• Leah's Real Life Stories

Alexa's Story: FINAL CHAPTER

Updated: Mar 26


Leah, gulat man, I still tried to act normally and professionally hanggang sa nag aya siya ng dinner. I know it’s stupid to say yes, pero nag agree pa rin ako because I couldn’t find the strength in me to say no.


All throughout our dinner, kwentuhan lang about sa profession namin. No one dared to open the past hanggang sa nasa tapat na kami ng apartment ko dahil hinatid niya ako, hindi ko magawang bumaba ng sasakyan niya. Ang bigat…sobrang bigat nung pakiramdam ko kahit wala pa man siyang sinasabi.


We stayed in silence hanggang sa nagtanong siya ng “bakit?” At ang katanungang ito ang muling nagdala sa akin sa mapait na nakaraan na akala ko ay naibaon ko na ng tuluyan sa limot. I tried keeping my tears at bay pero ayaw na naman nilang papigil.


Dineretsa ko siya. Sinabi kong hindi niya deserve ang isang tulad ko pero hindi natinag ang Patrick, he showed me how stupid and unacceptable my answer was with his simple scoff.


Wala na akong pakialam kung ano ang isipin niya not until he had managed to press the right button at nasabi ko sakanya yung totoong nangyari. Gulat na gulat siya at biglang natahimik. I was expecting this kind of reaction but still, it stings and it hurts….it hurts so much even after all those years.


Para akong nasuffocate sa loob ng sasakyan kaya dali dali akong bumaba at tumakbo sa loob ng apartment. Oo, heto na naman ako, tumatakbo na naman palayo sa taong mahal ko.


Akala ko wala na akong iiiyak pa, meron pa pala dahil ito yung mga luhang nakalaan kay Patrick. Mga luhang hindi ko nailuha noon sakanya.


My sobbing was non-stop and it was the only sound echoing in the room. Nasa kwarto ako nun, nakatalikod sa door at nakahawak sa study table ko dahil pakiramdam ko any minute ay bibigay na ang mga tuhod ko.


Dahil sa mga ala-alang nagbalik, halos makalimutan ko na ang huminga dahil sa matinding pag iyak hanggang sa maramdan ko na lang ang mga maiinit na braso na pumulupot sa aking beywang kasabay ng mainit na hininga sa aking batok.


Si Patrick. Hindi ko nasara yung pinto but I didn’t expect him to follow. I turned around and the moment I saw his face, he was crying too. Right then and there, I collapsed in his arms.


Niyakap ako ng napakahigpit ni Patrick na para bang ibinibigay niya lahat ng lakas niya sa akin. Umiiyak kami nun pareho pero mas lalong napalakas ang hagulgol ko nang sunod sunod siyang mag-sorry.


Sorry daw dahil hindi niya alam…sorry dahil hindi man lang niya napansin… sorry dahil wala man lang siyang nagawa noong mga panahong iyon… at sorry dahil kulang yung effort na ibinigay niya upang hanapin ako within those 6 years, he should have done better daw and he should have exerted more effort at hindi sumuko agad nung hindi niya ako mahanap.


Yung sorry niya ang pinakamasakit na sorry na narinig ko sa buong buhay ko. Pinakamasakit na kayang kaya akong itaob sa mga segundong iyon kung hindi lamang ako nasa bisig ni Patrick.


Napakasakit at napakabigat dahil yung sorry niya dinala ako sa mundo kung saan What If lang ang mga katagang meron. What if sinabi ko sakanya noon? What if nagconfide ako sakanya? What if hinayaan ko siyang sagipin ako mula sa bangungot na kinasadlakan ko? What if Leah?


Bukod sa mga sorry niya at sunod sunod na paghalik sa ulo ko, tanging ang masakit at malalim na pag iyak lamang ang nagawa namin.


All throughout the night, magkatabi kami sa kama habang yakap yakap ako ng napakahigpit ni Patrick. Hindi niya ako pinakawalan at kinuha ko lahat ng lakas na kusang binibigay ng presensiya niya sa akin.


Leah, naging kami nga ni Patrick at nagpakasal kami after 3 years. Tinanggap niya ako at inalagaan na parang isang babasaging bagay na isang move mo lang, mababasag. After the long wait, binigay na finally sa akin yung pagmamahal na never kong naranasan sa buong buhay ko.


Civil wedding lang kami noon at sina Olivia at Fred na may mga anak na ang mga witnesses namin. Sa piling ng asawa ko, naramdaman ko yung excitement na gumising every morning at umuwi sa bahay after work.


Patrick gave me everything. I couldn’t ask for more dahil pakiramdam ko siya na yung binigay sa akin ng Maykapal na tulay upang tuluyan na akong makatawid mula sa madilim na nakaraan.


Pero hindi pa pala dito nagtatapos ang kwento. Isang gabi while sleeping in the arms of my husband, bigla akong bumalik sa dati kong tirahan na kung saan malakas ang buhos ng ulan at doon una akong pinasok ni Tito Greg sa kwarto. Damang dama ko yung kutsilyo sa tagiliran ko, I was desperately trying to scream pero hindi ko magawa habang iniraraos niya ang sarili sa akin. Umiiyak lang ako dahil yun lang ang tangi kong magawa… hanggang sa nakaramdam ako ng yugyog at bigla akong napabalikwas ng bangon.


Basang basa ako nun ng pawis at totoong umiiyak. Maya maya pa ay napatakbo ako sa bathroom at doon nagsususuka.


Sobrang nagalala nun si Patrick and he asked helplessly kung ano ang magagawa niya to help me dahil maging siya ay halos maluha na rin nang masaksihan na binabalikan pa rin ako ng nakaraan.


I just asked him to hold me and never let me go. ‘Yon naman ang lagi niyang ginagawa pero I just feel the need to say it dahil binibigay na niya lahat ng kaya niyang ibigay. Sobra sobra pa.


Nung gabing yon, hindi na kami muling nakabalik pa sa pagtulog. Nakahiga lang kami hanggang sa nasabi kong,siguro kailangan kong umuwi at harapin ang aking nakaraan. Kasi kahit mabilis akong tumakbo, yung madilim na pangyayari noon ay mas mabilis pa sa akin at kayang kaya ako nitong abutan at balikan kahit ano mang oras nito gustuhin. Kaya siguro nga Leah, kailangan ko na talagang…umuwi.


Medyo alangan noon si Patrick ngunit nang makita niyang desidido ako ay hindi nga nagdalawang isip ang asawa ko na samahan ako kahit pa may on going silang project nun. Halos hindi na niya mabitawan ang kamay ko nang makauwi na nga kami.


We stayed sa bahay nila. At nung gabing kararating naming makailang ulit akong tinanong ni Patrick kung okay lang ba ako. And I love him even more for that.


Kinabukasan, hiniram ni Patrick ang sasakyan ng papa niya at nagtungo nga kami sa bahay na puno’t dulo ng pangyayaring halos pumatay sa akin.


Mahigpit ang hawak ni Patrick nun sa kamay ko nang bumaba na kami ng sasakyan.


Naroon na nga kami. Nasa tapat na ng bahay. Wala pa ring pinagbago, ganun na ganun pa rin. And just staring at it made me want to get a gun and put a bullet right through the heart of the person who owns the house. It’s all I could think of because my brain was already clouded with too much anger.


Nandidilim ang paningin ko at kung hindi lang dahil sa kamay na nagpapaalala sa akin na tao ako ay baka wala na rin akong pinagkaiba sakanilang mga hayup.


Patrick asked me one more time kung okay lang ako at kung itutuloy pa ba namin, I still nodded....I need to do this. I have to face them.Besides we were already there and there’s no turning back this time.


Habang palapit sa bahay ay nauuna sa akin si Patrick habang mahigpit pa rin ang hawak sa kamay ko. Hindi kami nahirapang pumasok sa loob ng bahay at nung una, akala namin wala na sila dun hanggang sa lumabas ang isang dalaga na hindi kami agad napansin dahil sa pagkalutang.


Si Kyla. Halos hindi ko na siya makilala dahil ang payat payat niya masyadong obvious yung colar bone. Yung buhok niya parang hindi nasusuklay at yung mga mata niya … hindi ako pwedeng magkamali dahil nakita ko na ang mga ito sa aking mga mata mismo noon.


Mabilis kong nniyakap si Kyla nun at alam kong sobra siyang nagulat dahil hindi niya ako matandaan. Gayun pa man ay hindi siya nagpumiglas dahil niyakap din niya ako pabalik. Hindi ako sigurado pero sa itsura niya ay mukhang kailangang kailangan niya ng yakap.


Hindi nagtagal at may dalawang taong pumasok. Si mama at si Tito Greg. Parang silang tumanda ng 20 years lalong lalo na si mama dahil losyang na losyang na siya. Nang makita nila ang presensiya ko, parang nakakita ng multo si mama samantalang ang asawa niya ay napangisi.


Hindi nag atubiling lumapit sa akin si Tito Greg pero bago pa man niya yon magawa ay mabilis na humarang si Patrick. Mas lumaki ang pagngisi niya at sarkastikong inackowledge ang presensiya ng asawa ko.


Alam ko na nun na halos namumula na sa pagtitimpi si Patrick ngunit ang pagtitimpi niya ay tuluyang nawakasan nang tanungin ni Tito Greg kung kamusta raw naman ako sa kama?

Dun na mabilis na natumba si Tito Greg dahil sa malakas na suntok ng asawa ko na nasundan pa. Doon ko unang nakita si Patrick na nanlilisik sa galit at kung hindi ko inawat, baka napatay na niya ang taong sumira sa aking nakaraan.


Halos hindi na nga makatayo si tito Greg noon dahil sa ginawa ni Patrick. Si mama ang agad agad na tumulong sakanya. Gusto kong maawa pero sa muling pagkikita naming iyon nakita kong hindi pa rin siya nagbabago dahil ako pa talaga ang sinigawan niya. Na ang kapal daw ng mukha kong bumalik doon at wala raw akong utang na loob.

Sa puntong iyon, una ko ring nasagot si mama. Utang na loob?! Utang na loob ko na pinalamon niyo ako upang gawing punching bag?! Utang naloob na pinatuloy niyo ako dito?! Kung pwede lang, mas gugustuhin ko pang magutom at magpalaboy laboy na lang kesa sa manirahan sa impyernong ito!


Nangatwiran siya na ina ko pa rin siya. Doon ako napatawa ng malakas. Ina? Ina na gugulpihin ng paulit ulit ang anak? Ina na ipaparape ang anak sa kinakasama? Bakit? Dahil ba hindi niya masatisfy ang lalaki niya at para hindi siya nito iwan, ipapagahasa na lang niya ang sariling anak? Ina pa ba ang tawag sakanya? Well, Oo isa siyang ina…isang ina na kung saan mamamatay ang anak niyang dala dala lahat ng masasakit na alaala at karanasan na siya mismo ang nagdulot.


Sinigawan ko siya at ipinamukha lahat lahat ng ginawa nila sa akin. For a moment nakita ko ang pagbagsak ng kanyang mga luha pero yung matinding hinanakit ko sakanya ang pumigil sa aking kaawaan siya.


Umiiyak din nun si Kyla at sinabi kong sasama siya sa amin. Ayaw niya pero sinabi ko na kung hindi siya sasama sa akin, ipakukulong ko ang tatay niya at hindi ako magdadalawang isip na ubusin ang pera ko at pera ng asawa ko mapakulong lang siya.

Ngayon, nasa poder ko na nga si Kyla at kasalukuyan din siyang nagte-therapy under Doc Maxene. Tama ang iniisip niyo, kung ano ang ginawa sa akin ng ama niya ay ganun din sakanya. Hayup talaga!


Hindi ko alam kung kelan ko mahahanap ang kapatawaran sa puso ko and my husband is not pressuring me. My doors are not close I just needed time.


Alam kong masama ang hindi magpatawad pero hindi pa sa ngayon. I am still injured pero kahit nagu umapaw pa rin yung hinanakit ko sa aking ina, pinapadalhan ko pa rin siya ng pera through Patrick’s parents.


Ako yung bida ng kwento ko pero para na rin akong kontrabida dahil yung sarili kong ina ang kinalaban ko. Hindi pa ako tuluyang gumagaling mula sa sugat ng nakaraan at hindi ko alam kung kailan pero sa ngayon, I’m very much thankful na kasama ko ang taong mahal ko sa pagharap at pagdeal dito sa bangungot na pilit pa rin akong binabalikan.


Hanggang dito na lang po Leah at maraming marami salamat po sa pagbabasa sa aking kwento.


Lubos na gumagalang

ALEXA

44 views0 comments

Recent Posts

See All