• Leah's Real Life Stories

Alexa's Story: CHAPTER THREE

Updated: Mar 26


Leah, when I was 15, malapit na ang graduation nun nang dumating yung araw na pinakamasaya ngunit pinakamasakit. Isang araw pagkatapos ng klase namin nila Olivia, mayroon na sina Patrick at Fred na naghihintay sa amin sa labas.


Inaya nila kami mamasyal. May sasakyan si Patrick at naglibot libot nga kami. Ako ang nasa passenger’s seat samantalang sina Olivia at Fred ay nasa backseat naman. Natatawa na lang kami nun ni Patrick dahil alam naming naglalandian ang dalawa sa likod.


Hanggang sa in the middle of nowhere huminto kami at ang dalawang lalaki naming kasama ay naglabas ng blanket at pagkain na nilatag nila sa damuhan.


Once settled ay dun kami nagkwentuhan. Isa ito sa mga oras na hindi ako lugmok sa kadiliman. I was trying to be normal, to be and to live like a normal at nagagawa ko nga ito kahit papaano pag kasama ko ang tatlo.


Madilim na nun nang magexcuse sina Fred at Olivia, maglalakad lakad daw muna kaya naiwan kaming dalawa ni Patrick. Nagkwentuhan lang kami hanggang sa bigla siyang natahimik.


At nang muling magsalita ay ito yung sinabi niya, “Alam mo Alexa, may gusto akong babae, matagal na. Kaya lang hindi niya yata ako gusto.”


Napakunot noon ang noo ko dahil sa out of the blue yung sinabi niya but at the same time parang nakurot yung puso ko with the thought na may gusto siyang iba.


Napayuko ako nun at nang muli akong mag-angat ng tingin ay ang mga titig ni Patrick ang sumalubong sa akin.


Ewan ko pero yung pagkakatitig niya sa akin, gusto kong mag-collapse dahil para akong natutunaw.


“Alam mo ba kung sino iyon?” Sabi niya at ang dating sa akin nung pagkakasabi niya ay parang puno ng lambing.


Napabilis na lang ang aking paghinga nang inilapit na niya ang mukha niya sa akin.


Titig na titig na si Patrick at parang may magnet dahil hindi ko magawang mag iwas ng tingin. Mabilis ang tibok ng puso ko nun at halos mawalan na ako ng hininga sa sumunod niyang sinabi


“Ikaw,” Isang kataga lamang ngunit tuluyan akong natameme. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya at kung hindi man nagbigat ng hint ang expression ko noon, sa kaloob looban ko ay nagwawala at nagtatatalon na ang puso ko.


Nang makabawi ako mula sa pagkakagulat ay kusang gumuhit ang ngiti sa aking mga labi... halos hindi ako makapaniwala na ako Leah, ako ang tinutukoy niya at hindi iba.


Magkatitig lang kami nun and that very moment, naramdaman ko yung sinasabi nilang ‘parang kayo lang ang tao sa mundo’ dahil parang huminto ang mundo, naging tahimik ang paligid, tanging ang paghinga lang namin ang maririnig.


Ilang pulgada lang ang pagitan ng aming mga mukha at napapikit na lang ako kasabay ng paglapit niya sa akin.


Damang dama ko na nun ang kanyang paghinga and when he was about to kiss me… tuluyang nagslow mo ang paligid.


My eyes were closed nang maramdaman ko na ang labi ni Patrick sa akin.


The moment Patrick’s lips were pressed into mine, biglang nagblack out at mabilis akong napadilat at ang nakita ko ay hindi na si Patrick….kundi si Tito Greg.


Magkalapat pa rin nun ang mga labi namin but all I could feel was Tito Greg’s harsh lips and kisses. Para akong biglang nasa kailaliman ng dagat at hindi ako makahinga. Mabilis kong tinulak ang lalaking nasa harapan ko kasabay ng isang nakabibinging sigaw.

Mabilis na lumapit sina Olivia at Fred at nang yakapin ako ni Olivia dun lang nagclear ang vision ko. Kitang kita ko ang pagkabigla, confusion, at matinding pag aalala sa mga mata ni Patrick and that was enough for me to let out a deep and painful sob.


Umiyak lang ako nun ng umiyak at nung pauwi na kami, kami na ni Olivia ang magkatabi sa backseat. Hinatid nila ako sa bahay at kung ang gabing iyon ay tahimik para sa aking katawan dahil wala ang hudas na kinakasama ni mama, yung puso ko naman ang umiiyak at nagdurugo sa sakit.


Mahal ko na rin si Patrick. Mahal na mahal pero after what happened, tuluyang naipamukha sa akin na hindi ko siya deserve at lalong lalo na, hindi niya ako deserve.


Isa akong disvirgin, laspag, at nirape ng paulit ulit. Kaya kahit sobrang sakit yung katotohananghindi kami pwede, pinilit ko iyong panindigan.


Nang matapos ang graduation ay may offer sa aking scholarship sa ibang lugar dahil sa pagiging athlete ko. Without thinking twice, I grabbed the opportunity at pasimple akong umalis ng bahay with the help of Olivia.


Walang kaalam alam nun ang mga kasama ko sa bahay na aalis ako and they don’t deserve to know at all.


And so bagong environment, bagong buhay. Full scholarship ako, lahat lahat ay shoulder ng school, I just have to balance sports and good grades.


At ganun nga ang nangyari, pinilit kong magbagong buhay kahit yung taong gusto ko sanang kasama sa yugtong ito ng buhay ko, ay wala dahil sa mapait na katotohanang hindi ako pwede sa kanya.


Leah, sinubukan kong ibaon lahat sa limot lalong lalo na’t malayo na ako at hindi pa muling magagalaw ng nanay ko at ni tito Greg.


Dumating pa rin ako sa phase na kung saan tuluyang nagcatch up sa akin lahat ng mga pinagdaanan ko. The memories and the scars are finally making their voice in me.


I suffered from PTSD. Post Traumatic Stress Disorder. Ito ay nararanasan ng mga taong nakaexperience ng mga horrific na mga bagay gaya ng mga war veterans at ng kagaya kong biktima ng sexual assault.


Lagi akong may nightmares na kung saan laging naroon ang Tito Greg at paulit ulit niya akong pinagsasamantalahan. Because of this I would always wake up in the middle of the night screaming and drenched in sweat.


It was a good thing I was alone in my apartment dahil ganun at ganun ang laging nangyayari. Sobrang clear yung pangyayari na pag nagigising ako, kung hindi man ako pinagpapawisan ay nagsususuka.


Memories of the assault kept me in prison na humantong ako sa puntong wala akong maramdaman at pinagsususugat ko na ang sarili ko. I wasn’t coping dahil as days pass by, mas palala nang palala ang mga nightmares ko.

I wasn’t eating anymore. Halos ayaw ko ng matulog. At nasa punto na ako na gusto ko ng kitilin ang buhay ko dahil sa tingin ko iyon na nga ang natatanging solusyon to end my suffering.


I was on the verge of taking my own life. Hindi na ako nagfa-function ng tama, para na akong literal na zombie. Wala na akong pakialam nun, wala na nga akong maiiyak, basta ang laman lang ng isip ko ay gusto ko ng mamatay.


Hanggang sa isang araw, naglalakad ako nun sa campus nang makasalubong ko ang guidance councilor ng university, si Doc Maxene. Ngumiti siya sa akin at inaya sa office niya, hindi na ako pumalag, nagpatianod na lang ako.


Nagtanong siya sa akin, pero hindi ko siya sinagot. Nagsalita lang siya nang nagsalita ngunit tahimik pa rin ako hanggang sa may sinabi siyang kumuha sa attention ko.


And for the first time after leaving the hell I was once in, nagkwento ako at dun na nga ako na-diagnosed ng PTSD o Post Traumatic Stress Disorder.


Magmula nung nameet ko si Doc Maxene, araw araw na ako sa office niya dahil tinutulungan niya ako. The process was so long and painful, but with the help of Doc Maxene, I was able to get back on track and set my mind to something more important and that is to work harder in order to have a life… not better life just life because I never had one.


Pinag igihan ko ang pag-aaral at dahil dito nagawa kong grumadweyt ng college at nagkaroon ng isang magandang trabaho. I always work harder everyday kaya for the past 6 years maraming mga kliyente ang pumupunta sa amin.


I was pretty contented with my life hanggang sa mayroon kaming unexpected na client. He’s an engineer at may ipinapatayo silang bahay, now they need interior designers. Oo ako agad sa project kasi wala namang rason to reject. But the moment na nakita ko kung sino, bigla akong natigilan. Parang eksena lang sa pelikula kung saan magtatagpo muli yung dalawang bida after being apart for many years … dahil yung engineer na kliyente namin ay walang iba kundi ang aking almost at what if … si Patrick.

42 views0 comments

Recent Posts

See All