• Leah's Real Life Stories

Alexa's Story: CHAPTER ONE

Updated: Mar 26



Dear Leah,


I am not going to let go the person I felt real love from… even if it means kicking my family out of my life forever.


Pero teka, meron nga ba talaga akong pamilya? Oo nga pala Leah, wala nga pala. Ay wait, siguro sa papel meron.


Sa papel meron akong nanay. Meron din akong tatay, of course paano ako mabubuo diba?


Pero nasaan sila noong mga panahong ang pagkitil ko nalang sa sarili ko ang lunas upang wakasan ang bangungot na kinaroroonan ko? Nasaan sila? Hindi ba’t hinayaan lang ako ng magaling kong ina at itinaboy naman ako ng sarili kong ama!


Kaya, Oo! Sa papel lang talaga ako mayroong pamilya…sa papel lang at mamamatay akong hanggang sa papel lang iyon dahil sila mismo, ang nagcross out sa akin sa family tree.


Iniwan nila ako nung mga panahong kailangang kailangan ko sila at ni minsan, hindi rin nila sinubukang itama yung mga bagay na nung una pa lang sana ay ginawa na nila.


Yan ang mapait at madilim na katotohanan ng buhay ko…


I am Alexa, short for Alexandra. I just got married a year ago to the person I love the most. I know I don’t deserve him but we fought so hard just to be where we are now.


That’s why I am not going to let anyone ruin what we have..again.


Siya lang yung nagbigay ilaw sa akin kaya hinding hindi ko na hahayaan na pati siya ay mawala sa akin dahil siya lang ang meron ako nung una pa lang na narealize ko that there is something to life after all.


Noong pitong taong gulang ako tuluyan ng naghiwalay ang mga magulang ko. Away kasi sila ng away at wala akong ideya kung ano nga ba ang pinag aawayan nila.


Alam mo yung tipong I am just innocently playing with my toys sa sala tapos bigla na lang maririnig ko that my parents are yelling at each other. I mean I am just a kid, you know, nababahala ako everytime I hear them ranting at each other…It is them who I should run to about everything, pero witnessing them fighting, nakakatakot na…


Mag-isa lang akong anak at hindi kasal ang mga magulang ko. Sa mga naririnig ko ay napilitan lang noon si papa na ibahay si mama dahil sa nagdadalang tao na ito nung 18 years old na sila.


Namulat ako sa mundong tila kasalanan ang pagbibigay aruga at pagmamahal sa anak dahil si mama never siya nagpakita ng pagmamahal at affection sa akin.


Loner lang ako nun e, tila walang pakialam sa mga nangyayari sa mundo basta nasa sulok lang ako at naglalaro o gumagawa ng assignments. Hanggang sa umalis ng bahay si papa at nalaman ko nalang nang sabihin ni mama na sumama ito sa babae niya.

Hindi ko na lang dinibdib ang pag-alsabalutan ni papa… dahil bata nga lang ako at nasanay na ako na sa laruan na lang naka-focus ang attention ko.


Nang mawala na nga si papa ay nagsimula nang mapasa sa akin ang hinanakit ni mama bagay na kay papa lang niya nun ginagawa. At the age of seven, naging punching bag ako ng sarili kong ina.


Oo, violente siya. No doubt kung bakit umalis si papa. Tikom ang bibig ko nun dahil bukod sa wala akong masabihan ay pinagbabantaan ako ni mama, na pag nagsumbong ako kahit kanino, mas malala ang gagawin niya sa akin.


Magaling at mautak manakit si mama dahil sa mga kayang itagong parte ng katawan ko ang binibigyan niya ng mga pasa.


Ibang iba siya nun, sobrang hot tempered at ako ang lagi niyang napagbubuntungan. Pag wala siyang benta o di kaya pag talo sa jueteng at bingo, ako agad yung hahanapin niya.


Hindi ako makasigaw sa sakit ... dahil sa takot na baka mas malala pa doon ang abutin ko. Tanging ang mahinang pag iyak lamang ang nagagawa kohabang pinagbubuhatan ako ng kamay ... at pinagsususuntok ng aking ina.


Pagkatapos akong saktan ni mama ay dederetso ako sa kwarto at doon makakatulog na lang ako dahil sa kaiiyak at dahil na rin sa sobrang hapdi ng katawan.


Leah, iniisip ko, ipinanganak ba ako upang gigising lang kinaumagahan at ipakain ang sarili sa mapanakit kong ina?


Ganun ang naging daily routine ko; gigising, mabubugbog, iiyak, tapos matutulog, tapos gigising na naman at saka mabubugbog ulit... ganun ng paulit ulit.

Siguro nga Leah, iyon na siguro yung reason of existence ko sa mundo, ang tiisin ang hapdi ng katawan araw araw at ang hintayin lamang ang kamatayan sa kamay mismo ng sarili kong nanay.


Isang araw, pinaempake sa akin ni mama lahat ng mga gamit namin at saka kami nagtungo sa isang palayan na lugar. Nagtataka ako kung saan kami pupunta kasi hindi man lang niya binanggit sa akin kung saan at bakit. Gusto kong isipin na magbabakasyon kami, mag-a-outing… pero hindi e… imposible, hindi ganun ang nanay ko…


Sumakay kami sa bus, tapos nagtravel kami na tancha ko ay dalawang oras mula sa bayan namin. Ang init pa ng panahon sobra, kaya naman natuwa ako nung nakita ko na palapit na kami sa terminal ng bus.


Pero akala ko doon na ang destination namin, hindi pa pala… kasi sumakay ulit kami sa isa pang bus. Sinubukan kong tanungin kay mama kung saan kami pupunta kasi nakakabagot na, pero pinagalitan niya lang ako at sinabihan na andami-dami ko daw tanong. Well, wala akong magawa kaya sumakay na lang ako…


Ang sarap sanang panoorin ang mga puno, mga matatayog na kabahayan through the window bus pero hindi si mama kasi ang nakaupo sa tabi ng bintana. Naalala ko pa, sumisilip ako sa window pero nakukulitan sa akin si mama…


Hindi ko na namalayan kung ilang oras ako nakatulog, basta naalimpungatan na lang ako when mama was shaking me to wake up. Huminto kami somewhere along the highway… naglakad ng mga isang kilometro hanggang sa may tricyle na dumaan at sumakay kami.


Huminto kami sa isang lugar na hindi na konkreto ang daanan, maalikabok at bako-bako… Malayo iyon sa kabihasyan at puro mga puno at palay lang talaga ang makikita mo maliban lamang sa mga bahay na halos isang kilometro ang pagitan.


Nagtungo nga kami sa isang maliit na bahay. Naglalakad kami patungo sa pinto ng bahay na iyon when suddenly the door opened at bumungad samin ang isang lalaking medyo malaki ang pangangatawan at mukhang kaedad lang din ni mama.


Hindi ko siya kilala o maalala man lang pero yung yakap at halik sa labi na iginawad sakanya ni mama, mukhang matagal na silang magkakilala.



Natawa nun ang lalaki sa ginawa ni mama na pagyakap at paghalik sa kanya… Medyo matagal ang yakap nila bago niya kami pinapasok sa bahay na iyon.


Maliit lang talaga yung bahay, ngunit may dalawang kwarto, kusina at dining area na nagsisilbing pang-welcome ng bisita. When were inside the house, parang na-conscious yung lalaki kasi unti-unti niyang pinupulot mga kalat sa loob at inaayos niya yung mga upuan at lamesa.


Nagkamustahan sila at habang pinapanood ko sila ay tila may tuwa at kilig sa tono ng aking ina. Tinulungan niya pa nga na mag-ayos ng kalat yung lalaki. Pinapanood ko lang silang dalawa, Leah. Pagod ako non, pero nag-aalangan ako na umupo sa upuan na nasa tabi ko… Hinihintay ko si mama na ipakilala sa akin yung lalaki pero parang nakalimutan niyang may kasama siyang bumiyahe. Nakatayo lang ako doon na bitbit ang aking mabigat na bagpack. Hanggang sa narinig ko na sinabihan niya si mama na ipasok ang bagahe niya sa kanyang kwarto sabay turo sa kanang silid.


Puno ako ng pagtataka nun perohindi talaga ako umimik dahil natatakot ako. Napansin iyon ng lalaki dahil nginitian ako at saka siya lumuhod para magkasingtangkad na kami. He look me straight in the eye, pero tumingin ako sa malayo…


Hinaplos niya nun ang buhok koat malambing na pinakilala ang sarili… itago na lang natin sa pangalang Greg… Siya daw ay kaibigan ni mama at siya daw ang bago tatay.

Leah, hindi ko inexpect na magtatagal kami sa bahay ng bagong karelasyon ni mama. Kinupkop na nga niya kami at mula noon, kahit ilang beses na sabihin sakin ni Tito Greg na “tatay”daw ang itawag ko sakanya ay hindi pa rin ito magawa-gawang sambitin ng bibig ko hanggang sa nasanay na lang siya satawag kong“tito” sa kanya.


After two months na dun nga kami tumira, bumili si Tito Greg ng alagang baboy. Sabi niya, pagtutulungan daw naming alagaan para rin makatulong sa aming gastusin. Okay lang naman sa akin, kasi nakakahiya namang nakikitira lang kami na wala man lang akong maimbag. Kahit na live-in na sila ng nanay ko, alam kong dapat nga wala talaga akong karapatan kasi hindi naman ako tunay na anak ni Tito Greg. Besides, kahit 7 years old lang ako, sanay na ako sa mga gawaing bahay…


Nasanay na rin ako sa bahay na iyon. Nakuha ko na ring matulog ng mahimbing. Ako kasi, hindi ako nakakatulog pag hindi sa sariling tahanan.


Pero alam mo, Leah, kahit saan naman kami manirahan, hindi naman nagbabago ang turing ni mama sa akin. Lagi pa ring mainit ang dugo niya sa akin na para bang hindi niya ako anak… na parang hindi niya ako tinuturing na pamilya niya… na parang hindi niya kaano-ano…


Merong isang araw na sinaktan ako ulit ni mama. Kumakain ako non, ka tatapos ko lang maglinis ng babuyan ni Tito Greg. Sobrang nagutom ako dahil hindi ko namalayan na pasado alas dose na pala. Nakakadalawang subo pa lang ako nang may kamay na sumampal sa kamay ko. Nahulog ang hawak kong kutsara at natapon ang aking isusubo pa lang na kanin. Galit na galit siya sa akin kasi daw late na daw akong kumain e kakatapos lang daw niyang magpunas ng lamesa.


Sasampalin pa sana niya ako ulitpero mabilis siyang pinigilan ni Tito Greg. Umiiyak ako nun habang pinatatahan ako ni tito pero hindi pa rin ako makakalma dahil kitang kita ko pa rin ang nakadilat na mata ni mama na nagsasabing, hindi pa kami tapos.


Kadalasan, sa kabilang kwarto lang ako tumatambay kapa wala na akong ginagawa at kung walang pasok ay dun ako nagkukulong. Iwas na iwas talaga ako sa maiinit na mata ni mama. Alam ko na nun na sobra siyang nagpipigil kapag nariyan si tito Greg dahil lagi ako nitong prinoprotektahan at pinagtatanggol sakanya.


Rinig na rinig ko nga kung paano pagsabihan ni Tito si mama na wag na raw niya akong sasaktan. Sobrang thankful ako nun kay Tito Greg dahil sa pag aakalang siya ang savior ko. Well, sa mga oras na yon siya nga.

Dumaan ang ilang buwan, buwan nahindi ko namamalayan na naging taon… Grabe, nakayanan ko pa ring tumayo kahit na ganun nga kadalasang nangyayari between us ni mama. Ganun pa rin ang hindi magandang turing niya sa akin.


Makaraan ng tatlong taon, nagbuntis si mama at nalaman kongbabae ang kanyang dinadala. Sobrang tuwa ko nun dahil magkakaroon na nga ako ng kapatid. Iniimagine ko na nga nun kung paano ko siya aalagaan, turuan ng ABC… sabi ko pa nga magiipon ako ng pera para bilhan siya ng Barbie… alam mo yun, Leah? Yung sobrang excited talaga ako. Mahal ko na siya agad at kahit hindi pa siya ipinapanganak ay ipinangako ko na hinding hindi ko siya pababayaan…


Ngunit nang maipanganak si Kyla, buwan ng Oktubre nun , mas nakita ko ang kawalang puso ng aming ina. Wala pang isang buwan si Kyla, iniiwan na niya sa akin para alagaan. Oo Leah, wala pang isang buwan! E anong alam ko sa pag-aalaga sa baby na isang buwan pa lang? Masiyado pang fragile si Kyla at takot na takot akong magkamali the way I should carry her.


Kadalasan, magpapaalam na mamamalengke si mama pero utang na loob, Leah, meron bang magmamarket na aabutin ka ng isang araw? Gutom na gutom na ang kapatid ko at iyak ng iyak kakahintay kay mama. May mga araw din nawala akong choice kundi mag-absent na lang para may magbantay sa kapatid ko.


Hindi ko alam kung alam ba ito ni Tito Greg or sadyang nagbubulagbulagan lang siya. Ang estilo kasi ni mama, nagkukunwaring pagod kapag nanjan si Tito Greg. Kapag lalabas si tito Greg ng umaga, lalabas na rin si mama pagkaalis ni tito.


Nakakagalit at dito sa sitwasyong ito ko tuluyang kinamumuhian si mama dahil isa siyang pabayang ina. Ako na ang halos magpadede sa kapatid ko. Nakakaiyak at nakakagalit dahil nakikita ko kung paano niya ako trinato nung baby ako. Yung pinaggagagawa niya kay Kyla ay ganun din panigurado ang ginawa niya sa akin noon.


Malas namin dahil pinanganak kami sa mundo kung saan may isang malupit at walang kwentang ina. Hindi ko maiwasang itanong, of all people, bakit siya pa ang naging nanay namin? Ang unfair naman ng mundo, bakit ako pa? Bakit kelangang pati si Kyla kailangang maranasan ang ganito? Bakit, Leah? Bakit?

32 views0 comments

Recent Posts

See All