• Leah's Real Life Stories

Beatrice' Story: CHAPTER FOUR


Leah, after the mention of Alvin’s name ay napailing ako dahil ibang level din talaga ang imagination ng mga kasama ko. Paano namang si Alvin diba? Anong kinalaman ni Alvin?


But before I could ask the question, muli na namang napa-kaya pala ang teammates ko na mabilis umagree sa nagsabing si Alvin daw ang rason kung bakit mainit ang dugo sa akin ni Sharmane.


After they agreed ay binigyan nila ako ng nang-aasar na ngiti at sinabing may crush daw sa akin si Alvin. And right then, doon na nila inungkat ‘yung mga observation nila whenever Alvin is around.


According to them, iba raw ‘yung ngiti ni Alvin kapag nagri-greet ito sa akin, tapos minsan pa nga daw nagpapapansin, tapos they even tried to substantiate their speculation with Alvin giving me water three times already.


I showed them an expression of disbelief and I had to really chuckle dahil ‘yung kilig nila noon while shipping Alvin and Sharmane together ay ganun din nung bigla nilang maisipang i-ship ako kay Alvin.


Noon pa nga ay nagsimula silang mag-coin ng words para daw sa name ng loveteam namin ni Alvin.


Though, hindi ako naniwala sa mga speculations nila because I know it’s Sharmane, it’s her whom he had always loved.


Basically, Alvin grew up with Sharmane at lagi lagi siyang nariyan for her and with the way he treats her? Makikita at mararamdaman mong he really cared for her.


Leah, A for effort si Alvin palagi, I mean, sino ang bestfriendbest friend lang na matitiis talagang maghintay ng ilang oras to wait for someone finish what she’s doing? Sino ang magagawang bumuntot ng buong araw sa isang tao? … Basta, sino ang bestfriendbest friend na aaktong parang girlfriend/boyfriend niya ‘yung kaibigan niya kung wala siyang nararamdaman for him/her?


Ang sabi nga nila diba, napaka-impossible na walang mafa-fall sa girl-boy friendship, it’s either isa or pareho sila mafa-fall sa isa’t isa.


In my assessment ay pareho sila, pareho nilang mahal ang isa’t isa and maybe they are both too cowards to just admit their feelings for each other that’s why they are only bestfriendsbest friends or maybe they chose not to bring their friendship to a higher level beause they do not want to risk it.


Leah, ako ‘yung tao na ayaw na ayaw ko ng issue kaya naman kahit ‘yung mga simpleng pagbati na sa akin ni Alvin ay isang tango na lang ang iginagawad ko hindi na gaya ng dati na ngingitian ko siya at magi-small talk.


I want a peace of mind Leah at kung pwede lang, ayoko ‘yung may galit sa akin na tao kaya ganun, if I wasn’t distant enough, mas lalo pa akong lumayo kay Alvin … pero Leah, itong pag-iwas kong ito sa kanya, napansin niya.


It’s not that we’re already friends or close enough na maba-bother ka at mano-notice mo na lumalayo ‘yung isa. That’s why don’t ask me kung bakit napansin ni Alvin na parang lumalayo ako sa kanya kasi hindi ko rin alam.


Oo nagkakasalubong kami sa campus apart from sa gym. Magkaiba kami ng department pero ‘yung building namin magkatabi lang while si Sharmane nasa malayo at kailangan mong tawirin pa ‘yung oval ng school para makarating sa kanya. Kaya nga ako bilib kay Alvin na araw araw niya ‘yung nilalakad just to go see his bestfriendbest friend.


But going back, natanong nga ni Alvin minsan sa akin kung bakit daw parang iniiwasan ko siya. Noon kasi biglang bumuhos ang malakas na ulan at may pinuntahan ang mga kuya ko at hindi ako masusundo, kaya stranded ako sa school and I was left with choices whether to wait for it to stop or just walk at magpabasa na lang sa ulan para makauwi na kasi gumagabi na nga.


I was considering the first option pero judging by the heavy rain, it’s not going to stop any time sooner kaya naman ay nag-decide akong magpabasa na lang sa ulan.


Pero bago pa man ako tuluyang magpabasa ay merong sasakyan na huminto sa harapan ko. I thought meron siyang pupuntahan sa building not until bumaba ‘yung window at nakita ko nga si Alvin where he offered me a ride.


I immediately declined pero bigla siyang lumabas at inopen ang door ng passenger’s seat at hinintay akong pumasok kahit nababasa na siya ng ulan.


Dahil dito, I had no choice but to allow him to take me home.


He is an idiot Leah, alam mo ‘yun? Sino ba naman kasi ang matinong tao na magpapabasa sa ulan para lang ma-convince ang isang acquaintance para sumabay na sa kanya na umuwi.


Sa ride nga pauwi sa apartment ko ay doon ko narinig ng mas matagal ang boses ni Alvin kasi ang daldal niya rin pala Leah. Oo, kelalaking tao pero hindi nauubusan ng salita. Alam mo ‘yung meron namang music tapos malakas pa ang buhos ng ulan, that would have been enough sound pero ewan ko at nakisabay din siya.


Tahimik ako nun pero siya pinipilit niyang mag-joke ng kung ano ano hanggang sa I just gave in to laughter. He might have seenaw that as a sign na okay lang sa akin ang susunod niyang gagawin kasi Leah, ‘yun nga, just when I thought he’s going to drop me off sa apartment, bigla siyang nag U-turn.


Mabilis na napataas ang kilay ko nun but when I saw his calm face, ewan ko ba pero I just felt like ‘relax girl, this man won’t hurt you’.


At tama nga ‘yung guts ko dahil hindi niya ako dinala sa kung saan saan where crime scenes usually happen dahil dinala niya ako sa isang coffee shop at doon nga Leah, doon kami nag-usap ng mas matagal.


Masarap siyang kausap,oo. ‘Yung bang hindi ka mabo-bored dahil he knows how to carry the weight of the conversation with his constant jokes. At ‘yun nga Leah, ‘yung original plan ko na iwasan siya, biglang napalitan and instead, mas napalapit ako sa kanya.

Doon nga sa coffee shop na ‘yun, from jokes biglang napunta sa getting to know each other ‘yung conversation.


Ako, I am not the one who easily opens up to someone or ‘yun bang, sasabihin mo ‘yung background mo, hindi ako ganun. But to my surprise, I felt at ease and comfortable with Alvin that’s why I entertained his questions.


Hindi naman mabigat ‘yung mga tanong niya, basta he just asked me kung ilang taon ako, kung taga saan and questions like have I always loved gymnastics … dito sa katanungang ito talaga tila naungkat ‘yung pagkatao ko.


Sabagay ‘yung mundo ko naman talaga sa gymnastics lang umiikot kaya when he popped that question, branches of answers sprung out.


At doon din Leah, siguro dahil nga sa ang comfortable nung air between us, he jokingly asked me kung iniiwasan ko daw ba siya.


Ewan ko kung dahil nga ba ‘yun sa joker na vibe na dala niya at sinagot ko din siya ng pabiro and told him, ‘eh kasi may nagagalit’. Yes, Leah, jokes are really half meant.


He was caught off guard dito sa sinabi ko but instead of being awkward, bigla kaming sabay na natawa. Ang weird lang kasi parang naiintindihan namin ang isa’t isa.


Pero nung mag-seryoso nga siya, sinabi niyang walang magagalit … unless someone would finally allow him to make her his girlfriend para may magalit na nga talaga. I thought it was one of his jokes but when I met his gaze, somehow I felt that it isn’t.


After that conversation we shared at the coffee shop, biglang naging part na lang ng daily routine ko si Alvin dahil kung hindi kami sabay kakain sa labas tuwing break ay magka-usap naman kami sa phone.


Oo, Leah, binigay ko na rin sa kanya ‘yung number ko at every night nga kaming magka-text at magkausap.


Siguro sa sobrang open ko sa pamilya ko lalong lalo na sa mga kuya ko, hindi ko tinago ‘yung friendship namin ni Alvin which is really to my surprise, hindi dumating ‘yung inaasahan kong rant or fuss from my parents and siblings.


Ang tanging ginawa lang ng mga kuya ko ay binackground check lang nila si Alvin at siguro nung makitang he’s not psychopath nor a sociopath ay hinayaan nila akong makipag-usap sa kanya at lumabas kasama siya.


Leah, I really enjoyed his company. Alam mo ‘yon? ‘Yung kahit anong pagod mo sa gabi pero you would still find the strength to talk to him kasi the truth is, nakaka-recharge ‘yung funny at very light vibe na hatid niya.


Kaya just like that, we started talking to hanging out with each other na ‘yung panga-asar nga ng mga team mates ko ay hindi na nga napigilan. Hindi ko alam kung ano ang meron kami nun, basta we just always talk at lagi rin kaming magkasama.


But before I could ask kung anong meron kami, Alvin made everything clear to me sa kung saan niya balak dalhin ‘yung whatever na meron kami when he asked kung pwede raw ba siyang manligaw.


Leah, after all totoo pala ‘yung speculation nung mga team mates ko kasi nga crush na daw ako ni Alvin noon pa man. Hindi ako naniwala nung binanggit niya ito sa akin kasi, ha? Paano?


But then he disarmed me with flattery and all at inisa isa nga niya ‘yung reasons kung bakit. I am not the one who really delights in praises kasi I always think I have yet to do better and I could still do more, pero with Alvin, pakiramdam ko napaka-buti kong tao, na ang ganda ganda ko, na ang husay husay, na ang galing galing …. alam mo ‘yung his words just simply brought butterflies in my stomach.


I never felt this way towards someone Leah. Ako ‘yung taong pakiramdam ko I always have to do more and do better, but with Alvin, he just made me feel perfect.


Pinayagan ko nga siyang manligaw Leah, yes this time, hindi ko naman pinagkait sa sarili ko ‘yung at least man lang mas sumaya pa.


So Alvin did this pakilala thing at hinarap nga ang mga magulang at kapatid ko when they invited him over a dinner nung binisita kami nila mommy at daddy. Alam mo ‘yung oo kinakabahan siya, pero ang confident niya pa rin at ‘yung asset niya which is pagiging joker really helped his case.


Kasi in the end, my family liked him pero of course, they had to lay out all the rules before him which he understand and accepted.


At ‘yun nga just before kami mag-third year college, Alvin and I became official. Oo masaya Leah, napakasaya… kaya lang may isang problema, si Sharmane.

0 views0 comments

Recent Posts

See All