• Leah's Real Life Stories

Alexa's Story: CHAPTER TWO

Updated: Mar 26


Leah, dahil sa distance ng bahay at school, naging mabilis ako sa pagtakbo hanggang sa naging sports ko na ito at nakikicompete na ako. Ang pinakatraining ground ko talaga ay yung ginagawa kong pagtakbo tuwing uwian. Wala ka kasi talagang masakyan doon sa amin, o kung meron man, hindi ko afford dahil hindi naman ako binigyan ni mama ng pera. Yung pera ko ay pasimple lamang na binibigay ni Tito Greg kasi kapag nakikita ni mama, sasabihin niya kasing binigyan na niya ako ng pera kahit hindi.


Ngunit isang araw, 14 na ako nun at uwian na pero hindi ko magawang tumakbo dahil sa kakaibang bigat ng katawan ko at idagdag pa ang sakit sa puson ko.


Para akong nanghihina ... pero kahit ganon, tiniis ko pa rin ang paglalakad. Nang makauwi na ako, ang isang taong gulang kong kapatid ang sumalubong sa akin. Ang dumi dumi nun ni Kyla, wala kasing nag aalala, well technically speaking meron pero pabaya nga lang si tito Greg kasi abala naman sa pagsasaka.


Kahit masama ang pakiramdam ko ay pinaliguan ko muna ang kapatid ko hanggang sa dumating nga si Tito Greg at nanlalaking mata siyang lumapit sa akin at tinanong ako kung may regla na ba ako .Namula ako nun lalo na nung sinabi niyang may tagos daw ako. Dali dali akong nagtungo sa kwarto ko at totoo nga dahil dinudugo ako.


Magmula nang magkaroon ako ay todo alaga sa akin si Tito Greg. Mabait siya sa akin magmula pa noon ...pero nung niregla na ako mas naging maalaga siya sa akin. Ewan ko pero hindi na ako nagtanong dahil kailangang kailangan ko naman ng ganun lalo na’t first time ko.


Ang sarap siguro magkaroon ng tatay. Pero siguro isa ito sa pinakahirap ibigay dahil maski nga ang nanay ay wala rin ako.

Limang araw yung tinagal nung regla ko kaya nung nawala ay muli akong nakatakbo. Tinatakbo ko ulit ang daan papunta sa eskwelahan kaya naman pawis na pawis talaga ako sa tuwing nakakarating ako. Buti na lang at nagbabaon ako ng extra t-shirt pamalit kapag nakarating na ako sa school.


Dahil sa araw araw akong tumatakbo, araw araw din akong nasasanay kaya naman name-maintain ko ang pagiging athleta ko. At dahil dito, nakilala ko si Patrick, isang taekwondo player. Magkaiba kami ng section nung high school pero nung una ko siyang na-meet nung district meet namin, nakangiti siya sa akin kaya nginitian ko rin.


Dun na nga nagsimula ang friendship namin. Unlike many other teens na lalaki, si Patrick sobrang bait, disiplinado, at gentleman. According to my other friend na si Olivia, ganun daw talaga pag taekwondo, parte ng training nila yung disciplina.


Magmula nun, hindi na lang si Olivia yung nakakasama at nakakausap ko kundi meron na ring Patrick at ang kaibigan niyang si Fred. So bale apat na kami sa grupo. Kontento na ako kay Olivia pero nung naidagdag na sina Patrick at Fred, doon ko na-realize na the more, the merrier nga talaga.


Si Fred joker. Lagi itong bumabanat at palagi siyang may baon. Para ngang yung kakulitan niya maihahalintulad ko kay Vhong Navarro lalong lalo na doon sa pelikula nilang Spirit warriors.


Si Patrick naman, on the other hand, siya yung tipong tahimik at nakikinig tapos tatawa tawa na lang sa kabaliwan ni Fred. Pero minsan bumabanat din siya, I know he is trying and for me, I find it kinda cute lalo na kapag maluluha na siya katatawa sa joke niya – Oo na, hindi lang yung attempt niya at joking ang cute kundi siya rin mismo.

Though kung girl secrets, kay Olivia ko lang sinasabi pati na rin ang pananakit ni mama sa akin. I’m so thankful dahil ang bestfriend ko ay mapagkakatiwalaan talaga. Kung ano yung sinabi mo sakanya, makakaasa kang hindi niya ito ipagsasabi kahit kanino.


Olivia was always all ears, lagi siyang nariyan upang makinig sa akin. I was helpless and hopeless, wala akong ibang magawa kundi ang umiyak lang ng umiyak. My bestfriend never left me, yayakapin ako niyan at saka kami sabay mag-iiyakan.


Sakanya ko talaga sinasabi lahat maging ang pinakamadilim na parte ng buhay ko na hindi ko lubos naisip na mangyayari sa akin.


Gabi nun at malakas ang buhos ng ulan nun, at nung gabing iyon ay sa kabila pinatulog ni Tito Greg si Kyla. Ewan ko kung bakit, nanibago tuloy ako dahil magmula nang maipanganak ang kapatid ko ay magkatabi na kami matulog.


Iyon pala, may isang pangyayaring kahindik-hindik at nakakapangilabot ang naghihintay sa akin. Pangyayaring tuluyang umubos sa natitirang lakas ko upang magpatuloy pa sa buhay.

Kahit nakakapanibago na wala akong katabi, nagawa ko pa ring makatulog nung gabing iyon dahil na rin sa weather. Hindi ko alam yung saktong oras, basta malalim ang gabi na nun nang maalimpungatan ako sa mainit na brasong yumakap sa aking likuran.


Nung una akala ko si Kyla pero nang mapagtanto kong masyadong mahaba ang kamay para sa kapatid kong tatlong taon lamang, mabilis akong napaharap at gulat na gulat ako sa bumungad sa akin.


Si Tito Greg, nakangiti siya sa akin. Yung ngiting gusto akong hubaran. Napamove ako sa dulo nun at sinabi sakanyang sa kabila yung kwarto nila pero sa halip ay lumapit siya sa akin.


Gusto ko ng sumigaw nun pero tuluyan akong napipi nang maramdaman ko ang isang matulis na bagay sa aking tagiliran…..kutsilyo.


Nanginginig na ako nun sa takot na kulang na lang ay himatayin na ako. Nanlamig ang buong katawan ko at tuluyan akong naging bato dahil sa tuwing gagalaw ako ay mas bumabaon yung kutsilyo sa tagiliran ko at hindi kakikitaan si Tito Greg na iwi-withdraw niya yun.


Suiting actions to words, with his deep and hoarse voice ay sinabi niyang papatayin niya ako pag gumalaw ako o sumigaw.

Napapikit na lang ako nun habang pinipigilan ang mga hikbing gustong kumawala sa akin.


Maya maya ay naramdaman ko na lang ang mainit niyang hininga kasabay ng pagdampi ng mga labi niya sa leeg ko. He was marking me na parang pagmamay ari niya ako and all I could do is to muffle my screams as his hands wander to my body.


Wala akong magawa nung mga sandaling iyon pakiramdam ko mamamatay na ako lalo na nung finorce na niya ang sarili niya sa akin. Tanging ang paghagulgol na lang ang nagagawa ko habang pinagsasamantalahan ako ng kinakasama ng aking ina.


Kitang kita ang dugo sa higaan ko kinaumagahan. Halos hindi na ako makatayo sa hapdi ng katawan ko. Wala na nun si Tito Greg at ang una kong nakita si mama.

I told her. I told her that her fu***** partner raped me! Her... fu***** ... parter...raped ... me!Pero that’s the most stupid thing I did in my 13th year of existence; confiding in my own mother. Dahil dinagdagan niya lamang yung sakit na iniinda ng katawan ko, hindi siya nagsalita basta binugbug lang ako ng binugbug.


Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko nun Leah, gusto kong tumakbo palayo, hindi ko alam kung saan ... basta malayo, sobrang layo kung saan makakatakbo ako mula dito sa impyernong kinaroroonan ko. Pero meron nga bang ibang lugar na naghihintay pa para sa akin o sadyang ito na talaga ang kapalaran kong ginawa NIYA para sa akin? Kung oo, napakalupit Niya naman, bakit? Bakit sakin pa? Saan ako nagkulang?

Para na akong pinagsakluban ng langit at lupa nun. Wala akong matakbuhan tanging si Olivia lamang. Ayokong malaman ni Patrick at Fred yun kaya si Olivia lamang ang nakaalam. Nagiiyakan lang kami nun habang niyayakap ako ng mahigpit ng kaibigan ko. Sabi niya magsumbong na daw kami sa pulis, sasamahan niya raw ako at tutulungang mag--explain… pero Leah, paano ako magsusumbong sa mga estranghero kung ang mismo kong kadugo ayaw akong paniwalaan?


At paano rin ako magtitiwala sa iba kung ‘yung taong ilang taon kong pinagkatiwalaan — na akala ko safe ako sakanya, na akala ko siya ang tagapagtanggol ko mula sa kalupitan ng aking iba, ay mas hayup pa pala.


So, paano Leah?


Gaya ko ay hindi rin alam ng kaibigan ko ang iba pang gagawin hanggang sa pareho namin naisip si papa. Sinamahan ako ni Olivia kila papa, nababaybay lang ng jeep ang papunta kila papa at si Olivia pa ang nagpamasahe sakin.


Pagkarating ko dun ay tatlong bata ang nadatnan ko. Alam ko na nun na kapatid ko sila, wala akong pakealam ang gusto ko lamang ay ang makausap si papa.


At nakita nga namin siya. Hindi ko sinabi ang ginawa sa akin ni Tito Greg maging ang pananakit ni mama, nagmakaawa lamang ako na kunin niya ako, na dun na muna ako makikitira. Wala siyang dapat alalahanin dahil tutulong naman ako samga gawaing bahay, kahit gawin akong katulong wala akong pakialam basta gusto ko lang lumayo.

At hindi na nga nagisip isip pa si papa. Bago pa man niya buksan ang bibig niya, pakiramdam ko nun, ito na. Finally makakalaya na ako…

Pero Leah, nagkamali ako. AKala ko maliligtas na ako, akala ko ililigtas ako ng aking ama. Pero nagkamali na naman ako dahil without a second thought, sinabi niyang dun daw ako kila mama. Wala raw akong space doon sa bahay nila. Halos lumuhod na ako’t lahat, sadyang wala puso rin si papa at pinauwi pa rin ako.


Olivia offered na dun muna ako sakanila, sobrang nakakatempt yung offer pero kaagad kong naalala ang kutsilyong tinutok sa akin ni Tito Greg maging ang mga banta niya habang pinagsasamantalahan ako.

Tumanggi ako at hindi gaya ng dati, hindi ko tinakbo ang malayong pagitan ng school namin sa bahay, naglakad lang ako habang hinihiling na wag sana akong makaabot sa bahay.


Pero nakaabot pa rin ako. At doon, hinalay ulit ako ni tito Greg.


Habang ginagawa niya sa akin yun nakapikit lang ako at pinipigilan ang sariling sumigaw. I was praying for Him to save me. Nagmamakaawa ako na sana pigilan niya ang ginagawa ng lalaking nakapatong sa akin. Pero natapos na siya’t lahat…… walang tulong na dumating.


I knew right then that I was really alone in that battle. Wala akong kasama dahil yung mga taong dapat sana ay nasa tabi ko at prinoprotektahan ako, ay pinabayaan ako ng tuluyan.


And that’s the most painful part of this, yung wala kang matakbuhan at kahit magmakaawa ka man, umiyak ng ilang beses at lumuhod ng paulit ulit…wala kang mapapala.

Outside the house, I tried my best to live like a normal kid. Malalim na rin nun ang samahan namin ni Patrick at oo, crush ko na siya noon pa.


Wala ka kasing masasabi sakanya; gwapo, mayaman, mabait, humble, gentleman, sobrang madisiplina at sobrang ideal niya talaga.


We became close friends lalo na’t kami na yung laging magkasama sa nationals. Mahigit one week akong nawala nun sa bahay at para akong nakalaya sa kulungan nun. Pakiramdam ko normal ako ulit.


Ngunit nang matapos na ang Palarong Pambansa, umuwi ako ulit sa bahay. At ganun ulit, ginahasa na naman ako ni Tito Greg na habang ginagawa niya sa akin yun, binubulong niya kung gaano niya raw ako namiss.


Nung gabing iyon halos wala na akong maiiyak, wala na rin akong maramdaman, napagod na akong umasa na may tutulong sa akin.


Hindi ako gumalaw habang sinasatisfy niya ang sarili niya sa katawan ko pero yung isip ko gusto na siyang patayin dahil hayup siya. Hayup sila. Wala silang awa. Wala silang mga puso.



48 views0 comments

Recent Posts

See All