paano raw kami nakapagcollege kung hindi namin alam ang difference ng middle name at middle initial. Sa paper kasi Leah, may mga naglagay ng middle initials lang instead of middle name.


So, pinalitan na naman namin yung paper. But for the second time around Leah, itinapon na naman niya yung papel. For the reason daw na dapat cursive raw kami magsulat especially that we’re English majors.


For the third time, muli na naman kami naglabas ng yellow paper. We were bracing ourselves sa pag aakalang itatapon na naman niya iyon pero tinanggap na niya ngunit mababanaag pa rin sa kanyang facial expression na sinabayan pa ng pag-iling illing niya na hindi siya satisfied.


Ang una niyang tinuro sa amin ay ang letters of the alphabet in cursive. Very detailed yung ginawa niya, yung mga loops and tails and everything.


Ang simple mag-cursive pero sakanya nakaka-conscious at ang hirap that’s why ang bagal bagal na naming magsulat dahil kailangan namin isulat ng tama yung mga letters otherwise itatapon lang sa harap mo yung output mo. Oo, hindi ito OA, ganoon kalala.


Iisa lang yung subject namin sakanya noong first year pero parang five na rin dahil sobrang nakaka-drain. Kung yung mga classmates ko noon na wala namang ibang responsibilidad ay sobrang nahihirapan, yung hirap nila doble sa part kong single mom.


Nung nasa higher year na ako, mas lumala si ma’am Fina dahil mas lalo siyang naging strict at mas lalong bumigat yung mga requirements. Requirements na paulit ulit niyang ibinabalik kahit pa period lang yung mali.


Akala ko kakayanin ko Leah pero dumating ako sa puntong gusto ko ng sumuko. Alam ko noon na ako yung laging pinagtritripan ni ma’am, ako yung lagi niyang pinapatayo to recite tapos pag nakasagot ako meron at meron siyang follow up questions hanggang sa mawalan ako ng sagot. Tapos everytime na may requirements, ako yung pinakaunang natatapos pero ako talaga yung pinakahahanapan niya ng mali.


She kept on throwing me balls of fire tapos ako naman I was taking it as a challenge. Pero dumating yung araw na hindi ko kinaya. Fourth year college kami noon, submission na noon ng final requirement namin which was IMs or books nang sinumpong yung anak ko.


And I thought, ito na yon. Sana hindi ka na lang nag-enroll, hindi mo rin naman pala kakayanin.


Leah, yung pakiramdam ko nun I cannot disappoint my lola and my son, I just can’t pero anong magagawa ko kung hindi ko nga kaya? Kung hanggang dito na lang yung kaya ko.


One time, iyak nang iyak noon ‘yung anak ko kaya hindi ko magawang tapusin yung requirement kahit pa yun ang pwedeng magdelay sa akin to graduate. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko noon Leah.


Final touch na lang naman yung kailangan sa book ko because I’ve been working for it for almost two months. Konting polish na lang pero hindi ko na magawa dahil kailangang kailangan ako ng anak ko.


Umaagos na noon ang mga luha ko dahil sa dalawang rason; una, hindi ko alam kung ano na ang gagawin ko sa anak ko, pangalawa yung thought na hindi na yata ako makakagraduate.


Hindi ko naman pwedeng iasa na naman kay lola dahil noon bawal na bawal na sakanya ang pagpupuyat given her age and her health.


Bandang alas tres na ng madaling araw nang tumigil na sa kaiiyak yung anak ko. I should sleep na rin sana pero I took the opportunity na ihabol yung book ko. I still have five hours before the deadline. 8am kasi ang deadline na sinabi ni ma’am Fina.


Alas siyete y medya na noon nang magising ang anak ko. Gaya ng dati ay si lola na naman ang nagsave sa akin. Akala ko okay na dahil may chance pa, kaya ko pang habulin yung oras pero Leah. Ten minutes….Nalate lang ako ng sampung minuto.. wala na, wala ng graduation.


It only took 10 minutes to cut everything that I have founded with sacrifices, hardships, and tears. 10 minutes lang Leah, pero lahat nawala… nawala ng tuluyan.

Hindi na kami magkaklase noon dahil tapos naman na ang final exams, ime-meet lang kami ni ma’am Fina para sa submission ng mga libro namin. Hinabol ko talaga yung 8am, pero 8:10 na noong makasalubong ko si ma’am Fina sa door. Palabas na siya noon.


Naflat-an kasi ‘yung tricycle na sinakyan ko kaya kinailangan naming dumaan sa vulcanizing shop which is out of way papuntang school at pagkarating doon ay may dalawa pang sasakyan na nakapila.


Kaya naman literal na tumakbo ako on my black heels dahil required talaga to wear heels kay ma’am Fina. Hingal na hingal na ako nun nang makarating ako sa classroom namin. Maybe it’s because of adrenaline kaya naman nagawa kong tumayo sa harapan ni ma’am Fina na paalis na.


Pinasadahan niya ako ng tingin, alam ko noon na sabog na sabog ang itsura ko dahil na rin sa pinagsamang puyat at kaiiyak magdamag. Nanginginig kong inabot yung libro ko sakanya, tinanggap naman niya.


Akala ko makakahinga na ako ng maluwag noon pero mas lalong bumigat yung pakiramdam ko sa ginawa ni ma’am Fina. Yes, iniscan niya yung book ko na ipapa hard bound na lang pero bawat page ay tinatapon niya pagkatapos niyang tignan.


Umiiyak na ako noon habang pinupulot yung pages ng book ko na tinatapon niya lang. Malakas na ang hagulgol ko noon pero pinagalitan pa rin ako ni ma’am for being late. I tried to explain pero hindi niya ako binigyan ng pagkakataong magsalita, “Whatever your reasons are, I don’t give a damn!” tapos ay umalis siya.


Niyakap ako ng mga kaklase ko kasabay ng tuluyang paggive up ko. I was like that’s it. Wala na……..hindi na ako makakagraduate. Sampung minuto…… dahil lang sa sampung minuto, nawala lahat ng pinagpuyatan at pinaghirapan ko ng three and a half years.


Umuwi ako noon ng luhaan at walang buhay pero tuluyang nawala lahat ng natitirang lakas ko nang makita ko ang anak ko. Muli na naman akong napabunghalit ng iyak; napatanong na lang ako ng, anong ginawa ko?


I really am a mess. A mess who keeps on screwing things up. Looking at my son, doon ko narealize that I f*** up! Hindi ko kinaya, so I went outside and there, I let all the resentments catch up with me.


I was back to being that cry baby when Larry told me na hindi sa kanya yung anak ko and when my parents dumped me to my grandmother. Ang bigat bigat nun ng puso ko Leah, I was blaming myself for dreaming too high eh hindi ko naman pala kayang abutin.


Kung labis labis akong nasaktan when I failed my parents, triple yung impact when it’s my own son that I failed. I promised to be better for him pero nagsisimula pa lang ako, wala na, I screwed up.


Why do I keep on screwing everything Leah? Even for once, bakit hindi ko man lang magawa ng tama ang isang bagay.


The little hope that was left in me finally vanished……the strength, the ability to stand again, and the heart and mind to continue finally left my system.


My world completely blacked out Leah. I didn’t know how to pick myself up again and worst, I didn’t know how to face my son without feeling this pang of guilt and resentment I kept on running away from.


While blaming and berating myself, my mind went to ma’am Fina. She succeeded and I was thinking, she would be the very first person who was probably laughing and celebrating that very moment because her least favorite student or I think it’s more appropriate to say that the one she hated the most, had finally given up.


She succeeded in stealing my dreams. She succeeded in destroying myself esteem. She won Leah dahil wala na, wala na yung kakaunti at natitira kong will to fight.


Siguro nga after all, tama talaga yung mga magulang ko. Isa talaga akong kahihiyan. Tama yung kapitbahay namin nun nang sabihin niyang kahit anong gawin ko, wala na raw mangyayari sa buhay kong disgrasiyada.


Every word thrown at me came flashing as if saying, hindi ka kasi naniwala nun, ayan tuloy nagpagod ka lang sa wala.


You might be thing I was being too hard on myself, but it is easier said than done. How can you not if the first step to fulfilling you dreams for your son was already destroyed, what will you do? Or worst, what will you feel?

85 views0 comments

Recent Posts

See All