• Leah's Real Life Stories

Beatrice' Story: CHAPTER THREE

Updated: May 28


In college Leah, gaya nga ng sabi ko I focused my energy sa pagsasanay at hindi ako kinailangang bantayan ng maigi ng mga kuya ko kasi napakadali lang naman i-trace nung everyday schedule ko kasi apartment, klase, gym, tapos apartment ulit.


Besides they just knew I was too occupied with living my passion which is gymnastics talaga at dahil dito, they didn’t have to worry.


However, kung ako ang walang time gumala at makipag-meet sa mga lalaki … siya mismo ang dumating at literal na sa gym mismo kung saan ako araw araw nagsasanay.


Apart sa pagbabantay sa akin ng pamilya ko ay ni hindi sumagi sa isipan kong mag-boyfriend na muna kasi nga naka-focus ako sa study at pagsasanay. ‘Yun bang, ni hindi ko naramdaman na single pala ako kasi I was beyond occupied to notice guys.


Pero siya Leah, I guess in every rule there is an exception talaga, kasi no matter how I devoted my life to doing my thing, my system was able to notice him.


Ewan ko rin ba kung bakit at paano nakapasok si Alvin, oo Alvin ang pangalan niya, sa buhay ko when I was too occupied already to even make sure my shoelaces are tied.


I guess, that’s just how love works.


Leah, do you remember the girl na lagi kong nakaka-kompetensiya noon sa high school? Ang pangalan niya pala is Sharmane at kung magkatunggali kami noon dahil magkaibang schools ang nire-represent namin ngayon hindi na … kasi we’re already in the same university.


And also, do you remember din ‘yung sinasabi ko na lalaking lagi- lagi niyang kasama sa tuwing may competition ‘Yung lalaking super close niya na lagi siyang inaabutan ng water at face towel.


Oo, ang lalaking ito ay walang iba kundi si Alvin.


Sina Sharmain at Alvin, una ko silang nakasalubong sa university noong first day of classes kung saan ay ‘yung gym talaga kung saan kami magsasanay ang una kong pinuntahan, oo ganun ako ka-excited.


Ako mag-isa ako nun na pumunta while my kuyas are waiting for me sa canteen. Tandang tanda ko pa nga kung paano paulit ulit na nagri-ring ‘yung phone ko dahil naiinip na nga silang naghihintay sa akin.


Pagkapasok ko sa gym, I had to breathe in the air inside the place where I will be spending the next 4 years with at pagkatapos, ni-release ko rin ng may kasama pang konting sigaw with the thought na mag-isa nga lang ako.


But then, when I turned my back para sana ay umalis na, I met two figures, a man and a woman tapos ‘yung lalaki ay parang natandaan ako at hindi siya nag-alinlangang ngumiti sa akin at saka mag-hello.

It didn’t take me seconds Leah to recognize them kasi natatandaan ko sila. ‘Yung babae, siya ‘yung lagi kong ka-compete at ‘yung lalaki naman, siya ‘yung lagi nagchi-cheer for her.


I returned the smile of the guy who later clarified kung ako si Beatrice and when I said yes, he then introduced himself as Alvin and the girl he was with as Sharmane.


After niyang sabihin ‘yung pangalan nila ay ni-refresh niya pa ‘yung memory ko at sinabing lagi lagi nila akong nakikita nun at sila rin ‘yung from other school na nakakaharap nung school namin kapag may athletic meet.


I smiled at saka ay tumango at inexcuse na ang sarili ko kasi nga naghihintay na ang mga kuya ko at konti na lang sasabog na ‘yung phone ko sa sunod sunod nilang message. Also, another reason why immediately I excused myself ay mukhang hindi natutuwa si Sharmane at kitang kita ‘yon sa tipid niyang ngiti.


Maybe, they really are a thing after all. Anyway, I do not have time for some jealous dramas and most importantly, I don’t want to waste my time being the subject of argument.


I didn’t plan on waiting what’s gonna happen next after I felt that hostility from his girlfriend kaya naman ay mabilis akong lumabas ng building.


Nung nagsimula na nga ang training namin, araw araw ko ng nakikita si Sharmane at ramdam kong ayaw niya talaga sa akin kaya naman hinayaan ko lang, hindi ko pinilit ang sarili ko sa kanya. Besides marami kami kaya we don’t have to be stuck with each other.


Though, hindi ko maintindihan Leah kung bakit parang napakabigat ng dinadala niya against me at ni kausapin ako ay hindi niya magawa. Alam mo ‘yung tipid na ngiti lang ang lagi niyang binibigay sa akin.


Is she holding a grudge against me dahil ako ang parating nag-chachampion noon at lagi siyang second or third best? Parang anlabo naman yata, well there might be a possibility pero Leah, we’re now playing for the same team, so why allow something that is already in the past drive a wedge between your teammate and you?


Or, there could be more Leah.


And suddenly, naalala ko si Alvin nang bigla siyang dumating sa gym. Pero teka Leah, parang mas malabo naman yata kasi si Alvin ay nginingitian lang naman ako sa tuwing nakikita niya ako. Anong masama dun? Diba? It’s not like I am doing anything or what kasi nga ni hindi nga kami nag-uusap.


Kaya anong mali dun?


Perhaps that’s just the language of love … maybe, there’s really a need to protect what’s yours. Though, I still couldn’t understand kasi in the first place, wala naman akong balak kunin kung ano ‘yung kanya kasi technically, wala naman pala silang relasyon.


Oo Leah, Alvin and Sharmane are not in a relationship as I thought they were. Rather, they are just best friends friends at ganun sila ka-close kasi sabay silang lumaki at sila na ang magkasama magmula pa pagkabata.


All of us really thought they were a thing hanggat sa si Alvin na mismo ang nag-sabi na Sharmane is his best friend dahil nga sa walang tigil siyang inaasar nun ng mga ka-teammates namin.


They always refer Sharmane as his girlfriend kasi nga kung umakto naman silang dalawa, they act like they’re together. ‘Yung mga pagsundo sundo ni Alvin, pagdala dala ng water and anything na kailangan ni Sharmane … at ‘yung constant na presence niya.


Naiinggit pa nga ‘yung mga ibang ka-team namin at laging sinasabi na napaka-swerte ni Sharmane kasi ang ‘goals’ ng boyfriend niya.


It has already been established Leah that they are in a relationship kasi lalong lalo na si Sharmane, ni hindi niya kinorrect ‘yung mga kasamahan namin.


But when Alvin told the team they’re not together, instant reaction ng lahat ay akala nila nagba-bluff lang siya. It was only when Sharmane seconded at sinabing wala ngang sila saka lamang naniwala ang lahat.


Though ‘yung pagkakasabi nga niya nun ay ewan ko, pero damang dama ko ‘yung bitterness and I just felt na, higit pa sa kaibigan ‘yung tingin niya kay Alvin.


Anyway, whatever is going on between Alvin and Sharmane is none of my business kaya naman ay nagpatuloy lang ako sa pagte-train at hindi nakipag-chismissan o ano sa mga ibang athletes na intrigued sa kung anong meron sa dalawa.


Hindi ako nangealam o ano. I didn’t even say a word nor commented kapag sina Alvin na ang topic. Hindi ako mahilig makipag-chismisan Leah because it is a waste of time and time is so precious at hindi dapat sinasayang sa dinami dami ba naman ng mga dapat gawin sa mundo.


So what I did was I just did my thing at hindi na pinansin pa ang surroundings ko lalong lalo na ang mainit na mga mata ni Sharmane sa akin.


I know wala akong ginagawa sa kanya Leah pero damang dama ko ‘yung parang negative energy na parang ang laki laki ng galit niya sa akin.


To be honest, noong una hindi ko talaga pinapansin pero habang tumatagal, hindi ko maiwasan magtaka at mapa-isip kung ano ba ang meron… I mean, no matter how you try to ignore something pero kung ‘yun at ‘yun ang nangyayari araw araw, hindi ka man lang ba magtataka kung bakit may ganun in the first place?


Yes Leah, I just can’t help but to wonder what is it in me that she hated so much.


Ang una kong naisip at kinonsider na dahilan is ‘yung fact na ako ‘yung laging nagcha-champion noong high shool. I mean, I would not consider this kung hindi rin ‘yung mga kasama namin ang biglang nag-open sa akin.


Noon kasing Sabado, wala si Sharmane kasi may kinailangang i-process kaya naman itong mga ibang teammates ko hindi ko alam kung bakit bigla na lang nag-open up sa akin while we were eating our lunch.


Ang una nilang sinabi ay ‘yung katanungan din na maging ako hindi ko alam ang sagot, they asked me kung ano bang meron sa amin ni Sharmane, kung bakit daw parang ang laki laki ng wall sa pagitan namin.


Sinabi kong wala akong idea, but then they tried to dig deeper hanggang sa ‘yun nga na-kwento ko na lagi kaming magka-kompetensiya noon at ako ang laging nananalo. Noon ay napa ‘kaya pala’ sila.


Leah, hindi ko gets kung ano ‘yung point nila na tinawanan pa ako dahil talaga raw sobrang focused ko sa pag-aaral at training at ni hindi ko napapansin ang surroundings ko. Hindi ako nagsalita nun at napa-chuckle na lang sa remarks nila hanggang sa bigla akong natahimik nang sabihin nilang naiinggit daw si Sharmane sa akin kasi nga ako ang parang nagli-lead sa amin, ako daw ‘yung parang strength ng team.


I immediately dismissed that notion kasi alam kong hindi pa ako ganun ka-galing pero pinagpilitan nila. But that thought na insecure sa akin si Sharmane dahil sa gymnastics, ni-rebutt ng isa at sinabi ang pangalan ni Alvin.


Matatawa na sana kami nun kasi parang napaka-out of the blue naman niya at out of the topic, pero natahimik ang lahat nang sabihin niyang si Alvin daw ang dahilan kung bakit insecure sa akin si Sharmane.


0 views0 comments

Recent Posts

See All