• Leah's Real Life Stories

Beth's Story: CHAPTER THREE

Updated: Mar 24


Leah, hindi ako magastos, at sa sitwasyon ko hindi naman ako makatambay sa canteen dahil nga sa mga pambu-bully sa akin. With this, naiipon ko yung mga baon na binibigay sa akin every day that is why hindi ko prinoblema ang pera nung magdesisyon akong lumuwas ng Cagayan.


Hindi ako nagpaalam, sa totoo lang sa ginawa ng mga magulang ko ay nireject nung sistema ko ‘yung idea na magpaalam muna bago ako umalis that day.


It was 4 o’clock in the morning Leah, I packed my bags and left the house while everybody else is sleeping. If I were being honest, I was kind of scared but my fear was overpowered by my eagerness to see Aling Paning. Max and Ate Alyana gave me their address, they were hesitant at first but I made myself clear na hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag hindi ko na muli pang makita si Aling Paning.


Dahil tulog pa ang lahat, mas easy sana na makaalis sa bahay pero hindi Leah because Sophie, my 3-year-old ShihTzu ay na-sense ang balak ko at hindi na ako tinantanan the moment I got up from my bed...tabi kasi kami matulog.


Mabigat man sa loob ko ay kailangan ko munang iwan ‘yung aso ko. I knew there was no way I could get out from the house without my dog waking my family kaya ang ginawa ko ay binigyan ko siya ng pagkain at dahan dahan akong nagstep back nang mabilis siyang lumapit sa plate niya na nilagyan ko ng dog food.


Akala ko tuluyan na akong makakalabas nang biglang hinabol ako ni Sophie at saka nagtatatahol...and the only choice left was to bring her with me kaya naman bago pa man may magising at makita ako ay mabilis ko ng kinarga si Sophie at saka kami umalis.


Sumakay nga ako ng van papuntang Tuguegarao at saka ako ulit nag-van papuntang Alcala at doon, sinalubong ako nila Max at Ate Alyana. Mahigpit nila akong niyakap na kung hindi lamang tumahol si Sophie na karga ko pa rin ay tuluyan na siyang naipit.


Sobra akong excited noon Leah ngunit mabilis ang kabog ng dibdib ko nang nasa harapan na kami ng isang kubo, na sa loob ay ang matandang nakatiis sa akin at hindi ako pinabayaan. Finally Leah, finally, after the long wait, makikita ko na si Aling Paning.


Ang bigat ng mga hakbang ko nun habang papalapit kami sa pintuan ng bahay. Sa totoo lang kung hindi nakahawak sa akin si Ate Alyana ay tuluyan ng bumigay ang mga tuhod ko, halos wala akong lakas nun dahil na rin sa takot sa kung anong naghihintay sa akin sa loob.


Pakiramdam ko napakatagal bago kami tuluyang makapasok sa loob ng bahay. Pagkapasok nga ay si Mang Berto na noon ay purong puti na ang buhok ang naluluhang lumapit sa akin at saka ako niyakap ng napakahigpit.


Hindi ko alam pero umiiyak na pala ako noon Leah. Walang tigil ‘yung pagtulo ng luha ko na si Sophie ay nakikisabay na rin. Matagal yung yakap namin ni Mang Berto naghiwalay lang kami nang marinig namin ang mahinang tinig at noon ko lang napansin ang taong nasa gilid at nakahiga... si Aling Paning.


Umiiyak din siya Leah ... at alam na alam ko, na kung kaya niya lamang tumayo ay nasa harapan ko na siya at nababalot na ako ng mainit niyang yakap.


Binaba ko na nun si Sophie at saka dahan dahan ay lumapit ako sakanya. Nanginginig ‘yung kamay ko nun nang abutin ko yung kamay niya ... at tuluyan nga akong napahagulgol nang maramdaman kong bahagya niyang inisqueeze yung kamay ko, alam ko na yun yung natatangi niyang lakas.


Payat na nun si Aling Paning, halos buto’t balat na. Hindi ko napigilan at umakyat ako sa bed niya at saka siya tinabihan. Hindi siya makagalaw at yung ulo ko ipinatong ko sa dibdib niya at doon ako umiyak lang nang umiyak.


Yung luha ko parang isang dam na pinakawalan at hindi na mapigilan. I was in so much pain and seeing Aling Paning, after years of trying to rummage the world just to find her, just made me lose control over my body ... and I just cried and cried while the only hand which she could move, her left hand, cradled me.


Just like that, she had let me cry my heart out for hours.


She held me for hours hanggang sa nakatulog ako kakaiyak. Gusto kong mahiya nun pero nang pagmulat ko ng mata ay ang mata ni Aling Paning ang sumalubong sa akin, bigla akong napanatag.


Nagtabi nga kaming matulog, kasama namin yung aso ko na hindi talaga makakatulog kung hindi ako katabi.


I stayed for three days, gusto ko pa sanang magstay ng mas matagal o ‘wag ng umuwi. Gaya ng sabi ko, talagang wala na akong pakialam nun, wala rin naman na akong rason upang bumalik besides I already have my dog with me… ano pa ba ang babalikan ko sa Isabela Leah?


While I was there with them, ako ang nagpakain at nagpaligo kay Aling Paning. Literal na hindi ko siya iniwan at nagstay lang talaga ako sa tabi niya at nagkwentuhan lang kami ng nagkwentuhan kahit pa man naapektuhan ang pananalita niya dahil nga sa na-stroke siya.


As days pass by, mas nagiging firm yung desisyon kong ‘wag nang bumalik kaya lang on my 3rd day, Aling Paning held my hand and told me it’s time … she loves having me around at masayang masaya raw siya na nakita niya ako muli … pero yung buhay ko raw ay nasa Isabela and it’s time, it’s time for me to go home.


Mabilis akong umiling non Leah dahil ayaw ko nga siyang iwan at sa totoo lang ayoko na talagang umuwi. But her next words disarmed me.


She was still holding my hands at panakanakang ini-squeeze ito and with the days I spent with her, I learned to comprehend her words and her words were like:


“Anak, hindi mo lang alam kung paano mo ako labis na napasaya. Sa totoo lang hindi ko pa inakala na makikita pa kita muli, pero dahil nga sa katigasan ng ulo mo ay heto nga at nasa tabi na kita.”


Pinilit niyang ngumiti sa akin at pareho na nun na nagtutubig ang mga mata namin and I was biting my lower lip so hard I feared it would bleed dahil na rin sa pinipigilan ko ang mapahagulgol.


“Anak, oo pasaway ka noon pero hindi totoong wala kang alam, na mahina ka. Hindi totoo.”


At dito na nga ako tuluyang napahagulgol at noon ay ini-squeeze niya ang kamay ko to comfort me.


“Magaling ka nga sa PE at science, natatandaan mo nun? Hindi totoong matigas ang ulo mo, sadyang may determinasyon ka lang gaya nung araw araw mong pagtulong sa akin kahit pa man pilit kitang ipagtabuyan dahil nga sa klase mo. Determinasyon yun anak, hindi katigasan ng ulo.


“Wag kang makiinig sa sinasabi ng iba, ‘wag kang magpaapekto. Pero alam mo kung ano ang meron ka na wala ang karamihan?”


Umiling lang ako Leah, ano naman ang meron ako na wala sila? Siguro kung ang tanong ay kung ano ang wala ako na meron sila, panigurong marami akong maisasagot.


But she pointed my chest, where my heart is located.


“Ito, puso. Malaki ang puso mo bagay na wala ang karamihan, ikaw nga lang ang tumulong sa akin noon diba? Anak, mamamatay akong abot langit ang pasasalamat sa’yo, at kapag nakaharap ko na ang ating Ama, ibubulong ko sakanya na ‘wag kang pabayaan, na bigyan ka pa ng lakas ng loob para lumaban. Dahil naniniwala akong malayo pa ang mararating mo.


At kahit man hindi tayo magkasama, lagi mo sanang tatandaan na narito lang ako lagi, narito lang si Nanay Paning at hinding hindi kita iiwan.


Our conversation brought me back home Leah. As much as I do not want to leave her and listen to her when it comes to coming home, I was renewed by my stay with her… and gaya nga ng sinasabi ‘Si Aling Paning lang malakas’ dahil siya ang nakapag-motivate sa akin na pag-igihan.


Yung tiwala niyang makakaya ko ay sobra sobra at sinamahan pa nina Mang Berto, Ate Alyanan at Max. This made me doubt kung anak ba talaga ako ng magulang ko, o sadyang mas easy lang talaga makuha ang pagmamahal ng mga hindi mo kaano ano kaysa sa kadugo mo?


Aling Paning’s words made me numb sa surroundings ko, wala akong pakialam kung ano ang sasabihin nila basta magtatapos ako … at magiging isang pulis, investigator to be more specific. Besides magalaw naman ako at mahilig nga sa science.


Umuwi ako sa bahay nang walang kibo, nadatnan ko silang lahat sa dining area dahil nga sa lunch nun. Kitang kita ko ang gulat sa mga mukha nila and my siblings were only the ones who approached me and hugged me.


Alam ko na nun na nagbwe-bwelo si mommy, alam na alam ko yung pagtaas ng kilay niya at yung matalim niyang tingin na kinatatakutan naming lahat. But that day, I didn’t back off bagkus ay nakipagtitigan din ako sakanya.


Hindi ko alam kung yung mga mata ko ay nag-aapoy din ng galit o ano, dahil this time, si mommy ang unang nag-iwas ng tingin.


After everything na nangyari at ginawa sa akin, that was the first time I gave my parents cold stares and treatment because it was them who made me suffer Leah, it’s ironic because they should be protecting me…but no… they didn’t… they made my already difficult life a lot harder.


The night I came home and gave my parents cold stare, hindi ako sinita o pinagsabihan ng mga kapatid ko lalong lalo na si kuya. They just checked me kung okay ba ako at hind nasaktan.


Si mommy, she didn’t dare talk to me pero si daddy, oo dahil kinatok niya ako sa kwarto ko. Pinagbuksan ko siya and I allowed him to enter. Kitang kita ko na para siyang nahihiya nang umupo siya sa bed ko.


Before he could even talk, I told him kung saan ako nanggaling at mukha naman siyang hindi nabigla. Sabagay pulis nga naman ang tatay ko, may mga connections.


Tinanong ko siya kung papagalitan niya ako, kung oo gawin na niya at ‘wag na siyang magpaligoy ligoy. Pero instead na pagalitan ako, he apologized.


Kung isang sorry lang noon ay bibigay na ako at saka patatawarin sila,nung mga puntong iyon biglang mas tumigas yung puso ko. Yung galit ko para isang apoy na mas lumaki at mahirap ng i-control.


I know I am the least favorite child pero I never thought they will do that to me, that they will kicked Aling Paning out from the school para lang mailayo siya sa akin. Why couldn’t they understand na it was Aling Paning who showed me what a real parent love is?


Galit na galit ako Leah at hindi ko alam kung saan ko na ilulugar yung galit ko dahil sa ginawa nila. Hindi ko sinagot si daddy, I just told him to leave my room kung yun lang ang sasabihin niya.


He was hesitant but he obliged, and after he left, it was then that I cried again. Hindi maubos ubos yung luha ko Leah dahil hindi rin naman maubos ubos yung sakit.


Kaya lang Leah, akala ko wala ng mas isasakit pa… meron pa pala. Nasa school ako nun at pinipilit kong mag-review, dahil determinado na ako noon na pag-igihan ang pag-aaral ko.


I was at the library, the only place na hindi ako mabu-bully dahil nga bawal ang maingay kahit man pag-usapan ako o ano, hindi nila magagawang ipamukha sa akin dahil nga sa sobrang istrikto nung librarian namin.


I was going over my notes na noon ay natutunan ko ng i-organize when our librarian called my attention. Sabi niya may naghihintay daw sa akin sa labas. Wala akong idea kung sino dahil sino naman ang maghahanap sa akin apart from my siblings?


Nung lumabas nga ako, it was dad. Seryoso nun ang mukha niya at saka niya sinabing ipinagpaalam na raw niya ako sa mga teacher namin dahil kailan ko ng umuwi dahil may pupuntahan kami.


Wala akong idea kung saan at ayaw ko sanang sumama nun dahil that time hindi pa kami okay ni daddy at ni mommy. Pero when he said please at nang makita ko na medyo emotional na siya ay sumama na lang ako.


Umuwi nga kami at saka ako nagpalit. Nakaready na rin nun ang mga damit ko, nasa bag na.


When we were inside the car, muli kong tinanong si daddy kung saan kami pupunta at yun nga sinagot ako … sa Cagayan raw. Sa Cagayan raw kami pupunta. Doon na ako kinabahan at nanlalaking mata kong tinignan si daddy.


Hindi ko gusto ang nakita ko sa mga mata ng aking ama … teka, Cagayan? Isa lang ang nasa isip ko nun, si Aling Paning.

102 views0 comments

Recent Posts

See All