• Leah's Real Life Stories

Beth's Story: CHAPTER TWO

Updated: Mar 26


Leah, kahit anong gawin ng magulang ko sa akin ay hindi ako matutotuto, dahil after kong mapagalitan sa mababa kong grades at remarks ng mga teachers ko sa akin ay pupuntahan ko pa rin si Aling Paning.


Wala eh, ganun talaga.


Hanggang sa isang araw, grade 6 na ako, walang Aling Paning ang pumasok sa paaralan. Dahil wala siya sa garden ay nakapasok ako sa klase ko. Ang akala ko ay may nilakad lang siya o ano kaya hindi siya nakapasok. Ganun kasi siya Leah, kapag hindi nakakapasok sa school ay paniguradong may importanteng inasikaso.


Pero dumaan ang tatlong araw Leah, ay wala pa ring Aling Paning. Hinalughog ko na ang buong eskwelahan, wala siya. Kaya naman nagpasya akong puntahan siya sa bahay nila kahit pa man hapon na noon, alas singko na at may mahigit apat na kilometro pa akong lalakarin. Wala akong pakialam nun Leah.


Lakad takbo ang ginawa ko nun, actually, ibinili ko pa ng apple yung 100 ko nun para sakanya. Paborito niya kasi ito kaya lang ay lagi siyang nagtitipid at hindi kasali sa budget. Nalaman ko lang na paborito niya ang mansanas nang minsan ay bigyan ko siya dahil nga dalawa naman yung ipinabaon sa akin.

Ayaw na ayaw ni Aling Paning na nag-aabala ako para sakanya, pero uulitin ko Leah, walang makakahindi sa kakulitan ko.


Excited ako nun na makita siya dahil napaka-dull ng tatlong araw na nagdaan dahil wala siya. Kaya lang Leah ay yung pagkasabik ko na makita si Aling Paning ay napalitan ng matinding disappointment.


Ilang beses kong kinatok ‘yung door nila. Inikot ko na rin ‘yung buong bahay to peek on holes to check on the people inside, kaya lang Leah, wala… wala sila. At yung loob ng bahay sobrang malinis, wala na yung mga karton na lagayan nila ng mga gamit nila.


Kahit ganun ay pinilit ko pa ring kalampagin yung door nila, not yet giving up kahit pa man alam kong empty yung bahay.


Siguro napagod na ako at sa matinding disappointment ay napaupo na ako sa lupa kasabay ng pagbagsak ng mga mansanas na binili ko para sana kay Aling Paning. Hindi ko alam kung anong oras na, basta madilim na nun nang biglang may nag-flash light sa akin.


Kaagad akong nag-angat nun ng tingin sa pag-aakalang sina Aling Paning na ‘yon … pero hindi Leah bagkus ay si daddy.


Nang makita ko siya ay mabilis akong umiyak at pareklamong sinabi na bakit walang tao sa loob, nasaan sila? Iniwan na ba nila ako?


Hindi makasagot nun si daddy at yung mukha niya ay apologetic. Inaya niya akong umuwi na kami pero hindi ko magawang ihakbang yung mga paa ko nun Leah. Gusto kong magstay doon lalong lalo na sa door nila para kung bumalik sila, ako yung unang makakaalam.


Bakit ganun Leah, hindi ko maintindihan… bakit wala sila? Saan sila nagpunta? … bakit nila ako iniwan?


Hindi ko maintindihan ‘yung nararamdaman ko noon Leah, basta umiiyak lang ako habang nasa sasakyan na pauwi ng bahay. Dad tried to console me but that was the first time na hindi ako umimik at bagkus ay dumeretso ako sa kwarto namin ni Bianca.


Yung pakiramdam ko, ang bigat bigat na hindi ko maintindihan Leah. Yung mga luha ko nun walang tigil sa pagdaloy na para bang may sarili silang buhay at sila lang ang nakakaintindi sa totoong nilalaman ng puso ko nung mga panahong iyon.


Bianca seemed to understand my pain dahil niyakap niya lang ako at saka ipinahiram sa akin si Chuckie, her teddy bear and yes it is a weird name. Si Chuckie ay lagi niyang yakap yakap kapag natutulog pero that night ay ipinahiram niya sa akin.


I really appreciated the gesture Leah and as if Bianca knows something na hindi ko alam, hindi ako iniwan ng kapatid ko at lagi niya akong sinasamahan sa kung saan saan lalo na sa school. Maybe she just knows na wala akong ibang kaibigan sa school maliban lamang kay Aling Paning na siyang tanging nakakaintindi sa akin. Sina Ate Alyana kasi at Max ay sa ibang school nakaenroll kaya si aling Paning lang talaga ang lagi kong kausap at kasama sa school.


Siyempre yung mga kapatid ko may sari-sariling mundo at yung klaseng mundo na meron sila ay punong puno ng kaibigan, hindi gaya ko na isang matanda at janitress.


I was literally alone after Aling Paning left… but thanfully, Bianca voluntarily took her post and tried her best to occupy the space Aling Paning, my bestfriend, left.


Bianca and I grew closer with each other because she has been trying so hard to be there for me.


I know I am not easy, but I am trying Leah. But it was never the same without Aling Paning lalo na nung high school. Oo, napipilitan na akong pumasok sa klase pero napakahirap pumasok na every time nasa door na ako ng classroom ay gusto kong tumakbo at umuwi na lang.


It was because I was bullied even more nung high school at noon mas lalo kong hinahanap hanap yung pagpapakalma at pagpapalakas loob ni Aling Paning sa akin. Hirap na hirap akong makipagsabayan noon Leah, honestly, sa PE lang ako at science medyo nagpeperform ng maayos while the rest of my subjects, puro pasang awa.


By that time nasa high school na ako ay napakarami ng certificates, medals, and plaques na naka display sa bahay pero hanggang noon ay most punctual pa rin ang ambag ko.


Siguro nga tama sila Leah. Tama ‘yung mga kaklase ko nung elementary, tama ‘yung mga teachers ko, at tama si mommy … siguro nga there is something wrong with me.


Siguro nga tanga talaga ako, bobo, at hindi normal. Imagine, PE lang at science ang kaya ko, wala ng iba.


Magmula nun, habang lumalaki ako at naiintindihan ang nasa surroundings ko, mas lalong bumababa yung self-esteem ko lalo na’t wala na ang aking cheerleader at iniwan akong mag-isa… so I don’t have any much choice Leah, it is either I continue with this hopeless path designed for me or just stop, and just listen and follow to the voice inside me which gets louder and louder, convincing me to just subject myself to an eternal rest.


Wala na akong gana noon Leah … I honestly just want to disappear and I am not joking because one night, basta malalim na ang gabi noon at hindi ako makatulog. I went to the kitchen to get some water.


Antahimik nun sa bahay, nakatulog na kasi silang lahat. Andilim ng paligid at nakabibingi ‘yung katahimikan, ewan ko pero inabot ko ‘yung kutsilyo noon na nasa sink dahil nakalimutang hugasan ni Bianca or ni Derrik.


I am not sure if it’s my dark thoughts I was hearing that very moment, but there was this strong and very dangerous will in me na unti unti na akong kinakain. Leah, to be honest, I was so sure I was going to cut my pulse that very night kung hindi lang nagising si Bianca.


Gulat na gulat nun si Bianca at mabilis na inagaw mula sa kamay ko ‘yung kutsilyo at doon na ako umiyak at sinabi sakanyang gusto ko ng mamatay.


Umiiyak na rin noon si Bianca at dahil na rin siguro hindi niya ako mapakalma ay nasambit niya yung kasagutan sa mga katanungan ko kung bakit biglang nawala si ALing Paning.


At doon na nga nagsimula Leah ang tuluyang pagkadungis ng relasyon ko sa aking mga magulang.


Leah, it was my parents who kicked out Aling Paning. Ang sabi nila bad influence raw siya at kino-control ako. I was still a minor at kitang kita naman daw ang ebidensiya na dahil sakanya ay hindi na ako pumapasok.


Hindi nahirapan maconvince nila mommy at daddy yung principal kasi nga totoo naman na mas pinipili kong samahan si Aling Paning, pero yung kino-control ako?! That was way out of line! I was the one who kept sticking around. She didn’t do anything other than to be there for me and keep me going with all these turmoil happening around me.


Hindi ako makapaniwala noon Leah sa mga narinig ko kay Bianca. Hindi ko lubos maisip na hahantong sa ganon ang mga magulang ko.


Hindi ko naiwasang sisihin yung sarili ko Leah lalo na’t yung pagiging janitress niya sa school ang siyang inaasahan nila. They could have just transferred me to another school rather than tanggalan ng hanapbuhay ang isang ina at breadwinner na in the first place wala namang ginagawang masama.


They could have just told me! Paano na sila? Paano yung pag-aaral nila Ate Alyana at Max? Paano yung gamot na kailangan ni Mang Berto? They can barely buy him his medicine and maintenance, paano pa ngayon na nawalan pala siya ng trabaho?!


Paano na sila Leah?! At nasaan sila?


My words with Bianca that night was hahanapin ko sila. Bahala na basta hahanapin ko sila. Hindi ako titigil Leah.


At ganun nga ang ginawa ko. Buti na lang at nasa computer age tayo at hindi ako nahirapang hagilapin si ate Alyana at Max. Nasa 4th year high school na ako nun at kahit pa man nagdaan ang apat na taon ay ganun pa rin ang pakikitungo ng dalawang anak ni Aling Paning sa akin, para pa rin nila akong kapatid dahil sila pa ang nangamusta sa kalagayan ko.


Nagkamustahan nga kami Leah hanggang sa nabanggit nila ang isang balita na mas nakapagpabigat ng loob ko at balitang tuluyang nagbigay lakas sa akin na gawin ang bagay na sana noon ko pa ginawa.


Wala na akong pakialam nun Leah, wala akong pakialam kung ano ang sasabihin o kung ano ang gagawin ng mga magulang ko sa akin. I just don’t care, in the first place they were the reason why the woman who had no other intentions but to be just there for me was gone.


Wala akong pakialam Leah. Ang nasa isip ko lang nun ay kailangan kong puntahan si ALing Paning, kailangan ko siyang puntahan kahit pa man wala akong idea kung paano pumunta sa Alcala, Cagayan na siyang kinaroroonan nila.


I need to see her, I would be damned once kabaong na ang makikita ko … she was severly sick Leah. Na stroke daw siya at sabi ni Ate Alyana, she has been bedridden for two years na at lately nagpapahiwatig na itong pagod na siya.


Max and Ate Alyana have been planning to contact me, of course behind their mother’s back. Lagi daw akong bukambibig ni Aling Paning kaya lang ayaw niya raw akong mas mapahamak kaya ang bilin niya, kung hindi na niya ako muling makikita pa, ay yakapin nalang daw nila ako para sakanya sa panahong magcross muli ang mga landas namin.

38 views0 comments

Recent Posts

See All