• Leah's Real Life Stories

Beth's Story: CHAPTER FOUR

Updated: Mar 24


My dad and I drove to Cagayan at literal na napaluhod ako nang makarating na kami kila Aling Paning.


Marami ang tao nun, tapos may pailaw sa loob… may kantahan din pero yung mga kinakatanta ay yung mga awiting para sa mga yumao.


My dad helped me to get up at kung hindi dahil sakanya ay hindi ako nakahakbang papasok sa bahay nila Aling Paning na kung saan nadatnan ko sina Mang Berto, Ate Alyana, Max, at iba pa nilang kapatid na may puting tela sa kanilang noo.


Napabunghalit ako ng iyak nang hindi ko mahagilap si Aling Paning doon sa area kung saan nakapwesto ang kama niya … and when my eyes went to the coffin, yung natitirang lakas ko ang nagdala sa akin palapit para yakapin yung kabaong.


Oo Leah, wala na si Aling Paning. Hindi na kinaya ng katawan niya. Tuluyan na akong iniwan.


Nakatingin ang lahat sa akin habang si daddy ay pinipilit akong patahanin. Kung yung puso ko nadurog nang malaman ko ang sakit niya, tuluyan na itong namatay nang mawala na siya.


Bakit ganun? Hindi ba masyado pang maaga? Hindi pa ako nakakapagpulis Leah, akala ko ba hindi niya ako iiwanan. Bakit iniwan niya pa rin ako?! Hindi ko na alam Leah.


Tatlong araw at dalawang gabi lamang pinaglamayan si Aling Paning dahil wala na rin naman silang hihintayin pang kamag-anak.


My dad and I stayed in Cagayan and honestly, medyo lumambot ang puso ko nang hindi ako iniwan ng aking ama. Dad also provided financial assistance and other things needed sa burial as a help kila Mang Berto.


Nang mailibig na nga si Aling Paning doon at bago kami bumalik ng Isabela, merong ibinigay si Mang Berto sa akin… isang knitted bonet .


Naiiyak ang mga mata niya at saka sinabing gawa daw iyon ni Aling Paning nung malakas lakas pa siya. Para raw sa akin dahil nga sa napakabilis kong kapitan ng sipon, yun bang malamigan lang ng konti ay sisipunin na.


Hindi daw tinulugan ni Aling Paning yung bonet na yun, magawa niya lang para sa akin… Actually she made it the day before siya ma-stroke and it was ate Alyana who finished it when Aling Paning asked her to the day I left their house and went home to Isabela.


I never felt so loved Leah, hindi ko maiintindihan kung ano ang kayang ibigay na pagmamahal ng isang tao kung walang isang Aling Paning.


Kaya naman nang yakapin ko si Mang Berto nang paalis na kami, ibinulong ko sakanya na hindi ko bibiguhin si ALing Paning, magiginig pulis ako, at magtatapos. Umiiyak ngunit malaki ang ngiting tumango si Mang Berto sa sinabi ko at sinabi niyang gaya ng yumao niyang asawa ay naniniwala siyang kayak o, na kakayanin ko…


With one glance, I was off to fulfilling my promise to the person who made me understand and experience what really love is.


Apart from Aling Paning and Mang Berto, ang lubos na natuwa nang malamang magpupulis ako ay si daddy. Ang sabi niya deretso academy na raw ako pero ang sabi ko mas gusto ko sa university at mag-criminology. Hindi naman siya kumontra at sinuportahan ako.


Si mommy, alam kong hindi siya payag at narinig ko sila ni daddy one night na nag-aargue sa desisyon ko. Ang concern ni mommy talaga ay kung kakayanin ko ba both yung acads at yung training after graduation.


Humanga ako kay daddy nang sabihin niyang oo, at may tiwala raw siya sa akin dahil kitang kita naman daw yung determinasyon kong magpulis and that was enought to get me through everything.


At yun nga, pumasok na ako sa isang unibersidad sa Baguio at dito ko na na-meet si Richard, ang lalaking, bukod kila daddy at mga kapatid ko, kauna-unahang nag-dare lumapit sa akin nang walang ni bahid ng panghuhusga, ang lalaking kauna-unahang inenjoy ang company ko, at ang lalaking sinamahan ako sa pag-abot ng mga pangarap ko at ng pangako ko kay Aling Paning.


Uulitin ko Leah, siya si Richard , ang lalaking minahal ako… at minahal ko rin ng todo.


Richard was ahead of me, nasa 3rd year na siya nang mag first year ako. Pareho kaming criminology student.


Una ko siyang nameet during our orientation. Honestly, I was running late that time dahil sa hindi pa nga ako familiar sa paikot ikot ng university at alam ko na nun na nagsimula na yung activity.


Hindi ko mahanap hanap yung hall nun na venue nung orientation, I knew the name pero I had no idea where hanggang sa magdesisyon na akong magtanong at sakto nun na may lalaking nauunang maglakad sa akin. Hinabol ko siya at tinanong kung saan ba banda yung hall.


Nang lumingon siya sa akin, saglit akong napatitig sa kanya... dahil ang ganda nung mga mata niya Leah, singkit, yung typical na Igorot. Ewan ko kung napansin niya dahil gumuhit ang isang matamis na ngiti sa kanyang mga labi at iyon nga, yung ngiting pinipigilan ko na halos kagatin ko na yung loob ng pisngi ko, ay kusang lumabas.


Nagkangitian lang kami at kamuntikan ko pang nakalimutan yung talagang pakay ko kung bakit ko siya nilapitan, hindi ko rin sure kung nawala din sa isip niya yung tanong ko dahil I had to repeat it Leah nang makabawi na ako.


Kung mag-isa lang ako nung hinahanap ko yung venue, may kasama na ako Leah nang makarating ako dun dahil yung lalaking pinagtanungan ko ay dun din pala ang punta, dahil gaya ko ay criminology din siya ngunit nasa 3rd year na. Dahil nga sa wala kami parehong kasama ay nagtabi nalang kami ng upuan.


Nang matapos ang orientation ay akala ko ‘yun na, we will go on our separate ways. However, he asked me Leah kung gusto ko raw magkape sa labas. Hindi ako umayaw nun, siyempre sa totoo lang Leah, aarte pa ba ako?


Gaya ng karamihan, we started as friends. Yung typical lang na sabay magpalipas ng oras, mamasyal, mag-review, kumain sa labas, at hihintayin akong matapos sa klase at saka kami maglalakad pauwi kasi same direction lang din naman yung mga apartments namin.


Richard made things so easy for me nung college. He was so supportive, he was there to lend a hand, he was very patient and understanding, and he was a shoulder to lean on. He knew what I had been through and yet he still chose to stick with me.


Kaya naman after a year and a half, naging kami Leah.


Sa totoo lang it was one of the happiest moments in my life. Isang gabi nun naglalakad kami sa Burnham Park, katatapos lang nun ng very stressful na exam kaya naman we treated ourselves. Nauna kaming kumain sa labas tapos ay nagpasya kaming maglakad lakad sa burnham.


Hindi ko alam kung dahil lang sa pagod namin kaya nung una ay tahimik lamang kaming naglalakad nang bigla niyang hinawakan yung kamay ko. Sa totoo lang ay maginaw nun, at alam kung kaya hindi ako umalma o ano bagkus hinayaan ko siyang i-intertwine yung mga fingers namin at saka niya i-binulsa noon sa pocket ng jacket niya yung mga kamay namin.


Gusto ko sanang i-sisi sa temperature yung tuwang naramdaman ko sa ginawa niya, ngunit hindi acceptable Leah dahil in the first place hindi lamang basta tuwa yung naramdaman ko dahil sa totoo lang ay nagtatatalon na ang puso ko.


Oo, hindi na ako magde-deny. Matagal na akong may nararamdaman kay Richard at nung mga puntong iyon pakiramdam ko ay sasabog na sa tuwa yung puso ko kahit pa man wala pa siyang sinasabi.


Magkahawak kamay nga kaming naglakad lakad Leah hanggang sa tumigil kami bigla out of the blue. Hindi ko mawari kung ano na naman ba ang trip ni Richard bagkus ay tinitigan niya ako, yung mga tinitig niya ay halos hindi ko na kayanin, pakiramdam ko ay matutunaw ako kaya naman ay nag-iwas ako ng tingin.


However, Richard asked me to look at him, and so I did. I was just staring at his brown orbs na parang siya lang ang tao sa mundo, na parang walang ibang tao sa Burnham Park, na parang sa amin lang umiikot yung mundo.


Kung ayaw man paniwalaan ng mga mata ko yung nakikita ko sa mga mata niya,his words substantiated whatever I was seeing in his eyes that time.


He said I love you. Just plain and simple. Yet I felt it Leah. I felt it deeply dahil kitang kita ko iyon sa mga mata niya at rinig na rinig ko rin sa boses niya.


It was so plain and simple. Yet it was so genuine na tagos na tagos Leah. You can call me cry baby dahil hindi ko napigilang mapaluha nun. Yung puso ko halos malunod na sa matinding kagalakan na halos hindi na ako makahinga at naurong ang aking dila.


Nang maka-recover ako ay sinabi ko ring mahal ko siya. Kitang kita ko yung pagguhit ng malaking ngiti sa kanyang mga labi bago niya ako niyakap ng mahigpit at saka inikot ikot.


Para na kaming mga timang nun, wala eh, ganun talaga kapag nalaman mong mahal ka rin pala ng taong pinapangarap mong mapasa’yo.


And right then, Richard and I, became official.


As I have said, Richard was so patient, understanding, and supportive at hindi niya ako prinessure nung sinabi kong hindi ko pa pwedeng sabihin sa mga magulang ko na may boyfriend na ako kahit pa man ay nasa 2nd year college na ako nun.


Sina kuya nga at Derrek, kaliwa’t kanan ang mga babae at a young age.


Pero I cannot afford to disappoint my parents even more especially si mommy na alam kong hindi pa rin sigurado sa pinili kong kurso. I cannot afford to disappoint them once again kaya kahit medyo mabigat sa kalooban na kailangan ko munang itago yung relasyon namin kahit pa man wala akong ibang gusto kundi ang ipagsigawan sa buong mundo na boyfriend ko ang napaka-amazing na taong ito.


Pero after a long wait, I was able to introduce Richard to my family on my graduation day. He was a full-fledged police officer na that time and I couldn’t be more proud.


Oo, Leah, naka-graduate ako at malaki nun ang ngiti ni daddy at ng mga kapatid ko. Well, si mommy, siguro masaya rin kaya lang siguro ayaw niyang ipakita sa akin na mali siya… na mali siya ng inakala, dahil heto na, nakatapos na ako… suot suot ko na yung itim na toga at hawak hawak ko na yung diploma.


So yun, dahil graduate na ako, finally naipakilala ko na si Richard. We were taking family pictures kasi that time, just after the program nang hatakin ko si Richard na noon ay nasa gilid at may hawak na bulaklak.


Kitang kita ko yung gulat sa mga mata nilang lahat, pero malaki nun ang mga ngiti ko nang sabihin kong boyfriend ko nga po pala. At yun na, finally, no need to hide. We’re free and that’s what we both wanted, to finally be able to tell my family that we are together.

45 views0 comments

Recent Posts

See All